Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: 'Kapamilya Parol'  (Read 1756 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
'Kapamilya Parol'
« on: December 09, 2012, 10:38:04 PM »
Bumili ng Parol at tumulong sa Kapamilya, Isang kampanya mula sa ABS-CBN.

Posted in ShowBIZ 08. Dec, 2012


Sinimulan ng ABS-CBN ang isang kampanyang naglalayong makatulong sa mga Kapamilyang apektado ng sakuna sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga parol, isa sa mga sumisimbolo sa temang “Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko”.

Sa pagbili ng “Kapamilya Parol” na kung saan ang sentro ay dinesenyuhan ng mga batang naulila dahil sa bagyong Sendong, maaaring makatulong ang mga bibili sa libo-libong pamilyang apektado ng sakuna dahil ang lahat ng kikitain dito ay mapupunta sa Sagip Kapamilya, ang foundation ng ABS-CBN na tumutulong sa mga apektadong komunidad.

Gagamitin ng Sagip Kapamilya ang benta ng “Kapamilya Parol” para sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad ngayong taon kung saan kasama ang mga naulilang batang hanggang ngayon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Sagip Kapamilya.

Ang mga parol na bibilhin ay maaari din i-donate sa mga pamilyang kapos-palad sa pamamagitan ng pagbili ng mga parol sa online store ng ABS-CBN sa abscbnstore.multiply.com. Ang ABS-CBN ang mismong magbibigay ng parol at ipapadala ang pangalan at kung posible, ay litrato ng mga tumanggap sa mga nagbigay ng donasyon. Ang kikitain sa mga nai-donate na parol ay mapupunta sa Sagip Kapamilya.

Available na ang “Kapamilya Parol” sa SM Kultura, mga piling istasyon ng ABS-CBN Regional Network, mga piling provincial department stores tulad ng LCC Malls at Fiesta World Malls at sa ABS-CBN Store. Available rin ito globally at nationwide sa ABS-CBN Online Store.

Ang kampanyang ito ay naglalayong maitaguyod ang pagkakapit-bisig ng bawat Pilipino sa oras ng sakuna. Ibahagi na ang ilaw ng pasko sa pagbili o pag-donate ng “Kapamilya Parol” ngayon. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://kwentongpasko.abs-cbnnews.com/parol.

Send me your Invites: TweetBiz is open for invitation from any of your events Interviews, Product Launch, Press cons, Music, Movies or Product Reviews kindly send me email at [email protected]
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: 'Kapamilya Parol'
« Reply #1 on: December 09, 2012, 10:38:48 PM »
Did anyone purchase the Kapamilya Parol?
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20143
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: 'Kapamilya Parol'
« Reply #2 on: December 09, 2012, 10:53:25 PM »
Magkano naman to?