Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Nathaniel (OT)  (Read 115143 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #330 on: September 08, 2015, 09:26:59 AM »
Last 3 weeks na ba to? Pero yung last 2 weeks lang ang iaannounce?
If last 3 weeks na ito starting tomorrow, so this month na talaga ang FPJ's ang Probinsyano.
It's official! Last 3 Weeks na nga. :(
bale more than 5 mos. ang Nathaniel. April 20 pa kasi nagstart ito eh. so far, sa mga teleseryes ngayon eto ang pinakamatagal since May nagstart ung PSY, June naman yung PDA and last month lang yung OTWOL.

komitsu

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 396
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #331 on: September 08, 2015, 03:14:55 PM »
I just realized on last night's episode...Four horsemen of Apocalypse pala ang kalaban ni Nathaniel......

First iyong pagkamatay ng mga pananim, kagagawan ng Black Horse ( Famine )
Second iyong epidemic disease, kagagawan ng White Horse ( Pestilence )
Last night si Kaguluhan na nakalaban ni Sam Milby, Red Horse ( War ) which explains the red smoke or aura coming out of him.
Then ang last horsemen ay si Tagasundo? Pale Horse ( Death )

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #332 on: September 08, 2015, 06:04:16 PM »
bale more than 5 mos. ang Nathaniel. April 20 pa kasi nagstart ito eh. so far, sa mga teleseryes ngayon eto ang pinakamatagal since May nagstart ung PSY, June naman yung PDA and last month lang yung OTWOL.

Primetime teleserye. NKNKK as of now, yung pinakamatagal this year na nagsimula nung January 19. Nakakagulat na expected narin na matatapos ito, nakakagulat kasi mataas naman yung ratings pero maagang tatapusin usually kasi mahaba ang mga kiddie-seryes pero lately hindi tumatagal like Honesto at itong Nathaniel. Expected kasi Coco Martin-serye yung papalit sa kanya.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #333 on: September 09, 2015, 09:57:51 AM »
Nathaniel nina Gerald, Shaina at Marco 3 linggo na lang
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Wednesday, September 9th, 2015

Laban para sa kabutihan ang i-susulong ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Nathaniel na nakatakda nang magtapos ngayong sa Setyembre 25.

Mula nang umere ito noong Abril, gabi-gabing namayagpag ang Nathaniel sa labanan ang national TV ratings matapos nitong mabihag ang puso ng bawat pamilyang Pilipino dahil sa pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng tao.

Samantala, tiyak na wala nang bitawan ang mga manunuod sa hu-ling tatlong linggo ng Nathaniel nga-yong haharap na sa pinakamahirap na pagsubok ang anghel na si Nathaniel (Marco) dahil sa paglaganap ng kasamaan sa mundo.

Magtagumpay kaya si Nathaniel sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron Geisler) laban kina Paul (Gerald) at AVL (Coney Reyes)? Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina) kapag natuklasan nila na si Nathaniel ang namatay nilang panganay na anak?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

http://bandera.inquirer.net/102221/nathaniel-nina-gerald-shaina-at-marco-3-linggo-na-lang

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #334 on: September 09, 2015, 10:02:44 AM »
Nathaniel, hanggang Sept. 25 na lang!
By Dondon Sermino

Laban para sa kabutihan ang isusulong nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Nathaniel, na magtatapos na sa September 25.

Patuloy na namamayagpag sa national TV ratings ang Nathaniel, dahil na rin sa pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng mga tao.

Tiyak na wala nang bitawan ang mga manonood sa last 3 weeks ng Nathaniel, nga­yong haharap na sa pinakamahirap na pagsubok ang anghel na si Nathaniel (Marco) dahil sa paglaganap ng kasamaan sa mundo.

Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron Geisler) laban kina Paul (Gerald) at AVL (Coney Reyes)?

Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina) kapag natuklasan nila na si Nathaniel ang namatay nilang panganay na anak?

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nathaniel” gamit ang ABS-CBN mobile.

Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/34229/nathaniel-hanggang-sept-25-na-lang-.html

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #335 on: September 11, 2015, 07:20:56 PM »
Surprised about the random syndicato van kidnapping of Abby and Nathaniel that was orchestrated by Paul... he has joined the darkside?

I wonder who does the voice of the smoked Deatheater character. There should be some Kapamilya artistas there as the Four Horsemen of the Apocalypse. Wouldn't that be cool? The ultimate battle of Angels vs the Devil?
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

chui122513

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #336 on: September 12, 2015, 05:35:55 PM »
Surprised about the random syndicato van kidnapping of Abby and Nathaniel that was orchestrated by Paul... he has joined the darkside?

I wonder who does the voice of the smoked Deatheater character. There should be some Kapamilya artistas there as the Four Horsemen of the Apocalypse. Wouldn't that be cool? The ultimate battle of Angels vs the Devil?
Devils seemed to be XB Gensans or other hiphop groups as per last night's epi. Hahaha. They got the moves. Lol

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #337 on: September 17, 2015, 09:30:34 AM »
Gerald hindi pa tanggap na mawawalan ng serye
TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 17, 2015 - 12:00am

Magtatapos na ang teleseryeng Nathaniel sa September 25 kaya magkahalong emosyon na ang nararamdaman ngayon ni Gerald Anderson. “Mixed emotions siyempre na nalulungkot dahil patapos na kami pero kumbaga parang hindi pa nagsi-sink in dahil ang dami pang nangyayari. Medyo intense pa ‘yung mga eksena namin. So hindi ko pa masyadong iniisip pero alam ko na darating na ‘yung last taping day namin, ‘yung last airing namin. I’m just so proud na part ako ng Nathaniel,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil naging instrumento ang kanilang programa upang makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Katulad na lamang ng ginawa nilang Binyagang Bayan noong Martes sa Quezon City. “Sobrang daming blessings na nakuha namin at nabigay namin through this show, nakakatuwa. There are 50 kids na napasaya namin. Then when we first started sa Fabella (hospital), ang dami rin naming natulungan, nakita at na-inspire. So this show had been a blessing professionally and personally,” pagbabahagi ni Gerald.

Marami ring mga bagay ang natutunan ng binata dahil sa kanyang karakter sa nasabing serye. “Ang dami kong natutunan lalo na sa role ko. Sa raming emotions, sa raming challenges, sa raming problem ang hinaharap at hindi pa siya naniniwala kung ano ang tinuturo ng simbahan. So parang wala siyang makakapitan. So going through that as an actor, playing that role, grabe. Ang dami ko po talagang natutunan to just have faith and huwag maging katulad ng nangyari kay Paul Lacsamana (karakter ni Gerald),” pagtatapos ni Gerald.

Abala na rin ngayon ang aktor sa shooting ng pelikulang Everyday I Love You kung saan ay sina Liza Soberano at Enrique Gil naman ang kanyang makakasama.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/09/17/1500588/gerald-hindi-pa-tanggap-na-mawawalan-ng-serye

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #338 on: September 20, 2015, 09:26:18 AM »
Gerald, Shaina maraming natutunan kay Nathaniel
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Sunday, September 20th, 2015

Speaking of Nathaniel, finale week na ng nangungunang Primetime Bida series ng ABS-CBN ngayong darating na linggo at siniguro ng Dreamscape Entertainment na magiging exciting at inspiring ang ending ng kuwento ng anghel na si Nathaniel.

Sa nakaraang farewell/thanksgiving presscon ng programa, natanong ang members ng cast kung ano ang natutunan nila sa kuwento ng Nathaniel na pinagbibidahan nga nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Marco Masa, Isabelle Daza at Coney Reyes. Napapanood ang Nathaniel after TV Patrol.

Narito ang naging tugon ng cast. Sey ni Coney Reyes, “Ang faith natin ay nagwe-waver din, pero we just have to continue to cling on to God. Dito everyday may natututunan ka kay Lord, everyday just open your eyes, be sensitive to the leading of the Lord and definitely there’s something new that’s going to teach you on a personal basis and also as a whole.

“We, everyone will realize that power; ang kapangyarihan ay walang pupuntahan kapag hindi ito ginamit sa tama,” dagdag pa nito. Ayon naman kay Isabelle, “Siguro walang magandang naitutulong ang paghihiganti.”

Ang sabi naman ni Shaina, “Alam niyo kung gaano ako ka-faithful, itong proyekto na ito isa sa pinakamalapit sa puso, at pag-practice ng faith ko. Siguro kung ano inspirasyon at struggles na ipinapakita ng characters, maski ako nagdo-draw ako ng inspiration doon.”

Chika naman ni Gerald, “Personally ang natutunan ko ay kung ano ang laging sinasabi sa akin ni Nathaniel na huwag masyadong magpadala sa emotions mo. Kung galit ka, ’yung pride mo, kasi kakainin talaga tayo ng emotions natin.

So step away, evaluate, kasi baka may magawa ka na pagsisisihan mo in the future.” Para naman kay Pokwang, “Kahit anong mangyari, pinagdaanan ko, nalampasan ko, basta kumapit ka lang sa kanya at magtiwala, huwag ka lang mawalan ng pag-asa iwan mo lahat sa kanya.”

Ang sey naman ni Baron, “Kung dati beast mode ako, ngayon po ay peace mode na ako.” –EAS

http://bandera.inquirer.net/103087/gerald-shaina-maraming-natutunan-kay-nathaniel

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2746
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #339 on: September 20, 2015, 04:33:51 PM »
Now on it's Final Week!

Nakakaloko talaga yung sa last gap na eksena nila AVL at Tagasundo last friday. Crazy!

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #340 on: September 23, 2015, 09:55:14 AM »
Nakatutok ang madla sa pagtatapos ng teleseryeng Nathaniel.


Sa kanyang eksenang nanggagamot na siya ng maysakit, medyo may pitik ng lamya at kakaibang gulong ng mga mata ang batang bida na si Marco Masa.


Sobra siguro niyang na-internalize ang kanyang role na mala-Ate Guy sa Himala.

http://www.abante-tonite.com/issue/sep2315/showbiz_others04.htm#.VgIG6FOfeRM

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2746
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #341 on: September 24, 2015, 10:34:08 PM »
Napaka-realtalk ng episode ngayon. Baron, bagay na bagay talaga sayo ang role na yan, ang galing na kontrabida!
Ansabe naman ng Pulang Moon dyan? Imortal? lol

Finale na! Nathaniel vs. Tagasundo

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #342 on: October 01, 2015, 09:40:57 PM »
International Distribution ;D

Nathaniel https://youtu.be/GW80diQoVIs
Nathaniel Pilot Episode https://youtu.be/B9lv22_qUyw
Nathaniel Middle Episode 1 https://youtu.be/g7eW7is9ST4
Nathaniel Middle Episode 2 https://youtu.be/OvCSxc0LJj8

(c) ABS-CBN Entertainment


BlueDogs

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2081
    • View Profile
    • http://www.49ers.com/
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #343 on: February 22, 2016, 05:29:50 AM »
Paul got off way too easy!

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20664
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Nathaniel (OT)
« Reply #344 on: January 07, 2018, 10:17:06 AM »
This is Shaina's last Dreamscape project before Asintado.