Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)  (Read 16816 times)

tuilynluvwidu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1801
    • View Profile
Re: MARIA, LEONORA, TERESA
« Reply #15 on: April 30, 2014, 07:29:15 PM »
kung isama kaya nila si inay maria (maricel soriano) ahhaha
Sana nga kung di makikialam ang GMA FILMS.

gusto ko si maricel.... naalala niyo ba yung I Will Survive na movie nila before?!

about Gma Films naman, tsk tsk... makiki ride on para magkablockbuster films?!

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17996
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: MARIA, LEONORA, TERESA
« Reply #16 on: May 09, 2014, 06:57:08 PM »
^yun na nga baka mgkaroon nga si Inay ng movie under GMA Films eh

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 907
    • View Profile
Re: MARIA, LEONORA, TERESA
« Reply #17 on: May 14, 2014, 09:27:47 PM »
PEP: Papalitan na ni Iza Calzado si Judy Ann Santos sa Star Cinema horror film na Maria, Leonora, Teresa. Ito ang kinumpirma ni Direk Wenn Deramas, direktor ng pelikulang kasama rin sina Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria. Tatlo silang mga bida bilang mga "nanay" (nanay na bading ang role ni Zanjoe). Conflict sa schedule ni Juday ang dahilan. Malungkot si Direk Wenn dahil masarap daw katrabaho si Juday. "Pero bet na bet ko rin si Iza," sabi niya. Kasalukuyang nagsu-shooting si Juday ng Mariquina, ang kanyang Cinemalaya 2014 movie with Joel Torre, Barbie Forteza, Dennis Padilla, etc., written and directed by Real Florido.


may pagka-comedy din siguro ito dahil kay Zanjoe. Lol sayang di na tuloy si Juday. ok sana kung pagsamahin sina Juday at Iza dito.

erzo01

  • Guest
Re: MARIA, LEONORA, TERESA
« Reply #18 on: May 16, 2014, 02:20:00 PM »
New project

Meanwhile, Sta. Maria said she is glad that she will be portraying a new role for the upcoming horror movie “Maria, Leonora, Teresa,” which will also star Iza Calzado and Zanjoe Marudo.

“Sobrang excited kasi ang tagal ko ng hindi nakagawa ng pelikula. Ang huli ko pang nagawa with Star Cinema is 'yung ‘Cinco’ na horror din. First time ko makakasama sa pelikula sila Iza and Zanjoe. Excited ako makatrabaho sila so bagong learning experience,” she said.

Saying she missed doing heavy drama, Sta. Maria said, “Kailangan ko talagang himayin 'yung character ng maigi para ma-portray ng maayos 'yung role. Very excited ako kasi after almost two years, gagawa na naman ako ng bago.”

Directed by Wenn Deramas, “Maria, Leonora, Teresa” is slated to be released in theaters later this year.

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/15/14/jodi-defends-be-careful-against-bashers

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #19 on: May 16, 2014, 02:20:41 PM »
Zanjoe plays another gay role in new movie

ABS-CBNnews.com
Posted at 05/15/2014 10:03 PM | Updated as of 05/15/2014 10:03 PM

MANILA – Actor Zanjoe Marudo is not afraid of being typecast in gay roles and is even thrilled to be playing another challenging role in an upcoming Star Cinema movie.

On Wednesday, Marudo revealed he will be part of the Wenn Deramas-directed horror flick titled “Maria Leonora Teresa,” where he will play a gay teacher.

“Kahit naman gumanap na ako ng character na medyo binabae, para sa akin, bago pa rin itong character ni Julio kasi unang una, hindi niya pinapakita kasi isa siyang teacher. Ipinanganak lang talaga siyang ganun. Seryoso siya, drama siya. Hindi tulad ng ibang ginagawa ko, comedy kasi 'yun kapag gumaganap akong gay,” he said.

Marudo’s last project with Star Cinema was "Bromance: My Brother's Romance" where he was seen portraying two characters: a "macho" man and a cross-dressing gay.

“Challenge talaga. Hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawin. Magsu-shooting na ako bukas. So hihingi ako ng tulong kay direk kung paano namin sisimulan yung character ni Julio,” he said.

Also featuring Iza Calzado and Jodi Sta. Maria, “Maria Leonora Teresa” is slated to be released in theaters this year.

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/15/14/zanjoe-plays-another-gay-role-new-movie
« Last Edit: May 29, 2014, 02:07:04 PM by TFC Godfather »

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #20 on: June 27, 2014, 08:44:46 PM »
Wenn Deramas on Praybeyt Benjamin 2: "Wag silang makasabi na basura kami..."
By Melba Llanera
06/27/14 04:59 pm
Pasok sa walong entries sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival ang Praybeyt Benjamin 2. Pinagbibidahan
ni Vice Ganda ang naturang comedy film na nasa ilalim ng panulat at direksyon ni Direk Wenn Deramas.
(To view list of other MMFF entries, CLICK HERE )
Ang Praybeyt Benjamin 1 ang nagluklok kay Vice Ganda bilang Phenomenal Box Office Star at  kay Direk Wenn
Deramas bilang Box Office Director sa 2012 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards Night.
Ito rin ang tinuturing na highest grossing Filipino film of all time hangga’t sa nadaig ito ng Sisterakas sa 2012
Metro Manila Film Festival.
Sa interview ng PEP.ph kay Direk Wenn, nagbigay pahayag ang Box Office Director na inasahan naman niya na
papasok talaga ang Praybeyt Benjamin 2 sa 40th edition ng MMFF sa kabila ng pambabatikos ng ilang tao na
"basura" daw ang mga nasaling pelikula sa taon na ito.
“Ako siyempre di sa ano pa man nage-expect talaga ako kasi base naman sa naging pamantayan ng MMFF, lagi
na ang film fest ang mga pelikula dito ay may espiritu ng Kapaskuhan.
"Ibig sabihin Pasko manonood ka, kasama mo ang buong pamilya mo, tatawa tayo, masaya tayo. Hindi ko
sinasabing hindi pang-MMFF yung ibang pelikula na hindi napasama. Ibabagay natin talaga sa okasyon yung
sasalihan natin. Hindi natin sinasabi na hindi tama yung pelikula nila kaya lang sinasabi ko, mas masarap
manood sa Araw ng Kapaskuhan ng mga pelikulang pampamilya.
“Mas mahirap ngang i-judge yun kasi yung merito ng pelikula ay hindi nawawala at alam ko rin ‘yan na nasa
criteria ng judging ng mga pelikulang ito na hindi nawawala yung form of entertainment. Kung yung papanoorin
mo pala ay parang yung nangyayari sa labas ng bahay mo, e, di lumabas ka na lang, libre ka pa, nakatipid ka pa
ng 250 pesos.
“Kaya nga 'wag silang makasabi na basura kami kasi ang basura tinatapon, yung mga ginagawa namin
tinatangkilik, sino ba ang pumasok? Kasi nakakabasa tayo, puro Part 2 na lang, sobra naman sila, milyones ang
ginagastos namin dito. Hindi naman namin ito, especially sa trabaho naming ito, hindi rin kami magpabaya kasi
may mga nauna na kaming ginawa na alam namin na pinapasok ng tao at hindi namin puwedeng pabayaan yun
dahil alam namin kung ano ang gusto ng tao.”
Ang hinuhulaan na maaring mahigpit na makalaban ng Praybeyt Benjamin sa takilya ay ang Feng Shui 2 ni Kris
Aquino at ang My Bossing’s Adventures na pagbibidahan naman ni Vic Sotto. Para kay Direk Wenn ay welcome sa
kanya ang kumpetisyon lalo’t alam niya na ang intention nilang lahat na sumali ay para makapagbigay saya sa
mga manonood.
“Siyempre i-welcome natin kasi pare-pareho naman ang adhikain naman namin nila Vic Sotto, Kris Aquino na
magbigay ng isang masayang pelikula sa araw ng Kapaskuhan. Nagkakasundo kami pare-pareho kaya sinasabi
nila hayan na naman, simply because naiintindihan namin yung sinasalihan namin. Alam namin kung ano ang
hinahanap ng filmfest na ito.
“Hindi namin sinasabi na hindi welcome yung mga hindi nakapasok, welcome sila pero again, alam natin kung
ano ang damit na susuotin natin sa isang party na pupuntahan natin, nasa okasyon.”
Kasama sa Praybeyt Benjamin 2 sina Bimby (ang bunsong anak ni Kris Aquino) at Richard Yap. Noon pa man ay
kinakikitaan na talaga ni Direk Wenn ng husay sa pagpapatawa si Bimby.
“Si Bimby, si Richard Yap and yung original cast. Alam mo natutuwa ako kasi Sisterakas pa lang, laging
pumupunta si  Bimby sa set namin tapos nakakapagkuwentuhan kami, niloloko ko pa nga ‘yan na magpalit kami
ng tubig na iniinom namin kasi mamahalin yung tubig niya. Mabait na bata, very polite, magkakasundo kami saka
innate sa kanya, saka may ano talaga siya sa comedy, nakakatuwa siya. Saka yung charm, namana niya sa lahat
ng Aquino ang charm na ‘yan.”
Sabay na tinatapos ngayon ni Direk Wenn ang mga pelikulang Moron 5.2 at Maria Leonora Teresa na isa namang
horror movie. Sa Moron 5.2 napalitan lamang si Martin Escudero pero nanatili pa rin sa cast si DJ Durano sa
kabila ng nauwi sa break up ang isang dekada rin nilang relasyon ng aktor.
“It’s still the original cast except for Martin Escudero na pinalitan ni Matteo [Guidicelli]. Yun ang buhay natin, may
natatapos, may nag-uumpisa. Binati  mo nga ako ng seven months anniversary. Saka trabaho namin yun, e, di ko
puwedeng alisin kay DJ yung nandun siya sa Part 1, wala na nga si Martin, masayado ng malaki ang mawawala
kung mawawala din siya dun sa pelikula. Walang kaso sa akin, magkaibigan pa rin naman kami.”
Tinanong din namin ang Box Office Director kung bakit di natuloy sa Maria Leonora Teresa si Judy Ann Santos at
napalitan ito ni Iza Calzado.
“Originally dapat kay Dawn Zulueta yun ang alam ko kasi akin ang istorya. Ang original cast talaga niyan is Dawn
Zulueta, Eugene Domingo and Jodi Sta. Maria. Si Eugene ay hindi pa nga ready mag-shoot so ako pina-revise ko
yung script na gawing bakla na lang yung character instead of Uge kasi not for anything else, ginawa ko talaga
yung character na yun for Uge. Pina-revise ko and napaka-okay ng Star Cinema para pumayag na gay yung
character ng isang magulang.
“Tapos nun inoffer din kay Kris Aquino pero si Kris kailangang gawin ang Feng Shui 2 so parehong horror sa
isang taon so imposible din kaya napunta kay Judy Ann.
“Di rin puwede si Juday so pinalitan siya ni Iza. Schedule ang unang sinabi sa akin, di match ang schedule namin
ni Judy Ann.”
Consistent din ang taas ng ratings ng mga seryeng ginawa ni Direk Wenn sa Kapamilya network. Binalita niya sa
amin na sa darating na Hulyo ay magsisimula na rin ang taping ng Inday, Inday sa Balitaw na pagbibidahan nila
Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.
“Heto na magsisimula na kami sa Inday, Inday sa Balitaw. I think third or last week of July. Ang bida rito ay sila
Sharlene San Pedro and Jairus Aquino. Sila Nash and Alexa dun sa Inday Bote, iba yun. Nilipat lang yata ako sa
Inday, Inday sa Balitaw dahil pinamili ako. In terms kasi in kuwento, malaman na malaman ang Inday, Inday sa
Balitaw. Mother and daughter love.”
Na-hospital si Direk Wenn dahil sa pneumonia, sa dami ng ginagawang proyekto sa ngayon ng direktor ay
siniguro naman nito na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan niya.
“Sobra, para naman lumagare ako ng dalawang pelikula at pumi-pre prod na rin ng Praybeyt Benjamin, talaga
namang grabe. Kung kailan nga ako nagpahinga dun ako nagkalagnat, sumakit ang ulo at nilagnat. The next day
shooting na uli, okay na okay na ako ngayon. Parang ang katawan ko ay dinesign ng Diyos para magtrabaho.”

http://www.pep.ph/guide/movies/14021/wenn-deramas-on-praybeyt-benjamin-2-wag-silang-makasabi-na-basura-kami

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #21 on: July 05, 2014, 07:33:12 PM »
Nagtanggal ako ng isang picture ni Jodi! SPOILER pala 'yun! Hanapin niyo na lang sa ibang sites.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #22 on: July 05, 2014, 07:34:37 PM »
Ito na lang...



Wenn: "Field trip ng mga bata at nahulog ang bus sa fly over! Grabe huhusay nina Zanjoe Marudo, Maria Calzado at Jodie Sta. Maria! Lahat lahat! Ultimo miron umaarte! 600 *** tao!

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #23 on: July 15, 2014, 09:49:10 AM »
Matapos matsugi sa MMFF ang pelikula ni Ate Guy
Wenn Deramas binastos ng Noranians, nilait ang ‘Praybeyt Benjamin 2’ ni Vice
By Julie Bonifacio

DINATNAN namin sa set ng “Maria Leonora Teresa” ang box-office director na si Wenn Deramas kasama ang kanyang “Boss.” Si Boss ay ang bagong inspirasyon ni Direk Wenn.

Ito’y sa gitna nga ng tsismis na nagkabalikan sina direk Wenn at ex-partner niya na si DJ Durano. Umugong ang tsika nu’ng mapasama muli si DJ sa part two ng pelikula ni direk, ang “Moron 5” ng Viva Films.

Ang bida sa “Moron 5” na kasama ni DJ ay sina Luis Manzano, Marvin Agustin at Billy Crawford.  Habang pinalitan naman ni Matteo Guidicelli si Martin Escudero.

Nalokah naman ang kaibigan ni direk Wenn na nakabasa ng mga panmba-bash sa Twitter sa box-office director. Ang friend kasi ni direk Wenn ang nakabasa at ikinuwento naman sa kanya.

Bina-bash daw ng Noranians si Direk Wenn, pati na rin daw si Vice Ganda dahil sa pagkakalaglag ng movie ni Nora Aunor na “Whistleblower” sa official list of entries sa 2014 Metro Manila Film Festival sa December in favor of their entry “Praybeyt Benjamin 2″.

“Hindi ko kasalanan kung malaglag ang ‘Whistlelower’. Hindi ako ‘yung namimili. Pare-pareho lang kaming nag-submit. Pinalad kami. Hindi sila pinalad. Hindi ko kasalanan ‘yun.

At hindi dapat sila naninisi sa mga pumasok. Dahil pare-pareho lang naman kami ng intension, e, ang sumali sa film festival,” esplika ni Direk Wenn.

Baka hindi raw alam ng mga Noranian na solid fan din ng Superstar ang yumao niyang ina, “Pinalaki akong Noranian ng nanay ko. Every interview sinasabi ko naman ‘yun. Kung alam lang nila kung gaano ko nirerespeto si Ate Guy.

At siya pa ang nagre-request sa akin for MMK (Maalaala Mo Kaya) niya bago siya umalis ng bansa. Siguro naman kung alam ni Ms. Nora Aunor na pipitsugin akong direktor, hindi naman siya papadirek sa akin.

Hindi siya magtitiwala, ‘di ba? So, huwag ganoon,” sabi niya.Dagdag pa ni Direk Wenn, “Hindi rin nila alam ang relationship ko kay Ate Guy. Wala akong pwedeng sabihing hindi magandang experience kay Ate Guy during Bituin.

Dahil sobra-sobrang respeto at pagmamahal ang ibinigay ko kay Ate Guy.”So, ibig sabihin, hindi nila ako kalaban. Kakampi ako ng mga Noranian. Nanay ko sobrang Noranian. Hindi ka kaka

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2433
    • View Profile
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #24 on: July 16, 2014, 10:22:21 PM »
From my friend's FB account



at Floti Cafe

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #25 on: July 17, 2014, 02:54:26 PM »
Iza Calzado returns to horror

Share this update
Date posted: May 16, 2014

Iza Calzado goes back to familiar territory with her new Star Cinema movie "Maria, Leonora, Teresa."

Iza Calzado returns to horror 940x280
After gaining accolades for Iza Calzado's memorable performance in the hit movie "Starting Over Again," the gifted actress will return to doing horror in Star Cinema's "Maria, Leonora, Teresa," directed by Wenn Deramas. Iza will be joined by Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo in the movie.

During the movie's story conference held last May 14, Iza shared her excitement over the new project.

When asked about her co-stars and director, Iza quips, “I’m very excited to work with Jodi because she’s the only one that I haven’t worked with in this group. And, of course, I’m very excited to work with Zanjoe again kasi ‘yung first project ko sa ABS eh MMK was with Zanjoe and, of course, my first soap was with Direk Wenn. I’m very excited to work with all of them and very excited to do another horror project kasi before andami kong nagagawang horror and this is going to be my… my 'comeback' and my first horror with Star (Cinema)."

“It’s a good genre," she says. "I seemed to be cast in projects na horror, so maganda at salamat. Nagpapasalamat ako sa tiwala ni Direk Wenn at ng Star.”

Faith is the name of Iza’s character in the movie where she will be portray the mother of Maria and wife of Stanley, which will be portrayed by Dante Ponce.

Iza Calzado has also started taping for her new teleserye “Hawak Kamay” with Piolo Pascual and Nikki Gil.

http://starcinema.abs-cbn.com/latest-news/iza-calzado-returns-to-horror

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #26 on: July 17, 2014, 03:17:35 PM »
Mukhang October ang showing nito. Sunud-sunod na naman mga pelikula ni Wenn Deramas.

erzo01

  • Guest
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #27 on: August 06, 2014, 12:39:36 AM »
Nabasa ko sa PEx na September 17th ang premiere nito.

tuilynluvwidu

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1801
    • View Profile
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #28 on: August 06, 2014, 02:07:33 AM »
Mukhang October ang showing nito. Sunud-sunod na naman mga pelikula ni Wenn Deramas.
in time for halloween.
perfect timing

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2433
    • View Profile
Re: 'Maria, Leonora, Teresa' (OT)
« Reply #29 on: August 08, 2014, 11:15:17 PM »
May teaser na rin daw during Once A Princess movie. Gusto ko mapanood ang trailer, mukhang maganda sya. Si Direk Wenn pala ang director ng Maligno ni Claudine Barretto. Infairness, napanood ko yang Maligno at maganda sya I mean scary pala.