Back2back sina Christian at SamAng Pilipino STAR Ngayon 10/10/2006
Mukhang maganda ang naisip ng
Stages na pagsamahin sa isang concert sina
Christian Bautista, ang tinaguriang Asia’s Pop Idol at
Sam Concepcion, ang
Little Big Star grand prize winner na pinamagatang
Back2back sa October 15, Linggo, 6 pm sa SM Mall of Asia.
Handog ito nina Christian at Sam bilang birthday treat para sa lahat ng mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanila. Ito ay libre sa lahat at first come first served ang mga upuan.
Kakantahin ni Christian ang kanyang mga romantic hits, at si Sam naman ang bahala sa mga popular dance tunes. Kasama rin sa concert na ito si
Tippy dos Santos ng
Playshop Kids as special guest.
Si Christian ay patuloy na umaani ng tagumpay sa larangan ng musika hindi lamang dito sa ‘Pinas kundi maging sa ibang bansa. Sa katunayan, ang kanyang awiting "The Way You Look At Me" na pinasikat ay kasalukuyang namamayagpag ngayon sa Singapore! Magkakar’on din siya ng concert sa Fort Canning Stadium sa Singapore sa October 29.
Ang second album nito na "Completely" under
Warner Music Phils. ay naging platinum na dito sa Pilipinas at ganundin sa Indonesia! Kasama rin si Christian sa
Mano Po 5. Ang theme song ng
Mano Po 5 ay "My Heart Has A Mind of His Own" ay kasama sa album nitong "Completely".
Si Sam naman ay tumanggap ng award na
Nickelodeon Kid’s Choice Awards bilang
2006 Pinoy Wannabe. Kasama rin ni Sam ang kanyang daddy sa isang short film na
Miko, sinulat at idinerehe ni Paolo Dy, nanalo ito ng 1st prize sa
2006 Bogen Film and Video Shorts Competition sa New York. Busy din si Sam sa TV bilang si "Boy Bawang," ng
Super Inggo.
—LANIE B. MATEhttp://www.philstar.com/philstar/PINOY200610107306.htm