Welcome to ABS-CBN Community Sign in | Join | Help
in
Reset your password using "(I forgot my password)" on "Sign In" link
Forums

MAPAGSAMANTALANG COMPUTER RENTALS

Last post 06-30-2008, 10:58 PM by eshadowone. 3 replies.
Sort Posts: Previous Next
  •  03-09-2008, 10:52 AM 2679736

    MAPAGSAMANTALANG COMPUTER RENTALS

    Hello po, nais ko lang pong ipaalam sa inyong lahat na ang Computer Rentals sa may San Marcelino cor. Gonzales St., Ermita, Manila malapit sa may Ministop papasok ng Emilio Aguinaldo College ay hindi po sumusunod sa panuntunan ng batas, ang Computer Rentals po na ito ay binubuo ng tatlong magkakasunod na bahay na ang pangalan ay Paksnet Blue ang una, ang ikalawa ay ang Paksnet Black na nasa gitna, at ang ikatlo ay ang Paksnet Red. Lagi ko po kasing nakikita na marami pong pumapasok na mga Hayskul na naka uniporme pa sa mga Computer Rentals na ito at during class hours, marami na nga pong nagrereklamong mga paaralan dito at mga magulang po ng mga batang hindi na pumapasok dahil dito. Ang mga Hayskul din po at ang mga taong naglalaro sa Computer Rentals na ito ay natutong mag sugal ng pera dahil sa mga nagaganap na pustahan dito. Minsan ng pumasok ako sa isa sa mga Computer Rentals na ito sa may Paksnet Black ay meron po akong nakitang minor de edad na nagbubukas ng isang Porno sa internet, meron naman po itong bantay pero pinapabayaan lang po nila ito.  Malapit lang naman ito sa isang Police Office sa harapan ng ministop, pero walang ginagawang kaukulang aksyon ang mga Pulis dito. Kaya ko po ito isiniwalat upang maipasara na ang mga Computer Rentals na nakakaapekto sa ating mga kabataan ngayon, puwede po kayong magmatyag sa isa sa mga Computer Rentals na ito at karamihan po ng mga naglalarong Hayskul ay nasa Paksnet Red. Isang Concern Citizen lang po ako at sana po ay bigyan nyo po ito ng kaukulang pansin, maraming salamat po.
     

  •  05-15-2008, 12:17 PM 2758846 in reply to 2679736

    Re: MAPAGSAMANTALANG COMPUTER RENTALS

    I understand your concern. I myself have 4 children to raise and we have a couple of computers at home. But we cannot expect the city of Manila or the police to do the censoring for us. And I will never allow them to interfere with my family's affairs.

    Parents have to be directly involved. It really doesn't matter if these joints serve beer, are liberal on pornography, allow gambling. If these establishments are closed down, we'll just see others cropping up all over the place, because the very families who should be guiding their children choose to have a hands-off policy. You don't have to play surrogate for other parents either. If anyone needs a spanking and deserves to go to jail, it should be the parents.
     

  •  06-26-2008, 7:51 AM 2835744 in reply to 2758846

    Re: MAPAGSAMANTALANG COMPUTER RENTALS

    naiintindihan ko din ang sinabi ni TS. sa aking obserbasyon, kung ipasasara ang ilang mga computer rentals, ang mga kabataan ay maghahanap din ng ibang outlet tulad ng pag gala gala kung saan saan. meron po akong anak na elementary. dahil sa nagta trabaho kaming mag asawa, at walang kasama ang aming anak sa bahay sa kanyang pag uwi mula sa eskwela, tinatawagan ko muna ang kapit bahay namin na meron computer rentals, at dun ko muna pinapapunta ang anak ko hanggang sa dumating na kaming mag asawa. at least pag andun sya, at ease ang feeling ko at alam kong safe sya kesa naman gumala gala kung saan ang aking anak. nasa disiplina na ng mga magulang ang pag uugali ng kanilang anak.

  •  06-30-2008, 10:58 PM 2841579 in reply to 2679736

    Re: MAPAGSAMANTALANG COMPUTER RENTALS

    May suggestion ako, humarap ka sa pader at iuntog mo ulo mo sa pader at magising ka nman sa bangungot mo.

    Nasa Magulang yan kaibigan, Hindi sa cafe ang may sala, they are just showing up good customer service by simply letting their customers do what they want to do. Sa yung salaysay, wala akong nakikitang violation sa operation nila.


    We are both atheists. I just believe in one fewer god than you do. When you understand why you dismiss all the other possible gods, you will understand why I dismiss yours.