
Kumakain kami sa Wokcano nu’ng yayain kami ng kaibigang Hollywood-based Oliver Carnay sa kalapit na Cheesecake Factory kung saan kumakain daw sina Vina Morales at Erik Santos kasama ng producer ng show ng dalawa next month.
Pinatatawag daw kami ni Vina, sey ni Oliver. Nu’ng puntahan namin sila roon ay wala na si Vina at may hinabol na bibilhin daw bago magsara ‘yung shop.
Galing pala sina Vina at Erik sa rehearsal para sa show kinabukasan sa Rose Bowl.
That was the very first time na nagkita kami nang personal ng paborito naming singer at ipinakilala siya sa amin ni Oliver.
Imagine, it took a Hollywood reporter pa para magkakilala kami ng ibinoto namin sa Star in a Million. Well, Erik tried his best to be friendly and jolly.
Masaya siyang kausap and indeed lovable. Habang nagkukuwentuhan kami ay napansin namin ang malaking pagkakahawig nila ng Papa Piolo ko; sa mata, matangos na ilong, ganda ng ngipin at pula ng lips.
Uhum, matutukso na yata akong lumipat ng Papa, ah! Mas younger and mas papalicious si Erik na Santos din. Kamag-anak kaya ni Juday o ni Charo Santos?
Sa kasarapan ng kuwentuhan namin ni Erik ay may natarayan kaming isa pang singer dahil sa dry attitude nito na animo ay walang kilala, eh hindi naman bangag!
Baka may regla? Hindi na namin babanggitin pa ang name ng singer na ‘yun na papaeksit na rin naman!
Baka hindi pa makarating ang promised na naman na Swatch ng manager niya!
Shocked ang Erik Santos sa ginawa naming paglilitanya sa naturang singer. "Grabe!" tanging nasambit ng bago kong Papa.
Wagi na naman ang Erik sa Amerika dahil sa pagiging warm and friendly niya, palagi kasi siyang naka-smile and no complaints. Wala tuloy problema sa kanya si Bettina.
Malayung-malayo ang ugali ni Erik kay Christian Bautista na sinasabihang snob ng fans, dry daw kausap parang laging may inisip.
Baka naiisip lang ni Christian ang manager niya na hindi niya kasama. Baka kasi nakarating na rin kay Christian ang galit ng show producer na si Bradford Adkins sa manager niya na wala raw ginawa kundi puro reklamo at pinasakit ang ulo ng producer na si Bradford nu’ng mag-show roon sina Christian.
http://www.abante-tonite.com/issue/aug1305/main.htm