ABS-CBN Forums

Kapamilya Teleseryes => Shelved Teleseryes => Teleserye Archives => Inday, Inday Sa Balitaw => Topic started by: josejoshua on June 28, 2014, 05:44:53 PM

Title: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: josejoshua on June 28, 2014, 05:44:53 PM
Wenn Deramas on Praybeyt Benjamin 2: "Wag silang makasabi na basura kami..."
By Melba Llanera
06/27/14 04:59 pm
Pasok sa walong entries sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival ang Praybeyt Benjamin 2. Pinagbibidahan
ni Vice Ganda ang naturang comedy film na nasa ilalim ng panulat at direksyon ni Direk Wenn Deramas.
(To view list of other MMFF entries, CLICK HERE )
Ang Praybeyt Benjamin 1 ang nagluklok kay Vice Ganda bilang Phenomenal Box Office Star at  kay Direk Wenn
Deramas bilang Box Office Director sa 2012 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards Night.
Ito rin ang tinuturing na highest grossing Filipino film of all time hangga’t sa nadaig ito ng Sisterakas sa 2012
Metro Manila Film Festival.
Sa interview ng PEP.ph kay Direk Wenn, nagbigay pahayag ang Box Office Director na inasahan naman niya na
papasok talaga ang Praybeyt Benjamin 2 sa 40th edition ng MMFF sa kabila ng pambabatikos ng ilang tao na
"basura" daw ang mga nasaling pelikula sa taon na ito.
“Ako siyempre di sa ano pa man nage-expect talaga ako kasi base naman sa naging pamantayan ng MMFF, lagi
na ang film fest ang mga pelikula dito ay may espiritu ng Kapaskuhan.
"Ibig sabihin Pasko manonood ka, kasama mo ang buong pamilya mo, tatawa tayo, masaya tayo. Hindi ko
sinasabing hindi pang-MMFF yung ibang pelikula na hindi napasama. Ibabagay natin talaga sa okasyon yung
sasalihan natin. Hindi natin sinasabi na hindi tama yung pelikula nila kaya lang sinasabi ko, mas masarap
manood sa Araw ng Kapaskuhan ng mga pelikulang pampamilya.
“Mas mahirap ngang i-judge yun kasi yung merito ng pelikula ay hindi nawawala at alam ko rin ‘yan na nasa
criteria ng judging ng mga pelikulang ito na hindi nawawala yung form of entertainment. Kung yung papanoorin
mo pala ay parang yung nangyayari sa labas ng bahay mo, e, di lumabas ka na lang, libre ka pa, nakatipid ka pa
ng 250 pesos.
“Kaya nga 'wag silang makasabi na basura kami kasi ang basura tinatapon, yung mga ginagawa namin
tinatangkilik, sino ba ang pumasok? Kasi nakakabasa tayo, puro Part 2 na lang, sobra naman sila, milyones ang
ginagastos namin dito. Hindi naman namin ito, especially sa trabaho naming ito, hindi rin kami magpabaya kasi
may mga nauna na kaming ginawa na alam namin na pinapasok ng tao at hindi namin puwedeng pabayaan yun
dahil alam namin kung ano ang gusto ng tao.”
Ang hinuhulaan na maaring mahigpit na makalaban ng Praybeyt Benjamin sa takilya ay ang Feng Shui 2 ni Kris
Aquino at ang My Bossing’s Adventures na pagbibidahan naman ni Vic Sotto. Para kay Direk Wenn ay welcome sa
kanya ang kumpetisyon lalo’t alam niya na ang intention nilang lahat na sumali ay para makapagbigay saya sa
mga manonood.
“Siyempre i-welcome natin kasi pare-pareho naman ang adhikain naman namin nila Vic Sotto, Kris Aquino na
magbigay ng isang masayang pelikula sa araw ng Kapaskuhan. Nagkakasundo kami pare-pareho kaya sinasabi
nila hayan na naman, simply because naiintindihan namin yung sinasalihan namin. Alam namin kung ano ang
hinahanap ng filmfest na ito.
“Hindi namin sinasabi na hindi welcome yung mga hindi nakapasok, welcome sila pero again, alam natin kung
ano ang damit na susuotin natin sa isang party na pupuntahan natin, nasa okasyon.”
Kasama sa Praybeyt Benjamin 2 sina Bimby (ang bunsong anak ni Kris Aquino) at Richard Yap. Noon pa man ay
kinakikitaan na talaga ni Direk Wenn ng husay sa pagpapatawa si Bimby.
“Si Bimby, si Richard Yap and yung original cast. Alam mo natutuwa ako kasi Sisterakas pa lang, laging
pumupunta si  Bimby sa set namin tapos nakakapagkuwentuhan kami, niloloko ko pa nga ‘yan na magpalit kami
ng tubig na iniinom namin kasi mamahalin yung tubig niya. Mabait na bata, very polite, magkakasundo kami saka
innate sa kanya, saka may ano talaga siya sa comedy, nakakatuwa siya. Saka yung charm, namana niya sa lahat
ng Aquino ang charm na ‘yan.”
Sabay na tinatapos ngayon ni Direk Wenn ang mga pelikulang Moron 5.2 at Maria Leonora Teresa na isa namang
horror movie. Sa Moron 5.2 napalitan lamang si Martin Escudero pero nanatili pa rin sa cast si DJ Durano sa
kabila ng nauwi sa break up ang isang dekada rin nilang relasyon ng aktor.
“It’s still the original cast except for Martin Escudero na pinalitan ni Matteo [Guidicelli]. Yun ang buhay natin, may
natatapos, may nag-uumpisa. Binati  mo nga ako ng seven months anniversary. Saka trabaho namin yun, e, di ko
puwedeng alisin kay DJ yung nandun siya sa Part 1, wala na nga si Martin, masayado ng malaki ang mawawala
kung mawawala din siya dun sa pelikula. Walang kaso sa akin, magkaibigan pa rin naman kami.”
Tinanong din namin ang Box Office Director kung bakit di natuloy sa Maria Leonora Teresa si Judy Ann Santos at
napalitan ito ni Iza Calzado.
“Originally dapat kay Dawn Zulueta yun ang alam ko kasi akin ang istorya. Ang original cast talaga niyan is Dawn
Zulueta, Eugene Domingo and Jodi Sta. Maria. Si Eugene ay hindi pa nga ready mag-shoot so ako pina-revise ko
yung script na gawing bakla na lang yung character instead of Uge kasi not for anything else, ginawa ko talaga
yung character na yun for Uge. Pina-revise ko and napaka-okay ng Star Cinema para pumayag na gay yung
character ng isang magulang.
“Tapos nun inoffer din kay Kris Aquino pero si Kris kailangang gawin ang Feng Shui 2 so parehong horror sa
isang taon so imposible din kaya napunta kay Judy Ann.
“Di rin puwede si Juday so pinalitan siya ni Iza. Schedule ang unang sinabi sa akin, di match ang schedule namin
ni Judy Ann.”
Consistent din ang taas ng ratings ng mga seryeng ginawa ni Direk Wenn sa Kapamilya network. Binalita niya sa
amin na sa darating na Hulyo ay magsisimula na rin ang taping ng Inday, Inday sa Balitaw na pagbibidahan nila
Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.

“Heto na magsisimula na kami sa Inday, Inday sa Balitaw. I think third or last week of July. Ang bida rito ay sila
Sharlene San Pedro and Jairus Aquino.
Sila Nash and Alexa dun sa Inday Bote, iba yun. Nilipat lang yata ako sa
Inday, Inday sa Balitaw dahil pinamili ako. In terms kasi in kuwento, malaman na malaman ang Inday, Inday sa
Balitaw. Mother and daughter love.”

Na-hospital si Direk Wenn dahil sa pneumonia, sa dami ng ginagawang proyekto sa ngayon ng direktor ay
siniguro naman nito na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan niya.
“Sobra, para naman lumagare ako ng dalawang pelikula at pumi-pre prod na rin ng Praybeyt Benjamin, talaga
namang grabe. Kung kailan nga ako nagpahinga dun ako nagkalagnat, sumakit ang ulo at nilagnat. The next day
shooting na uli, okay na okay na ako ngayon. Parang ang katawan ko ay dinesign ng Diyos para magtrabaho.”

http://www.pep.ph/guide/movies/14021/wenn-deramas-on-praybeyt-benjamin-2-wag-silang-makasabi-na-basura-kami
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: josejoshua on June 28, 2014, 05:49:27 PM
LOL! Gagawa ba sila ng "Inday Series" hindi na ako magugulat kung may isa pa para trilogy. Bukod sa dalawa na upcoming may alam pa kayong isa? Remake ito nu'ng Susan Roces at Maricel Soriano film at based na lang sa storya!

Nabasa ko sa IMDb na mas focus ang mother-daughter dito. Pero ayaw ko talaga yung mga ganito para kay Sharlene! Mas lalo na yung TITULO! Pwede namang gumawa na lang ng original pero mother-daughter pa rin.

Mas mauuna raw 'to. Hulyo ang taping. Is this fantaserye also like Inday Bote? Sana hindi at more on DRAMA!
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: josejoshua on June 28, 2014, 05:52:47 PM
Fantaserye! Huhu! :(

Abandoned by her mother, Inday suffers many hardships during her childhood. She tries to despise her mother, Monina, who seems to not care that she left her child years earlier. But due to her longing for motherly love, Inday cannot help but feel drawn to Monina. Their new found relationship however is short lived due to other circumstances. - Susan Roces / Maricel Soriano (1986)

Inday (Maja Salvador) is a vegetable vendor who discovers wood fairy while being left in her evil stepmother's mansion. Her real mother gets amnesia from an accident, and later adopted a gay son without knowing having a daughter. Inday goes back to the market to compete against her mother's son. They became enemies after the showdown. She encounters a cute man who flirts with her looks. Inday's mother gets a suspicion about her behavior and questions her. Inday also gets seduced multiple times by the stepmother's dance instructor who is flirtatious. The stepmother becomes so mad she kidnaps Inday. Inday's mother regains her past and finds out her daughter is really Inday, and so her mother and the man save her. All three make what they done wrong at the market, and the stepmother is brought to the police. - Lotlot de Leon / Maja Salvador, Wansapanataym (2010)

Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: tuilynluvwidu on June 28, 2014, 06:45:45 PM
LOL! Gagawa ba sila ng "Inday Series" hindi na ako magugulat kung may isa pa para trilogy. Bukod sa dalawa na upcoming may alam pa kayong isa? Remake ito nu'ng Susan Roces at Maricel Soriano film at based na lang sa storya!

Nabasa ko sa IMDb na mas focus ang mother-daughter dito. Pero ayaw ko talaga yung mga ganito para kay Sharlene! Mas lalo na yung TITULO! Pwede namang gumawa na lang ng original pero mother-daughter pa rin.

Mas mauuna raw 'to. Hulyo ang taping. Is this fantaserye also like Inday Bote? Sana hindi at more on DRAMA!

sana ang pinush ung reboot ng underage....
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: billicent_1219 on June 28, 2014, 10:30:36 PM
I love Jailene pero sana ang mga young actresses nila ay ihasa rin sa pagpapatawa. :P
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: royalty on June 28, 2014, 11:06:21 PM
I love Jailene pero sana ang mga young actresses nila ay ihasa rin sa pagpapatawa. :P
Magaling naman si Sharlene sa comedy roles. Nahasa sya sa Goin' Bulilit and Luv U kaya keri nya ang role. Pero gusto ko kasi na sa drama side ang gawin ni Sharlene. Gusto ko yung ginagawa nya na madaling umiyak since tumatak yun nung nag-start palang sya.
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: randomviewer on June 29, 2014, 12:50:25 AM
I love Jailene pero sana ang mga young actresses nila ay ihasa rin sa pagpapatawa. :P
Magaling naman si Sharlene sa comedy roles. Nahasa sya sa Goin' Bulilit and Luv U kaya keri nya ang role. Pero gusto ko kasi na sa drama side ang gawin ni Sharlene. Gusto ko yung ginagawa nya na madaling umiyak since tumatak yun nung nag-start palang sya.

I agree, magaling naman sa comedy si Sharlene and pati si Jairus ay nag-iimprove na rin sa comedy. May dramatic scenes rin siguro ang series na ito , if ever and dun maipapakita ni Sharlene ang skills nya sa drama.

Anyway, baka part nga ito ng "Inday Series" . Kung si Sharlene si "Inday sa Balitaw" and si Alexa ang "Inday Bote", sino naman kaya ang gaganap sa "Inday and the Golden Bibe?".. hmmm..
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: billicent_1219 on June 29, 2014, 07:01:58 AM
Mika or Noemi as Super Inday? What about Inah Estrada?
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: royalty on June 29, 2014, 12:38:38 PM
I love Jailene pero sana ang mga young actresses nila ay ihasa rin sa pagpapatawa. :P
Magaling naman si Sharlene sa comedy roles. Nahasa sya sa Goin' Bulilit and Luv U kaya keri nya ang role. Pero gusto ko kasi na sa drama side ang gawin ni Sharlene. Gusto ko yung ginagawa nya na madaling umiyak since tumatak yun nung nag-start palang sya.

I agree, magaling naman sa comedy si Sharlene and pati si Jairus ay nag-iimprove na rin sa comedy. May dramatic scenes rin siguro ang series na ito , if ever and dun maipapakita ni Sharlene ang skills nya sa drama.

Anyway, baka part nga ito ng "Inday Series" . Kung si Sharlene si "Inday sa Balitaw" and si Alexa ang "Inday Bote", sino naman kaya ang gaganap sa "Inday and the Golden Bibe?".. hmmm..

Baka si Miles Ocampo or kahit sinong Star Magic Girls na magaling sa aksyon. Diba may halong aksyon yung Inday and The Golden Bibe?
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: josejoshua on June 30, 2014, 11:09:08 AM
Oh... So "Inday Series" talaga ang gagawin? Haha! Saan naman nababagay na timeslot ang ganitong series?
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: tuilynluvwidu on July 03, 2014, 12:18:00 AM
Oh... So "Inday Series" talaga ang gagawin? Haha! Saan naman nababagay na timeslot ang ganitong series?

pre primetime
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: josejoshua on July 05, 2014, 06:46:24 PM
Oh... So "Inday Series" talaga ang gagawin? Haha! Saan naman nababagay na timeslot ang ganitong series?

pre primetime

Pwede rin. Pero pwede rin maglagay ng teleseryes sa Umaganda tutal wala namang nanonood sa Team Animazing.
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: randomviewer on July 06, 2014, 01:12:23 PM
Oh... So "Inday Series" talaga ang gagawin? Haha! Saan naman nababagay na timeslot ang ganitong series?

pre primetime

Pwede rin. Pero pwede rin maglagay ng teleseryes sa Umaganda tutal wala namang nanonood sa Team Animazing.

Siguro nga pre-primetime ito. Baka yung slot ng The Heirs or PBB Uber ito ilagay, if ever
Title: Re: Inday, Inday sa Balitaw (Sharlene San Pedro / Jairus Aquino)
Post by: tuilynluvwidu on July 06, 2014, 05:21:27 PM
Oh... So "Inday Series" talaga ang gagawin? Haha! Saan naman nababagay na timeslot ang ganitong series?

pre primetime

Pwede rin. Pero pwede rin maglagay ng teleseryes sa Umaganda tutal wala namang nanonood sa Team Animazing.

Siguro nga pre-primetime ito. Baka yung slot ng The Heirs or PBB Uber ito ilagay, if ever

para sa akin weekend to fit. mala wansa yung dating e
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: TFC Godfather on July 07, 2014, 11:20:57 AM
Ehhh another Inday series? Will either rate? I would have stuck to just Nash and Sharlene in either and bam, why the need for 2 separate soaps? These both sound like just a month long Wansapanataym.

Anyway... subforum created!
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on July 07, 2014, 12:04:19 PM
That is kung edgy ang magiging competitor nito sa kabila
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on July 09, 2014, 01:06:32 AM
Ehhh another Inday series? Will either rate? I would have stuck to just Nash and Sharlene in either and bam, why the need for 2 separate soaps? These both sound like just a month long Wansapanataym.

Anyway... subforum created!

agree.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: ArtistahingKritiko on July 09, 2014, 08:26:36 AM
I'm excited for this project. I have watched this and it is really funny and at the same time eh may drama din so this will really showcase Sharlene's and Jairus' acting capabilities. End of July na ang start ng taping pero Ber month ipapalabas on TV.

I guess the reason why nauna ito ipapalabas eh dahil hindi pa tapos ang script ng Inday Bote.

Nevertheless, this is something na aabangan ko.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on July 09, 2014, 04:04:14 PM
sa hapon to I guess?

Jailene! Di ko napanood ang orig movie but I am already familiar with Juday and then Maja's takes on this sa Komiks and Wansa respectively.

Sana batang babae naman yung nakasakay sa bilao sa remake na ito if ever (Matet de Leon played that, tama?)
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: Food on July 26, 2014, 12:59:35 AM
Saan ito ilalagay? Sana hindi siya comedy. Mala-Miracle In Cell No. 7 sana ang treatment ito na gagawin lang mother-daughter ang focus. To be honest kasi, hindi maganda ang material na to para gawing teleserye so di lang siya basta bastang remake , dapat reimagined talaga siya. Kung kailangan nila ibahin ang ibang parts ng story, and then gawin nila basta they need to make sure na ikakaganda yun nung show at hindi ikakapanget.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: hanashima on July 26, 2014, 07:17:13 PM
back to back ng Inday Bote sa hapon?
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on July 30, 2014, 06:24:01 AM
I think dapat ihanda na to within this time dahil MOD will end soon... Make it a bit darker and more mysterious and HD cameras ang gamitin
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 01, 2014, 12:48:30 AM
I think dapat ihanda na to within this time dahil MOD will end soon... Make it a bit darker and more mysterious and HD cameras ang gamitin

bkA mga asianovelas ang ipalit sa mod. may donde esta elisa pa
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 01, 2014, 07:43:06 AM
I think dapat ihanda na to within this time dahil MOD will end soon... Make it a bit darker and more mysterious and HD cameras ang gamitin

bkA mga asianovelas ang ipalit sa mod. may donde esta elisa pa
palagay ko Protect the Boss ilalabas na. Sana
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 02, 2014, 12:37:29 AM
I think dapat ihanda na to within this time dahil MOD will end soon... Make it a bit darker and more mysterious and HD cameras ang gamitin

bkA mga asianovelas ang ipalit sa mod. may donde esta elisa pa
palagay ko Protect the Boss ilalabas na. Sana

may bagong telenovela ilalabas abs.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 02, 2014, 05:05:29 AM
A Vida Da Gente. Hay manggagaya na naman ang kabila for sure baka kukunin nila ang Avenida Brasil
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 03, 2014, 01:01:12 AM
A Vida Da Gente. Hay manggagaya na naman ang kabila for sure baka kukunin nila ang Avenida Brasil

kung sa LIP slot ang ANA MANUELA babangain niya ang WIFE RETURNS

Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 03, 2014, 07:37:32 AM
A Vida Da Gente. Hay manggagaya na naman ang kabila for sure baka kukunin nila ang Avenida Brasil

kung sa LIP slot ang ANA MANUELA babangain niya ang WIFE RETURNS
at kukuha na naman siguro ng telenovela ang GMA sana itapat ang Avenida Brasil o Rebelde Brazilian version
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 06, 2014, 01:49:46 AM
A Vida Da Gente. Hay manggagaya na naman ang kabila for sure baka kukunin nila ang Avenida Brasil

kung sa LIP slot ang ANA MANUELA babangain niya ang WIFE RETURNS
at kukuha na naman siguro ng telenovela ang GMA sana itapat ang Avenida Brasil o Rebelde Brazilian version
pro feel ko kgold ang ana manuela
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 06, 2014, 06:56:51 AM
Ganun din sa akin
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 08, 2014, 03:19:01 AM
Ganun din sa akin

sana ayusin na to. para may local serye ulit sa kgold

sana mabuhay ang apat na maria / bandida / pat is tin
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 08, 2014, 06:03:08 AM
tama... wag na mag-shelve!! C'mon! Jewel Mische/Ellen Adarna/Maxx (if ever) pwede sa Bandida...
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 15, 2014, 03:01:15 PM
tama... wag na mag-shelve!! C'mon! Jewel Mische/Ellen Adarna/Maxx (if ever) pwede sa Bandida...

push na yan. si ellen pwede sa two wives remake. yung role nang kabit siyempre. kaso makeri kaya niya yun?
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 15, 2014, 08:09:56 PM
tama... wag na mag-shelve!! C'mon! Jewel Mische/Ellen Adarna/Maxx (if ever) pwede sa Bandida...

push na yan. si ellen pwede sa two wives remake. yung role nang kabit siyempre. kaso makeri kaya niya yun?
ellen bagay na Chesca
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: royalty on August 15, 2014, 09:46:34 PM
Gusto ko sanang ibigay nalang ito kay Alex Gonzaga na magaling sa comedy tapos ilagay sya sa Kapamilya Gold para may breather. Anna Luna remake nalang ang sa kay Sharlene San Pedro at Jairus Aquino para mapakita rin nila na magaling sila sa drama. Dun sa Luv U kasi comedic na sila dun.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 15, 2014, 10:14:25 PM
Gusto ko sanang ibigay nalang ito kay Alex Gonzaga na magaling sa comedy tapos ilagay sya sa Kapamilya Gold para may breather. Anna Luna remake nalang ang sa kay Sharlene San Pedro at Jairus Aquino para mapakita rin nila na magaling sila sa drama. Dun sa Luv U kasi comedic na sila dun.
tumpak!
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 16, 2014, 03:05:30 PM
Gusto ko sanang ibigay nalang ito kay Alex Gonzaga na magaling sa comedy tapos ilagay sya sa Kapamilya Gold para may breather. Anna Luna remake nalang ang sa kay Sharlene San Pedro at Jairus Aquino para mapakita rin nila na magaling sila sa drama. Dun sa Luv U kasi comedic na sila dun.

kay alex sana ibigay ang super inday. for sure makekeri niya yun.at baka higitan pa niya si Kamuning queen pag nagkataon.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 16, 2014, 03:06:43 PM
Tama!!!
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 17, 2014, 04:17:14 PM
Tama!!!

sana next project ni alex yan. pamalit sa hawak kamay. hehehe.

Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: hanashima on August 18, 2014, 07:26:51 PM
Tama!!!

sana next project ni alex yan. pamalit sa hawak kamay. hehehe.

Agree! Alex G.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 20, 2014, 04:24:45 PM
Tama!!!

sana next project ni alex yan. pamalit sa hawak kamay. hehehe.

Agree! Alex G.

gave Alex G. a full stardom.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: erzo01 on August 27, 2014, 01:01:33 PM
Baka di matuloy sina Jairus and Sharlene dito. Kasama sila sa sulpotserye ng Dreamscape, yung Nathaniel.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on August 27, 2014, 04:44:00 PM
Baka di matuloy sina Jairus and Sharlene dito. Kasama sila sa sulpotserye ng Dreamscape, yung Nathaniel.
for me, THE BETTER. Mas bagay na Inday si EMPRESS eh.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: tuilynluvwidu on August 29, 2014, 05:42:26 PM
Baka di matuloy sina Jairus and Sharlene dito. Kasama sila sa sulpotserye ng Dreamscape, yung Nathaniel.
for me, THE BETTER. Mas bagay na Inday si EMPRESS eh.

nasa archives na agad to? shelved?
direk wenn d. pa naman to diba? pero better kung Empress na nga lang to.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: kyupayb on September 12, 2014, 01:36:50 AM
Confirmed na bang shelved ito?
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: josejoshua on October 18, 2014, 09:04:00 PM
Shelved na ito. Ang JaiLene nasa Nathaniel. Tapos si Direk Wenn nasa Zanjoe teleserye.

Okay na rin. Ayaw ko rin naman ng Inday Series. :P
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: AnimeFan23 on March 30, 2015, 05:24:17 PM
May balita na ba dito? Siguro bagay ito gawing sequel ng Inday Bote teleserye for next year? :)
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: royalty on June 07, 2015, 11:59:13 PM
Ituloy na sana ito tapos si Melai na ang magiging bida then ibigay sya sa unit ni Maam Linggit Tan at Direk Wenn Deramas ang bahala dito. Bagay talaga kay Melai ito nung nanalo sya sa YFSF. Nasayang kasi yung Inday Bote na sa Dreamscape binigay, iniba kasi nila yung story.

Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: ArtistahingKritiko on September 19, 2015, 12:15:34 PM
From what I heard, hindi ito shelved. May inannounce na upcoming project ang JaiLene under dreamscape. Ito na yun.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: chorva on October 02, 2015, 09:48:08 AM
Wansapanataym Presents Inday Inday Sa Balitaw.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: royalty on October 13, 2015, 10:07:04 PM
Second time na atang ginawa ang Inday Sa Balitaw as a Wansa sa reboot nito with Maja Salvador in the lead.
Title: Re: Inday, Inday Sa Balitaw (OT)
Post by: billicent_1219 on October 13, 2015, 10:30:09 PM
Second time na atang ginawa ang Inday Sa Balitaw as a Wansa sa reboot nito with Maja Salvador in the lead.
Dati full-fledged serye bakit Wansa nalang?