Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Maria Leonora Teresa (directed by Wenn Deramas)  (Read 789 times)

erzo01

  • Guest
Maria Leonora Teresa (directed by Wenn Deramas)
« on: November 11, 2013, 10:06:13 PM »
Hinay-hinay na raw sa ginagawa
Direk Wenn Deramas, nasobrahan

Friday, November 8, 2013, 0:08

BALIK-TRABAHO na si Wenn Deramas after two weeks na-confine sa St. Luke’s Hospital dahil sa sakit na pneumonia. Akala nga ng kapatid at relatives ni Direk abroad ay na-stroke siya kaya agad niyang tinawagan ang mga ito para sabihin ang kanyang kalagayan. Medyo nag-adjust na siya sa kanyang taping at shooting schedule. Katuwang ni Wenn  sa pagdi-direk ng Galema ay si Direk Toto Natividad. May cut-off time na rin ang box-office director sa taping at shooting, hanggang 1pm.

Tatlong pelikula ang tinanggihan ni Direk Wenn for the year 2014. Ang follow-up movie sana ni Zanjoe Marudo, after ng big success ng Bromance. Second, ang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema at isang movie for Viva Films.

“Hindi ko sinasabi na hindi ko gagawin ang mga ‘yan, magbabawas lang ako ng load sa trabaho. One at a time, hindi ko na pagsasabayin ang TV at pelikula. Hindi na tayo bumabata, huwag nating abusuhin ang ating katawan. Naging lesson sa akin ang pangyayaring ito. Nasobrahan yata ako sa load ko sa trabaho. Halos wala na akong pahinga, Monday to Friday nagtratrabaho ako, Sunday day off ko,” say ng award-winning director Wenn Deramas.

http://www.pinoyparazzi.com/hinay-hinay-na-raw-sa-ginagawa-direk-wenn-deramas-nasobrahan/