Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Written In Our Stars (OT)  (Read 58144 times)

erzo01

  • Guest
Written In Our Stars (OT)
« on: April 13, 2015, 09:01:13 PM »
EJS ‏@ericjohnsalut  23h
Ilan pa sa mga dapat abangan ngayong 2015 - #DobleKara #BukasPalad #HeavenKnows mula sa @DreamscapePH
« Last Edit: July 03, 2015, 11:56:47 PM by TFC Godfather »

erzo01

  • Guest
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #1 on: April 13, 2015, 09:05:38 PM »


dsweetbox
22 hours ago
#DsweetboxBlog : Upcoming Teleseryes from THE @dreamscapeph Team #BukasPalad - @onecocomartin

#SomeoneToWatchOverMe - @officialjuday & @iamrichardyap

#HeavenKnows - @celestinegonzaga & @piolo_pascual

#OnTheWingsOfLove - @jaye.wolf & @nadzlustre

#AndILoveYouSo - @juliabarretto @iminigopascual & milesocampo

#DobleKara - @montesjulia08

What #Teleserye Are most excited to see?
Teleserye
Minsan ikaw.
Madalas gawang dreamscape

#ToniGonzaga #PioloPascual #JudyAnnSantos #RichardYap #CocoMartin #JamesReid #NadineLustre #JuliaBarretto #InigoPascual #JuliaMontes #MilesOcampo #ABSCBN
#Greatness

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #2 on: April 16, 2015, 12:13:08 AM »
Feeling ko naman dito ay parang musical-serye sya na light. Hindi yung Hawak Kamay vibes basta about music sya. Parang music producer yung role ni Toni Gonzaga tapos musician naman yung role ni Piolo Pascual.

Autumn's Concerto, Nodame Cantabile, Winter Sonata type pero light lang.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #3 on: April 16, 2015, 01:06:40 PM »
Pa-merge na ito sa thread ni Toni. :)

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #4 on: April 16, 2015, 05:22:11 PM »
Eto nga yung sinasabi ni Toni. hehe.

Lahat ba ito isisiksik sa primetime? haha. Yung Doble Kara ni Julia pwedeng pang-KGold.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #5 on: July 03, 2015, 12:39:50 PM »
Ito kaya yung Written In Our Stars? Cast announcement daw mamayang 7pm.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #6 on: July 03, 2015, 01:16:41 PM »
11 New Kapamilya Shows for the Second Half of 2015

It’s the second half of the year. The leading TV network in the country, ABS-CBN brings you 11 new teleseryes which you will surely like it.

On The Wings of Love starring Kapamilya love team James Reid and Nadine Lustre, also known as JaDine. It’s about two Filipino workers who are forced to marry each other in order to stay in the United States. Dreamscape Entertainment Television produced the said romantic-comedy series. It will be directed by That Thing Called Tadhana director/writer Antoinette Jadaone, and Avel E. Sunpongco.

Julia Barretto, and Iñigo Pascual starred in another Dreamscape Entertainment-produced teleserye And I Love You So. They are currently shooting scenes for the new TV series.

A remake of 1997 Fernando Poe Jr. film, Ang Probinsyano which will topbill multi-awarded actor Coco Martin. Angeline Quinto, and Bela Padilla will be his leading ladies. The story is about Kardo, a provincial cop, who assumes the identity of his twin brother who was killed in a drug bust operation.

Newest celebrity couple, Erich Gonzales, and model/actor Daniel Matsunaga will sizzle their fans in the romantic-drama teleserye, Be My Lady.

In the upcoming show, Ningning,  former PBB Teen Edition finalist Beauty Gonzalez reunites with child star Jana Cassandra Agoncillo, whom both worked in the hit soap, Dream Dad.

Meanwhile, Doble Kara, an Erick C. Salud directed drama series which stars Julia Montes, Enchong Dee and Edgar de Guzman. They are currently on the casting process.

Then, Roxanne Guinoo, Jhong Hilario and John Estrada set to appear in Walang Iwanan which is currently shooting the said teleserye and directed by Jerome C. Pobocan.

For avid Piolo fans out there, he will be teaming up with Toni Gonzaga, along with Sam Milby in Heaven Knows.

And if you fond of the on-screen chemistry of Richard Gomez and Dawn Zulueta, they will appear in the upcoming series, Will Never Say Goodbye. It will be directed by award-winning director Jerry Lopez Sineneng.

Brand new drama series, All of Me starring JM de Guzman, Arron Villaflor, and former PBB: Teen Clash housemate Yen Santos. It will be directed by Dondon S. Santos.

And for Kim Ciu and Xian Lim fans, they will be having a new KimXi teleserye soon. We will give you updates about it!

http://www.lionheartv.net/2015/07/2nd-half-2015-abs-cbn-shows/

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20664
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #7 on: July 03, 2015, 08:37:08 PM »
Now called WRITTEN IN OUR STARS, with JOLINA!

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #8 on: July 03, 2015, 10:20:08 PM »
Now called WRITTEN IN OUR STARS, with JOLINA!
Sabi na nga ba eh. Buti may kasunod agad si Jolens dahil patapos na rin ang FDL. Sana naman walang may sakit sa story lalo si Jolens. Hehe. Sana naman medyo light drama ito. Dreamscape iwas muna sa KBP kahit minsan. lol In fairness medyo maayos naman si Direk Andoy. Haha.

Saan naman kaya isasama si Richard Yap habang shelved temporarily ang STWOM?
« Last Edit: July 03, 2015, 10:22:47 PM by docetrece »

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20664
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Heaven Knows (Dreamscape production)
« Reply #9 on: July 03, 2015, 10:35:14 PM »
Now called WRITTEN IN OUR STARS, with JOLINA!
Sabi na nga ba eh. Buti may kasunod agad si Jolens dahil patapos na rin ang FDL. Sana naman walang may sakit sa story lalo si Jolens. Hehe. Sana naman medyo light drama ito. Dreamscape iwas muna sa KBP kahit minsan. lol In fairness medyo maayos naman si Direk Andoy. Haha.

Saan naman kaya isasama si Richard Yap habang shelved temporarily ang STWOM?
Oo nga sana ibang type of material ito at DS pa naman...

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Written In Our Stars (OT)
« Reply #10 on: July 03, 2015, 11:56:11 PM »
Subforum created na.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

hanashima

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2444
    • View Profile
Re: Written In Our Stars (OT)
« Reply #11 on: July 04, 2015, 10:57:07 AM »
Love Square ata ang magaganap? or Music Theme? lahat sila kasi nakanta.

Piolo. Toni. Sam and Jolina.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20664
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Written In Our Stars (OT)
« Reply #12 on: July 04, 2015, 11:25:02 AM »
Love Square ata ang magaganap? or Music Theme? lahat sila kasi nakanta.

Piolo. Toni. Sam and Jolina.
ewan ko... sana naman some breath of fresh air from the usual Dreamscape formula.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Written In Our Stars (OT)
« Reply #13 on: July 05, 2015, 10:17:57 AM »
Sam may bagong nililigawan; Piolo gusto ng maraming anak
Jolina sinwerte uli sa ABS-CBN, pasok sa ’Written In Our Stars’
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Sunday, July 5th, 2015

SA kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama sa isang napakalaking teleserye ang reigning Box-Office King And Queen ng Philippine Cinema na sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Ang tinutukoy namin ay ang soap operang Written In Our Stars under Dreamscape Productions. Makakasama rin nila rito sina Sam Milby at Jolina Magdangal na todo ang pasasalamat sa ABS-CBN dahil hindi pa nga natatapos ang afternoon series niyang Flordeliza kasama sina Marvin Agustin at Desiree del Valle ay meron na agad siyang kasunod na assignment.

Nu’ng Biyernes ng gabi ay i-announce ng Dreamscape ang nasabing proyekto kung saan tinagurian ngang “dream cast” ang pagsasama-sama ng apat na Kapamilya stars.

Ang nagbabalik-Kapamilya namang si Andoy Ranay ang magiging direktor ng “Written In Our Stars” . Magsisilbi rin itong reunion project nina Sam at Toni na ilang beses na ring nagkasama sa pelikula.

At dahil nga sa teleseryeng ito, matatapos na rin ang mga tsismis na lilipat na ng network si Sam. Kung matatandaan, napabalitang hindi na raw ire-renew ng Dos ang kontrata ng aktor-singer kaya may isyung lilipat na siya sa GMA 7 or sa TV5.

Pero sabi nga ni Sam sa presscon ng Written In Our Stars, mananatili siyang Kapamilya. Ayon sa Dreamscape, kung nabitin kayo sa pelikulang “Starting Over Again” nina Piolo a Toni, ito na ang sagot sa request ng mga fans na muling pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto.

Para naman kay Jolens, isa rin itong dream project para sa kanya, hindi naman daw kasi niya inaasahan na mapapasama siya sa seryeng ito dahil umeere pa nga ang Flordeliza.

First time rin niyang makakasama sina Piolo, Sam at Toni sa isang teleserye na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pagmamahal at relasyon.

Katatapos lang ng story conference ng Written In The Stars nang humarap ang apat sa press kaya wala pa silang masyadong maikuwento tungkol sa tema ng programa pero anila, this new series is, “wholesome, family-oriented and full of moral values.” Magsisimula na ang taping ng Written In Our Stars sa July 28.

http://bandera.inquirer.net/96100/sam-may-bagong-nililigawan-piolo-gusto-ng-maraming-anak

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Written In Our Stars (OT)
« Reply #14 on: July 05, 2015, 10:24:04 AM »
Paistaran: Piolo, blessing kay Sam!
Si Sam, little bro ko yan! -- Piolo! Jolina, kilig-kiligan kay Piolo! Toni, work muna bago baby!

Pasabog nga ang inanunsiyo ng Dreamscape last Friday night, ito nga ‘yung project na ­Written In Our Stars, na first time na magsasama ang dalawang pinakamala­laki at pinakapoging artista ng ABS-CBN, sina Sam Milby at Piolo ­Pascual, at pati na rin nina Toni Gonzaga at Jolina Magdangal.

Ngayon pa lang, aware na sina Sam at Piolo na pagkukum­pa­rahin silang dalawa. Mula sa itsura nila, abs nila at galing sa acting, pagkukumparahin at hindi palalampasin ng mga manonood, lalo na ng mga makukulit na ­bashers.

“Hindi naman maiiwasan ‘yon, kahit kailan maku-compare ka talaga. You know, I always look up to my Kuya, si Piolo Pascual. Mas vete­ran actor na siya. Mas matagal na siya sa akin sa business. Mas marami na siyang nagawa.

“Ako naman, I think, marami akong ma­tututunan sa ­kanya. ­Working with him for the first time, ­blessing talaga para sa akin, ‘yung makasama ko siya sa trabaho,” sey lang ni Sam.

“Mag-usap tayo (Sam), mamaya, ha! Ha! Ha! Ha!” bungad na hirit ni Piolo kay Sam, na ­medyo naaliw sa tawag na Kuya sa kanya ni Sam.

“You know ever since he got out of PBB, naging kaibigan ko na siya, kasi ‘yung mana­ger niya, one of my bestfriends, si Erickson. Wala, eh.

I’ve seen him grow.

“So, parang he’s ­really my little bro. ­Little bro! Ha! Ha! Ha!

“Oo nga, eh, ganyan talaga tawag niya sa akin, Kuya. Bastos ‘yan, eh! Ha! Ha! Ha!” pabirong tsika naman ni Piolo.

Destiny naman ang tingin ni Jolina sa nangyayari sa career niya ngayon sa ABS-CBN. Hindi nga raw niya aka­lain na sa paglipat niya sa Dos, magkakaroon ng panibagong sigla ang kanyang career.

“Siguro timing din lahat, na ­nanganak na ako, ­naka-recover na ako, na puwede na kong mag-work out. Kasi pag CS, hindi naman puwede agad-agad. ­Timing lang talaga lahat, na bumalik nga ako dito sa ABS-CBN, tapos first show na binigay sa akin with Marvin (Agustin) na kumportableng-kumportable talaga ako.

“At itong second na teleserye ko, first time kong magtatrabaho sa Dreamscape, na dati nari­rinig ko lang. Nag-imagine ako na gusto ko silang maka-work. Ngayon na nangyayari lahat ito, in a way nau-overwhelm talaga ako.

“Kumbaga, ­lately napapansin ko, lalo na nu’ng dumating itong show na ito, sobrang thankful talaga ako at patuloy akong magiging thankful sa kanila. Sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ng ABS.

“Twelve years akong nawala sa kanila, at pagbalik ko, sobrang ipinaramdam nila sa akin na ganito, na more pa ta­laga. Kung meron pa si­gurong mas higit pa sa thankful o grateful, ‘yun na siguro ang puwede kong sabihin sa kanila.

“Happy ang kalooban ko, na itong susunod kong soap, sila ang katrabaho ko. Hindi ko talaga ini-expect na makakatrabaho ko sila Piolo, Toni at Sam,” sey naman ni Jolina.

Marami naman ang nagulat na agad-agad na balik-trabaho si Toni. Bukod sa PBB, heto at may teleserye nga agad, na alam naman ng lahat na pukpukan ang taping.

Hindi ba nagrerek­lamo si Direk Paul ­Soriano, na ang babaeng pinakasalan niya, parang nagpakasal din sa career niya?

“Napag-usapan naman namin ‘yon… ­Actually, nu’ng na-engaged na ako, sinabi ko na agad sa kanya na may commitment ako sa ABS.

Blessed lang talaga ako na ang partner ko, understanding.

“Siyempre dahil director siya, naiintindihan niya ang sistema ng industriya. Naiintindihan niya ‘yon. Kaya thankful ako sa kanya, kasi alam niya ang commitment ko sa trabaho.

“I think, it’s just a matter of pagba-balance lang ng time mo. And siguro, dapat mo lang i-assure ang partner mo na siya pa rin ang priority mo. Ganu’n lang naman. Lahat ng mga ginagawa ko ngayon, may permiso naman niya ‘yon.

“Kasi dati, nagpapaalam lang ako or nagdi-decide lang sa mga ginagawa ko, ang nanay ko. Ngayon, mas na-­realize ko na mas strict pala si Mommy Pinty. Mas masaya pala magpaalam sa asawa ko.

“Sa asawa ko, sasa­bihin ko lang, ‘O may gagawin akong soap…’ Sagot lang niya, ‘Okey.’ Eh, dati kay Mommy Pinty, ang daming ganito, ganyan. Mas strict pala talaga ang nanay ko.”

Eh, paano na ang pagkakaroon nila ng baby ni Direk Paul?

“Yes, ­napag-usapan na rin namin ang pagkakaroon ng anak. Pero, dahil nga sa commitment ko na ito, that I want to fulfill, ito ngang show na ito, na gusto ko talagang ibigay ang puso ko sa project na ito, napag-usapan namin na hindi muna.

“It will come, in time… In God’s time…” paliwanag ni Toni.

Going back sa tele­serye, ano ba ang fee­ling nina Jolina at Toni, na ang mga kapareha nila ngayon ay mga pinakaguwapong artista sa Pilipinas sa panahon ngayon?

“Alam mo, kahit si­guro ang tagal ko na ring artista, tapos kapag nakakapagtrabaho ako sa mga poging katulad nila, siyempre kinikilig pa rin ako. Wala namang masama roon, ‘di ba?”

“Ganu’n talaga, girls tayo. Aminin natin. Pero, ang nakakatuwa roon, kilala na namin sila at alam naming magagaling silang aktor. Pero ang nakaka­tuwa nga, ang popogi nila talaga.

“Pangit naman kung kiligin ako sa pangit. Masaya ako na nakatrabaho ko sila. First time kina Sam at Piolo sa soap. Happy ako na pogi sila,” sey ni Jolina.

“Hindi ba pogi si Marvin?” hirit ni Piolo kay Jolina.

“Wala akong sinabi, ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot naman ni Jolina.

Si Toni ay sanay na nga sa mga pogi. Pareho na niyang nakasama sina Sam at Piolo at ang mister niyang si Paul ay saksakan din ng pogi.

“Happy lang ako na hindi ko na kailangang mag-adjust. Si Sam ang first ka-love team ko. May history na kami together kaya wala nang adjustment.

“Si Piolo, malalim ang pinagsamahan namin sa movie na nagawa namin. Mas madali ka­ming magtrabaho ngayon.

“At dahil pareho nga silang guwapo, hindi na kailangang mag-effort na kiligin. Madali nang kiligin sa kanila, kasi nga ang popogi nila,” sey naman ni Toni.

Anyway, ang project nga na Written In Our Stars ang nagpapatunay na walang katotohanan ang mga tsika na lilipat na si Sam sa GMA 7, o tipong lalayas na siya sa ABS-CBN, dahil sa kawalan ng project.

“May mga talks na parang lilipat ako ng ibang channel. Dati ko pa alam itong project na ito, pero hindi ako puwedeng magsalita. At least ngayon, puwede ko nang i-announce na kasama ako sa project na ito.

“So, hindi nga totoo ‘yung aalis na raw ako. Marami namang offers ang ABS, medyo pinipili lang ang mga roles,” sey na lang ni Sam.

http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/paistaran/30701/paistaran-piolo-blessing-kay-sam-.html