Biritan nina Regine at Sarah, makalaglag-baga--------------------------------------------------------------------------------



Paborito naming concert venue ang Araneta Coliseum dahil bukod sa gumanda ito nang ma-renovate (at napaka-accessible ng Cubao area) ay malaki ito, malinis at malamig.
Pero iritang-irita kami sa Big Dome nang manood kami ng
The Other Side concert ni Sarah Geronimo nu’ng Biyernes nang gabi dahil sira ang kanilang airconditioning system at nagdusa kami sa sobrang init!
Imbes na pangalan ni Sarah ang i-chant ng mga tao bago magsimula ang show ay, "Aircon!! Aircon!!" ang isinisigaw ng imbyernang audience.
In fairness ay ang daming tao at halos mapuno ni Sarah ang Araneta, kaya lalong uminit ang loob ng venue.
9:00 PM nag-umpisa ang concert. May sumasayaw nang maglalatik, may drum & bugle at cheering squad habang sing si Sarah ng kanyang opening number na medley ng upbeat songs.
Enter ang Salbakuta para maki-jamming, sabay banat ni Sarah ng bagong hit song ni Christina Aguilera.
Sa mga sandaling ‘yon ay tagaktak na ang pawis namin sa buong katawan dahil hindi kaya ng pamaypay ang tindi ng init sa Big Dome!
"Hindi ako makapaniwala, totoo ba ‘to? Maraming salamat po sa pagpunta n’yo rito ngayong gabi. Hindi po ako nakatulog sa kaiisip sa concert ko na ‘to," opening spiels ni Sarah na nakasuot ng pink pants ensemble.
Nang awitin niya ang
Can This Be Love ay in-acknowledge niya ang bida ng pelikula na si Sandara Park (‘Parks’ ang sabi ni Sarah) na nakaupo sa audience.
Habang bumabanat siya ng
I Wanna Know What Love Is ay parang type na naming mag-walkout dahil naliligo na kami sa pawis.
Naisip na lang namin na mas masuwerte pa rin kami dahil sa patron section kami nakapuwesto, hindi gaya ng ibang movie press na nagdurusa na nga sa init ay hindi pa matino ang upuan sa upper box section!
Sumunod ang number ni Sarah kasama ang mga produkto ng
Search For The Star In A Million na sina Nikki Bacolod (
I Don’t Wanna Miss A Thing ang inawit) at Jona Lumbera (
My Immortal ang kinanta).
Kapwa parang hirap sa parteng matataas sina Nikki at Jona, hindi gaya ni Sarah na minamani lang ang pagbirit ng
It’s All Coming Back ni Celine Dion.
Cute ang mga patawa ni Sarah kapag nag-i-spiels siya. ‘Kaaliw ‘yung pagko-correct niya sa sarili niya sa pronunciation niya ng ‘during,’ sabay bati sa kanyang speech professor na nasa audience.
Ang ganda ng duet nila ni Mark Bautista ng
I Finally Found Someone. Hindi na niya tinatawag na ‘kuya’ si Mark pero panay ang tukso niya rito kay Jasmine Trias.
Isa raw sa mga idolo ni Sarah si Michael Jackson. Hataw ang kanyang medley na sing and dance siya ng mga hit songs ni Jacko na ginagaya niya pati hip movements.
Nag-moonwalk din siya sa
Billie Jean. Aliw ang crowd sa mga patili-tiling sound effects ni Michael na plakado ni Sarah.
By that time ay hindi na nakatiis sa init ang katabi naming broadsheet writer at nag-walkout na ito kasama ang kanyang dyowa.
Medyo nakahinga-hinga kami nang konti nang mabakante ang dalawang upuan sa tabi namin.
Idolo rin pala ni Sarah si Thalia kaya sing and dance siya ng
Marimar, Maria Mercedes at
Rosalinda complete with lifting.
Halatang sponsored ng ineendorso niyang Jollibee ang next number dahil buong ningning na nagsayaw ang Jollibee mascot kasama si Sarah!
Sumunod ang dance number nila ni Japoy Lizardo habang inaawit niya ang
Lumingon Ka Lang. Ang lakas ng tilian paglabas ni Piolo Pascual na kumanta ng
Without You at isang Tagalog song.
Naka-hair extension ngayon si Piolo dahil sa ginagawa nilang pelikula ni Judy An Santos.
Kahit long hair ay napakaguwapo pa rin ni Piolo kaya panay ang tilian ng mga girlash, pero ang mga lalake sa may likod namin ay iba ang isinisigaw kay Piolo, hindi na lang namin isusulat kung ano ‘yon.
Kapagkuwan ay nag-duet sila ni Sarah ng
The Gift at
Valentine. Panay ang pasalamat ni Sarah sa pamilya niya dahil sa lahat ng suporta sa kanya.
Magtatatlong taon pa lang siya sa showbiz pero ang layu-layo na ng narating ng Teen Princess at heto’t nakapag-solo concert na siya sa Araneta.
Halos maiyak siya habang nagpapasalamat sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina na palagi na lang daw iniintriga.
Dinedikeyt niya sa kanyang family ang makabagbag-damdaming medley niya ng
If I Could, Light of A Million Mornings, Papa Can You Hear Me at
Can’t Take That Away.
Umakyat siya sa mataas na bahagi ng stage at umangat ang kanyang tinutuntungan nu’ng umaawit na siya, habang sa giant screen sa likod niya ay ipinakikita ang kanyang baby photos.
Napaka-versatile ng boses ni Sarah, hindi lang pagpapaka-Celine ang kaya niya, keri niya rin magpaka-Barbra Streisand, Mariah Carey at iba pa.
Bukod sa magandang voice quality ay madamdamin at may puso siyang umawit. Pakakainin niya ng alikabok ang maraming singers na mas senior sa kanya!
Sunod niyang tinawag ang kanyang inspirasyon at idolong si Regine Velasquez na bumanat ng
Say That You Love Me.
Kabog na ang lahat nang bumirit na ang reyna ng mga biritera! Hiyawan ang buong Araneta sa effortless song number ng Songbird.
Sobrang proud daw ni Regine sa kanyang ‘baby’ na si Sarah na champion ng
Star For A Night, ang unang talent search na hinost niya.
Naiiyak daw siya sa success ni Sarah na parang hindi na raw Pop Princess kundi Pop Queen na.
Sey pa ng Songbird, wala raw dapat ipag-alala si Sarah dahil ‘bingi’ siya sa mga intriga sa kanilang dalawa. Kasunod nito ang inaabangan ng lahat na showdown nila na kung tawagin ay ‘patayan medley’ na may subtitle na ‘gudlak!’ (dahil sa taas ng mga kanta).
Halinhinan sila ng pag-awit sa
Didn’t We Almost Have It All ni Whitney Houston,
Butterfly at
Through the Rain ni Mariah,
The Greatest Love of All ni Whitney ulit at
When You Believe na duet nina Whitney at Mariah.
Napaka-supportive ni Regine sa kanyang ‘little sister’ at yumayakap pa siya kay Sarah habang kumakanta sila.
Ang taray ng makalaglag-bagang biritan showdown na ‘yon nina Sarah at Regine!
Feeling namin ay sila ang makabagong Dorina Pineda at Lavinia Arguelles ng
Bituing Walang Ningning! Ha! Ha! Ha!
Parang naibsan ang dusang nadarama namin sa sobrang init sa Araneta pagkatapos ng bonggang number na ‘yon ng dalawa.
Pinatunayan ni Sarah na among our young divas ay siya at wala nang iba pa ang karapat-dapat na magmana ng korona ni Regine.
Nang kantahin ni Sarah ang jingle ng bagong Surf commercial na
Ang Bango ng Pasko ay himalang naayos na ang problema at nagka-aircon na!
Kinuyog siya ng mga tao nang pumunta siya sa audience habang kinakanta niya ang
How Could You Say You Love Me.
"Kung kelan matatapos na, saka naman nagka-aircon!" nakangiting bulalas niya.
Last song niya ang paborito niyang
To Love You More ni Celine bago siya umexit saglit at muling umapir sa entablado para sa kanyang encore song (ng first and biggest hit niya) na
Forever’s Not Enough.
Bale nakapitong palit ng costumes si Sarah na gawa nina Rajo Laurel at Rhett Eala sa nasabing concert na tumagal nang 2½ oras.
Ang daming tsikiting sa audience na pawang umiidolo sa Teen Princess. In fairness sa Viva ay nakalikha na naman sila ng panibagong idolo at darling ng masa kay Sarah pagkatapos nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.
Disisiete anyos pa lang ay isa nang diva at concert princess si Sarah.
Ngayon pa lang ay ang husay-husay na ng bagets, ano pa kaya kung nasa edad na siya ni Regine?
Matapos naming maligo sa sarili naming pawis sa loob ng Araneta, paglabas namin ay bumubuhos ang malakas na ulan kaya stranded ang mga tao at pahirapang umuwi!
Memorable ang first solo concert na ‘yon ni Sarah pero mas nangingibabaw sa aming alaala ang mga kapalpakang naranasan namin nu’ng gabing ‘yon sa Araneta!
http://www.abante-tonite.com/issue/oct0305/main.htm