Ang ganda at ang galing ng Probe!
August 25, 2005 - Premiere Episode
Fertilizer Funds o mas kilala bilang Ginintuang Masaganang Ani - marami ang mga nakinabang na pulitiko sa fertilizer funds, kasama na dito si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. ayon sa mga grupo ng mga magsasaka, wala pa silang natatanggap na pondo galing sa GMA funds. isa ito sa mga ipinangako ni Gloria sa mga magsasaka nang magdeklara siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2004 elections. patuloy pa rin ang hearing sa ngayon regarding sa pondong ito.
Mga Kuwento at Buhay ng Tatlong Tao - mga kuwento ng tatlong tao: senador (Miriam Defensor Santiago, artista (Willie Revillame) at teacher. ipinakita dito kung ano ang kani-kanilang mga gawain sa pang araw-araw na pamumuhay.
Kuwentong Probe - Nagsimula ang Probe Team noong March 1987 sa ABS-CBN. Manager ng Public Affairs si Ma'am Cheche Lazaro sa ABS-CBN. Field reporter si
Ma'am Luchi (nasa ABS-CBN at host ng Special Assignment) at
scriptwriter si Maria Ressa (nasa CNN Jakarta Indonesia). Binuo nila
ang Probe at naipalabas ito sa ABS-CBN for 1 year. Due to some
circumstances, umalis ang Probe sa ABS-CBN at lumipat sila sa GMA 7
noong 1988. Nagsimula ang Probe sa GMA 7 thru special features and
nabigyan na rin ng slot. Maraming naging reporter / producers sa
Probe tulad nina Manny Ayala, Twink Macaraig, David Celdran, Karen
Davila, Bernadette Sembrano, Robert Alejandro, Love Añover, Albert
Sumaya, Eliza Zamora, JM Cobarrubias and others. Nagkaroon na rin ng
mga other segments sa Probe Team na nag click sa mga Pinoy viewers
tulad ng A Probe, Pasakalye at Lonely Pinoy. Nagkaroon din ng mga
ibang programs tulad ng 5 and Up, Gameplan, Agrilink, Art is Kool,
Cheche Lazaro Presents and other Probe Productions programs. As of February 28, 2004 muling nagbalik sa ere ang The Probe Team at
ito'y nasa bagong tahanan na which is ABC 5 (under Tony Boy Cojuangco)
sa pamamagitan ng isang election special. Pinamagatan itong LENTE.
Pinaghalong documentary at telenovela na nagtatampok sa mga
pangyayari / isyu na may kinalaman sa halalan. Ipinalabas rin sa
mga news programs ng ABC 5 (Sentro and Big News) ang The Probe Team
Minute. As of August 25, 2005 ay muling nagbalik sa dating tahanan ang Probe ... sa ABS-CBN. Patuloy pa rin gagawin ng Probe ang pagbibigay ng makabuluhang pagtatalakay sa bawat Pilipinong manonood at paghahatid ng tunay na serbisyo.
September 1, 2005
Bayad Utang - A test of loyalty to the president. mga inilalagay sa posisyon bilang kapalit sa suporta na ibinigay nila noong 2004 election campaign ni Gloria. ikinuwento ito ng mga dating gabinete na naglingkod kay PGMA tulad nina Dinky Soliman, Cesar Purisima, Florencio Abad, etc. sila ang grupo na mas kilala bilang Hyatt 10 na nag declare ng kanilang resignation.
Swingers - tungkol ito sa mga mag-asawa na mahilig makipag-relasyon sa mga may asawa. ang mga ganitong klaseng uri ng relasyon ay madalas nauuwi sa hiwalayan ayon kay Dra. Margarita Holmes. nagkakaroon din sila ng mga orgy.
Julia Abueva - the future Lea Salonga.
Probe Update: Ginintuang Masaganang Ani / Fertilizer Funds in cooperation with Philippine Center for Investigative Journalism
To know more about Probe Productions, visit their website at
http://www.probeprod.com
Ang TAGUMPAY ay hindi nasusukat sa dami ng pera na natamo, nasusukat ito sa kung gaano kadami ang natulungan at napapasaya mo