Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Kimerald Balik Tambalan  (Read 3832 times)

kyupayb

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 550
    • View Profile
Kimerald Balik Tambalan
« on: October 15, 2014, 01:46:32 AM »
Kim Chiu at Gerald Anderson balik tambalan sa isang teleserye, Kimerald Loveteam muling bubuhayin?!


Totoo kaya na muling bubuhayin sa 2015 ng kapamilya network ang tambalang inyong kinakikiligan noon na Kimerald dahil maraming fans parin ang umaasa sa balik tambalan nila.

Dahil sa kakaibang kilig ang dala nila Kim Chiu at Gerald Anderson talaga naman patok na patok ang kanilang mga proyekto mapa teleserye man o pelikula.

Mukhang pinaplantsa na ang proyektong pagsasamahan nila dahil mismong male staff ng isang show sa ABS-CBN ang nagsabi na magkakaroon ng teleserye ang Kimerald.

Siguradong maraming magwawala nito lalo na ang KimXi Loveteam dahil ayaw nila na magbalik tambalan ang dalawa, ngayon pa lang nga maraming negative feedbacks ang natatanggap sa isang sikat na forum sa balitang magtatambal ang dalawa.

Kung meron naman magwawala hindi din mawawala ang magbunyi sakaling matuloy ang proyektong pagsasamahan nila Gerald Anderson at Kim Chiu.

Marami din ang nagrerequest na isama si Maja Salvador sa proyektong ito dahil sey nila ito na ang panahon para magsama muli ang mag bestfriend na sina Kim at Maja sa isang bigating teleserye, abangan na lang natin sa mga susunod na araw kung may pagbabago sa balitang ito.

hanashima

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2444
    • View Profile
Re: Kimerald Balik Tambalan
« Reply #1 on: November 09, 2014, 05:37:21 PM »
sana Rom-Com! or Horror serye or fashion serye.

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1946
    • View Profile
Re: Kimerald Balik Tambalan
« Reply #2 on: March 23, 2018, 03:32:28 PM »
They already have IKAW LANG ANG IIBIGIN with the trio Kim-Gerald-Jake in 2017.
Unfortunately, it was a very idiotic and dumb decision by the management na nilagay nga ito sa Umaga, but at least nagtagal ito ng 9 months.