Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Sharon Cuneta's upcoming teleserye  (Read 12898 times)

erzo01

  • Guest
Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« on: March 09, 2015, 11:05:34 PM »
Sharon Cuneta looks forward to her first teleserye in ABS-CBN; willing to work with KC, Gabby, and even Piolo
by Nerisa Almo
posted on March 9, 2015

Sa pagbabalik ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN, umaasa siyang makakagawa na siya ng teleserye rito sa unang pagkakataon.

Sa loob ng 23 taong pamamalagi niya noon sa Kapamilya network, hindi pa siya nakagawa ng teleserye rito.

Subalit noong nasa TV5 siya, nagawa niya ang family drama na Madam Chairman.

“I see myself doing a teleserye, yes. I see myself doing a teleserye later. I think they're still being fixed,” sabi ng Megastar sa press conference na inihanda ng ABS-CBN para sa kanyang pagbabalik sa network.

Ginanap ito ngayong hapon, March 9, sa ABS-CBN compound.

Ipinauubaya na raw ni Sharon sa network executives ang tungkol sa proyektong ito.

“At this point, I'm in the best hands I've ever been in.

“I am in the hands of people who care for me.

“Of course, everyone, including me, is concerned about the ratings.

“But to be in the hands of people you have worked with before, you are sure that they love you not just as an actress, but are actually really concerned about you.

“I'm very happy for this opportunity. I'm just happy to be back.”

Dagdag pa niya, “Everything else that comes in my way, I know, will be well thought of, will be as ready as anything before it's presented to me.

“I'm excited to be doing so many other things.

"I wanna do acting, singing, whatever else I haven't done on TV.

“Remember, I still haven't done a drama series. That is my thing.”

“WORKING WITH ANYONE.” Kahit kanino raw ay handa siyang makipagtrabaho ngayon.

Biro nga ni Sharon, “Lahat sila welcome. Gusto ko lang ipaalam na kung hindi po natuloy, sila ang umayaw!”

Kabilang ba rito ang kanyang anak na si KC Concepcion at dating asawa na si Gabby Concepcion?

Sagot ng Megastar, “You know, at this point, I feel like I'm open to anything.

"I'm open to work with anyone, with KC, former leading men, ex-husband."

Gayunman, aniya, “At this point, I'm very open to anything.

"But I think, for my first teleserye, I'm not so excited for a loveteam muna or something with my daughter.

“Parang it will all come later, parang let's try to come back muna.”

Kabilang din sa natanong kay Sharon ay ang posibleng pakikipagtrabaho niya kay Piolo Pascual, isa sa top leading men ng ABS-CBN at ex-boyfriend ng anak niyang si KC.

Hindi raw ito problema sa kanya, subalit agad nilinaw ng actress/singer/TV host: “Noong tinanong sa akin, siyempre I said happy ako, kasi I've been humbled.

“Everything is in the past. Hindi lang naman siya ang nasaktan, kami rin naman.

“I hope na when you write about it, yung neutral.

“Ayaw kong may mag-accuse sa akin na nanggagamit ako kasi tinanong lang naman ako.”

Diin pa niya sa huli, “I just like to say that I'm open to working with anyone.”

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #1 on: March 10, 2015, 01:44:33 PM »
Gabby reacts to Sharon's return to ABS-CBN

ABS-CBNnews.com
Posted at 03/10/2015 11:44 AM | Updated as of 03/10/2015 11:47 AM

MANILA – Now that Sharon Cuneta has returned to ABS-CBN, actor Gabby Concepcion said he is looking forward to doing a reunion project with his ex-wife.

In an interview with ABS-CBN News on Monday night, Concepcion said he is happy that Cuneta has finally inked a deal to return to the Kapamilya network.

“Actually naririnig ko na 'yun eh. I’m looking forward kung meron kaming project,” said Concepcion, who stars in the box-office hit "Crazy Beautiful You."

During Cuneta’s press conference on Monday morning, she joked that if she gets offered a project with Concepcion and it does not push through, she should not be blamed.

Concepcion assured he will never say no to a reunion project with Cuneta.

“Hindi pwede [na tumanggi ako] kasi matagal ko na gustong sana gumawa kami ng project ulit dahil 'yung mga fans namin, ang daming nagsasabi na sana gumawa na kami ng project. Kaya nga ako umuwi galing America,” he said.

“Maybe we are waiting really for the right time," he continued. "Marami talagang nagre-request din. Maraming dumadalaw pa rin sa bahay, nagtatanong kung kailan daw sila makakapanood ulit sila ng movie namin. I’m open to anything.”

Cuneta returned to ABS-CBN on Monday after leaving the No. 3 network TV5 last year.

Her first project in the Kapamilya network will be celebrity competition “Your Face Sounds Familiar” where she will be a part of the jury along with singers Gary Valenciano and Jed Madela.

hanashima

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2444
    • View Profile
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #2 on: March 10, 2015, 09:27:22 PM »
Bring back ALTA!

tapos pabalikin na din si Claudine!

then Juday-Gretchen-Sharon-Claudine serye!

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #3 on: March 10, 2015, 10:31:29 PM »
DISCLAIMER: The highlighted sentence below should be taken with a grain of salt. :P

Sharon Cuneta Returns to ABS-CBN
MAR 10, 2015
by ADMIN
in UNCATEGORIZED

Sharon Cuneta is officially a Kapamilya once again. On Monday, March 9, the Megastar returns to ABS-CBN to sign a contract with the network for her stint as one of the jurors for the upcoming show, Your Face Sounds Familiar, alongside Gary Valenciano and Jed Madela.

“Thank you for welcoming me home, where my heart never left,” an emotional Megastar told members of the media during a press conference held shortly after the contract signing.

In November 2011, Sharon left ABS-CBN for TV5, where she reportedly signed a five-year contract rumored to be worth one billion pesos. Last year, the acclaimed singer-actress took to her social media accounts to announce that she was no longer connected with the Kapatid Network, more than two years ahead of the original contract period. She only did three TV shows for TV5.
 
Your Face Sounds Familiar will start airing on Saturday, March 14. It is a local adaptation of the Spanish reality television show of the same name where celebrity contestants impersonate iconic singers. The show is hosted by Billy Crawford and will feature Jay R, Edgar Allan Guzman, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Maxene Magalona, Tutti Caringal, Jolina Magdangal and Nyoy Volante as contestants.

Apart from Your Face Sounds Familiar, Cuneta is also rumored to star in an upcoming Kapamilya drama series with Lorna Tolentino, John Lloyd Cruz and her ex-husband Gabby Concepcion. If true, it will be the Megastar’s first ever teleserye.

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #4 on: March 10, 2015, 10:32:29 PM »
Sharon and Lorna were sisters in the 1980's film Nakagapos na Puso.

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #5 on: March 11, 2015, 09:59:16 AM »
Pasasabugin ang mga isyu sa pagitan ng dalawang reyna
Kaya dedma lang…Kris imbiyerna sa pagbabalik ni Mega sa ABS-CBN?
By Alex Brosas
Bandera
2:00 am | Wednesday, March 11th, 2015

Sharon Cuneta is so back sa ABS-CBN. She’s all over the network pages – sa news, sa TV, sa website.

Many have been waiting for her return as a Kapamilya. In fairness, she exuded class and sophistication when she was formally welcomed by network biggies.

And did we hear it right na open na si Sharon to do a soap opera? Na open rin siya sa pakikipagtrabaho with Piolo Pascual whom she was once very much against about lalo na nang maghiwalay sila ni KC Concepcion?

Three years nawala si Sharon sa Dos and her little exposure with TV5 didn’t get her anything significant to boast about.
Now that she’s back, tila mabubuhay muli ang rivalry nila ni Kris Aquino who reportedly was one of the reasons why she left the network.

Totoo nga bang hindi masaya si Kris sa pagbabalik ni Sharon?  “Now that Sharon’s back where she truly belong, will she get what she left behind? Will the plasticada Tetay Aquino give way?” asked @dudeinterrupted.

“I wonder what Tetay Aquino has to say about the comeback queen Sharon Cuneta. Remember their Twitter brouhaha?!” he adds.
Let’s wait kung papayag si Kris na mag-guest sa morning show niya, kapag hindi natin napanood si Mega sa Kris TV very soon, ibig sabihin, may something pa rin sila against each other.

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #6 on: March 11, 2015, 10:00:28 AM »
Hiling sa ABS-CBN: Pagsamahin sa serye sina Sharon at Sarah
Mega handa nang makipagbalikan kay Gabby
By Ambet Nabus
Bandera
2:00 am | Wednesday, March 11th, 2015

BIG news talaga ang pagbabalik Kapamilya ni Megastar Sharon Cuneta.

Mas marami ang natuwa at positibong tinanggap ang desisyon ni Sharon na magbalik sa original niyang tahanan, sa katunayan, wala kaming nabasang kanegahan sa hakbang ni Mega.

“Nagbakasyon lang,” ang sambit ni Sharon sa mga nagtanong kung paano niya ilalarawan ang kanyang pagkawala sa ABS-CBN.

What we really admire from Sharon is her honest way of explaining things na kahit pa nga kilo-kilometro itong magsalita at palaging nakabungisngis ay napakasarap pa ring pakinggan dahil masaya lang ang emote niya.

Before pa man namin hinangaan ang pagiging bungisngis ni Sarah Geronimo, original na sa amin si Mega sa aspetong yun.
Napakagaling niyang dramatic actress (siya talaga ang matatawag na last surviving movie queen ng movie industry) and yet kung humataw na siya ng pagtawa, wagas na wagas talaga!

At muli nga naming  narinig ‘yan sa “mega comeback” presscon niya nu’ng Lunes ng hapon, iyan ay sa kabila nga ng mga pinagdaraanan niyang problema sa kanyang personal life.

Kaya nga nu’ng itanong namin kay Sharon kung sa anu-anong kanta niya maaaring ikunek ang mga naranasan niya sa buhay at sa kanyang showbiz career karir, ang kanyang mabilis na sagot, “The Greatest Love of All.”

Dahil aniya, “It sums up everything na meron ako today. At this very point of my life. Paano ka nga namang mag-spread and share love sa iba kung hindi mo matutunang mahalin ang sarili mo, tulad nga ng lyrics ng kanta, di ba?”

“Naranasan ko na rin ang ‘Bituing Walang Ningning’,” dagdag pa ni Sharon na for us is her humblest way of saying na talagang kahit sa super sikat na artista ay dumarating pa rin ang panahong nawawalan din ng ningning ang iyong bituin.

“Yung ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, galing na din ako,” huling hirit ni Mega sa aming tanong. Anyway, magiging bahagi bilang juror si Sharon (kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela) sa inaabangang Your Face Sounds Familiar, ang reality-based singing contest na lalahukan ng eight celebrities na magta-transform bilang isang music icon na kanilang gagayahin from head to foot, not just the voice.

“This is really exciting at kahit ako ay hindi ko ma-imagine ang mga puwedeng gawin ng contestants,” sey pa ni mega na nagsabi ring sa kanyang pagbabalik-ABS ay matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng teleserye at open siya sa lahat ng posibleng itambal sa kanya, bagets man o dati niyang ka-loveteam, kabilang na ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion.

“I see myself doing a teleserye here. But at this point, I am in the best hands I’ve ever been. I’m in the hands of people who care for me and love me. I’m open to anything, me and KC, me and other leading men, former leading men, exes, ex-husband.

Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kapag wala kaming naging project (ni Gabby), siya ang may ayaw. At this point, I’m very very open to it,” ani Mega.

Meron ding nagsabi na pagsamahin sila ng nag-iisang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa isang proyekto dahil tiyak daw na papatok ‘yun.

Welcome home Sharon my dear!

erzo01

  • Guest
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #7 on: March 11, 2015, 04:13:31 PM »
Coco hopes to star in a soap with Sharon

By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNnews.com
Posted at 03/11/2015 12:14 PM

MANILA -- Among the ABS-CBN actors who is excited about the return of Sharon Cuneta to the Kapamilya network is award-winning actor Coco Martin.

In a press conference on Tuesday for the upcoming "Wansapanataym Presents: Yamishita's Treasures," Martin said he hopes to work with Cuneta, having already starred with showbiz veterans like Nora Aunor, Eddie Garcia and Susan Roces in the past.

"Pangarap ko po siyang makatrabaho, lalo na sa isang soap opera kasi at least mas mahabaan 'yung pagta-trabahuan namin," Martin said. "Kasi nung nakatrabaho ko si Ate Guy (Aunor) sa isang pelikula, nabitin ako, kasi doon pa lang lumalim nang lumalim yung pagsasamahan namin."

"Ang sarap ng pakiramdam na parang ang dami-dami kong natututunan at ang dami-daming i-shini-share sa akin," he added.

On Monday, Cuneta signed a contract to mark her return to ABS-CBN. Her first assignment is to sit as one of the judges in the celebrity competition "Your Face Sounds Familiar," which will make its debut this weekend.

Apart from Cuneta, Martin also dreams of working with another showbiz veteran.

"Si Vilma Santos, gustong gusto ko pong makatrabaho. So habang may pagkakataon, sana ay matupad ko 'yon dahil isa 'yon sa pinapangarap ko," Martin said.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23602
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Sharon Cuneta's upcoming teleserye
« Reply #8 on: March 15, 2015, 08:15:28 AM »
DISCLAIMER: The highlighted sentence below should be taken with a grain of salt. :P

Sharon Cuneta Returns to ABS-CBN
MAR 10, 2015
by ADMIN
in UNCATEGORIZED

Sharon Cuneta is officially a Kapamilya once again. On Monday, March 9, the Megastar returns to ABS-CBN to sign a contract with the network for her stint as one of the jurors for the upcoming show, Your Face Sounds Familiar, alongside Gary Valenciano and Jed Madela.

“Thank you for welcoming me home, where my heart never left,” an emotional Megastar told members of the media during a press conference held shortly after the contract signing.

In November 2011, Sharon left ABS-CBN for TV5, where she reportedly signed a five-year contract rumored to be worth one billion pesos. Last year, the acclaimed singer-actress took to her social media accounts to announce that she was no longer connected with the Kapatid Network, more than two years ahead of the original contract period. She only did three TV shows for TV5.
 
Your Face Sounds Familiar will start airing on Saturday, March 14. It is a local adaptation of the Spanish reality television show of the same name where celebrity contestants impersonate iconic singers. The show is hosted by Billy Crawford and will feature Jay R, Edgar Allan Guzman, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Maxene Magalona, Tutti Caringal, Jolina Magdangal and Nyoy Volante as contestants.

Apart from Your Face Sounds Familiar, Cuneta is also rumored to star in an upcoming Kapamilya drama series with Lorna Tolentino, John Lloyd Cruz and her ex-husband Gabby Concepcion. If true, it will be the Megastar’s first ever teleserye.
Highly doubt LT could be in a Kapamilya teleserye right now. Why not with Cherry Gil again, lol. Add KC if Gabby will be part of it. Lloydy, wow.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||