Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Take Life (OT)  (Read 541 times)

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2465
    • View Profile
Take Life (OT)
« on: October 12, 2018, 05:00:52 PM »
Talk about Gerald Anderson's action teleserye under GMO Unit here.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20248
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Take Life (OT)
« Reply #1 on: October 22, 2018, 01:35:21 PM »
Angel Locsin at Gerald Anderson, katuwang ang AFP sa mga bagong proyekto
ABS-CBN News
Posted at Oct 10 2018 04:23 PM

MAYNILA — Personal na dumalo ang mga Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Angel Locsin para sa pagpirma ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ABS-CBN nitong Miyerkoles ng umaga.

https://twitter.com/ABSCBNNews/status/1049850715861004290

Ang memorandum na nilagdaan ng AFP at ABS-CBN ay para sa mga paghahanda na gagawin sa dalawang bagong teleserye ng Kapamilya network na "The General’s Daughter" ni Angel Locsin at "Take Life" ni Gerald Anderson.

"Sobrang happy dahil nakuha po namin ang full support ng AFP para supprtahan tayo sa 'Take Life' at 'The General's Daughter,'" ani Gerald sa ABS-CBN News.

"This is an agreement between ABS-CBN and AFP para mabigyan natin sila ng maganda at mas totoong kuwento," dagdag pa ng aktor.

Tulad ni Gerald, "sobrang happy" rin ni Angel dahil sa suporta ng AFP.

'Siyempre yung tiwala na ibinigay ng AFP sa ABS-CBN malaking bagay ‘yun,' sabi ni Angel.

Dahil sasabak sa pisikal na training, sinigurado din ng aktres na ligtas ang kanyang mga gagawing eksena para sa "The General’s Daughter."

“Lahat naman ng ginagawa namin is risky pero mga professionals ang mga nag-guide sa ’tin. Hindi naman din tayo pinapabayaan. Actually sila pa ‘yung stop ng stop sa ’kin pero 'pag kaya ko, go ako,” pahayag pa ni Angel.

Sa ngayon, patuloy ang shooting ng mga inaabangan na Kapamilya teleserye.

https://news.abs-cbn.com/entertainment/10/10/18/angel-locsin-at-gerald-anderson-katuwang-ang-afp-sa-mga-bagong-proyekto