ABS-CBN Forums

Kapamilya Movies => Star Cinema Archives => Topic started by: erzo01 on June 29, 2014, 01:02:44 PM

Title: Everything About Her
Post by: erzo01 on June 29, 2014, 01:02:44 PM
Been seeing posts about a possible film starring Ms. Vilma Santos and her future daughter-in-law Angel Locsin. Mukhang isu-shoot kasabay ng Darna.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film (rumoured)
Post by: royalty on June 29, 2014, 01:15:57 PM
Focus nalang muna si Angel sa Darna. Kailangan kasi ng time to prepare hindi lang yung production pati si Angel mismo. Kailagan nyang alagaan ang body nya para maging sexy at the same time healthy (hindi yung mataba) pero kung mataas na resistensya para hindi mapagod sa shooting at magkasakit sya.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film (rumoured)
Post by: erzo01 on June 29, 2014, 10:16:56 PM
Vilma at Angel, tuloy na ang labanan ng acting sa big screen!
Ang alam din namin, kung hindi kami nagkakamali, ay bago umpisahan ni Angel ang higanteng proyekto na
Darna ay may uunahin muna siyang isa pang malaking pelikula na malapit na raw magsimula ang shooting,
dahil within this year daw ito ipalalabas sa mga sinehan.
Kung tama talaga kami ha, ang makakasama ni Angel sa naturang movie ay ang kanyang soon-to-be
mother-in-law, no less, na si Batangas Governor at Star for all Seasons, Miss Vilma Santos-Recto!
Ang una pa nga naming narinig ay pati ang kanyang boyfriend na si Luis ay makakasama nila sa project na
ito ngunit hindi na namin alam kung ano ang nangyari at kung bakit out na ang anak ni Gov. Vi rito.
Isang malaking blessing din daw, ayon kay Angel, kung sakaling sa dambana na ang tuloy ng relasyon nila
ni Luis pagkatapos niyang gawin ang Darna. Pakiramdam naman daw nilang dalawa ay para talaga sila sa
isa’t isa. Posible kayang may maganap na kasalan sa kanila come 2016?
Nang hingan naman ng reaksyon si Angel tungkol sa sinabi ng ex-girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado
na ‘she’s happy for them’, dalawang salita lamang ang nais ipaabot ng aktres sa kanya: “Thank you!”

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/8589/angel-todo-paseksi-na-para-sa-darna-sa-2015.html
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: josejoshua on August 06, 2014, 09:22:54 PM
STAR CINEMA: VILMA SANTOS and ANGEL LOCSIN Movie
VILMA- ANGEL - JERICHO
Bandera

Noong huling gabi ng lamay ni Ate Aida Fandialan, ang personal assistant ni Gov. Vilma Santos for almost 50 years, ay masarap naming nakatsikahan ang aming idol-friend.

Dito nga niya naikuwento ang bagong pelikulang gagawin niya sa Star Cinema with Angel Locsin at Jericho Rosales.

“Mayamang-mayaman ang role ko na may sakit at caregiver ko si Angel. May mga isyu ako sa anak ko (Jericho) at hindi kami nagkakasundo. Si Angel naman may mga problema sa pamilya niya

Doon iikot ang kuwento,” pahayag ni Ate Vi. Bukod dito, meron din daw inaalok ang APT Entertainment ni Tony Tuviera kung saan makakasama niya si Ryzza Mae Dizon. Schedule na lang daw ang aayusin para sa dalawang proyekto.

=====

Both Echo and Piolo were consider for the role na para kay Lucky. But Echo got the role instead.

This is what Vilma revealed:

“They wanted Luis (Manzano, her son and Angel’s boyfriend) sana to be in the movie, too. Pero, ayaw ng anak ko. Kaya, in my last conversation with Malou (Santos, Star Cinema managing director), sabi niya sa akin, they want to consider either Piolo Pascual or Jericho Rosales to replace Luis.”

OH! Tuloy na tuloy na talaga! :)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: kevinballego on August 07, 2014, 01:08:11 AM
Paulo Avelino and Gerald andersoon are also good subtitutes for echo. :) Sana magkaroon ulit ng teleserye si Angel Locsin before siya magpakasal.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: josejoshua on August 07, 2014, 06:24:19 PM
^Busy kasi siya dalawang movies pero antay na lang natin. :)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: tuilynluvwidu on August 17, 2014, 04:26:44 PM
Paulo Avelino and Gerald andersoon are also good subtitutes for echo. :) Sana magkaroon ulit ng teleserye si Angel Locsin before siya magpakasal.

si Echo na to diba?
for this year airing ba to? or next year pa?
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on November 14, 2014, 01:26:11 PM
Inayawang role ni Luis sa movie nina Gov. Vi at Angel, ibinigay na kay Xian
YSTAR Ni Baby E (Pang-Masa) | Updated November 14, 2014 - 12:00am

Is Xian Lim the next big star na ginu-groom ng ABS-CBN, not to say, Star Cinema, among their male contract talents?

Well, from the way it looks, Salve A. he is.

Kaya, take a bow, Xian?

Si Xian ang napiling ipalit kay John Lloyd Cruz, one of Kapamilya’s most important leading man, in Bridges, co-starring him with Jericho Rosales at Maja Salvador.

Did we hear it right na siya rin ang kino-consider to join Batangas Governor Vilma Santos, otherwise known, too, as the Star for All Seasons, and Angel Locsin in the duo’s first important project together with Star Cinema, which reportedly Rory Quintos will direct. Kay Luis Manzano unang inialok ang nasabing role pero magalang daw itong tinanggihan ng TV host/actor.

No need to tell you that Xian is again playing leading man to Kim Chiu in the upcoming Star Cinema movie, Past Tense, which stars, too, AiAi delas Alas. Introducing naman ang pina­kabagong champ ng PBB (Pinoy Big Brother) All In, si Daniel Matsunaga.

Directing Past Tense is newly married lady director, Mar Cruz-Alviar.

It obviously pays when wala kang angal even if you are just taken as a replacement for another leading man in a TV or movie project.

Which, according to Xian, ay waring nagiging ‘‘trending’’ sa kanya. After all, if one recalls, replacement siya ni Jolo Revilla, now Cavite Vice Governor, when he (Jolo) had to abruptly cut short his stint in the series Binondo Girl as Kim’s leading man, yes, for political reason.

In that series, we all remember, of course, na-discover si Richard Yap, now one leading man of the hour.

Xian admits na he didn’t mind either when he was tasked to play leading man to Kim, yes, sa dalawang magkasunod na pelikula, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? And Bride for Rent, na parehong blockbusters, nang biglaang nabuwag ang successful team-up nina Kim at Gerald Anderson. 

And now heto ngang pagiging replacement niya to no less than Lloydie, whom Xian admits he idolizes as an actor, in Bridges.

Of Past Tense, he looks forward to the release of the movie on November 26.

‘‘Di ba kasabihang they come in threes,’’ ani Xian. ‘‘Well, Kim and I already have two blockbuster mo­vies to our name (Bakit Nga Ba Hindi Ka Crush… and Bride for Rent). Well, I hope and pray, we have a third winner in Past Tense.’’

http://www.philstar.com/pang-movies/2014/11/14/1391463/inayawang-role-ni-luis-sa-movie-nina-gov.-vi-angel-ibinigay-na-kay
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on November 25, 2014, 01:47:23 AM
Mama Vi excited sa bakasyon sa kapitolyo para makasama si
Angel TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 25, 2014 - 12:00am
Blockbuster ang presscon kahapon ng Ala Eh! Festival ng Batangas province dahil sa presence ni Governor
Vilma Santos-Recto.
In full force na dumating ang mga miyembro ng entertainment press dahil ang presscon ng Ala Eh! ang
bihirang pagkakataon na makakasama at makakausap nila ang Star for All Seasons.
Ang presscon ng Ala Eh! ang first time na nagpakita si Mama Vi sa media mula nang magkaroon siya ng
karamdaman.
Hindi naman grabe ang naging sakit ni Mama Vi dahil resulta lang ito ng stress na epekto ng pagiging
workaholic niya.
Siyempre, ipinagluksa rin ni Mama Vi ang sudden demise ni Aida Fandialan, ang kanyang trusted aide.
Pabalik si Mama Vi sa Pilipinas mula sa London nang bawian ng buhay si Aida. Nang bumaba siya mula sa
eroplano at binuksan niya ang kanyang cell phone, saka nabasa ni Mama Vi ang mga pakikiramay sa kanya
dahil sa pagpanaw ni Mama Aida.
Shocked na shocked si Mama Vi dahil hoping siya na makaka-survive si Mama Aida.
Anyway, nagpapasalamat si Mama Vi kay Mama Aida dahil sa mahabang panahon na friendship nila. Twenty
four years old pa lang si Mama Vi nang makasama niya si Mama Aida na nakatira rin sa kanyang bahay.
Magsisimula sa December 1 at matatapos sa December 8 ang Ala Eh! Festival na magaganap sa bayan ng Taal,
Batangas.
Mga produkto at pagkain sa Batangas ang mabibili ng mga nagbabalak na maki-join sa Ala Eh!.
Magkakaroon din ng beauty contest, ang Miss Batangas 2014 at singing contest na open para sa lahat ng mga
residente ng Batangas province.
Iniimbitahan ni Mama Vi ang lahat na tangkilikin ang Ala Eh! at dalawin ang Taal para makita nila ang isa sa
mga historical town ng Batangas.
Maraming inihanda na activities ang administrasyon ni Mama Vi para maging successful ang Ala Eh!
Ayaw pa ni Mama Vi na pag-usapan ang 2016 Elections dahil mas gusto niya na makagawa ng pelikula.
Kasado na ang movie project ni Mama Vi sa Star Cinema at co-star niya ang kanyang future daughter-in-law na
si Angel Locsin.
Hindi pa sinabi ni Mama Vi ang title ng pelikula na posibleng ipalabas sa mga sinehan sa May 2015.
May summer break si Mama Vi bilang gobernador at ang shooting ng pelikula nila ni Angel ang aasikasuhin niya
sa kanyang bakasyon para walang conflict sa kanyang mga responsibilidad sa lalawigan ng Batangas.
Natawa si Mama Vi sa question tungkol sa kanyang anak na si Luis Manzano at kay Angel.
May nagtanong kasi sa magiging reaksyon niya kapag nag-propose ng kasal si Luis kay Angel sa Ala Eh!
Festival.
Talagang nakahanap ang reporter ng koneksyon sa relasyon ng dalawa sa Ala Eh! Festival at kung ako man
ang nasa lugar ni Mama Vi, matatawa rin ako.
Kilalang-kilala ni Mama Vi si Luis. Very private ang kanyang anak at hindi ang tipo nito ang mag-aalok ng kasal
sa harap ng maraming tao, lalo na sa isang festival na kagaya ng Ala Eh!
Masayahin, palabiro, at malakas ang sense of humor ni Luis sa harap ng mga kamera pero sa tunay na buhay,
seryoso at very responsible siya na tao. Malabung-malabo na mag-propose siya kay Angel ng engagement o
kasal  sa isang public event.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2014/11/25/1395558/mama-vi-excited-sa-bakasyon-sa-kapitolyo-para-makasama-si-angel
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on November 25, 2014, 01:05:47 PM
NO PLANS YET FOR 2016. Muli namang iginiit ni Vilma na wala pa siyang plano kung tatakbo ba siyang muli sa pulitika o titigil na siya.

Nasa huling termino na ang Star For All Seasons bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas, at may usap-usapang tatakbo raw siya sa mas mataas na posisyon sa 206.

Pero sabi niya, “No plans for 2016 but, definitely, I miss show business.

“2016, eighteen years na rin akong nagsisilbi. 

“Now, at the end of the day, I still believe in destiny. Kapag ginusto, hindi mo naman malalabanan.

“Pero kung ako ang tatanungin niyo, I miss doing films also. Nami-miss ko po ang gumawa ng pelikula.

“Kapag nanonood ako, parang, ‘Ako dapat ‘yan, a!’” natawa niyang sabi.

Patuloy ni Governor Vi, “Inggit ba… parang, kaya ko yun.

“Nami-miss ko talaga ang show business.

“But, at the end of the day, if it’s meant, it’s meant. I really believe on destiny.

“You can never tell. Tomorrow is another day.”

Totoo bang magge-guest siya sa Darna movie ni Angel Locsin, girlfriend ng anak ni Vilma na si Luis Manzano?

Tugon ng Star For All Seasons, “Hindi ko pa alam.

“With Angel... pero kung hihilingan ako ni Angel, okey lang. Si Angel pa!”

Natatawang paglilinaw niya, “Pero hindi naka-Darna, ha! Excuse me! Baka naman kapag naka-Darna, huh!”

Isa si Vilma sa nagpasikat ng Pinoy superhero character na Darna, na ginampanan niya sa apat na pelikula—Lipad, Darna, Lipad! (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs The Planet Women (1975), at Darna at Ding (1980).

Si Angel naman ay unang gumanap bilang Darna sa hit fantasy series ng GMA Network noong 2005, at muli niyang isusuot ang Darna costume para sa isang pelikula sa 2015.

HINDI AKO SI DARNA. Aminado naman si Govenor Vi na marami siyang tinanggihang offers sa showbiz dahil sa kanyang katungkulan bilang isang pulitiko. 

Saad niya, “Pagod din ako sa trabaho ko, e, sa Batangas.

“Doon ko nga nakita, akala ko ako si Darna. Yun pala, hindi, nambabawi rin.

“Lahat kayo tinatanong, ‘Saan mo kinukuha ang energy mo, Vi?’ ‘Di ba? 

“Kapag nakikita niyo ako, ‘Saan mo kinukuha ang energy mo? Bakit ang sigla mo?’

“Naniningil din. Space-space muna.”

Kung sakali raw na hindi matuloy na tumakbong muli si Vilma sa anumang posisyon sa pulitika, ang gusto raw niya ay makapag-produce ng pelikula.

“Puwedeng indie. Parang yung pagiging artist mo, gusto mong ilabas. 

“Anyway, that doesn’t mean na hindi ho ako nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay sa akin.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala sa akin that I can serve you. 

“Again, I can’t promise anything.

“Kapag hindi ko ho kayang magawa… so, I’m praying for it. 

“Kung saan ako dalhin ng Panginoon, I’ll just do my best—whether I’ll run or I may not run.”

May isang taon at kalahati pa raw siya para manilbihan bilang governor ng Batangas.

http://www.pep.ph/mobile/news/45732/governor-vilma-santos-still-can39t-say-if-she39ll-run-or-not-in-2016-misses-doing-movies
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on November 27, 2014, 11:08:52 PM
Vilma Santos to do slapping scene with Angel Locsin in 2015 movie?
By Rachelle Siazon
11/27/14 05:53 pm
Batangas Governor Vilma Santos confirmed that she will be headlining a movie with Angel Locsin under Star
Cinema sometime in 2015.
At her recently-concluded birthday presscon, Governor Vi shared that they were supposed to start doing test
shots this November.
But they had to move the pre-production meetings within the month of January due to the governor-actress’s
health issues for the past few months.
READ: Governor Vilma Santos denies snubbing "Senior Prom" party with the stars; clarifies health issues
As for the casting of the film, Vilma admitted that her son Luis Manzano was supposed to be part of her movie
with Angel.
While it could have been an interesting teamup, the governor-actress revealed that Luis actually turned down the
offer.
Governor Vi further stated: “Totoo naman. Originally kaming tatlo.
“Pero ang anak ko parang ayaw niya muna na—hindi ko alam kung anong word na sasabihin—parang ibebenta ng
gano’n yung relationship nila.
“Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel, na parang ayaw niya na ma-commercial ba.
“Ayaw niya kahit paano na baka mapaglaruan. So, it’s the respect.
“And the good thing is nirerespeto naman namin ang decision ni Lucky.”
WORKING WITH ANGEL. Rumor has it that there would be a slapping scene between Vilma and Angel for the
much-anticipated film.
While Vilma remained tight-lipped about the exact genre of the project, she hinted a few details about what to
expect from her newest big screen character.
“Hindi ko pa alam [kung anong paghahanda ang kailangan].
“Pero kasi maganda yung storya, iba, e. Miski yung character ko dito iba.
“Yung sampalan isyu, tignan natin. Depende sa mga eksena.
“Pero nung nag-usap kami at nag-meeting, I told them I want something new.
“Kaya nga pati buhok iba, parang gano’n ang character niya.
“Tignan na lang natin. ‘Pag pinal na, that’s the time na sasabihin ko.”
At any rate, Governor Vi can’t wait to start shooting so they can finish the movie said to be Star Cinema's
Mother's Day offering for May 2015.
“Tapos yung break ko—may break ako as a governor—baka kamukha ng In My Life, hihingin ko yung break so that
matuloy-tuloy ko shooting para [umabot] sa Mother’s Day.
CAMEO FOR DARNA MOVIE? On a lighter note, Governor Vi was also asked if she’s open to doing a cameo for the
movie remake of Darna topbilled by Angel.
To which the 61-year-old governor-actress replied, "Hindi ko pa alam, pero kung hihilingan ako ni Angel, okay
lang. Si Angel pa!"
The Star For All Seasons happened to star in a total of four Darna films: Lipad! Darna! Lipad! (1973), Darna and The
Giants (1973), Darna vs. The Planet Women (1975), and Darna and Ding (1980).
But Governor Vi was quick to say that she’s not willing to be in costume this time around.
"Pero hindi naka- Darna [costume], ha! Utang na loob, ha. Excuse me!" she cheerfully exclaimed.

http://m.pep.ph/guide/movies/14919/vilma-santos-to-do-slapping-scene-with-angel-locsin-in-2015-movie
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: josejoshua on January 08, 2015, 07:16:24 PM
(http://photos-g.ak.instagram.com/hphotos-ak-xfp1/10375695_1547328448835894_2005156198_n.jpg)

actiondramafantasyqueen
3 days ago
Photo credits to Sir @micodelrosario. Sir Mico Delrosario associated this post with a saying of, "soon". OMG. I want to scream at the peak of my lungs!! I am a fan of Ms. Inang Olivia Lamasan @oliviamanalili !! I cannot wait!! Eggzoited much! International screenings please!!
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: josejoshua on January 08, 2015, 07:17:56 PM
Inayawang role ni Luis sa movie nina Gov. Vi at Angel, ibinigay na kay Xian
YSTAR Ni Baby E (Pang-Masa) | Updated November 14, 2014 - 12:00am

Is Xian Lim the next big star na ginu-groom ng ABS-CBN, not to say, Star Cinema, among their male contract talents?

Well, from the way it looks, Salve A. he is.

Kaya, take a bow, Xian?

Si Xian ang napiling ipalit kay John Lloyd Cruz, one of Kapamilya’s most important leading man, in Bridges, co-starring him with Jericho Rosales at Maja Salvador.

Did we hear it right na siya rin ang kino-consider to join Batangas Governor Vilma Santos, otherwise known, too, as the Star for All Seasons, and Angel Locsin in the duo’s first important project together with Star Cinema, which reportedly OLIVIA LAMASAN will direct. Kay Luis Manzano unang inialok ang nasabing role pero magalang daw itong tinanggihan ng TV host/actor.

No need to tell you that Xian is again playing leading man to Kim Chiu in the upcoming Star Cinema movie, Past Tense, which stars, too, AiAi delas Alas. Introducing naman ang pina*kabagong champ ng PBB (Pinoy Big Brother) All In, si Daniel Matsunaga.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Directing Past Tense is newly married lady director, Mar Cruz-Alviar.

It obviously pays when wala kang angal even if you are just taken as a replacement for another leading man in a TV or movie project.

Which, according to Xian, ay waring nagiging ‘‘trending’’ sa kanya. After all, if one recalls, replacement siya ni Jolo Revilla, now Cavite Vice Governor, when he (Jolo) had to abruptly cut short his stint in the series Binondo Girl as Kim’s leading man, yes, for political reason.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: josejoshua on January 08, 2015, 07:19:31 PM
TALBOG!!!: Angel, nakakaramdam na ng ‘TAKOT’ kay Vilma!
Sunday, 04 January 2015
Written by Joe Barrameda

May kaba factor na napi-feel si Angel Locsin sa pagsasama nila ni Gov. Vilma Santos para sa pang-Mother’s Day offering ng Star Cinema.

“Sobrang excited ako, nag-usap na kami ni Inang (Direk Olivia Lamasan) sa mga character. Nagulat nga siya eh, kasi buong-buo ko na raw,” sey ni Angel.

“Pero, ninenerbyos na ako ngayon pa lang. Paano pa kaya pag makaharap ko na si Tita Vilma Santos, tapos nanay pa siya ng boyfriend ko? Grabe ‘yung kaba talaga,” dagdag ni Angel.

Bukod sa pang-Mother’s Day presentation movie, posibleng magkaroon ng cameo role si Gov. Vi sa pelikulang Darna na gagawin din ni Angel.

“Umaasa ako kasi nabasa ko ‘yung interview niya na if ever nga raw na magawa namin ‘yung Darna, willing siya mag-cameo. ‘Di ba napakalaking bagay, kasi siya naman talaga ‘yung Darna tapos makasama ko pa siya sa Darna, siguro napaka-surreal ng pakiramdam,” sey pa ni Angel.
Talbog!!!
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on February 27, 2015, 07:17:48 PM
Vilma-Angel movie, ididirehe ni Bb. Joyce Bernal (http://www.balita.net.ph/2015/02/27/vilma-angel-movie-ididirehe-ni-bb-joyce-bernal/)
Posted by Jimi C. Escala on Feb 27th, 2015 // 0 Comments

NALAMAN namin mula mismo kay Batangas Gov. Vilma Santos na si Bb. Joyce Bernal ang magiging direktor niya sa gagawin niyang pelikula with Angel Locsin under Star Cinema. Plantsado na raw ang lahat pati ang mga araw ng shooting niya ay naayos na.
Ito ang first time nilang pagsasama ni Bb. Joyce bilang direktor and aktres kaya excited ang Star for All Seasons. Marami na raw kasi siyang nabalitaan sa estilo ni Direk Joyce sa pagdidirek kaya looking forward siya sa shooting nila.
Sa Marso, bago raw mag-Holy week ay first shooting day na nila. Pero sa susunod na linggo ay nakatakda na silang mag-usap ni Bb. Joyce para sa gagawin nilang atake sa magiging papel nila ni Angel Locsin sa movie.
Naiiba na naman daw ang papel niya sa pelikulang ito pero ayaw muna niyang ikuwento sa amin.
“Basta si Angel ang gaganap na caregiver ko sa movie,” matipid na kuwento niya sa roles nila.
Maraming dramatic scenes sa movie nila pero gagawin daw nilang light lang ang dating pero markado pa rin. Siyempre, ‘yun naman kasi ang hinihingi sa kanya ng Vilmanians, huh!
Last movie ni Ate Vi ang first ever indie movie niyang Ekstra, at this time ay humingi uli siya ng permiso sa constituents niya para sa muling humarap sa mga kamera.
Samantala, isa sa finalists sa New York International TV and Film Awards ang Ekstra at nakatanggap din siya ng balita na nominated siya sa Ireland International Film Festival bilang best actress at isa pang filmfest sa Europe din.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin - Vilma Santos film
Post by: erzo01 on March 13, 2015, 02:22:53 PM
[u=http://www.abante-tonite.com/issue/mar1315/showbiz_jl.htm#.VQJ_1jGqpBd]Vilma, ‘magsusungit’ kay Angel[/u]
 
TULOY na ang pelikulang pagsasamahan ng mag-“mother-in-law” na sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Angel Locsin.

Si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng proyektong ‘yon, sa ilalim ng Star Cinema.

“Nagkita na kami ni Ate Vi last week sa isang sosyal na restaurant sa The Fort, pinag-usapan na namin ‘yung pelikula,” kuwento ng very down-to-earth na direktor.

“Excited ako sa project dahil nagustuhan niya. Excited na rin si Ate Vi na gawin ‘yung project, pero sa May pa siya available.

“Ang gagawin na lang namin, mauuna nang mag-shooting si Angel at ang ibang stars na kasama sa pelikula.

“Iyung mga eksena ni Ate Vi, sa May ko na sisimulang kunan.

“Wala pang playdate ang pelikula, kaya maka-career ko pa. Hindi ko kailangang magmadali at kayang mag-adjust sa schedules ni Ate Vi,” sabi ni Bb. Joyce.

Iniisip pa lang ni Bb. Joyce ang nasabing pelikula ay natatawa na siya.

Sobrang sungit daw ng role ni Gov. Vi at private nurse naman ang papel ni Angel.

“Magaganda ‘yung mga eksena nila. Gagandahan ko pang lalo, kasi nga, hindi ko kailangang magmadali dahil sabi ko nga, wala pa kaming playdate. Excited na akong magsimula.

“Ngayong March, magkakaroon kami ng story conference at sa April na ang simula ng shooting namin ni Angel at ng ibang cast. Sa May, magsu-shooting si Ate Vi,” napapangiting pahayag ng direktor.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: erzo01 on March 19, 2015, 01:05:26 PM
James Banaag @dearscarjames  ·  46m (https://twitter.com/dearscarjames/status/578409717489274881)
Happening now: Story conference for Star Cinema's upcoming movie starring Xian Lim, Angel Locsin, and Ms. Vilma Santos. More updates later!
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: Kogi on March 19, 2015, 07:43:57 PM
Laging sinisingit si Xian tapos i-pu-pull out naman :P
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: erzo01 on March 31, 2015, 10:41:04 AM
Gov. Vi finally pushes through project with Angel (http://www.journal.com.ph/entertainment/showbiz/gov-vi-finally-pushes-through-project-with-angel)
March 29, 2015
Written by Mario Bautista
Published in Showbiz

GOV. Vilma Santos finally had her long delayed story conference for the yet untitled movie she's doing with Angel Locsin, produced by Star Cinema. In the story, she plays a rich woman who's suffering from an infirmity and Angel is assigned to be her caregiver. Playing her son is Xian Lim, because her own real life son, Luis Manzano, refused to do the movie on grounds that their personal lives might be affected adversely when they all work together in one project.
   
"Maraming scenes na tinatarayan ko si Angel kasi mayaman 'yung character ko rito, medyo mayabang and authoritative," says Gov. Vi. "But this is not very heavy drama. It's about relationships, pero mas light lang ito but marami ring touching scenes."
   
The movie will start shooting in April and is slated to be released later this year. We're sure Gov Vi's fans are very pleased and will eagerly anticipate its release as she didn't have any new movie last year. Her last film was the Cinemalaya indie flick "Ekstra, The Bit Player", that won her several best actress awards, including an international award from Dhaka International Filmfest.
   
Earlier, it was announced that Inang Olive Lamasan will be directing the film, but now, the director is officially Joyce Bernal. We asked Inang why she decided to give the project to Joyce and she said she is really sad to give it up but she will be studying abroad for a few months so she has to sacrifice and won't be able to do the project.
   
"Siyempre, we have to work around the availability of Gov. Vi kasi sobrang busy siya," says Inang Olive. "I'd really like to direct her again after we did 'In My Life', kaya lang, yung months na available siya, wala naman ako at nasa America so I have no choice but to give it up. Okay naman sa lahat na si Joyce Bernal ang magiging kapalit ko.
   
We know Gov. Vi and Angel will be in good hands with her as the director of this big film project."
   
What will she do in the U.S.? "ABS-CBN kasi will soon be putting up our own sound stages. As one of their executives, I'm assigned to study the set up of the various sound stages that they have in the big studios in California para magamit naman natin dito sa Pilipinas."
   
To Inang Olive, have a safe and truly productive trip in the U.S.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on August 22, 2015, 01:36:02 PM
FIRST TAKE: Vilma, Angel and Xian Movie https://youtu.be/lqimaYEsato (https://youtu.be/lqimaYEsato)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on October 29, 2015, 10:29:23 PM
Angel Locsin renews TV and film contracts under ABS-CBN (http://starcinema.abs-cbn.com/latest-news/2015/10/29/angel-locsin-renews-tv-and-film-contracts-under-abs-cbn)

Actress Angel Locsin signed new contracts for TV and film with ABS-CBN and ABS-CBN Film Productions Inc, today, October 29.

When asked what's next for Angel, she said, "I'm excited to say na makakatrabaho ko si Coco [Martin]. Akala ko imposible na talaga siyang mangyari."

Angel also revealed that she is also excited to work with the award-winning director Olivia Lamasan for another movie project.

"Iba kasi si Inang [Olivia Lamasan] eh. Ang dami kong natutunan sakanya," she shared.

Angel will star an upcoming film under Star Cinema with the 'Star for all Seasons' Vilma Santos and Xian Lim.

Helmed by the box-office director Bb. Joyce Bernal, the movie will hit the cinemas nationwide this coming 2016.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: josejoshua on October 29, 2015, 11:20:40 PM
^Na-move ito for 2016 kapalit ng most-awaited sequel A Second Chance na ipapalabas na November 25. Sa November 8 naman yung Honor Thy Father na opening film ng Cinema One Originals FF.

All of My Life daw ang title nito.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: billicent_1219 on October 30, 2015, 10:03:52 AM
Mapupush na rin sa MMFF ang Honor Thy Father speaking of.
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 07, 2016, 10:03:26 PM
Official Trailer | 'Everything About Her' | Angel Locsin, Xian Lim, Ms. Vilma Santos | Star Cinema https://youtu.be/qUe5HyOOb4g (https://youtu.be/qUe5HyOOb4g)

(c) ABS-CBN Star Cinema
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 12, 2016, 11:01:54 PM
Everything About Her Official Poster

(https://scontent-hkg3-1.xx.fbcdn.net/hphotos-xal1/v/t1.0-9/12524036_10153897795318754_8867512969993319100_n.jpg?oh=8e555de44082b6f7aefd45927ca31a88&oe=5702F847)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 14, 2016, 05:47:56 PM
(http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-banners-940x135/everything-about-her-940x135.jpg)

TV Trailer | 'Everything About Her' | Angel Locsin, Xian Lim, Ms. Vilma Santos | Star Cinema https://youtu.be/aCOvBFwDNIU (https://youtu.be/aCOvBFwDNIU)

Exclusive Online Trailer | 'Everything About Her' | Angel Locsin, Xian Lim, Ms. Vilma Santos https://youtu.be/Tv7AAT4fUlI (https://youtu.be/Tv7AAT4fUlI)

(c) ABS-CBN Entertainment
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 14, 2016, 05:48:51 PM
(http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-makers-625x410/everything-about-her/VILMA-SANTOS-EVERYTHING-ABOUT-HER--STAR-CINEMA-MAKER.jpg)

Teaser | 'Everything About Her' | Ms. Vilma Santos | Star Cinema https://youtu.be/0RUyp3zkyyU (https://youtu.be/0RUyp3zkyyU)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 14, 2016, 05:49:45 PM
(http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-makers-625x410/everything-about-her/ANGEL-LOCSIN-EVERYTHING-ABOUT-HER-STAR-CINEMA-MAKER.jpg)

Teaser | 'Everything About Her' | Angel Locsin | Star Cinema https://youtu.be/N5wSVpfQQH0 (https://youtu.be/N5wSVpfQQH0)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: royalty on January 14, 2016, 05:50:35 PM
(http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-makers-625x410/everything-about-her/XIAN-LIM-EVERYTHING-ABOUT-HER-STAR-CINEMA-MAKER.jpg)

Teaser | 'Everything About Her' | Xian Lim | Star Cinema https://youtu.be/wRLcCQt-bvI (https://youtu.be/wRLcCQt-bvI)
Title: Re: Upcoming Angel Locsin, Xian Lim, Vilma Santos film, directed by Bb. Joyce Bernal
Post by: billicent_1219 on January 15, 2016, 09:23:47 AM
(http://starcinemamedialibrary.blob.core.windows.net/movie-makers-625x410/everything-about-her/ANGEL-LOCSIN-EVERYTHING-ABOUT-HER-STAR-CINEMA-MAKER.jpg)

Teaser | 'Everything About Her' | Angel Locsin | Star Cinema https://youtu.be/N5wSVpfQQH0 (https://youtu.be/N5wSVpfQQH0)
I spelled it right! I thought it's spelled Jyka.
Title: Re: Everything About Her
Post by: billicent_1219 on February 16, 2016, 03:07:23 PM
208 Million na ang earnings...