Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: My Kung Fu Chinito (OT)  (Read 210889 times)

erzo01

  • Guest
My Kung Fu Chinito (OT)
« on: April 17, 2015, 02:30:56 PM »


ericjohnsalut
2 hours ago
Excited ka na bang makilala kung sino ang cast ng #MyKungFuChinito? Abangan ngayong 2PM. @dreamscapeph
« Last Edit: May 05, 2015, 01:33:18 AM by TFC Godfather »

erzo01

  • Guest
Re: My Kung Fu Chinito
« Reply #1 on: April 17, 2015, 04:56:04 PM »
Starring Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap, under the direction of Erick Salud (balik-Dreamscape after ng Hawak Kamay)

Kasama din sina Atoy Co and David Chua.

After 2 years, may project na uli si Enchong sa TV. And nakuha ng Dreamscape si Sofia.

Baka late Q3 pa ang STWOM. Kung 3 months yung Yamishita's Treasure, mga June pa 'to papalit. Gaano kaya katagal run nito?

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #2 on: April 17, 2015, 05:28:20 PM »
Funny name, lol.

Nice fresh new loveteam.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2391
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #3 on: April 17, 2015, 05:57:38 PM »
Bigyan na yan ulit ng Primetime Teleserye si Enchong, para sulit ang 2 year absence nya.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20141
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #4 on: April 17, 2015, 06:19:54 PM »
Funny name, lol.

Nice fresh new loveteam.
akala ko si Miles (as I saw somewhere sa Kapamilya PEx thread...)

erzo01

  • Guest
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #5 on: April 18, 2015, 01:21:39 AM »
Chinitos, unite! Enchong, Richard Yap in new miniseries

By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNnews.com
Posted at 04/17/2015 6:05 PM
MANILA - Filipino-Chinese actors Enchong Dee and Richard Yap have teamed up for a "Wansapanataym" miniseries on ABS-CBN.

The show, titled "My Kung Fu Chinito," marks Dee's return to acting after taking a short break.

He said he is happy to work with Yap, who is known as Sir Chief in the defunct daytime series "Be Careful with My Heart."


"Actually noong nalaman ko ito, nasa States pa ako," Dee shared in a press conference for the upcoming show. "Alam ko lang na may gagawin na 'Wansapanataym' pero hindi ko alam ang cast. pero noong nalaman ko na makakasama ko si Kuya Richard, parang sabi ko, 'astig.' Kasi parang 'di ka maiilang lalo't ang gagawin niyo ay pambata. Eh 'di ba ang laki ng market na nakuha nila sa 'Be Careful with My Heart?' Ang laking tulong, so excited [ako]."

Yap, for his part, said Dee is "very easy to work with."

"We never expected na magkakaroon kami ng project together. Pero 'yun, this was offered to us so we are very happy to be in this project together," he said.

"My Kung Fu Chinito" tells the story of a man who wants to pass on his power to somebody for the "greater good."

Joining Dee and Yap in the series are Atoy Co, David Chua and Sofia Andres.

erzo01

  • Guest
Re: My Kung Fu Chinito
« Reply #6 on: April 18, 2015, 01:22:25 AM »
Starring Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap, under the direction of Erick Salud (balik-Dreamscape after ng Hawak Kamay)

Kasama din sina Atoy Co and David Chua.


dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #7 on: April 20, 2015, 10:35:18 AM »
Enchong Dee, balik-acting na mula sa napahabang bakasyon
Posted by Reggee Bonoan on Apr 20th, 2015

SA wakas ay nasilayan din namin si Enchong Dee na matagal na naming ipinagtatanong sa Star Magic kung bakit walang teleserye pagkatapos ng Ina Kapatid Anak na nagtapos noong Hunyo 2013.

Samantalang ang mga nakasama niya sa nasabing serye na si Kim Chiu ay nagkaroon na ng seryeng Ikaw Lamang kasama sina Coco Martin, KC Concepcion at Jake Cuenca samantalang si Maja Salvador ay nagkaroon ng The Legal Wife, Give Love On Christmas Day at ang umeereng Bridges of Love kasama naman sina Paulo Avelino at Jericho Rosales.

Ito ang itinanong namin kay Enchong nang makatsikahan namin sa pocket presscon ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito kasama sina Richard Yap, David Chua, Sofia Andres at Atoy Co mula sa Dreamscape Entertainment.

“Humingi ako talaga ng bakasyon,” tumatawang sagot niya, “parang six months break lang kasi, ‘di ba, parang nagsunud-sunod ’yung work. ‘Tapos hindi ako vocal, ha, like sa management, I mean, ’pag may dumating namang trabaho, game naman ako.

“Eh, parang napasobra yata, ha-ha-ha.  Pero during that time, nakapag-focus ako sa album ko, which is very hard for me kasi siyempre, hindi naman ako nakilala ng tao as a recording artist, so na-excite rin ako kasi na-tour ko ang Pilipinas.

“Naging baby ko ’yung album which is something na ang tagal-tagal ko nang gustong gawin, hindi ko magawa dahil lagi akong nasa set, lagi akong nagti-taping. Ngayon, nu’ng nakapagbakasyon ako, na-focus ko ’yung sarili ko sa album.”

Gusto rin ba talaga niyang maging singer o nakikiusap lang?

“Ito talaga ang pangarap ko kaysa maging artista,” mabilis na sabi ni Enchong.

In fairness naka-Gold Record award na ang self-titled album niya mula sa Star Records at siya rin mismo ang co-producer.

Pinabigyan kami ng aktor ng kopya ng album at in fairness, ulit, Bossing DMB, magaganda naman ang mga awiting nakapaloob tulad ng Chinito Problems Seloso, Step No, Step Yes, Tambalang OMG (duet with Alex Gonzaga), Isip o Puso, Step No Step Yes (Extended Version), Chinito Problems (Brian Cua Club Remix), Chinito Problems (duet with Yeng Constantino).

“Sana nga mag-Platinum na,” saad pa ni Enchong.

At dahil sa tagal niyang nawalan ng trabaho, inamin niya na para siyang gutom na gutom ngayon sa pagganap.

“Ang ganda ng kinalabasan ng bakasyon dahil ang dami kong lugar na napuntahan, but at the same time, parang nagutom ako nang sobra,” say ng aktor.

Comeback TV project niya ang Wansapanataym na pambata at hindi seryosong tulad ng huli niyang Ina Kapatid Anak.
Tumatawang sabi ng binata, “Actually, ang tagal ko nang gustong gumawa ng pambata. Kaya lang, hindi ko maintindihan ba’t hindi ako nabibigyan. Hindi, joke lang.”

Aabot daw sa isang season o apat na buwan ang My Kung Fu Chinito na napapanood tuwing Linggo na magsisimula ng Hunyo pagkatapos ng Yamishita’s Treasure nina Coco Martin at Julia Montes.

Kinumusta rin namin kay Enchong ang girlfriend niyang si Samantha Lewis at kung sila pa rin dahil walang ingay ang relasyon nila.
Pero ang nakakaloka, binalikan kami ng tanong ng aktor, “Oo. Bakit kailangang ‘kayo pa rin (ang tanong)?’”

Wala kasing nababalitaan sa kanilang dalawa, as in kasabay din ng pagkawala ng projects ni Enchong, ha-ha-ha.

“Hindi kami nakikiuso,” katwiran ng aktor.

At for the record ay 13th monthsary na nina Enchong at Sam.

Kailan ba nila planong magpakasal?

“Matagal pa. Gusto ko relax lang, bata pa ako, 26 lang, ‘pag ano na… 33 (years old) na ako,” sagot ng aktor.

Hiningan ng komento si Enchong tungkol sa mga kaibigan niyang nag-break na tulad daw nina Gerald Anderson at Maja kasama na rin sina KC at Paulo.

“Nakakaiyak, pero ano naman ’yun, kanya-kanyang personal na kuwento naman sa buhay nila and ’yung mga kaibigan ko, hindi ko pa naman sila nakikita,” malungkot na pahayag ng binata.

Samantala, biniro namin si Enchong na kung topless siya sa My Kung Fu Chinito dahil nga nakamaluwang na pantalon at walang pang-itaas ang kadalasang suot ng mga nag-aaral ng Wushu.

“Hindi, si Kuya Richard (Yap) ‘yun, siya ang magpapakita ng abs,” tumatawang sagot ng aktor.

Mukhang ayaw lang aminin ni Enchong para hindi ma-preempt pero duda namin ay magta-topless siya dahil panay daw ang work-out niya.

http://www.balita.net.ph/2015/04/20/enchong-dee-balik-acting-na-mula-sa-napahabang-bakasyon/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #8 on: April 23, 2015, 11:01:46 AM »
Tiyak na magpipiyesta ang mga bading at matrona
Richard Yap action star na; handa na ring magpakita ng kaseksihan sa Wansapanataym
By Reggee Bonoan
Bandera
2:00 am | Thursday, April 23rd, 2015

SA nakaraang presscon ng Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito ay inamin ni Richard Yap o Ser Chief na noong nagsisimula pa lang siya ay nakaranas din siya ng pang-iisnab ng mga casting agency sa mga audition.

Noong araw kasi ay mas gusto ng ad agencies ang Asian o mestizo looking, hindi raw masyadong mabenta sa commercials ang mga Chinese.

Tinanong kasi ang cast ng bagong season ng Wansapanataym kasama sina Enchong Dee, David Chua at Atoy Co kung may bad experience na sila sa mga audition at kung naging disadvantage na sa kanila ang pagiging chinito.

“Ako na-experience ko ‘yan kasi usually, puro mga mestizo (hinahanap), ngayon medyo in na ngayon, mas accepted na sa market. Advantage na ngayon ang chinito,” kuwento ni Richard.

Oo nga, halos lahat ng napapanood ngayong TV commercial ay pawang Asian looking na at karamihan nga ay chinito, at iilan na lang ang mestizo.

At dahil tungkol sa Kung Fu ang kuwento ng bagong Wansapanataym, ay natanong naman si Richard kung sino ang paborito niyang martial arts expert, “Steven Seagal.”

Kilala si Steven Seagal bilang mahusay sa Aikido at kung hindi kami nagkakamali ay 7th dan black belt na ito at nagtuturo rin siya sa Japan.

Samantala, first time mag-aksyon ni Richard sa isang serye kaya excited siya, gagampanan niya ang karakter ni Chairman Hann na gustong ipasa ang kanyang talento sa Wushu sa isang taong may magandang puso at si Enchong bilang si Diego nga ang napili niya.

“Magiging protégé ko si Diego, itinuro ko lahat ng alam ko sa wushu,” sabi ni Richard. Nabanggit ni Enchong na bagama’t malaki ang agwat ng edad nila ni Richard ay hindi siya nailang dito dahil bagets din daw makipag-usap si Ser Chief.

“Pareho lang kami sa pag-iisip, actually, we’ve been together sa shows sa abroad, kaya magkakilala na kami, masayang kasama si Enchong kaya looking forward ako for this project.

“I’ve never expected na magkakaroon kami ng project together and when this was offered to us, I’m very happy,” pahayag ng chinitong aktor.

Samantala, tinanong namin kung ano ang mauunang gawin ni Richard kung itong Kung Fu Chinito o ang serye nila ni Judy Ann Santos na Someone To Watch Over Me.

“Halos magsasabay sila, siguro mauuna ng kaunti itong Kung Fu, kasi pagkatapos ng Yamishita (nina Coco Martin at Julia Montes), ito na ang kasunod.

Yung kay Juday, pagkatapos naman yata ng Nathaniel, I think,” sabi ng aktor. Ito rin ang unang pagkakataon na mapapanood si Richard sa Wansapanataym kaya excited na siya, pambata naman daw kasi ito at ibang-iba rin sa Be Careful With My Heart.

Biniro naman ni Enchong si Richard na magpapakita raw ito ng abs at muscles sa nasabing programa kaya tiyak na aabangan daw ito ng female viewers, pati na rin ng mga beki, “Ha-hahaha! Makikita n’yo naman dito na mag-i-split si Enchong,” biro naman ng aktor.

Malaki raw ang mababago sa imahe ni Richard na parating malinis ang role sa mga nagawa niyang serye dahil dito sa My Kung Fu Chinito ay medyo marumi siya kasi nga action star naman siya rito.

Samantala, nilinaw naman ng aktor ang biro ni Enchong na ayaw siyang isosyo ni Richard sa restaurant business nito.
Katwiran ni Mr. Yap, “May mga kasama na kasi ako, buo na, hindi naman ako ‘yung nagde-decide lang.”

Abangan ang Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito kung saan kasama rin si Sofia Andres bilang love interest ni Enchong at sa direksiyon ni Erick Salud mula sa Dreamscape Entertainment.

http://forums.abs-cbn.com/wansapanataym/my-kung-fu-chinito/?action=post;last_msg=109488

Kogi

  • Guest
Re: My Kung Fu Chinito (Enchong Dee, Sofia Andres and Richard Yap)
« Reply #9 on: May 03, 2015, 07:07:05 PM »
I hope after this they will launch Sofia Andres with her own show. She gives me Juday vibes!

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: My Kung Fu Chinito (OT)
« Reply #10 on: May 05, 2015, 01:32:37 AM »
I hope after this they will launch Sofia Andres with her own show. She gives me Juday vibes!
Very promising indeed, she does have the potential.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (OT)
« Reply #11 on: May 21, 2015, 03:44:55 PM »
ABS-CBN unveils 10 new shows to watch for Q2 2015

They are known for bringing the BEST shows. They are the home of the BRIGHTEST stars. The undisputable network is now set to bring only the greatest, and most entertaining shows to their loyal viewers. ABS-CBN as the leading television network in the country officially launches the shows to watch for. They held Kapamilya Trade Launch yesterday where they formally announced the shows, the stars and for some, its playdate.

Here are the much-awaited soaps we are waiting for:

1. PANGAKO SA’YO (May 25, 2015)
A remake. Originally starred Kristine Hermosa and Jericho Rosales. It was first aired in 2000 and popularly gave birth to iconic roles of claudia Buenavista and Amor Powers. This time, Kathryn Bernardo and Daniel will play Yna and Angelo together with Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, and Ian Veneracion. Produced by Star Creatives under the direction of Rory Quintos, Dado Lumibao and Olive Lamasan.

2. PASION DE AMOR (June 1, 2015)
Another adaptation of the Columbian Telenovela “Pasion da Gavilanes.” The story will evolve around a family rivalry which will be mixed with revenge and love. Starring Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia and Arci Munoz under the direction of Eric Quizon.

3. ON THE WINGS OF LOVE (Soon)
Under the production of Dreamscape, James Reid and Nadine Lustre will play the roles of clark and Lea, who are Filipino workers based in San Francisco, California, forced to get married to continue their stay in the country. Joining them are Arjo Atayde, Bianca Manalo, Cherry Pie Picache and Joel Torre. Directed by Avel sunpongco and Don Cuaresma.

4. SOMEONE TO WATCH OVER ME (Soon)
Starring Judy Ann Santos, Richard Yap and Diether Ocampo. Another under the production of Dreamscape and directed by Onat Diaz and Trina Dayrit. It is said to be mixed with action, romance and comedy.

5. AND I LOVE YOU SO (Soon)
To be directed by Don Cuaresma, it is a drama about family, friendship, love and betrayal. Starring Julia Barretto, Miles Ocampo, Inigo Pascual, Dante Rivero, Angel Aquino, Dimples Romana, Bing Loyzaga, Raymond Bagatsing, Luke Jickain, and Jay Manalo.

6. FPJ’S ANG PROBINSYANO (Soon)
To commemorate the late king Fernando Poe Jr., this is an action-filled series under the production of Dreamscape and co-produced by FPJ Production. Coco Martin will play as provincial cop. Joining him are Bela Padilla, Angeline Quinto, Jaime Fabregas, Albert Martinez and Arjo Atayde.

7. WANSAPANATYM PRESENTS: MY KUNG FU CHINITO (Soon)
A mini series starring Richard Yap, Enchong Dee, and Sofia Andres. it is a story of a man who wants to pass on his power to somebody for the greater good.


8. PINOY BIG BROTHER SEASON 737 (Soon)

9. THE VOICE KIDS SEASON 2 (June)

10. YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

http://www.lionheartv.net/2015/05/abs-cbn-q2-2015/

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: My Kung Fu Chinito (OT)
« Reply #12 on: June 08, 2015, 07:10:04 AM »
June 21st is the start date.

Teaser trailer looks really cheesy, Enchong looks like dumb, ehhh... sadly I'll pass even if it has Ser Chief, Baby Abby and Kate of Forevermore.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (OT)
« Reply #13 on: June 17, 2015, 07:35:04 PM »

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: My Kung Fu Chinito (OT)
« Reply #14 on: June 17, 2015, 07:35:35 PM »