Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Specs Experiences  (Read 4570 times)

annpena

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Specs Experiences
« on: May 25, 2015, 04:43:55 PM »
3rd year high school ako nang magsimulang mag-salamin. Maliban sa sinabi nilang cute kapag naka-eyeglass, mukhang wala na akong makitang kagandahan sa naka-salamin.

Ito ang ilan sa mga specs experiences ko:
1. Kapag tumatakbo ako, kailangang  matatag ang salamin or malalaglag sa daan (malamang maapakan ko pa).
2. Kapag lumabas sa room or sa sasakyan na naka-aircon, nagmo-moist ang salamin. Hindi ko makita ang paligid!
3. Akala ng iba matalino ka - walang ibang alam gawin kung hindi mag-aral.
4. Gustuhin ko mang i-retain ang frames ko kapag nabago ang grado ko, hindi ko magawa. Kasi mawawalan ako ng salamin for at least a week. Malabo ang paligid.
5. Mahal ang ultrathin glasses kapag makapal na ang grado.
6. Kapag niyakap ka, nawawala sa pwesto ang salamin.
7. Magulo ang buhok sa ear area kaaayos ng salamin.
8. Hindi ako makapag-sunglass. Ano ang mas pipiliin ko: coolness or blindness?

Kayo, anu-ano ang specs experiences n'yo?