BABY TALK Ni Salve V. Asis
Ang Pilipino STAR Ngayon 10/17/2006
[IMG]http://i104.photobucket.com/albums/m189/cassir/show5-3.jpg[/IMG]
Nakatakdang umalis na ng Pilipinas ang
American Idol finalist na si
Jasmine Trias dahil tapos na ang palugit na ibinigay sa kanya ng Bureau of Immigration and Deportation para sa pag-stay niya rito sa Pilipinas.
Pero naaksidente ang boyfriend ni Jasmine na si
Kris Lawrence nung Friday, the 13th of October sa taping ng
Your Song at nagtamo ito ng malalalim na sugat sa magkabilang kamay na naging sanhi para tahiin ang kaliwang kamay ng binata.
"Napalakas ang pagtabig ni
Geoff (Taylor) kay Kris sa taping at dumiretso ito sa salamin at nabasag, punumpuno ng bubog ang magkabilang kamay ni Kris, iyak nang iyak si Jasmine," kuwento sa amin ng taga-
YS.
Kaya’t malaking kuwestyon kung makakaya bang iwan ni Jasmine ang boyfriend ngayon.
Matatandaang pinauwi si Jasmine ng
Philippine Idol para magbigay suporta sa grand finalists ng
PI at the same time, para madalaw at makasama na rin ng dalaga ang boyfriend niyang si Kris Lawrence na taga-
ABS-CBN.
Pang-ilang aksidente na ito ni Kris kaya’t pinag-iingat siya dahil ito raw ang signos niya?
http://www.philstar.com/philstar/PINOY200610177305.htm