Welcome to ABS-CBN Community Sign in | Join | Help
in
Reset your password using "(I forgot my password)" on "Sign In" link
Forums

Sheryn Regis (OT)

Last post 08-12-2008, 11:25 PM by zxcvb. 694 replies.
Page 2 of 35 (695 items)   < Previous 1 2 3 4 5 Next > ... Last »
Sort Posts: Previous Next
  •  08-23-2005, 9:56 AM 1610680 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    ang galing galing sumigaw ni sheryn regis
  •  08-23-2005, 3:58 PM 1610681 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(Masoral @ Aug 23 2005, 07:10 AM)
    Nag-Aagawan Sa Titulo
    SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
    Ang Pilipino STAR Ngayon 08/23/2005
    Pinag-aagawan ngayon ang titulong "Crystal Voice of Asia" nina Sheryn Regis at Marri Nallos. Nalilito tuloy ang mga tao. Nang mag-mall tour si Marri ay ito ang nakalagay sa kanyang streamer at iba pang promo materials. Sa malaking poster naman sa may Robinsons sa Makati ay ito rin ang nakalagay kay Sheryn.

    Sino ba ang dapat gumamit nito?

    Ayon kay Ms. Vilma Selga na dating managing director ng Star Records, gamit na ni Marri ang titulo noong 1999 pa pero ayon sa mga taga-Star Records ay dati itong ginamit ni Carol Banawa at naisalin lang ang titulo kay Sheryn dahil nasa Amerika na ang magaling na singer. Pero pagkakaalam ko, ang bansag kay Carol ay "The Singer With Angelic Voice" at hindi crystal voice," ani Vilma.

    Tahimik na lang si Marri at baka sabihing siya pa ang nang-agaw ng titulo. Sa kabilang banda, abala ito sa promosyon ng "Destiny" album.

    http://www.philstar.com/philstar/PINOY200508237302.htm
    [right][snapback]14608[/snapback][/right]


    para sa akin hindi na kailangan ni sheryn yung title kasi nakilala naman siya bilang SHERYN REGIS.
    user posted image
  •  08-23-2005, 4:14 PM 1610682 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    user posted image
    user posted image
  •  08-23-2005, 7:29 PM 1610683 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    scanned & shared by mr chairc biggrin.gif thanks....

    user posted image

    user posted image
    user posted image
  •  08-24-2005, 12:35 AM 1610684 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(mark_c08 @ Aug 16 2005, 05:29 PM)
    Well, let me type it for you then!  smile.gif

    Sa Piling Mo

    Ikaw, Ikaw ang hanap ng puso kong nagiisa
    Nalulumbay, sa'yong paglisan
    di ko ninais na ika'y mawawala sa'king piling,
    hiling ng puso ko'y ikaw
    Chorus
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama
    pagmamahal na walang hanggan
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama,
    ang pag-ibig mo
    Ang tanging nais ko ay ikaw
    Ikaw, ikaw ang nais makapiling sa habang buhay
    ang buhay ko sa'yo iaalay
    di ko ninais na ika'y mawawala sa'king piling
    hiling ng puso ko'y ikaw
    Chorus
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama
    pagmamahal na walang hanggan
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama,
    ang pag-ibig mo
    Ang tanging nais ko ay ikaw
    Ikaw lamang ang iibigin ko,
    sa magpakailanmaaaa.........aaaannn
    Chorus
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama
    pagmamahal na walang hanggan
    Sa piling mo, sa piling mo nadarama,
    ang pag-ibig mo
    Ang tanging nais ko ay ikaw
    Sa piling mo.....

    --------------------------------------------------------
    if you buy the original copy of the album, you'll see the lyrics...

    Visit the Official Website of Sheryn Regis for more details!
    [right][snapback]7828[/snapback][/right]


    THANKS smile.gif I heard that this might be used as the theme song of the new Judai-Piolo teleserye.
  •  08-24-2005, 1:27 PM 1610685 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    galing to sa www.sherynregis.net

    Home Boy
    --------------------------------------------------------------------------------

    Good news! Nood po kayo tomorrow ng Home Boy. Pagkakataon nyo ng mapanood for the first time na magkasama on TV si Sheryn at ang very loving husband nya na si Tito Earl! Guests din sina Eula Valdez & her husband and sina Jerome at Mabel ng SFSIAM. May bonus pa, dahil nandoon din ang very charming daughter nya na si Sweetie! Actually, di po kasama si Sweetie sa topic, isinama lang po sya sa taping. Pero dahil sobrang bibo ang bata ay nagkaron sya ng exposure during the show. Di ko na po muna sasabihin dito kung ano ginawa nya at mawawalan na ng thrill. Basta sobrang matutuwa at kikiligin kayo sa episode tomorrow.

    Sayang at di ko nakunan ng video ang behind the scenes kasi di ko expected na dadalhin din si Sweetie eh. Basta sobrang dami ng na-impress kay Sweetie kagabi. Si Cristy Fermin ay sumadya pa sa dressing room ni Sheryn para lang ikuwento ang pagkatuwa nya kay Sweetie. Sabi pa nya ay di na lang nya gagawan ng write-up si Sheryn kundi si Sweetie na lang! Hahahaha! Abangan sa dyaryo at baka anytime now ay maisulat na nga ni Cristy Fermin si Sweetie sa column nya. Sina Eula at hubby nya ay nanggigigil sa ka-cutean nung bata! Sina Mabel at Jerome ay alam ng tuksuhin ni Sweetie! Higit sa lahat, si Mr Boy Abunda ay gusto na syang hiramin. Before the show ay hanap na ng hanap si Sweetie kay Boy Abunda kaya naman after ng taping ay gusto nya magpa-picture sa kanya. Napakabait naman ni Mr. Home Boy kaya kinarga pa nya ito para pagbigyan ang bata.

    Naku baka in the near future ay si Sweetie na ang gagawan naman ng website! Hehehe! Basta, abangan nyo po bukas! Enjoy!
    user posted image
  •  08-24-2005, 11:09 PM 1610686 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(I hate sheryn Regis @ Aug 18 2005, 11:19 PM)
    dry.gif
    [right][snapback]11174[/snapback][/right]


    ay siya.. edi huwag mag post d2.. kasi naman naggagawa pa ng isyu... alam na ngang hate e, popost post pa... pinoy tlga... crab mentality nanaman...

    kung hindi nio gusto ang artista, wag nio nalang kcng pansinin... wag nio nalang sabihin.. magpost nlang kayo don sa gusto nio... ano ba yan... wala naman kcng nagtatanong kung hate mo sia e...

    paextra lagi... rolleyes.gif
  •  08-24-2005, 11:11 PM 1610687 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(I hate sheryn Regis @ Aug 22 2005, 07:56 PM)
    ang galing galing sumigaw ni sheryn regis
    [right][snapback]14989[/snapback][/right]



    nga naman... kaya nga nagplatinum ung album nia dba? haay... da best tlga..

    ika'y magsisigaw dyan at nang magkapigtas pigtas ang lalamunan mo...

    extra nanaman... rolleyes.gif
  •  08-24-2005, 11:12 PM 1610688 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(destinybelieve @ Aug 23 2005, 10:35 AM)
    THANKS smile.gif I heard that this might be used as the theme song of the new Judai-Piolo teleserye.
    [right][snapback]16952[/snapback][/right]



    TALAGA??!?!? nawa'y magdilang=anghel ka..... laugh.gif
  •  08-25-2005, 4:54 AM 1610689 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(pearlypurey @ Aug 23 2005, 11:27 PM)
    galing to sa www.sherynregis.net

    Home Boy
    --------------------------------------------------------------------------------

    Good news! Nood po kayo tomorrow ng Home Boy. Pagkakataon nyo ng mapanood for the first time na magkasama on TV si Sheryn at ang very loving husband nya na si Tito Earl! Guests din sina Eula Valdez & her husband and sina Jerome at Mabel ng SFSIAM. May bonus pa, dahil nandoon din ang very charming daughter nya na si Sweetie! Actually, di po kasama si Sweetie sa topic, isinama lang po sya sa taping. Pero dahil sobrang bibo ang bata ay nagkaron sya ng exposure during the show. Di ko na po muna sasabihin dito kung ano ginawa nya at mawawalan na ng thrill. Basta sobrang matutuwa at kikiligin kayo sa episode tomorrow.

    Sayang at di ko nakunan ng video ang behind the scenes kasi di ko expected na dadalhin din si Sweetie eh. Basta sobrang dami ng na-impress kay Sweetie kagabi. Si Cristy Fermin ay sumadya pa sa dressing room ni Sheryn para lang ikuwento ang pagkatuwa nya kay Sweetie. Sabi pa nya ay di na lang nya gagawan ng write-up si Sheryn kundi si Sweetie na lang! Hahahaha!  Abangan sa dyaryo at baka anytime now ay maisulat na nga ni Cristy Fermin si Sweetie sa column nya. Sina Eula at hubby nya ay nanggigigil sa ka-cutean nung bata! Sina Mabel at Jerome ay alam ng tuksuhin ni Sweetie!  Higit sa lahat, si Mr Boy Abunda ay gusto na syang hiramin.  Before the show ay hanap na ng hanap si Sweetie kay Boy Abunda kaya naman after ng taping ay gusto nya magpa-picture sa kanya. Napakabait naman ni Mr. Home Boy kaya kinarga pa nya ito para pagbigyan ang bata. 

    Naku baka in the near future ay si Sweetie na ang gagawan naman ng website! Hehehe! Basta, abangan nyo po bukas! Enjoy!
    [right][snapback]18250[/snapback][/right]
    smile.gif can't wait! finally magpapakilala na ang hubby nya sa public.....I heard lagi daw kasama ni Sheryn ang hubby nya at daughter nyang si sweetie sa mga gigs nya....very supportive pala ang hubby nya

    GO SHERYN!

    user posted image
  •  08-25-2005, 1:12 PM 1610690 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(mark_c08 @ Aug 24 2005, 11:09 PM)
    ay siya.. edi huwag mag post d2.. kasi naman naggagawa pa ng isyu... alam na ngang hate e, popost post pa... pinoy tlga... crab mentality nanaman...

    kung hindi nio gusto ang artista, wag nio nalang kcng pansinin... wag nio nalang sabihin.. magpost nlang kayo don sa gusto nio... ano ba yan... wala naman kcng nagtatanong kung hate mo sia e...

    paextra lagi...  rolleyes.gif
    [right][snapback]19595[/snapback][/right]


    hayaan mo nalang siya mark, kase dyan siya masaya eh. intensyon lang talaga niyang manggugulo at magpapansin rito kaya deadmahin nalang natin at intindihin. go sheryn!

    user posted image
  •  08-25-2005, 5:49 PM 1610691 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(pearlypurey @ Aug 24 2005, 11:12 PM)
    hayaan mo nalang siya mark, kase dyan siya masaya eh. intensyon lang talaga niyang manggugulo at magpapansin rito kaya deadmahin nalang natin at intindihin. go sheryn!
    [right][snapback]21062[/snapback][/right]
    hay naku wag nyo ng bigyan ng atensyon yang si I hate sheryn dahil trabaho nya na yan laugh.gif lagi yang nakabuntot kay sheryn sa lahat yata ng threads sa net pansinin nyo.... yon at yon din ang ipino-post nya laugh.gif sa lahat ng hater sya ang laging nakasunod baka nman STALKER ni Sheryn yan or BAYARAN?.....HEHEHE!!!

    GO SHERYN! smile.gif

    user posted image
  •  08-26-2005, 5:14 AM 1610692 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    BIDA
    Ben dela Cruz
    People's Tonight


    Nagulat kami nang gamitin ni Sheryn Regis ang titulong Crystal Voice of Asia. As far as we're concerned, this tag has long been associated with Marri Nallos.

    In the past, naisulat na namin si Marri with that title. We remember, noong nabubuhay pa si Ate Luds (Inday Badiday), nag-comment ito ng: "What a crystal voice!" Matapos niyang marinig kumanta ni Marri. And we know for a fact, alam ng Star Records ang tungkol sa tag na yun, dahil naging recording artist nila si Marri.

    Hindi pa naman magri-retire si Marri Nallos, tinatanggalan na ng titulo, bakit ba? May nagsa-suggest, sana raw ay pagharapin sa isang showdown sina Marri at Sheryn para malaman kung sino talaga ang deserving sa titulo.

    Sa aming palagay, hindi na dapat pag-usapan who between them is worthy of the tag. Respetuhan lang naman ang kailangan dito, no more, no less. We're sure, hindi naman aatras si Marri if and when a showdown is called for, prinsipyo ang point of contention dito, hindi ang kung anuman.

    Marri launched her newest album, Destiny. Ang mga track na kasama sa album ay isang revival at duet ng You Are My Destiny, a Paul Anka song with movie-TV-stage actor Juan Rodrigo.

    Ang special song ay ginawa ni George Canseco para kay Marri, Gaano, ay kasama rin sa album. There's an acoustic version of Didn't Mean To Hurt You, an original song of Eric Narvaez, and another version of an OPM Ikaw Pa Rin Ang Mamahalin, by Edna Dy. Plus Marri's powerful rendition of another revival, an Air Supply hit song Making Love Out Of Nothing At All, the bonus cut.

    Marri's Destiny album is being distributed by Viva Records, produced by ADC Entertainment & Music Publishing. Raffy O. Amaranto, pop guru and president of POPPSINC did the vocal supervisions. The album is designed by creatrive director and editorial cartoonist, Benjo Laygo.

    Photography is by Vic Sison. Marri is busy promoting the album through mall shows and radio tour whose carrier song, You Are My Destiny was arranged by Ferdie Marquez.

    Indeed, Marri Nallos is deserving of the tag Crystal Voice Of Asia, and nobody else.

    http://www.journal.com.ph/news.asp?pid=1&s...ay=26&year=2005
  •  08-26-2005, 12:45 PM 1610693 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(pearlypurey @ Aug 25 2005, 01:12 PM)
    hayaan mo nalang siya mark, kase dyan siya masaya eh. intensyon lang talaga niyang manggugulo at magpapansin rito kaya deadmahin nalang natin at intindihin. go sheryn!
    [right][snapback]21062[/snapback][/right]



    what does sheryn do best?

    SCREAM.....
    mad.gif
  •  08-26-2005, 2:42 PM 1610694 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    hahay, nakakainis yang marring yan ha. ewan ko pero parang nakikisakay lang siya sa kasikatan ni ate sheryn. hahay, kung kailan binigyan ng pangalan ng star records si ate sheryn, saka naman siya lumantad at nakikigulo for the sake of promoting her album. coincidence lang kaya yun o sinadya talaga? hahay.

  •  08-26-2005, 2:50 PM 1610695 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    QUOTE(I hate sheryn Regis @ Aug 26 2005, 12:45 PM)

    what does sheryn do best?

    SCREAM.....
    mad.gif
    [right][snapback]23494[/snapback][/right]


    o,may ksp at insecure na naman dito. sinong idol na naman kaya niya ang gustong niyang iangat dahil natalo na ng idol natin? hahay. desperado talaga. nakabili ka na ba ng kanyang album? bili ka na lang para may puwang ka naman sa mundo. hehe
  •  08-26-2005, 3:04 PM 1610696 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    smile.gif Ang sweet nila Sheryn at hubby nya sa Homeboy......parang ang bait bait ng asawa nya....kaya pala napaka BLOOMING/GANDA ni Sheryn sa araw2 ay dahil sobrang HAPPY silang magpa-pamilya idagdag pa natin yong anak nilang si Sweetie pagka-cute na bata

    Pamatay din yong rendition ni Sheryn ng "Somewhere" ni Barbra Streisand at yong hubby pa nya ang piyanista...GALING!
    user posted image
  •  08-27-2005, 10:59 AM 1610697 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    tanong lang po, bakit wala sa main screen, duon sa taas, ang thread ni ate sheryn? bakit kina sarah lang at erik ang nanduon? bias yata ah. bakit, sila na bang dalawa ang pinakamagaling eh di naman ah... hmmmm... i wonder...
  •  08-27-2005, 11:04 AM 1610698 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    Kaso ni Lani Misalucha, nauulit kay Sheryn Regis
    Alfie Lorenzo
    Abante August 26, 2005

    DATI eh kami lang yata ang nakakapansin sa ganda ng boses ni Lani Misalucha. Naikuwento ko na rito noon na kumakanta si Lani sa recordings ng mga sikat at usong mga awitin na ginagaya niya ang mga boses ng mga sikat na singers.

    Debah nga, sabi ko eh nadenggoy ako ng nabili kong CD sa night market sa Hong Kong na tila hindi si Whitney Houston talaga ‘yung kumakanta sa CD, pero maganda naman ang boses. Kinumpisal nga ni Lani na siya nga raw ‘yun.

    Hindi magklik si Lani Misalucha noong baguhan pa lang siya dahil sa simple lang naman ang mukha niya, hindi gaanong kagandahan at known na may asawa’t anak na. Papaano nga raw itong makakaabante kesa mga dalaga pa at higit na magaganda ang mga mukha at katawan sa kanya na mga singers din?

    But still Lani Misalucha persevered. Inunti-unti niya ang pag-akyat sa hagdan ng kasikatan. Hanggang sa unti-unti ngang tinanggap sa local scene sino man siya dahil sa ganda talaga ng boses niya. At dala ng paunti-unting kasikatan, napapansin na rin na gumanda raw si Lani. Eh papaano kasi gumanda na rin ang income niya ‘noh!

    Ikinagulat ng marami ang biglang desisyon ni Lani na iwan na ang local scene at sa Amerika na manirahan. Ano raw ba ang gagawin ni Lani sa bansa ng mas maraming sikat?

    Lalong ikinagulat at ikinabigla pa ng buong bansa ‘yung anunsyo na magsu-show na si Lani Misalucha sa Las Vegas. Nakadagdag shock pa sa mga kababayan natin ang balitang naging matagumpay ang mga shows ni Lani doon at hinangaan na rin siya ng mga tagaibang bansa.

    Pasok na ang CRAB MENTALITY. Ipinagmalaki na ng mga kababayan natin na sikat na ang kababayan nating singer na noon ay ayaw nilang tanggapin komo nga may asawa’t anak na ito. Pero ngayong sikat na sa ibang bansa, heto na ang PAGMAMALAKI sa puso natin at ipinagsisigawang FILIPINA yang si Lani Misalucha -hindi na nga lang siya Ms. kundi MISIS na!

    And look, maging ‘yung mga reporters na ayaw isulat o mabanggit man lang si Lani Misalucha komo nga kilala siya bilang taga-GMA-7 kaya ayaw isulat ng mga bayarang reporters ng ABS-CBN, heto ngayon, kesehodang taga-ABS-CBN pa sila, dumadayo pa sila sa Las Vegas ngayon para lang mapanood ang singer na noong nandito sa Pilipinas ay ni ayaw tapunan ng pansin! Type pa nilang makatsika ngayon si Lani at KARANGALAN na ang makunan ng litrato kasama ang singer!

    Bilog po ang mundo mga kabalen. Nauulit na naman ang kaso ni Lani Misalucha sa isang magaling ding singer na may asawa’t anak din -- in SHERYN REGIS, ang Cebuanang ngayon ay in-demand na sa pagsu-shows here and abroad. Maraming foreigners ang nagkakagusto sa pagiging PETITE ni Sheryn dahil sa liit niya ay super naman sa TAAS ang boses niya. At ang maganda sa Cebuana na ito ay NAKATAPAK pa rin sa lupa ang mga paa niya kahit SIKAT na siya. That’s one thing that makes her more adorable sa mga fans niya. Ganyan din namin siya nagustuhan, yung pagiging taong-tao niya!

    I wish someday, hindi lang sa Las Vegas maging in-demand si Sheryn kundi maging sa London at Broadway huh! Goodluck girl!
  •  08-27-2005, 11:06 AM 1610699 in reply to 1610660

    Re: Sheryn Regis (OT)

    Nung Martes nang gabi rin namin nakilala ang isa pang Cebuana, si Sweetie, ang dalawang taong gulang na anak ni Sheryn Regis na ngayon pa lang ay sinisigurado na namin at hindi lang basta hinuhulaang sisikat din tulad ng kanyang ina.

    Napakabibo ni Sweetie, magkahalong Ingles, Tagalog at Cebuano ang salita niya, hindi sya nahihiyang makipag-usap kahit kanino at lahat ng tanong ay kaya niyang sagutin.

    Sa tanong kung nasaan ang mommy niya ay buong-ningning na isinagot ni Sweetie, "Wowop-up siya", na ang ibig sabihi'y nagme-make-up ang nanay niyang singer.

    Mawala man si Sweetie ay siguradong maibabalik pa rin sya ng makapupulot sa kanya dahil alam niya ang pangalan ng kanyang Daddy Earl at Mommy Sheryn, pati ang kanilang tirahan ay alam ng dadalawang taong si Sweetie, ay ngayon pa lang ay kinakanta na niya nang pabulol ang Maybe.

    "Unsaman Boy?" tanong sa kanya ni Bernadette, ang make-up artist ng King of Talk, ang sagot naman ni Sweetie, "Lika, usap tayo!"

    "Game ka na ba?" tanong uli ng isa pang staff kay Sweetie, ang kanyang sagot, Korek!!!" na lulumain ang istilo ng pagsasalita ni Kris Aquino.

    Kabisado niya ang kwento ng Kampanerang Kuba at Mga Anghel na Walang Langit, nililitanya pa niya ang linyang, "Huwag po...Nanay Lucing!"

    Maya-maya ay inabutan siya ng pagkain ng staff, ang mabilis nioyang sagot, "Salamat po", diretsung-diretso yun, walang kakurap-kurap, maganda ang pagpapalaki kay Sweetie ng kanyang mga magulang.

    Bukod sa bibung-bibo na ay maganda si Sweetie, ginagaya pa nga niya ang istilo ng pagkanta ng kanyang mommy, lalo na ang pagtaas-taas ng kamay ni Sheryn sa matataas na tono.

    Ngayon pa lang ay kailangan nang kontratahin ng ABS-CBN sina Earl at Sheryn para kay Sweetie, siguradong sisikat ang batang ito, dahil wala siyang kinahihiyaang kahit sino.

    Sa pag-aakala niyang Cebuano rin kami ay niyaya kami ni Sweetie, "Gawas tayo!" na ang tono ng pananalita ay matigas na Cebuanung-Cebuano, "Lumabas daw po kayo, tita!" interpretasyon naman ni Sheryn na tawa nang tawa.

    May bago ng aalagaan ang mabait at madaling kausap at marespetong manager nina Sheryn at Jerome Sala na si Heinz, may pangako ng pagiging child superstar si Sweetie, may tono na siya kung kumanta, kahit pabulul-bulol at mali-mali ang lyrics niya.

    Nung paalis na kami ay inihatid pa kami ni Sweetie sa may dressing room, paika-ika siya na parang kuba kung lumakad, akala nami'y kuna napaano na siya pero ginagaya lang pala niya si Anne Curtis sa Kampanerang uba. Ha! Ha! Ha! Ha!
Page 2 of 35 (695 items)   < Previous 1 2 3 4 5 Next > ... Last »