Welcome, Kapamilya. Please or

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.


Messages - billicent_1219

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 1229
31
Upcoming Asianovelas / Re: The King Is In Love (왕은 사랑한다)
« on: February 14, 2018, 03:22:40 PM »

32
Upcoming Asianovelas / Re: The King Is In Love (왕은 사랑한다)
« on: February 14, 2018, 03:20:32 PM »
#TKILPagtutol (The Antepenultimate [Third to the Last] Monday)

Ipinagbigay alam na ni Rin kay Prinsipe Won na si Jeon ay papunta sa tahanan ni Ministro Eun. Wala naman siyang magawa kaya ang Prinsipe raw ang dapat pumigil sa kanya. Si Rin raw mismo gumagawa ng paraan para mapigilan ito. Si Prinsipe Won na ang bahala sa mga bagay. Lumapit si Prinsipe Won kay Ministro Eun Yeong Baek. Inutusan niyang itigil ang pag-iisang dibdib. Ipinaalala ni Prinsipe Won na mayaman ang ama ni San at ipinaliwanag ang mga pag-aaring lupain at ari-arian ni Ministro Eun. Ibibigay raw ang mga ito kay Jeon oras na maikasal sila ni San. Ang mga kawal naman ni Jeon, makakaaway sa hinaharap ang Hari at Prinsipe. Tahimik na umalis si So Hwa pagkatapos. Naaalala niya ang mga masasaya niyang alaala kasama sina Prinsipe Won at Wang Rin. Malungkot rin daw ang mga ngiti ni Prinsipe Won. Nagmamasid naman sa kanila So Hwa si Rin. Nakiusap si Rin na dumating si Prinsipe Won para kay So Hwa. Tunay na ama ni Rin ang Susagong. Nalaman ni So Hwa na pangatlong anak ng Susagong si Rin. Sina Rin naman raw ang nagsinungaling kay So Hwa. Naging magalang pa rin daw si Rin kay So Hwa bagaman siya'y tagapagsilbi lamang. Noong una ay may pagmamahal na ang Prinsipe kay So Hwa.

Nagkaroon ng argumento ang mga magulang ni Prinsipe Won dahil isinama sa talaan ang anak ni Honggyu. Nakita ng kanyang ina na nasa silid na rin ang Prinsipe. Tinanong ng hari sa Prinsipe ang tungkol sa pagpapahirap ni Prinsesa Wongsun kay Honggyu. Dahil nga roon kaya gusto siyang kausapin ni Won. Si Rin daw ang inaalala ng hari. Binansagan niyang mga "sumpa" ang kanyang mag-ina. Wala namang sinabi si Prinsesa Wongsun. Binigyan naman ni Prinsesa Wongsun ng babala si Dan. Ang pagpigil ni Prinsipe Won sa kasal ay layunin rin ng kanyang ina. Nakita ni Prinsipe Won na nasa Talaan ng Kabayaran rin si Dan na Ate ni Rin. Ang Susagong mismo ang naglagay sa anak niya sa Talaan. Inamin rin ni Susagong na kasama nga si Dan sa Talaan ng Kabayaran. Gagawa raw si Rin ng paraan ngunit wala na silang magagawa pag maipadala ang Talaan sa Yuan. Ang paraan lang na naiisip nila ay ang pagpapakasal ni Jeon. May nararamdamang takot si Dan. Takot daw si Dan sa mga taong "higit sa apat ang paa". Hindi na raw makakabalik si Dan sa kanila oras na ipadala sa Yuan at hindi na makikita ang kanyang pamilya. Ayaw ni Dan pumunta sa Yuan kahit anong mangyari.

Sa oras ng gabi, ipinapasundo na si San ni Song In sa utos ng Hari. Handa naman si Bi Yeon na pumunta roon sa halip ni San. Tumingin sa salamin si San at nag-isip. Hinanap naman ni San ang Prinsipe. Inamin ni San sa ama niya na kilala niya ang Prinsipe. Mapaparusahan rin daw si Prinsipe Won pag napagtakpan nga niya si San. Ipinatawag nama ng Hari ang Prinsipe. Kailangan daw humingi ng tawad si Prinsipe Won kay Jeon. Umupo naman sina Jeon at San. Malaki raw ang tulong na naiambag ng Kalihim sa kasal. Humingi na ng tawad ang Prinsipe sa pamamagitan ng isang tagay. Ipinakita ng Prinsipe ang lagayan ng alak. Wala namang kinalaman si Prinsesa Wonsung sa ganyang bagay. Saka naman siya naghain ng alak. Lasing rin daw si Prinsipe Won bukod sa pagkainggit sa mga ikakasal. Titimbangin ng mga mamamayan ang pagiging mag-ama ng Hari at Prinsipe. Iniisip rin nila ang maaaring isipin ng Hari ng Yuan, ina ni Prinsesa Wongsun at samakatuwid, Lolo ng Prinsipe. Ikinukwento rin ng Prinsipe ang tungkol sa Pilat sa mukha ni San. Sumabat naman ang babaeng nakaputi na ibinahagi na narinig niya ang pag-uusap ng manggagamot na gumagawa ng paraan sa paghilom ng sugat sa mukha ni San. Malalim raw ang sugat sa mukha ni San kaya siya tinanong ng Hari kung naghilom nga ito. Itinanong ng hari kung handa si San na ipakita ang kanyang mukha.

33
This may not be a "big deal" noh, pero sana ipagpatuloy ng mga network na gamitin ang ating sariling wika sa mga titles ng mga Filipino teleserye/shows/movies, as well as minimizing the use of the English language sa mga dialogue. I've had very few instances abroad na some foreigners when they find out that I'm Filipino, na.memention nila yung Pangako Sa'Yo. They'd go, "I watch Philippine show, Pangako", and then sabay proud mag-sample ng mga Filipino words na natutunan nila at naaalala pa nila hanggang ngayon si Angelo, Ynna at Amor. Hahaha diba ang saya??!! Sobrang sarap sa feeling. Kind of the same when looking at the influence of the Korean culture in our country, that's largely because of the import of their Korean shows and all kinds of Korean entertainment. Kaya mga Pinoy natututo na rin mag-salita ng Korean, na halos nagiging normal na nga yung mga basic Korean words or phrases sa mga conversations natin. The Koreans know what they're doing in this game of entertainment shows, kaya talaga namang walang humpay din paggawa nila ng mga good quality shows na ma-import nila abroad. Look at how they've gained influence across Asia, natatabunan talaga nila ang Chinese o Japanese when it comes to entertainment. I can only wish na ma.pareho tayo sa Korea, pero that's obviously wishful thinking at the moment. Ang sa akin lang, kahit within ASEAN countries man lang pumatok yung mga Filipino dramas, okay na ako dun. Kahit sa mga neighboring countries lang muna natin pwede tayong mag.top at maka.impluwensya through our shows. It's the best way to promote our country, our language and gain some influence internationally. It's good business, income, and image for our country.
mas effective siguro kung more Filipino dialogues.... sa local drama natin.

34
Hanggang Saan [November 27, 2017 - Present] / Re: Hanggang Saan (OT)
« on: February 14, 2018, 03:04:50 PM »
For this Valentine's Day episode
https://www.youtube.com/watch?v=xyUxxz-88Wg

35
The Blood Sisters / Re: The Blood Sisters (OT)
« on: February 14, 2018, 11:34:49 AM »

36
Victims of Love / Re: Victims of Love (OT)
« on: February 14, 2018, 06:31:55 AM »
Samantha risks losing her baby. Dali niyang ma-tense hahaha

37
The Blood Sisters / Re: The Blood Sisters (OT)
« on: February 14, 2018, 06:31:15 AM »
Si Erika nga parang si Rosario kung siya ang focal point.

38
Upcoming Teleseryes / Re: Precious Hearts Romances
« on: February 14, 2018, 06:30:37 AM »
Wala ako masyadong tiwala sa hatak ni Barbie. Nega kasi yung vibes nya. Sana naka-focus kay JM yung story. Bigatin yung cast, new faces to watch out for sa television ay sina Phoebe Walker and Ivana Alawi (galing kabila na naging part ng Starstruck).
Is it that difficult na makakita ng magaling nang aktres na nasa edad ni Barbie Imperial, tapos hindi pa negative ang impression sa casuals, and willing magpaka-daring???

39
Upcoming Asianovelas / Re: The King Is In Love (왕은 사랑한다)
« on: February 13, 2018, 04:22:43 PM »

41
Victims of Love / Re: Victims of Love (OT)
« on: February 13, 2018, 09:14:46 AM »
*I meant "linya".

Will Samantha become Ana's ally as they find out they're sisters talaga? oops.

42
The Blood Sisters / Re: The Blood Sisters (OT)
« on: February 13, 2018, 09:13:36 AM »
https://www.youtube.com/watch?v=5Y1pYm9S4w4

The good thing is, nagsimula agad sa struggle ni Erikka as the dancer who is willing to do everything for her son.

43
More movies of other genres than HORROR and ROMCOM :)

44
Victims of Love / Re: Victims of Love (OT)
« on: February 12, 2018, 05:38:54 PM »
Baka preggers talaga. Dalawang niya nakita niya. Miranda might become a Monster-In-Law for Samantha too.

45
Written In Our Stars / Re: Written In Our Stars (OT)
« on: February 12, 2018, 05:36:41 PM »
Si Jolina naman ang buntis. Pati si Sarah Lahbati.
That's why it's cancelled/shelved, unless buhayin nila ang project in the future at magpalit ng title at cast.
Baka hindi na talaga matutuloy kasi naiba na ang priorities ng cast. Si Papa P may new teleserye na.
Kaya nga matagal na.

So this Teleserye will NOT be happening anytime soon ?
NOT Likely. Sina Jolina at Sarah Lahbati would be moms again later this year. A few months pa bago sila makabalik sa acting commitments.

Pages: 1 2 [3] 4 5 ... 1229