Welcome, Kapamilya. Please or

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.


Messages - wantchangepinoydrama

Pages: [1] 2
1
All Of Me / Re: All of Me (OT)
« on: October 01, 2015, 08:58:27 PM »
Maganda ang kuwento ng all of me. ang gagaling ng mga artistang nagsiganap. sana ilagay ito sa primetime slot..kaninang hapon ko lang ito napanood, tumatak sa akin iyong scene nina ahron villaflor at yen santos. nang niyakap ni yen si ahron at paulit-ulit na humingi ng sorry. dalang-dala ng dalawa ang eksena. makikita sa mukha ni ahron ang sakit at galit na nararamdaman niya. galing umiyak ni yen santos. unpredictable iyong story. maaaring si jm ang katuluyan niya rito. hopefully, magkaroon ng isa pang drama sina yen at ahron o kaya naman, mini series like wansapanataym or isang episode sa mmk...sana magkaroon ito ng dvd.

2
na experience ko rin iyan pero huwag nang pansinin...i push din natin ang alam nating tama.

3
Oh My G! / Re: Oh My G! (OT)
« on: July 28, 2015, 06:34:27 PM »
Pagtatapos ng serye ni Janella walang ingay; mas pinag-usapan pa ang ‘Ningning’
By Jobert Sucaldito
Bandera
2:00 am | Sunday, July 26th, 2015

NATAWA lang kami sa turn of events nitong nakaraang linggo. Parang tahimik na nagwakas ang youth-oriented serye ng ABS-CBN na Oh My G! last Friday, topbilled by Janella Salvador.

‘Yung parang wala lang. Alam ng mga tao that it was ending last Friday pero parang deadma lang sila. May mga fans ang show na ito pero hindi siya masyadong nakapag-ingay.

Some say na cute naman daw ang palabas but it had to be cut short for some internal reasons, one of which daw ay ang pagka-link ni Janella sa isang lesbian na staff ng show.

Kumbaga, nakasira raw sa image ng kanilang bidang si Janella ang isyung ito. Wow ha! Napaka-cruel naman ng reasoning na ito. Kawawa naman ang bagets.

Napakabata pa niya para masuong sa ganitong issue. Ang comment naman ng isang nakausap namin, walang kinalaman ang sexuality ng mga artista sa kanilang profession – for as long as they deliver ay hindi raw ito dapat maging hadlang sa kanilang trabaho.

Kailangan pa bang mag-name-names? Huwag na lang at napakaraming maaapakan. Natawa nga kami last Friday sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM.

Just right before the show kasi ay merong sumagi sa utak kong isang song that has become very popular some decades back.

I tried to hum it and finally knew the title, “Loss of Love” pero it slipped my mind kung saan siya ginawang theme song before.

Hanggang sa marami na kaming listeners and televiewers ang nag-share ng kanilang knowledge about it, yes, it was the theme song of the old movie “Sunflower” starring my favorite actress of all time na si Ms. Sophia Loren with leading man Marcelo Mastroianni.

It was directed by Vittorio de Sica and produced then by Ms. Loren’s husband Carlo Ponti. My dear friend Frannie Zamora told us na pinalabas ito in 1970 sa buong mundo and became a big hit.

Maniwala ba kayo na sa mismong araw na iyon (Friday) ay pinutakti kami ng text messages (sa 2366) and even sa celfones namin about the movie “Sunflower”? Grabe pala ang movie na iyon – blockbuster pala talaga during that time.

Sobrang natuwa ako dahil for me it was the best film I’ve ever watched sa buong buhay ko. I cried a river in this film – and that beautiful song.

But nobody texted us about the closing of Oh My G! sa program namin last Friday. Surprising, ha. Kasi nga, normally, tuwing may nagwawakas na programa sa TV ay marami kaming natatanggap na text messages sa aming DZMM REACT asking why it had to close down – kung bakit ganito, ganoon.

Pero this time, wala man lang kaming natanggap na text message about the finale episode of the show. Mas marami pang nag-text tungkol sa bagong serye ng ABS-CBN na Ningning, ang papalit na show sa timeslot ng Oh My G!.

Marami ang excited sa pagpasok ng Ningning na magsisimula na bukas right before It’s Showtime. Ito’y pagbibidahan ng bagong child superstar na si Jana Agoncillo, kasama sina Sylvia Sanchez, Beauty Gonzales, Ketchup Eusebio at marami pang iba.

What happened ba sa Oh My G!? May nagsasabi sa akin na maganda naman ang programa at maraming aral din ang napupulot ng manonood sa bawat episode nito, pero bakit parang dumaan lang ito na hindi masyadong napag-usapan? Kahit sa social media ay hindi gaanong napag-uusapan ang serye ni Janella. Wawa naman, di ba?

http://bandera.inquirer.net/98102/pagtatapos-ng-serye-ni-janella-walang-ingay-mas-pinag-usapan-pa-ang-ningning
ang OH MY G! Hindi naman kailangan maging maingay ang ending ng isang show. ang mahalaga ay maraming manonood ang naantig ang mga puso. Nakakuha ng lesson sa palabas. Si janella salvador at ibang cast, sila iyong mga tipo na hindi naghahangad ng kasikatan para sa ending ng kanilang show, maging sila. si janella, enjoy enjoy lang siya. hindi mo makikita sa kanya including team up nila ni Marlo na hangad nila ang kasikatan. well support na lang magagandang pinoy drama, and deserving actors, artists, performers na pinoy...

4
Oh My G! / Re: Oh My G! (OT)
« on: July 28, 2015, 06:25:20 PM »
For sure gonna miss this drama. Maganda na rin magtatapos ito kaysa naman sa pahabain at lumaylay ang kuwento.
Looking forward sa mga susunod na projects ng mga character dito ofcourse especially to Janella and Marlo. Sana mabigyan silang dalawa ng album duet. Mayroon na kay Janella. Sana si Marlo naman. More exposure sa dalawa. Sana may movie sila kahit isa o dalawa. I am not into loveteam pero dito lang sa tandem na ito ako nahuhumaling also Jadine. Gusto ko sila, sana isa pang teleserye na focus sa kanila. kahit isa lang at pagkatapos puwede na silang ipair sa iba. Iyong melodrama na sana.
Meron na silang movie na sila ang lead. actually yung isa sa 8 mmff entry this year eh movie na pinagbibidahan nila marlo at janella.
ok thanks for the info...hopefully it will be aired in our province. usually kung mmff entry kasi iyong mga bigatin na mga bida ang pinalalabas lang. do you have any news what are the entries for mmff?

5
Written In Our Stars / Re: Written In Our Stars (OT)
« on: July 28, 2015, 05:57:57 PM »
Kung isang musical theme series ito, wow, nagbabago na ang abs cbn writers...Maganda especially sa mga magagaling na artista binigay. Pare-parehong may alam sa musika. Kung sakali man, sana mag-stick sa musical theme talaga, walang halu-halong kung anu-ano. First time na nagsama-sama ang mga veteran na mga actor. Usually, binibigyan focus ang mga young ones. Pag lampas ng 30 na isang actor, nagiging nanay at tatay na role niya pero puwede pa siyang leading lady at leading man. Sana sila talaga iyong bida, nakafocus sa kanila, walang halong mga young ones na may loveteam. Sila lang talaga and focus to music. I remember iyong pero example lang ito like iyong DAHIL SA PAG-IBIG...talagang nakafocus sa mga bida, hindi nanay at tatay iyong role ng mga bida. HOPEFULLY THIS WILL BE ANOTHER NEW FILIPINO SERIES THAT WILL GIVE FILIPINO FANS LESSONS AND ENTERTAINMENT. A FILIPINO SERIES NA PUWEDING PANGTAPAT SA MGA IMPORTED DRAMA SERIES NG IBANG BANSA. TIME NA PARA NAMAN MAHOOK PA LALO ANG MGA FILIPINO SA PINOY DRAMA SERIES, TATANGKILIKIN AT HINDI MAKAKALIMUTAN.

6
Doble Kara / Re: Doble Kara (OT)
« on: July 28, 2015, 05:33:05 PM »
UNIVERSAL LEADING LADY JULIA MONTES...Best Drama Actress. Mabuti rin at nabigyan ng lead role si Edgar Allan de Guzman, magaling ko rin siyang actor. (your face sounds familiar) may talent din siya di lang sa acting puwede rin siya sa singing and dancing. New face din. Sana kung ganoon kakaiba iyong title ganoon din sana kakaiba at exciting iyong kuwento. Not a typical filipino drama. Huwag pahabain masyado at huwag magdadagdag ng kung anu-ano. Mabilis ang pacing. Kung magsisimula sa pagkakabata, huwag sanang hanggang isang linggo ang airing. Nakakagana kasi iyong mabilis ang kuwento, dahil aabangan mo iyan, hindi papalampasin ang isang episode dahil feeling mo incomplete ka. Mas bet ko kung bago tv patrol ito or sa panghapon.

7
On the Wings of Love / Re: On the Wings of Love (OT)
« on: July 27, 2015, 07:59:14 PM »
Matagal na matagal din akong naghintay ng ganitong drama, light huli iyong be careful with my heart. Nice video quality. Ilang beses ko ring inuulit-ulit iyong trailer. sana magpatuloy na ganito kaganda ang video hanggang sa huling episode. Sana itong drama huwag pahabain na dumating sa paglaylay ng kuwento. Maganda sana kung hanggang 60-80 (30 mins) episode lang siya. Mabilis ang pacing at hindi paikot-ikotin ang kuwento like ng ginagawa  sa magagandang drama. Nakakawalang gana kasi pag ganoon. huwag gawing typical filipino drama na super drama, super villain. as a viewer I want something new like this sana like other viewers, don't disappoint us..Hopefully, iyong mga writers ngayon magstick sa maganda at light na kuwento. Ang dramang ito, puwedeng panglaban sa mga Asianovelas na inaangkat ng network. Magkaroon sana ng english sub bawat episode for non filipino fans. Maybe it is time naman para makilala ang filipino drama hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. na sila rin ang gagawa ng remake..haha..wala namang masamang magkaroon ng mataas na pangarap para sa pinoy entertainment. Sa mga fans out there, hope we have same sentiments.

8
Maraming mga aktor at aktres ang sadyang magagaling pagdating sa pag-arte lalo na sa kapamilya network pero iyon nga hindi sila nabibigyan ng break. Karamihan nasa nearly 30's o kaya lampas na. Sana hindi sila nakakalimutan. Marami pa iyong puwede pang pang leading man pero ginagawang tatay o leading lady pero nanay na. Sana katulad sa hollywood,korea at sa latin america na ang mga beteranong aktor at aktres pa rin ay binibigyan ng break. kumbaga sila pa rin ay bida role. Dito sa Pilipinas, mas pinapaboran ang mga young stars, sila ang mga bida no hate. Dahil tuloy dito maraming mga kabataan sa ngayon ang hangad ay mag-artista kaysa sa mag-aral. Going back, sana pantay pa rin mayroon sanang drama na pang teens, pang adult para naman lahat may trabaho.
Ito list ko ng mga leading man na puwede. Sana magkaroon sila ng drama na talagang sila ang bida.
John Estrada
Ron Morales ( sana mabigyan siya ng break, magaling umarte puwede siyang pang bida.)
Joem Bascon
Albert Martinez
Aaron Villaflor
Aaron Villena
Jhong Hilario
Ian Veneracion
Allen Dizon
Jason Abalos
(Iyong kontrabida sa bagito partner ni Ella, nasa PSY siya)
Dominique Roque
(Iyong partner ni Dimples Romana sa Only You)
Raymund Bagatsing
Dagdagan ko sa susunod....
Sa mga leading lady naman
Kaye Abad
Rica Peralejo
Dimples Romana
Desiree del Valle
Jolina Magdangal
Maricar Reyes
Kristel Fulgar
Miles Ocampo
(Iyong bestfriend ni Ella sa Aryana)
Marlann Flores
KC Concepcion
Shaina Magdayao
Karylle ( sayang akala ko nasa passion de amor siya, siya si Norma)
Antonette Taus
Denise Laurel
Jane Oineza
...susunod na ang iba...

9
Oh My G! / Re: Oh My G! (OT)
« on: July 03, 2015, 02:53:09 PM »
For sure gonna miss this drama. Maganda na rin magtatapos ito kaysa naman sa pahabain at lumaylay ang kuwento.
Looking forward sa mga susunod na projects ng mga character dito ofcourse especially to Janella and Marlo. Sana mabigyan silang dalawa ng album duet. Mayroon na kay Janella. Sana si Marlo naman. More exposure sa dalawa. Sana may movie sila kahit isa o dalawa. I am not into loveteam pero dito lang sa tandem na ito ako nahuhumaling also Jadine. Gusto ko sila, sana isa pang teleserye na focus sa kanila. kahit isa lang at pagkatapos puwede na silang ipair sa iba. Iyong melodrama na sana.

10
General Teleserye Talk / Re: Worst Teleserye Endings (OT)
« on: June 03, 2015, 07:51:20 PM »
I go for Princess and I. Ito na sana ang isa magandang teleserye ng abs cbn kung hindi lang kasi pinahaba at iniba ang kuwento. Ito sana ang teleserye for enrique and kathryn tutal may pagsasamahan naman sina kathryn at daniel. ibinigay na sana ito kina kathryn at enrique. ginawa nilang basura ang isang napakagandang kuwento.
pangalawa ko iyong kay erich katorse and tanging yaman- sayang ang ganda ng katorse kung sina erich at ejay ang nagkatuluyan. sa tanging yaman pinatay naman si enchong, eh sila ni erich ang bagay doon.

11
@wantchangepinoydrama,  good post. sana nga binabasa ng abs-cbn ang mga comment dito at aksyonan nila ang mga suggestions and feedbacks.  you know what, mag post ka rin sa comment area ng mga abs-cbn teleserye trailers and movie trailers nila doon sa youtube para marami pang tao ang ma reach ng message mo.  doon rin ako nagka comment.  Subscribe ka rin sa "ABS-CBN Entertainment"  youtube channel nila para hindi mo ma miss ang mga new uploads ng abs-cbn.

thanks. sana nga talaga binabasa nila. oo nagpopost ako pero wala pa rin. parang balewala. karamihan kasi sa mga nagcocomment sa youtube sa channel ng abs cbn, hindi nila pinupuna. inaappreciate pa nila. basta nandoon iyong paborito nilang artista ok lang sa kanila. sa entertainment sa atin, artista ang unang tinitingnan kaysa sa kuwento.
pero huwag tayong susuko, push natin ang changes sa mga teleserye.

12
Asianovelas: General Discussions / Re: DREAM HIGH REMAKE
« on: May 31, 2015, 08:49:44 PM »
PLEASE NO TO REMAKE.
Gawa na lang ng isang kuwento na musical ang theme. original ang mga kanta at original ang kuwento. bongga at hindi tipid ang production. iyong talagang may background sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte ang kukuning artista.

13
Latin telenovelas was hugely popular in the Philippines in the 90's but today, it seemed to have declined in popularity from it's peak way back before.  I'm thinking, will K-Drama or K-Pop in the Philippines take the same route as Latin telenovelas before it?  I'm interested to know what anyone would like to say about this.

I don't think so. Maraming mga ideas ang mga korean writers. may mga tema sa korean drama ang nirecycle pero nilagyan ng mga twist at fresh concept.
Dito sa Pilipinas almost 10 years na marami at dumarami ang mga korean drama fanatics lalo pa sa henerasyon ngayon. kung magbabago ang tema ng filipino drama, mag-ooffer ng bago na hindi nakakaumay at puro remake na lang baka unti-unti mas prefer na karamihan ang filipino drama.

14
ABS CBN HEAR OUR THOUGHTS
Matagal na po akong nanonood ng mga drama lalo na sa sa istasyon na ito. una kong kinamulatan iyong MULA SA PUSO at marami pang iba. Gustung gusto ko ang mga teleserye pero nang magdalaga at naging masiba na ako, napansin ko nakakaumay na pala. Nakakasawa na kaya minsan na lang ako manood. iyong umpisa lang tapos puwede ko nang masabi kung anong katapusan nito. Napakapredictable na ng drama sa atin. Tanging nasabi ko lang WALA NA BANG BAGO? Lalo pang nawala ang pagkahilig ko nang dumating ang METEOR GARDEN at ilang mga korean drama. almost 10 years na ng korean drama sa atin pero hindi pa rin nakakasawang manood. ang dami kasi nilang fresh ideas. iba ang hatak nila. iba-ibang artista lalo na sa pairing ang puwede mong abangan. halos around the world na ang impluwensiya nila. Mga kaklase ko karamihan, sa eskuwelahan ang kuwentuhan mga korean drama. Grabe kilig na kilig sila. Tapos pag tinanong mo local drama and artist natin ang tanging sambit nila SO CHEAP HA?"
Makikita mo talaga ang lawak ng Kpop, korean drama at dami na nilang tourist ha. Nasabi ko sa sarili, KAILAN NAMAN KAYA SA PILIPINAS? KAILAN MAKIKILALA ANG MGA DRAMA NATIN?
Well may mga nabasa ako sa pagiging global ng Philippine Drama pero bakit di natin feel? Maliban kay Jericho Rosales na naimbitahan sa ibang bansa at ibang artist ng kabilang network, nasaan na ang iba? Wala kang mabasa o feedback na sikat ang mga artista at drama ng pinoy sa ibang bansa. Kung may concert man sa ibang bansa like ASAP mostly mga manood PILIPINO rin.
ANYWAY ito mga suggestion ko to improve filipino drama
1. Bawasan o iwasan ang theme na karahasan, sampalan, paghihiganti. Bakit hindi na lang magkaroon ng iba't ibang theme like sports teleserye ( basketball, volleyball, soccer etc. maganda ito kasi ito common sports ng mga filipino. so far wala pa akong napanood na sport serye.  pero sana huwag haluan ng kadramahan at unrealistic na plot. dapat focus sa sports at sa characters), medical theme katulad noon sa teleserye ni Juday pero siyempre ibang concept din ( sa hospital dapat mostly ang scenes, iyong educational sana, focus sa mga nurses and doctors) school drama siyempre about school, family theme, friendship theme, may historical drama na rin, action, sci-fi, horror ( natatandaan ko iyong patayin sa sindak si Barbara ang ganda short and worth watching) and of course love story.
2. Magkaroon ng mga mini series. huwag sanang didipende sa rating. Kung 24 episode lang siya then so be it kaysa naman sa pahabain at paikot-ikutin ang kuwento. Dapat talagang may end date iyong series. at sana hindi araw-araw. kahit 2x a week. para naman may aabangang ka talaga.
3. Promote iyong magagandang places sa Pilipinas. Most ng setting kasi sa NCR kaya naman sana ipromote iyong magagandang tourist spot. samahan mo pa iyan ng high definition na camera. hay sobrang ganda. this will attract tourist especially may TFC.
4. Magkaroon ng fashion and style. nakakaattract manood na ang mga bida maayos manamit. puwede mo pang gayahin. promote filipino clothing brands.
5. gawan ng paraan na maitago sa camera at hindi mahalata ang lapel. maraming beses ko nang nakita sa tv ang lapel ng isang artista lalo na sa babae, halata sa likod nila.
6. NO TO LOVETEAM sana. nakakasawa at nakakaumay na sila palagi ang magkasama sa lahat ng pagkakataon. give chance to other deserving actor. Dahil dito ang iba natytypecast.
7. gumamit ng mga bagong kanta hindi puro revival. marami namang magagandang kanta ngayon.
8. iwasan ang paggamit ng mga title ng kanta sa title ng drama.
9. iwasan ang MARAMING CAST SA ISANG DRAMA. dahil po dito ang daming sub kwento naisisingit na hindi naman kailangan.
10. iwasan din ang drama na MULA PAGKABATA HANGGANG SA PAGLAKI DRAMA. hindi pa puwedeng diretso na paglaki tapos pahapyaw at flashback na lang.
11. KASAL SA HULI, KIDNAPPAN SA HULI, ILANG BESES NABUHAY NA KONTRABIDA, NAPAGPALIT NA SANGGOL. burahin na ang gasgas na temang ito.

15
hay sana sana talaga. Matagal na matagal ko na itong hinihintay pero tila ba bingi ang mga nasa entertainment industry sa mga hinaing ng mga manonood.  sana talaga abs -cbn kayo na ang mag-umpisa kaysa sa maunahan kayo ng iba. suggestions na rin sana doon sa miniseries, ipakita nila ang ganda ng Pilipinas, magtaping sa magagandang place sa Pilipinas. sa manila siguro naman maraming beautiful spots sa Manila kase mostly setting ng mga teleserye sa Manila. This will attract tourists especially may TFC. Sana makipagwork sa gov't. Iyong mga bida, magkaroon ng fashion at style. Promote iyong philippine clothing brand. sana GO FOR MINI SERIES. HEAR US.

Pages: [1] 2