Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Bea Alonzo's upcoming teleserye  (Read 16429 times)

erzo01

  • Guest
Bea Alonzo's upcoming teleserye
« on: March 30, 2015, 02:03:40 PM »
Bea Alonzo reacts to Zanjoe Marudo's statement about being a real dad

by Nerisa Almo posted on March 29, 2015

Marami ang nagtataka kung bakit hindi na madalas na nakikita si Bea Alonzo sa telebisyon ngayon. Ito ay dahil abala siya sa ginagawa niyang pelikula na Crossroads, kung saan makakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Kaugnay nito, nag-aaral siya ngayon ng sailing para sa role na kanyang gagampanan.

Kahit delikado para sa baguhang tulad niya, nag-e-enjoy naman si Bea sa bagong sport na kanyang sinusubukan.

Umiwas siyang pag-usapan ang maliit na aksidenteng nangyari sa kanya dahil sa sailing.

“Parang pangit naman kung pag-uusapan natin yung negative side ng sailing, baka mamaya wala nang mag-sail,” natatawang sabi ni Bea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine kahapon, March 28, sa launch ng bagong Olay Moisture Body Wash na kanyang iniendorso.

Sa halip, sinabi na lamang ni Bea, “It's actually very, very fun. Marami kang matututunan. Marami kang maia-apply sa buhay mo like, kung paano to just go with the wind. Just let go and have fun.”

Pagkatapos ng pelikula, ayon kay Bea, magbabalik na siya sa paggawa ng teleserye.

“Uunahin ko muna ang movie. Baka shortly after the movie mag-teleserye na.

“Kasi yung team na gagawa ng soap is working on Forevermore,” sabi ni Bea.


HAPPY FOR ZANJOE. Samantala, masaya raw si Bea sa tinatamasang tagumpay ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo dahil sa teleseryeng Dream Dad.

“I'm very, very happy for Zanjoe kasi finally nasa primetime siya 'tapos nasa first slot pa.

“Alam naman natin kung gaano ka-importante yung slot, 'di ba?

“I'm very happy lalo na kapag lumalabas kami, tinatawag siyang Mr. President. I'm so happy for him,” aniya.

Nabanggit ng PEP kay Bea ang sinabi ni Zanjoe na ready na siyang maging real dad.

“Wow. Good for him,” natatawang reaksiyon ni Bea.

Pagkatapos sinabi niya, “Masaya ako. That makes me feel na seryosahan talaga siya. He really takes this relationship seriously.”

Pero agad naman niyang nilinaw sa huli, “I'm sure sinabi niya rin na not anytime soon!”

erzo01

  • Guest
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #1 on: March 30, 2015, 02:10:50 PM »
May kinalaman kaya 'to sa posts ni FutureFilmMaker kanina sa KPEx thread? FFM is working under Star Creatives.

Quote from: FutureFilmMaker
LOLZ! May ipapauso ako mamaya sa meeting namin hahahaha!

Quote from: FutureFilmMaker
Abangan nyo na lang. May niluluto kaming bago.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 875
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #2 on: March 30, 2015, 03:14:37 PM »
May kinalaman kaya 'to sa posts ni FutureFilmMaker kanina sa KPEx thread? FFM is working under Star Creatives.

Quote from: FutureFilmMaker
LOLZ! May ipapauso ako mamaya sa meeting namin hahahaha!

Quote from: FutureFilmMaker
Abangan nyo na lang. May niluluto kaming bago.
Baka nga. Buti balik-Star Creatives si Bea.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17290
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #3 on: March 30, 2015, 05:19:54 PM »
Great!!! what if TWTWB remake hahaha

AnimeFan21

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1436
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #4 on: March 30, 2015, 05:22:04 PM »
I want Bea playing a challenging role in an original Teleserye.

erzo01

  • Guest
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #5 on: March 31, 2015, 01:52:15 PM »
Sana mala-A Beautiful Affair yung feel nito (at least yung first month nun). Maganda talaga sana yung show, nasira lang dahil andaming revisions na ginawa ng team sa script dahil they had to adjust tapings sa sked nina Bea and JLC. Sayang talaga yun!

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 875
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #6 on: March 31, 2015, 03:21:10 PM »
Baka pwedeng isali sina Grae Fernandez at Brace Arquiza dito.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3492
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #7 on: April 02, 2015, 07:54:02 PM »
Star Creatives daw. I think si Sam Milby ang makakasama niya rito. Kasi sabi ni Bea, Team Forevermore ang hahawak ng serye niya at matatapos na yata ang Forevermore by May or June. Tapos sabi ni Sam, sa July yung production ng serye niya.

Kogi

  • Guest
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #8 on: April 02, 2015, 07:59:13 PM »
Sana mala-A Beautiful Affair yung feel nito (at least yung first month nun). Maganda talaga sana yung show, nasira lang dahil andaming revisions na ginawa ng team sa script dahil they had to adjust tapings sa sked nina Bea and JLC. Sayang talaga yun!
Ahh ABA that show was such a waste.... ang ganda pa naman din nung first two weeks, then they momentarily redeemed themselves sa Japan week haist. Sana ganun nga feel!

Great!!! what if TWTWB remake hahaha
She'd be a great Yonna though I don't think TWTWB remake is confirmed. I saw a tweet froma Star Creative writer wanting to adapt Save The Last Dance For Me though..

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17290
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #9 on: April 02, 2015, 08:28:20 PM »
maybe if STLDFM baka pwede pa kina Yen Santos ang role ni Kim Eugene... hehe...

orig material might do... pwede rin siguro adaptation ng LOVERS?

erzo01

  • Guest
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #10 on: May 25, 2015, 03:04:07 PM »
What if yung story arc nina Bea and Zanjoe sa 24/7 in Love ang gawing next teleserye ni Bea? Yung girl falls in love with her gay best friend.

Since same team naman ng Forevermore, I think magandang material 'to bilang light lang siya and at the same time maiba naman sa usual putahe ng ABS for a romantic teleserye without being accused na ginagaya ang pagiging kontrobersyal ng GMA (MHL/TRMD).

tuilynluvwidu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1801
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #11 on: May 25, 2015, 04:50:09 PM »
What if yung story arc nina Bea and Zanjoe sa 24/7 in Love ang gawing next teleserye ni Bea? Yung girl falls in love with her gay best friend.

Since same team naman ng Forevermore, I think magandang material 'to bilang light lang siya and at the same time maiba naman sa usual putahe ng ABS for a romantic teleserye without being accused na ginagaya ang pagiging kontrobersyal ng GMA (MHL/TRMD).

pwede din naman. pero sana magkaroon din. sila ni Angel Locsin ng drama series together.

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2407
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #12 on: June 10, 2015, 07:09:07 PM »
Mukhang matutuloy na yung television remake ng Sana Maulit Muli movie at baka si Bea Alonzo parin ang maging bida. Hindi na pwedeng si Gerald Anderson yung maging leading man since may Nathaniel sya so baka either si Sam Milby or balik tambalan nila ni John Lloyd.

erzo01

  • Guest
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #13 on: June 10, 2015, 08:37:59 PM »
^ Malabo si JLC. Very vocal pa rin siya na hindi mag-teleserye.

Baka nga si Sam, kasi available din siya right now.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3492
    • View Profile
Re: Bea Alonzo's upcoming teleserye
« Reply #14 on: June 11, 2015, 01:11:49 PM »
^ Malabo si JLC. Very vocal pa rin siya na hindi mag-teleserye.

Baka nga si Sam, kasi available din siya right now.
Malamang si Sam Milby. May serye raw siya by July. July din ang kay Bea.