Jojo Gabinete***
Na-preempt din ng krisis sa Fort Bonifacio ang
Rated K ni Korina Sanchez. Imbes na ipalabas ang canned episode, nag-live ang
Rated K at umupo si Korina bilang anchor.
Nakaka-miss din pala ang presence ni Korina sa mga news coverage ng ABS-CBN, lalo na ang mga simple pero intelihenteng tanong niya sa kanyang mga iniinterbyu.
Isang kaibigan na news reporter ang napanood namin sa TV habang nasa loob siya ng Fort Bonifacio. Pinadalhan namin siya ng text message at pinayuhan na mag-ingat.
Sa kanyang reply, sinabi ng aming kaibigan na hindi siya makalabas ng kampo at talagang nakakatensyon ang bawat minuto.
http://www.abante.com.ph/issue/feb2806/main.htm