Napalabas na ng bahay si Mommy Rose, Mommy Jinky at tita Violy. At matapos mapalabas ang nasabing mga parent/guardian ay ipinakita din ang deliberation na ginawa ng mga Teen Counsel na binubuo nia Josef, Kevin, Beauty at Jeriel.
NGUNIT ANO BA TALGA ANG TAMANG MAGING BASEHAN SA KANILANG PAGPILI KUNG SINO SA MGA PARENT O GUARDIAN ANG DAPAT PALABASIN? Ito ba ay ang pangangailangan ni Valerie sa kanyang ina? O dili kaya ay ang sinasabing "wala namang problema si Priscila at ang Mommy nya" at wala silang dapat halukayin? o ito rin ba ang pananabik ni Rona sa kanyang Ama?
Nang aking marining ang tungkol sa eviction ng mga guardian ay tila nagulumihanan ang aking isip. Una kong tanong ay kung ano ang magiging basehan ng apat na housemate para sa task nilang iyon. OO. Sila nga ay nabigyan ng prebilehiyo na makasama sa maikling panahon ang mga guradians, ngunit sa palagay ko ay hindi ito sapat upang makilala nila ang mga nasabing magulang. Kung isa sa mga batayan ng kanilang pagdedesisyon ay ang naging aksyon ng mga magulang sa kanilang pagpasok sa bahay ni Kuya, tulad nang paggabay nila at pagtuturo sa mga housemate sa ng ilang gawaing bahay (e.g Mommy ni Alex), palahay ko'y hindi ito sapat na maging batayan.
Para sa akin, tila may mga butas sa nasabing proseso ng eviction. Marami din ang tanong na umiikot sa aking isipan.
1. Bakit kaya si Beauty at Josef ang napili na pumasok sa secret place ng mga housemates?
2. Bakit silang 4 ang kailangang magdesisyon kung sino ang papalabasing magulang gayong hindi nila ito lubusang kilala at nakasama ng matagal? Hindi kaya mas tamang ang mga guardian mismo ang pumili kung sino ang dapat manatili sa hindi?
3. Maaari bang iboto ng mga teen housemates ang kanilang sariling magulang/guardian? Kung OO man, gagawin kaya nila ito? (Siyempre, bilang isang anak, ayaw mong umalis ang magulang mo..)
4. Sa desisyon ng housemate, ang dahilan ng pagevict nila sa Tiyahin ni Valerie ay dahil daw hindi tita nag kailangan ni Valerie. Hindi kaya nila naisip na maaaring may mas mabigat na dahilan kung bakit hindi makauwi ang ina ni valerie na nasa Germany?
(kung tutuusin kasi, kung available naman at kung maaari, sino bang magulang ang ayaw pumasok sa bahay ni kuya para makapiling kahit isang saglit ang kanyang anak?... Dapat ay naisip din ng housemate na hindi "Tita" ang kailangan ni Josef...)
5. Hindi kaya mali din ang housemates sa pagpapalabas sa ina ni rona? (Hindi naman lingid sa isipan ng housemates na nang ama ni Rona ay nakakulong, natural lamang na hindi ito makakapasok sa bahy ni kuya.)
------- Mas mainam pa sigurong dahilan ang naging pribelehiyo na ibinigay ni kuya nsa makasama ni rona ang ina noong araw ng kanyang pagtatatpos.
6. Sa kaso ni Pricila, diba't hindi pa nagkakasama ang mag-ina? bakit kaya nila napiling lumabas si Mommy Jinky sa simpleng dahilan na "wala daw namang problema ang mag-ina na dapat ayusin"?
7. Hindi kaya mas tama na ang ama ni Jeriel ang lumabas dahil una, nakapiling na niya ito noong graduation day niya; ikalawa, nabigyan sila ng pagkakataong makasama ang magulang overnight sa kabilang bahay; at huli, dahil tumataas din ang presyon ng kanyang ama sa loob? (opionyon ko lamang ito...)
Maaaring ang mga sinasabi ko ay tila may butas sapagkat hindi ako nakasubscribe sa 24-7 coverage ng Pbb. Subalit, sa munting panahon ng panonood ng PBB ito lang ang ilan sa mga tanong na sa akin ay nakapukaw ng atensyon.