Enrique Gil Reminds Daniel Padilla-Kathryn Bernardo Fans to be Calm“Story lang ‘to, teleserye lang ‘to, so relax lang ho.” Ito ang naging paalala ni Enrique Gil sa fans ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa ngayon kasi ay mas naka-focus ang istorya ng ABS-CBN primetime series naPrincess And I kina Jao (Enrique) at Mikay (Kathryn). Bago ito, naging malakas ang dating sa mga manonood ng teamup nina Kathryn at Daniel, na nakabuo ng fanbase na mas kilala sa tawag na "KathNiel."
Natutuwa naman si Enrique na bagamat mas focused sa kanila ngayon ni Kathryn ang istorya ng Princess And I, wala naman siyang masyadong negatibong komentong nakukuha mula sa KathNiel fans. “Yung story, medyo nagiging exciting na para sa amin. Masaya naman siya. Siyempre, sa mga Jao-Mikay fans, masaya rin sila, sobra! Sa mga Gino [ni Daniel] fans naman, basta follow the story, magiging okay din sila,” paniniguro ni Enrique.
Dagdag pa ng Kapamilya young actor, “Basta sa story na ito, fair naman sila sa mga characters. May moments sina Mikay and Gino, may moment din sina Mikay and Jao. Bounce-bounce lang yung effect, pabalik-balik lang ‘yon.”
Nabanggit din ni Enrique na mas lalo pang tumitindi ang mga eksena sa kanilang teleserye. Kuwento niya, “Sa mga eksena namin, nagle-level up ang emotions kasi. Pataas nang pataas ang emotions namin ngayon, e, so medyo mainit kami ngayon—sina Mikay, Jao, and Gino. Yung emotion namin, sobrang higher.”
Source:
www.pep.ph