Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Pustahan sa NBA Finals nauwi sa pananaksak; 1 patay  (Read 13877 times)

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2378
    • View Profile
Pustahan sa NBA Finals nauwi sa pananaksak; 1 patay
« on: June 08, 2018, 10:11:02 PM »
Pustahan sa NBA Finals nauwi sa pananaksak; 1 patay
Chrisel Almonia, ©ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kaniyang kasamahan sa inuman, Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan si Henry Macapili na nagtamo ng saksak sa tiyan.

Ayon sa suspek na si Marvic Macotocruz, nagsimula ang lahat dahil sa pustahan sa NBA Finals kung sino ang mananalo sa laban ng Cleveland Cavaliers o Golden State Warriors.

Pinagtulungan aniya siya ng biktima at isa pang kasama kaya sinaksak niya ang biktima.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Police Station 7.