TATTLE
Nel Alejandrino
People's Tonight
VERY inspiring ang episode ng Rated K ni Korina Sanchez last Sunday. Tungkol ito sa mga katulong. Natuklasan naming may mga katulong na umaasenso sa buhay dahil gusto nila.
Tulad na lamang ng isang taga-Pangasinan na nag-trabaho bilang katulong abroad. Siya na'ng tumutulong sa kanyang mga kababayan ngayon. From her savings kasi, nagtayo siya ng isang cottege industry, which is doing very well.
Of course, may mga katulong ding binanggit si Korina na maituturing na fly in the ointment, wika nga.
Tulad na lamang ng isang katulong who, for five years, had been working with a certain family. Natukso itong magnakaw nang minsang ma-ospital ang misis ng kanyang among lalaki. Kaso, nabuko siya. At ngayon, wika nga, ay kalaboso.
Korina also mentioned about a supposedly trusted boy na pinaslang ang buong pamilya na kanyang pinaglilingkuran dahil lang sa panunulsol ng ibang kasamahan sa trabaho.
Sa bawat episode ng Rated K na ipinalalabas sa ABS-CBN every Sunday, dama mo ang effort na ini-exert, 'di lang ni Korina, kung hindi pati ng kanyang staff to come up with interesting stories for each episode.
Sa Rated K namin napanood kung paanong ang dating sexy actress na si Josephine Manuel ay nauwi sa pagiging katulong, dala nga ng wala siyang sapat na pinag-aralan.
Bagama't mataba na, taglay pa rin ni Josephine ang dati niyang ganda.
Come to think of it, wala na kaya sa kanyang isipan ang magbalik-showbiz?
Sigurado kasing kapag dumulog siya kay Lolit Solis, one of local showbiz's most effective talent managers, tutulungan siyang muli nito.
Dati na kasing si Lolit ang tumutulong sa showbiz career ni Josephine.
In any case, para sa mga taga-Rated K, congratulations for a job well-done.
http://www.journal.com.ph/news.asp?pid=1&s...day=6&year=2005