Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Walang Iwanan (OT)  (Read 43231 times)

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #90 on: October 13, 2015, 09:48:10 PM »
Five things to know about Roxanne Guinoo and Jhong Hilario-starrer, Walang Iwanan
by James Patrick Anarcon posted on October 13, 2015


A heart-wrenching tale of five siblings will be seen on ABS-CBN’s new child-friendly teleserye, Walang Iwanan.

The new afternoon soap opera, which will air its pilot episode this October 19 on the Kapamilya Gold block, follows the story of Jose (played by Louise Abuel), who is tasked to take care of his siblings. They will be devastated to find out that their parents have gone missing and they only have each other to rely on.

Before ABS-CBN airs this teleserye, here are five things to know about Walang Iwanan. It will replace Nasaan Ka Nang Kailangan Kita that will end this Friday, October 16.

1. This serves as Roxanne Guinoo’s showbiz comeback.

After taking a long break in the biz, actress Roxanne Guinoo is back on television. This also serves as her comeback to her original mother network, ABS-CBN, where she started her career. She was last seen in the GMA-7 teleserye Pyra: Babaeng Apoy way back in 2013. She disclosed during Walang Iwanan’s press conference that she took a break in order to spend time with her two children.

The Star Circle Quest alumna pointed out, “Ito pong project na ito, hindi po ako nag-dalawang isip na tanggapin kasi po unang-una, yung tiwala ni direk sa akin, at yung kumpyansa sa sarili ko dito, ayoko naman pong mapahiya sa proyektong ito.”

In the teleserye, she plays Anita, the mother of the five child stars in the teleserye. She said about the role, “Challenge po para sa akin na tanggapin ang project kasi hindi po biro ang role ng isang magulang. And whether po maganda ang buhay mo o hindi, lahat dumadaan sa struggle.”

2. Jhong Hilario goes back to playing a kontrabida role.

Known for his evil role in the 2010 remake of Mara Clara, Jhong Hilario plays another kontrabida role in this teleserye. He plays Kamlon, Anita’s husband who will make her life and her son’s life from a previous relationship a living hell.

He admitted during the press conference that like Roxanne, he did not hesitate to accept another kontrabida role because of how the audience accepted his character Gary in Mara Clara before. “Maraming nagmumura sa akin sa Twitter, sa mall minumura ako ng mga matatanda, sa Facebook minumura ako.”

Aside from hosting It’s Showtime, his last teleserye was Little Champ aired in 2013 where he played a kind character.

3. The teleserye’s plot is based on a real-life story.

Walang Iwanan is based on the real-life story of Jose Bautista a.k.a. Mang Jose, whose life story was first featured in the drama anthology Maalaala Mo Kaya. According to business unit head Linggit Tan-Marasigan, she wanted to do a different kind of teleserye, and found Mang Jose’s story inspiring. However, she and director Jerome Pobocan clarified that they tweaked the story to make it more appealing for modern-day audiences.

The cast members also divulged that they only have two taping days left. They started taping a long time ago and already canned most of the episodes.

4. Louise and Raikko are working with three new child wonders.

Direk Jerome revealed during the press conference that one tweak that they did for the story of Mang Jose is to reduce the number of children from eight to five. The director pointed out it is already a challenge for them to work with a lot of kids on the set.

Louise Abuel, who was first known as the sidekick of Xyriel Manabat’s character in 100 Days To Heaven, was personally chosen by the production staff to play the role of big brother Jose. According to them, the 11-year-old boy is already ready to play lead to other child stars of his generation.

Raikko Mateo, better known as Honesto in the 2013 inspiring TV series Honesto, was also handpicked to play Michael, the youngest in the brood of five children because of his cuteness and kakulitan.

The other child stars Micko Laurente as the stubborn Boy, Karla Cruz as the only girl Maribel and Jon Michael as Criscencio went through screening and workshops before they were chosen to play their roles in Walang Iwanan.

5. Walang Iwanan uses an OPM classic as theme song.

Veering away from the usual melodramatic theme songs performed by power belters or balladeers, the teleserye uses APO Hiking Society's “Bawat Bata.” The theme song of the show was performed by the lead child stars.

Starting October 19, viewers can witness the journey of these five children who only have each other to rely on.

The characters of John Estrada and Beauty Gonzales also play vital roles in the children’s lives.

http://www.pep.ph/guide/tv/21012/five-things-to-know-about-roxanne-guinoo-and-jhong-hilario-starrer-walang-iwanan

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20840
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #91 on: October 13, 2015, 10:32:56 PM »
Based sa MMK: Tutong episode ni Bugoy ito.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #92 on: October 14, 2015, 09:46:59 AM »
suki na talaga si Jhong sa mga kontrabida roles. before sa Rounin as Venom then sa Mara Clara as Gary and now dito sa Walang Iwanan.

pero mabait naman yung character niya before sa Little Champ.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #93 on: October 14, 2015, 10:09:21 AM »
Jhong sasabak na rin sa politika, pinayuhan ni Kuya Kim
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Wednesday, October 14th, 2015

Isa ang TV host-actor-dancer na si Jhong Hilario sa mga celebrities na sasabak sa politika sa 2016, tatakbo pala itong councilor sa Makati City.

Nakausap namin si Jhong bago magsimula ang presscon ng bagong serye ng ABS-CBN na Walang Iwanan kung saan makakasama niya si Roxanne Guinoo ang mga pambatong Kapamilya child stars.

“Gusto kong ipagpatuloy ko kung ano ang nasimulan ng tatay ko na talaga namang wala akong masabi sa paglilingkod niya doon sa tao at sa Diyos kaya ‘yun ang gusto kong gawin din, ang ibalik sa mga kababayan natin sa Makati ang lahat ng blessings na dumating sa akin at sa aming pamilya” ani Jhong.

Ibig sabihin, nakahanda na siyang iwan ang kanyang showbiz career kapag nanalo siya? “Kung ano ang ibigay sa atin ng Diyos. Kung kailangan maglingkod ka na lang sa tao siguro kailangan mong i-give up pero sabi ko nga kung kaya namang pagsabayin na ‘yung politics (at showbiz) na hindi naapektuhan ‘yung bawat isa, okay lang naman.

“Kasi na-realize ko sabi ko si Tito Sotto nga senador nakakapag-Eat Bulaga pa, di ba? Ako councilor lang so bakit di ko kayang pagsabayin,” anang Showtime host.

Suportado raw ng mga kasamahan niya sa Showtime ang kanyang naging desisyon, “Kasi iba-iba rin naman ‘yung mga pananaw nila sa buhay at hindi mo kailangan pilitin kung ano ‘yung gusto nila so ganon din naman sila sa akin kung ano ang desisyon ko ginagalang nila ‘yun kasi may utak naman tayo, may sarili na tayong isip, alam naman natin kung ano ang tama o mali.”

Nagpasalamat din si Jhong sa kasamahan niya sa Showtime na si Kim Atienza na walang sawang nagbibigay sa kanya ng advice tungkol sa politika, “Si kuya Kim kasi naging politician din siya before.

Ang sabi niya lang sa akin na ‘Kasi alam mong maganda ‘yung ginagawa ng tatay mo di ba? Mahirap naman kung ibigay sa iba na hindi naman magagawa kung ano ‘yung mga nagawa ng tatay mo.’ Kaya sabi ko nga eh kung ako man ang tatakbo, kung ano ‘yung nasimulan ng tatay ko, ipagpapatuloy ko lang.”

Samantala, kontrabida na naman ang role ni Jhong sa Walang Iwanan. Siya ang gaganap na asawa ni Roxanne sa kuwento na magiging malupit dahil na rin sa batang isisilang ng kanyang misis na hindi nanggaling sa kanya.

Pahihirapan niya si Roxanne at ang anak nito sa lalaking nanloko sa kanya. Bibida sa Walang Iwanan ang mga Kapamilya child stars na sina Louise Abuel, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo at Karla Cruz na magpapasaya, magpapatawa at magpapaiyak sa mga manonood araw-araw.

Makakasama rin ng mga bata sa Walang Iwanan sina John Estrada, Beauty Gonzales and Nicco Manalo.


http://bandera.inquirer.net/105268/jhong-sasabak-na-rin-sa-politika-pinayuhan-ni-kuya-kim

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #94 on: October 14, 2015, 10:54:44 AM »
‘Walang Iwanan’ kukurot sa mga puso
ALFIE LORENZO

BIBIDA ang mga batang artista ng ABS-CBN na sina Louise Abuel, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo at Karla Cruz bagong panghapong handog na Walang Iwanan.


Susundan ng Walang Iwanan ang kuwento ni Jose (Louise Abuel, gumanap bilang ang batang ni Jake Cuenca sa Ikaw Lamang) na anak ni Anita (Roxanne Guinoo).


Ang ama-amahan ni Jose na si Kamlon (Jhong Hilario) ay hindi siya nabigyan kahit katiting na pagmamahal dahil siya ay bunga ng naunang relasyon ni Anita sa ibang lalaki.


Si Boy (Micko Laurente) ang panganay nina Anita at Kamlon. Tulad ng kanyang ama, hindi niya ito matanggap at lubos na pahihirapan niya ito kasama ang iba pa niyang mga tunay na kapatid na sina Criscencio (Jon Michael), Maribel (Karla Cruz), at Michael (Raikko Mateo).


Habang hindi siya kinikilala ng kanyang ama-amahan at patuloy siyang tinatalikuran ng kanyang mga kapatid, sa mga lola na lang niyang sina Ina at Ebe nakakatikim ng pagmamahal si Jose. Ang dalawang matanda ang nagpalaki sa kanya mula pagkabata at pinuno siya ng pagmamahal bilang paghahanda sa kanya sa pakikisama sa isang pamilya.


Iisa lang ang ninanais ni Jose... at ‘yun ay isang pamilyang tanggap siya at mamahalin siya.


Biglaan na lang mawawala ang mga magulang ng limang bata at kakailanganin nilang mamuhay nang umaasa sa isa’t isa. Pipilitin nina Jose at Boy na magkasundo para sa kapakanan ng kanilang mga nakababatang kapatid.


Makakasama rin ng mga bata sa Walang Iwanan sina John Estrada, Beauty Gonzales, and Nicco Manalo.

http://www.abante-tonite.com/issue/oct1415/showbiz_al.htm#.Vh3EDFOfeRM

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #95 on: October 14, 2015, 11:07:39 AM »
Roxanne willing makatrabaho ang ex na si Jake

Guess who is back as a Kapamilya?

Walang iba kundi si Roxanne Guinoo na produkto ng Star Circle Quest (SCQ) and, at one time the busiest among the Kapamilya young stars.

Now in her late 20s and mother to two children, ages six and three, respectively, muling magbabalik-telebisyon si Roxane sa bagong seryeng Walang Iwanan.

She has her non-showbiz husband’s permission to resume her showbiz career.

Inspired by a true-to-life story, which was dramatized in the drama anthology, Maalaala Mo Kaya, Walang Iwanan centers on the character of Jose, which child actor Louise Abuel plays, who brought up all his young siblings, when one day they just found their parents missing.

“It is a series which, I think, every parents should watch with their children. Marami silang va­lues na matututunan,” ani Roxanne.

Kasama rin sa cast sina Jhong Hilario and fellow child performers of Louise, Micko Laurente, Jon Michael, Raikko Mateo and Karla Cruz. Featured are John Estrada, Beauty Gonzales and Nicco Manalo.

Direction: Jerome Pobocan.

Sa naging panayam ni Boy Abunda in his late night talk show, Tonight With Boy Abunda, tinanong ni Boy kung papayag ba siyang makatrabaho si Jake Cuenca.

In showbiz, common knowledge na naging mag-sweetheart sina Jake at Roxanne at hindi kumbaga, mapayapa ang kanilang naging break-up.

Roxanne answered gamely: “Why not?’

Roxanne narrated to Boy, too, that she and Jake bumped into each other last Sunday, when they both guested in ASAP 20.

There were no words exchanged between them, basta niyakap daw siya ng mahigpit ni Jake. Na sinuklian din niya ng yakap.

And since alam daw ng kanyang asawa ang na­ging kahapon nila ni Jake, no explanations on her end was needed.

Well, good luck sa iyong comeback. Roxanne.

http://www.philstar.com/pang-movies/2015/10/14/1510438/marunong-maghinay-hinay-james-nadine-winner-kahit-di-magdyowa

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #96 on: October 14, 2015, 09:51:23 PM »
Walang Iwanan showpage: walangiwanan.abs-cbn.com

About

Lumaki si Jose malayo sa kanyang mga ina, ama at mga kapatid. Kasama ang kanyang dalawang lola na sina Ina at Ebe, alam ni Jose na tinalaga siya ng pamilyang alagaan ang dalawang matanda na kumupkop sa kanyang inang si Anita. Hindi alam ni Jose ang masalimuot na katotohanan kaya siya malayo sa kanyang tunay na pamilya. Si Jose kasi ay anak ni Anita sa ibang lalaki. Pero dahil sa simpleng pangarap ni Anita na magkaroon ng buong pamilya ang kanyang anak, ay pinili niyang magpakasal kay Kamlon, sa pangakong tatratuhin niyang tunay na anak si Jose. Subalit hindi tumupad sa pinangako niya si Kamlon at itatatwa si Jose. Dahil sa desperasyon na itama ang nagawang pagkakamali, ay ipauubaya na lang ni Anita si Jose kina Lola Ina at Lola Ebe.

Masaya, masunurin, at magalang lumaki si Jose. Hindi niya minsan kinuwestiyon ang kanyang pagkalayo sa pamilya, bagkus inaalala pa niya at nanabik makasama rin sila balang araw.  Kuntento at maligaya si Jose sa piling ng kanyang mga lola, hanggang sa mamatay pareho silang sumakabilang buhay. Masasadlak si Jose pero dahil sa mga leksyon na tinuro ng dalawa niyang lola ay matutunan pa rin niyang maging positibo sa buhay, sa piling ng pamilyang hindi pa nakikilala. Nang ipakilala ni Anita si Jose sa kanyang mga kapatid na sina Boy, Maribel, at Michael, ay pare-pareho silang naiilang sa kanya. Makikisama si Jose sa kanyang mga kapatid, pero mahihirapan siya mapalapit sa kanila dahil kay Boy, na galit sa kanya. Hindi nagtagal ay naging sanhi ng away si Jose nina Kamlon at Anita.

Isang araw ay gigising na lang ang mga bata na walang magigisnang ama at ina. Dahil sa takot na dalhin sila sa bahay-ampunan at magkahiwa-hiwalay ang magkakapatid ay hahanapin nina Jose at Boy ang amo ng kanilang ama na si Dado.  Mapupunta sina Jose at ang kanyang mga kapatid sa lugar nila Dado kung saan makikilala nila ang mga bagong kaibigan na sina Jane, Sarge, at iba pa; na magsisilbing gabay nila habang hinahanap at hinihintay nilang muling mabuo ang kanilang pamilya.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #97 on: October 15, 2015, 01:34:28 PM »
Roxanne hindi na magpapaseksi sa proyekto

Balik-Kapamilya na si Roxanne Guinoo dahil kabilang ang aktres sa teleseryeng Walang Iwanan. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ng aktres sa muli niyang paggawa ng serye. “Masaya and excited and siyempre proud kami sa project na ‘to, dahil alam namin na mamahalin ng viewers. Kasi realeserye talaga siya. First time gumawa ng ABS-CBN ng nangyari sa totong buhay,” bungad ni Roxanne.

Matatandaang pansamantalang iniwan ng aktres ang show business mula nang mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak. “Eldest ko po 5 years old na. ‘Yung second ko boy, turning 3. Matagal din po talagang napahinga kasi kailangan talaga ang involvement ng parents sa mga anak eh. ‘Yung time na maliliit sila, dinedicate ko ‘yung panahon na ‘yun para ako ‘yung tumutok sa mga anak ko,” paliwanag ni Roxanne.

Hindi raw pinipigilan ng asawa ng aktres ang kanyang pag-aartista at sa halip ay suportado siya ng kanyang mister. Hindi na rin magpapaseksi si Roxanne sa kanyang mga gagawing proyekto. “Hindi naman siya kontra sa ginagawa ko at kami naman everything na gagawin pinag-uusapan naming dalawa.

“’Yung mga maseselang eksena hindi na for me ‘yun eh. Ibigay na natin sa iba kasi may mga anak na ako. Ang gusto kong mapanood ng anak ko ‘yung walang bahid ng kung ano,” pagtatapos ng aktres.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/10/15/1510787/daniel-pumiyok-na-sa-kumpetisyon-nila-ni-james-reid

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #98 on: October 20, 2015, 06:35:45 PM »
How did Rowell and Anita end up with a kid? Bad editing, where was anything that showed they were intimate besides just a table date?
« Last Edit: October 20, 2015, 06:41:53 PM by TFC Godfather »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20840
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #99 on: October 20, 2015, 08:44:31 PM »
How did Rowell and Anita end up with a kid? Bad editing, where was anything that showed they were intimate besides just a table date?
hindi lang pinakita?

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #100 on: October 20, 2015, 11:18:33 PM »
How did Rowell and Anita end up with a kid? Bad editing, where was anything that showed they were intimate besides just a table date?
hindi lang pinakita?
There was nothing, a table date and it cuts to another scene with her vomiting? I was like... wtf just happened. Immaculate Concepcion? Nothing that implied they had sex/love.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

tweety001

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #101 on: October 21, 2015, 07:50:32 AM »
Bakit nawala name ni Beauty sa start ng thread? D ba, isa sya sa mga bida at nasa opening credits sya sa palabas?  Anyway, excited na akong lalabas si Jane! Pero cguro matagal pa mangyari.

Request ko... Sana may guestings din sya like noon sa Ningning. Na-miss ko sya makita sa live tv! Sana guest din sya sa Tonight w/ Boy A...

tweety001

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #102 on: October 21, 2015, 08:31:31 AM »
I prefer this to be on primetime. Sana ilipat right after tv patrol. Child-friendly kasi yung timeslot na yun! This is just my opinion.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #103 on: October 21, 2015, 12:56:51 PM »
I prefer this to be on primetime. Sana ilipat right after tv patrol. Child-friendly kasi yung timeslot na yun! This is just my opinion.
i think malabong malagay to after TVP. dahil kadalasan sa mga teleseryeng pinagbibidahan ni Coco eh nalalagay either 1st or 2nd slot ng PTB. pero they say na nalagay na rin sa 3rd slot ang teleserye ni Coco at yun ay MLKI.

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Walang Iwanan (OT)
« Reply #104 on: October 22, 2015, 08:29:18 PM »
First Three Episodes :)

Walang Iwanan: Pilot Episode https://youtu.be/EykOHqrQNx8
Walang Iwanan: Baby Jose https://youtu.be/Zjx1L44paBk
Walang Iwanan: Longing for love https://youtu.be/kkOea0brCDo

(c) ABS-CBN Entertainment