Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: 'Darna' (OT)  (Read 27018 times)

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #15 on: June 19, 2014, 12:36:25 PM »
I doubt anyone is better than Reality Entertainment as far as effects are concerned, as least for now.

Just look at Tiktik, On the Job and even Kung Fu Divas.

People may say na di pulido, but you can say na huge leap 'to compared to so-so effects the past decades.

And no, di talaga makakasali ang Darna sa MMFF this yrar if Erik Matti nga ang director 'coz siya rin director ng sequel ng Tiktik.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3498
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #16 on: June 19, 2014, 07:23:44 PM »
I doubt anyone is better than Reality Entertainment as far as effects are concerned, as least for now.

Just look at Tiktik, On the Job and even Kung Fu Divas.

People may say na di pulido, but you can say na huge leap 'to compared to so-so effects the past decades.

And no, di talaga makakasali ang Darna sa MMFF this yrar if Erik Matti nga ang director 'coz siya rin director ng sequel ng Tiktik.

Time lang ang kailangan sa effects at depende na rin sa RE kung magiging focus sila sa Darna. Gusto kong i-share (kahit improper na i-compare) na filming pa lang ang Avengers 2 pero kasado na talaga sa May 2015 or mapaaga pa. That means kailangan lang mag-focus sa editing para maganda talaga ang output.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3498
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #17 on: June 19, 2014, 09:18:39 PM »


Rumored Cast:

Dimples Romana
Bangs Garcia (most likely Valentina)
Angel Aquino (mother of Narda?)
Pokwang (for comedic elements?)
Joem Bascon (kontrabida)
Jake Cuenca (probably Centipede Man)

Para sa role ni Efren:
 JC de Vera
 Sam Milby
 Matteo Guidicelli
*Para sa akin ay si JC de Vera. May chemistry silang dalawa tapos Pinoy-looking talaga dapat si Efren.

Shaun

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 849
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #18 on: June 20, 2014, 09:32:39 AM »
Sobrang pinaghandaan talaga ni Angel ang Darna. Ang laki ng ipinayat niya at talagang super sexy siya ngayon. Sa mga guesting niya kita mo talaga ang liit ng bewang at braso. Sana lang talaga matagal ang post-production nito para talagang ground breaking ang effects. Hopefully MMFFF 2015 na lang nila isali or kahit anong date sa mid 2015 ipalabas.
He who wants to wear the crown, bear its weight                                                            —THE HEIRS

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2417
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #19 on: June 22, 2014, 04:43:03 PM »
Confirmed na sa 2015 pa ito. May time pa para paghandaan ang effects. Dapat maging pulido ang effects nito. Kailangan talaga ng time para maayos ang effects para maging maganda at realistic.

coolman0304

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #20 on: June 23, 2014, 10:40:14 AM »
Sana Maja Salvador na lang for Valentina.. then sana fresh and bago yung kunin na Efren yung hindi pa nagbibida..Mateo Guidicelli will do..

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #21 on: June 26, 2014, 08:04:48 PM »
UPDATED: Muling gaganap bilang Darna si Angel Locsin sa pelikulang gagawin ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Unang ginampanan ni Angel ang role ng Pinay superhero sa primetime series ng GMA-7 noong 2005.   
about 1 hour ago

http://www.pep.ph/news/pepalerts/read/1403780693

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #22 on: June 26, 2014, 08:14:23 PM »


mychosdotcom
11 minutes ago
Angel Locsin sa story-pitching ng #Darna movie. Go to mychos.com para sa chika!

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #23 on: June 26, 2014, 09:54:52 PM »


erikmatti
2 hours ago
It's official. Angel Locsin + me in one picture = Darna 2015 @therealangellocsin

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #24 on: June 26, 2014, 10:16:12 PM »
Ayon kay Angel Locsin, hindi pa napag-uusapan kung siya rin ang gaganap na Darna para sa pinaplanong teleserye ng ABS-CBN. Mas gusto raw niya talagang unahin ang pelikulang Darna dahil hindi pa niya ito nagagawa.   
about 8 minutes ago

http://www.pep.ph/news/pepalerts/read/1403792716

psdaily

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
  • Pinoy Showbiz News
    • View Profile
    • Pinoy Showbiz Daily
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #25 on: June 26, 2014, 11:58:36 PM »

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #26 on: June 27, 2014, 01:15:47 AM »
Angel Locsin shed tears of joy for being chosen to reprise Darna in movie
By Rachelle Siazon
06/26/14 11:41 pm
Napaiyak si Angel Locsin nang alalahanin niya kung paano siya natulungan ng Darna noong ginampanan niya ang
nasabing karakter noong 2005.
“Yes, puwede ko na siguro sabihin. It’s official. Nasa akin na ulit ang bato. I’m very excited. Ang laki ng respeto ko kay
Darna .”
Ito ang pahayag ni Angel Locsin pagkatapos ng ginanap na story pitching para sa pelikulang Darna sa ilalim ng Star
Cinema.
OVERJOYED. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN reporters, ngayong gabi, June 26,
napaluha si Angel sa sobrang tuwa, dahil muli niyang magagampanan ang komiks superhero na una niyang ginawa sa
GMA Network noong 2005.
Iningatan daw niya ng husto ang pagganap bilang Darna , at kahit pagkatapos ng naturang teleserye ay nanatiling
malapit sa puso niya ito.
“Nagpapasalamat ako sa pamilya ng Ravelos for trusting me again especially sa pinakamamahal ko na Star Cinema at
ABS-CBN.
“Hindi ko akalain na magagbabalik ulit ako. Naiiyak naman ako. Emosyunal naman ako dito.
“Pero maraming salamat kasi ang laking part ng career ko ‘to.
“Parang, pasasalamat ko na rin sa mga tao dahil dito nag-boom yung career ko.
“Tapos nakilala ako, nagkaroon ako ng magandang trabaho.
“Nabubuhay ko ng kumportable yung pamilya ko. So, pasasalamat ko talaga,” maluha-luhang saad ni Angel.
Ayon pa kay Angel, kagabi lang niya nalaman na pinapatawag siya ng Star Cinema para sa isang story pitching para
sa pelikulang Darna.
Agad daw niyang pina-clear ang kanyang schedule at bigla siyang napa-workout bilang paghahanda sa sexy costume
ng naturang role.
“Ay! Nag-work out ako nung nalaman ko. Kasi siyempre may bago kang ipapakita.
“Tapos na kasi yung mga ibang roles na ginawa ko. It’s about time na mag-prepare ako para rito.
“Kasi weird naman kung medyo bato-bato yung [hitsura ng katawan] ko sa The Legal Wife bilang nanay ang role ko na
walang time sa sarili masyado,” natatawang kuwento ng 29-year-old aktres.
Mayroon pang kulang-kulang isang taon para paghahandaan ni Angel ang naturang role dahil sa 2015 pa nakatakdang
ipalabas ng Star Cinema ang Darna .
BIG BUDGET. Base sa naganap na pakikipag-meeting niya sa top executives at creative team ng Star Cinema,
ipinagmalaki ni Angel na pagkakagastusan ng husto ang special effects at iba pang aspeto ng pelikula.
“Lagi nila sinasabi ‘pag fantasy movie, medyo nahihirapan tayo sa budget at effects. Pero dito all in talaga.”
Malaki rin ang tiwala ni Angel sa mga bigating pangalan ang makakatrabaho niya kabilang na si Direk Erik Matti at
Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.
“He’s the best pagdating dito sa mga fantasy movies. May special effects talaga. Si Kuya Don, si Direk Erik Matti… I’m
just so happy na sila yung nalagay sa proyektong ito.
“Nakita n’yo naman yung ibang pelikula nila, as in mapapapangaga ka talaga.
“Pero sinasabi nila, ‘Ay, wala pa ‘yan. Wait and see. Ito yung mga gagawin namin.’
“Kinukuwento pa lang nila parang nalulula na ako.
“Dream come true for me talaga na meron na tayong ganitong kagandang technology para sa mga ganitong klaseng
project, yung mga lipad-lipad.”
ON VILMA SANTOS. Ano ang masasabi niya na tulad ng kanyang “future mother-in-law” na si Vilma Santos ay
isasapelikula rin niya ang character na Darna?
Sagot ni Angel, “Actually, nung first Darna ko siya ang nagsabi sa akin na, ‘Congrats, ikaw  ang magiging Darna .’
Katrabaho ko siya before, e [ Mano Po 3: My Love , 2004]. Siya yung nagsabi sa akin in person.
“Parang nahiya naman ako i-compare kasi sobrang kahit dumi sa kuko niya wala akong binatbat talaga.
Mataas daw ang respeto ni Angel kay Vilma kaya’t malaking karangalan umano na sundan ang yapak ng beteranang
aktres.
“Ibang klase. Sobrang tinitingala ko talaga si Tita [Vilma]. Wala ako sa kalingkingan ng mga ginawa niya.
“Pero bilang nakababatang artista, gusto ko tularan kung ano man ang naging example niya sa mas bagong artista.
“So, kung nagawa mo yung mga bagay na nagagawa nila before, malaking achievement na para sa akin.”
DARNA AS ABS-CBN’S NEXT TELESERYE? Matagal nang usap-usapan kung sino sa mga leading ladies ng Kapamilya
network ang gaganap na Darna para sa isang primetime soap.
Iba’t ibang pangalan ang lumitaw kabilang na si Jessy Mendiola.
READ: Jessy Mendiola: Is she the next Darna?
Kaya’t tinanong si Angel kung siya rin ba ang napiling gumanap ng much-coveted role sa TV.
Sagot ni Angel, “Naku! Hindi pa namin napag-uusapan. Ito pa ngang movie ang laki-laking bagay na sa akin nito.
“At actually, ito naman talaga yung ginusto ko. Pelikula muna talaga para sa Darna kasi hindi ko pa nagagawa.
Nagawa ko na yung sa TV, e.
“Gusto ko rin makatago ng DVD para remembrance pagtanda ko.
“Who knows? Tignan natin kung ano’ng magiging resulta, kung ano’ng mangyayari.”
Sa kabilang banda, wala umanong problema kay Angel kung saka-sakaling ibigay man sa ibang Kapamilya actress
ang naturang TV project.
“Kung ibibigay nila sa younger generation, ok lang din naman sa akin kasi nabigyan naman na ako ng chance.
“Itong movie pa lang, kung magdadamot pa ako sa ibang tao, parang ang sama-sama ko naman.
“Kung ibibigay sa akin, thank you so much. Kung hindi, magiging happy ako kung kanino man,” pagtatapos ni Angel.

http://www.pep.ph/guide/movies/14018/angel-locsin-shed-tears-of-joy-for-being-chosen-to-reprise-darna-in-movie

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3498
    • View Profile
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #27 on: June 27, 2014, 12:53:02 PM »
[Upcoming Movie]

Pinaka-Malaki,Pinaka-Engrande at Pinaka-Epikong Pelikula sa Kasaysayan ng PH Movie,Binubuo na!

Sa pakikipagsanib pwersa ng Mars Ravelo Team at Abs-Cbn ay Muling masisilayan ang mga Pinaka-sikat na Mars Ravelo Hero.

Mula sa Star Cinema na nangungunang Film Outfit ng bansa,Under the Direction of Mr Erik Matti(creator ng Rounin at ng Critically Acclaimed Film na OTJ: On the Job) ang muling Pagsasahimpapawid ng pinakasikat na Pinoy Heroine.

At sa pagbibidahan ng Nag iisang Action Drama Queen at Multi Awarded Actress... Angel Locsin.

Abangan ang #Darna ngayong 2015.


erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #28 on: June 28, 2014, 10:34:05 PM »
Angel ngayon lang gagawa nang higanteng pelikula SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 28, 2014 -
12:00am
Kumpirmadong gagawin na ng Star Cinema ang pelikulang Darna na pagbibidahan ni Angel Locsin . Una nang
gumanap bilang Darna ang aktres sa teleserye ilang taon na ang nakararaan. Ayon kay Angel ay masasabi
niyang ito na ang pinakamalaking proyekto na kanyang gagawin.
“ Naku! You have no idea kung gaano kalaki! Kasi kahit ako, nagulat eh. Sabi ko, ‘Sandali lang ha, ganito pala kalaki
ito. As in never ako naka-experience ng ganito kalaking project o nakarinig man lang. First time ito, first time ito sa
buong history ng Pilipinas,” nakangiting bungad ni Angel.
Mga bigating personalidad din ang makakasama ng dalaga sa paggawa ng nasabing pelikula.
“ Ang tapang ng Star Cinema para gawin itong project na ‘to. And ako, bilang napili nilang artista rito, sobrang
hanggang ngayon speechless talaga ako. Overwhelmed ako kung gaano kalaking proyekto, gaano kaganda, at kung
gaano kagagaling ‘yung mga tao na kinuha nila behind ng camera. Ang makakatrabaho ko dito, best of the best ng
industriya talaga, ” paglalarawan ni Angel.
Aminado ang aktres na malaki ang naitulong nang pagganap niya ng Darna noon dahil ito raw ang nagpasikat
sa kanya talaga.
“ Ang laki ng respeto ko kay Darna. Iningatan ko si Darna noong ginagawa ko pa lang siya. And kahit noong hindi ko
na siya ginagawa, isinapuso ko talaga si Darna. Dahil dito, nag-bloom ang career ko. Nakilala ako, nagkaroon ng
magandang trabaho, nabubuhay ko nang komportable ang pamilya ko. Pasasalamat ko ito talaga sa kanila,”
pagtatapos ng dalaga.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2014/06/28/1339956/angel-ngayon-lang-gagawa-nang-higanteng-pelikula

erzo01

  • Guest
Re: 'Darna' (OT)
« Reply #29 on: June 29, 2014, 10:21:09 PM »
Saturday, 28 June 2014 00:00 Written by  Francis Simeon
Angel, todo-paseksi na para sa ‘Darna’ sa 2015!

Si Angel Locsin na nga ang napili ng Star Cinema na gumanap bilang Darna sa pelikula. Take note, hindi sa
teleserye, gaya ng alam ng karamihan, nu’ng malaman ng publiko na nabili ng Kapamilya network ang
rights ng nasabing matagal na ring kuwento ng isang Pinoy heroine.
Ginanap nga nitong Huwebes ng gabi ang story-con ng Darna sa opisina ng film arm ng ng ABS-CBN
kasama ang managing director nito na si Tita Malou Santos, Angel’s manager, Tita Ethel Ramos,
Dondon Monteverde at ang tatayong direktor nito na si Erik Matti.
Overwhelmed at halos hindi makapaniwala si Angel sa laki ng pelikula na ipinagkakatiwala sa kanya at sa
kalalabasan nito na ngayon lang daw mangyayari sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Nagpauna na ang aktres kay Direk Erik na ito na raw ang bahala sa kanya once na mag-umpisa nang
gumiling ang camera.
Sa pagkakaalam namin ay plano ng Star Cinema na ilahok ang Darna: The Movie sa Metro Manila Film
Festival sa 2015.
Bagama’t malayo pa, mag-uumpisa na ang series of pre-prod meeting at ang mahigpit na training ni Angel
for the role, kahit na nagawa niya ito noon sa TV nu’ng nasa GMA-7 pa siya at inaamin niyang dito siya
sumikat nang husto, kung saan nagtamo pa ito ng napakataas na rating na wala pang nakakapantay na
kahit anong serye.
Nitong Tuesday nang madaling-araw lang dumating si Angel mula sa Canada para sa kanilang show nina
Gary Valenciano, Maja Salvador, Xian Lim, Enrique Gil at Vice Ganda. Pero kinabukasan, Wednesday, ay nag-
umpisa na raw itong mag-work out at gym, pati sumunod na araw, Thursday, sa Ortigas area kasama ang
kanyang kasintahang si Luis Manzano, bago ito magtungo sa story-con kinagabihan.
Mukhang aaraw-arawin na ni Angel ang pagwo-work out bukod sa pagda-diet para mas lalong maging fit ito
sa muli niyang paglunok ng bato bilang si Darna.
Sa ngayon ay wala pang napag-uusapang ibang mga artista na mapapasama sa cast, lalo na ang role ni
Ding na kapatid ni Narda at kung sino ang kanyang magiging leading man.

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/8589/angel-todo-paseksi-na-para-sa-darna-sa-2015.html