http://www.yehey.com/entertainment/celebs/...cle.aspx?i=7824Eric Santos, takot sa pelikula?
Date: 8/19/2005 5:22:16 PM
Source: YEHEY! Contributors
By: Majee Gineta
Bagamat lahat halos ngayon ng multi-talented artists sa bansa ay
pumapasok sa pelikula, mapa-singer man o hindi, tila itong si Eric
Santos ay hindi pa rin buo ang loob sa pagpasok sa pelikula.
"Takot pa akong umarte sa pelikula," sabi ni Eric. Dagdag pa niya,
hindi raw siya maka-relate nang maayos sa mga kinakailangan sa pag-
arte sa pelikula.
Aminado si Eric na baka hindi pa rin siya marunong umarte sa
pelikula. Sadyang napakagaling nga umawit nitong si Eric kung kaya't
pumaimbulog ito sa kasikatan kaagad. Napakaraming hits na rin ang
nagawa niya at napatunayan niya na rin ang kanyang galling bilang
isang concert performer.
Nagkaroon na ng maraming-maraming offers kay Eric na pasukin ang pag-
arte sa telebisyon ngunit tumanggi ito. Binigyan siya ng pagkakataon
na umarte sa isang soap opera ngunit dinedma niya ito dahil hindi pa
nga niya sigurado kung mapangangatawanan niya ang kanyang desisyon if
ever mag-yes siya dito.
Mas feel di umano ni Eric na mailagay siya sa isang comedy show.
Sa sobrang pagiging honest nga nitong si Eric, inamin niya na
naaalarma siya sa dami ng mga bagong talentong pumapasok sa
industriya dahil sa ibat ibang talent searches sa bansa tulad
ng `Star in a Million,' kung saan siya ang nagging kampyon.
Mapalad pa rin si Eric dahil ang mga ka-batch niya sa naturang talent
search ay isa-isa nang nawawala dahil nga sa pagpasok ng mga baguhan.
Pinapaigi ngayon ni Eric ang kanyang pag-eensayo at pagpapaganda ng
kanyang boses para mas lalo pa siyang gumaling sa kaniyang mga live
performances.