Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Magandang Buhay (OT)  (Read 7541 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Magandang Buhay (OT)
« on: April 12, 2016, 04:11:05 PM »
Talk about upcoming talk show "Magandang Buhay" here.
« Last Edit: April 23, 2016, 03:37:11 AM by TFC Godfather »

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17550
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Official title na ba?

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
‘Magandang Buhay,’ eere na sa Lunes

“KARLA (Estrada), Jolina (Magdangal) at Melai (Cantiveros) ang billing siguro, kasi si Melai homegrown talent ‘yan ng Dos dahil PBB winner, di ba? Si Jolina, nagbabalik lang naman ulit sa career niya, gayundin si Karla.

Bukod tanging si Melai lang ang hindi nawala,” paliwanag sa amin ng taga-ABS-CBN nang tanungin namin kung paano ang magiging billing ng tatlong host sa bagong talk show na kapalit ng KrisTV.

Magsisimula na silang umere sa Abril 18, Lunes.

‘Magandang Buhay’ ang titulo ng talk show, na hinango sa seryeng Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama si Jana Agoncillo.

Nakakadalawang taping na ang Magandang Buhay na ayon sa kuwento ng mga nakapanood ay masaya naman daw lalo na ang pilot episode nila na guest ang KathNiel.

Ano ang pagkakaiba ng Magandang Buhay sa KrisTV na halos pareho lang naman ang format, tanong namin sa kausap namin.

“Pangmasa ang Magandang Buhay, at tatlo ang hosts, so may kanya-kanya silang inputs, unlike si Kris, solong host lang at may kasamang guest co-host,” sagot ng nakapanood ng taping.

“Riot ‘yung KathNiel episode, abangan mo,” dagdag pa nito.

As of now ay hindi pa raw nape-preview ng management ang Magandang Buhay pero naniniwala naman ang nagkuwento sa amin na maaaprubrubahan ito dahil maganda at entertaining.

http://balita.net.ph/2016/04/12/magandang-buhay-eere-na-sa-lunes/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Daniel, Kathryn unang pasabog ng morning show ni Karla
By Ervin Santiago
Bandera
3:00 am | Tuesday, April 12th, 2016

“HINDI pa napi-preview ng management kaya hindi pa alam kung approved na ang show.” Ito ang sabi ng isang taga-ABS-CBN nang tanungin namin ang tungkol sa bagong talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na may titulong Magandang Buhay.

If ever daw na maaprub ito ay mapapanood na ang pilot episode nito sa Lunes, Abril 18 kung saan special guests sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang Magandang Buhay ay hango sa seryeng Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama ang child star si Jana Agoncillo. Ito kasi ang bukambibig ng bata sa nabanggit na serye bilang pampa-good vibes na talagang tumatak sa mga manonood.

Ayon pa sa aming source, nakadalawang taping na ang Magandang Buhay hindi lang nabanggit sa amin kung sinu-sino naman ang special guests sa second episode nito.
Tinanong din namin sa aming kausap kung ano ang pagkakaiba nito sa Kris TV ni Kris Aquino.

Obserbasyon ng nakapanood ng taping, “Pangmasa ang Magandang Buhay, at tatlo ang hosts, so may kanya-kanya silang inputs, unlike si Kris, solong host lang, may kasama lang guest co-host. At saka riot ‘yung KathNiel episode, abangan mo!”

Samantala, tinanong namin kung paano ang magiging billing ng tatlong hosts.

“Karla, Jolina at Melai ang billing siguro, kasi si Melai homegrown talent ‘yan ng Dos dahil PBB winner. di ba? Si Jolina, nagbabalik lang naman ulit sa career niya, gayun din si Karla.

Bukod tanging si Melai lang ang hindi nawala,” katwiran sa amin.

Hmmmm, oo nga ‘no? Pero ang tanong, makuha rin kaya nina Karla, Melai at Jolens ang suporta ng mga manonood na sumubaybay ng ilang taon sa Kris TV? Sa ayaw at sa gusto kasi nila, ikukumpara ang kanilang bagong programa sa morning show ni Kris.

Kaya dapat, talagang iba ang ihahain nila sa mga viewers tuwing umaga para tumagal din sa ere ang kanilang show.

http://bandera.inquirer.net/120154/daniel-kathryn-unang-pasabog-ng-morning-show-ni-karla

AnimeFan21

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1436
    • View Profile
The teaser says it all! Ngayong lunes na agad-agad!

AnimeFan21

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1436
    • View Profile
The teaser says it all! Ngayong lunes na agad-agad!
Yun nga lang, walang new Anime for 8:30am, kaya 1 hour and 30 minutes pa rin ang Talk Show.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17550
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
this should deliver... JOLINA hosting a talk show too!!!

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17550
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 17550
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
At mapapanood na ito sa Monday. 7:30am

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Jolina, Melai, at Karla, tampok sa Magandang Buhay

SINA Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang mga host ng bagong morning show sa ABS CBN na pinamagatang Magandang Buhay. Ito bale ang papalit sa timeslot ng dating talk show na Kris TV ni Kris Aquino.

Matatandaang magkakasama noon bilang celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar Season 1 sina Melai, Jolina, at Karla.
Nagpahayag si Melai nang sobrang kasiyahan sa bagong blessings na ito para sa kanya at sa family niya.

“Sobrang saya, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos for another blessing sa pamilya namin ni Jason. Malaking tulong ito para sa anak ko. Siyempre, for her future,” saad ng komedyana.

Ayon pa kay Melai, walang kaso kung mapagod man siya sa dalawa niyang daily shows, dahil ang mahalaga raw ay ang future ng kanyang anak.

Magkahalong kaba raw ang naramdaman niya nang kinuha siyang host ng talk show sa Magandang Buhay. Ngunit dahil sina Jolens at Karla ang kasama niya, kahit paano raw ay nawala na rin ang kanyang kaba.

Sinabi pa ni Melai na sa palagay daw niya, kaya sila kinuha ng Dos ay dahil sa naging maganda ang samahan nila sa Your Face Sounds Familiar, na nauwi talaga sa pagiging magkakaibigan nila.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

http://www.hatawtabloid.com/2016/04/13/jolina-melai-at-karla-tampok-sa-magandang-buhay/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Nagandahan daw ang Kapamilya network management sa sample episode ng Magandang Buhay, ang morning talk show na papalit sa time­slot ng KrisTV.


Kaya it’s official, sa Lunes na sila magsisimulang umere.


Nakapag-first taping day sila, kung saan ang KathNiel ang panauhin.


Siyempre, may inamin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo alang-alang sa ikabobongga ng morning talk show!


Bigay-todo sina Karla Estrada, Melai at Jolina Magdangal, huh! ‘Kaaliw ang show, lalo na si Karla, kaya approve na approve ‘yon.


Kahapon ay nag-tape uli sila kung saan guest naman si Vice Ganda.



Teka!


True ba na limited engagement lang ‘yon at kapag ready na si Kris na bumalik sa telebisyon ay magkakaroon uli ng new morning talk show ang queen of all media at “babawiin” ang timeslot na ‘yon?


Well…

AnimeFan21

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1436
    • View Profile

pleaseabscbn

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 114
    • View Profile
sana may mga segments sila na out of the studio at syempre games para lalong mas masaya

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Magandang Buhay (OT)
« Reply #14 on: April 22, 2016, 02:30:45 PM »
2 beking kapatid ni Vice napilit ng ABS-CBN na magpainterbyu
By Alex Brosas
3:00 am | Friday, April 22nd, 2016

WAGING-wagi ang pinakabagong morning show ng ABS-CBN, ang Magandang Buhay na tinatampukan nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Pinag-uusapan. Top trending at nagtala ito ng mataas ng rating sa unang linggo nito.

Nagsimula itong umere no’ng Monday with Kathryn Bernardo at Daniel Padilla as guests. At tulad ng inaasahan, may mga rebelasyon sa pag-iibigan nina Kathryn at Daniel. Punumpuno ng kilig ang naturang episode.

No’ng Tuesday naman, ang phenomenal star na si Vice Ganda ang special guest. Nailahad dito ang mga bagay na hindi pa alam ng tao kay Vice at sa kanyang pamilya like naging hanapbuhay ng kanyang ina ay ang pagtatahi at pagbebenta ng basahan. Ipinakita ni Vice kung paanong siya mismo ang katulong ng kanyang ina sa pagtatahi ng basahan.

Isa pang rebelasyon ay ang tungkol sa pumatay sa kanyang ama, na hindi na nila ipinakulong.

Napatawad na raw nila ito.

First time din na lumabas ang dalawang kapatid ni Vice on national TV. Eversince, ayaw ni Vice na ma-expose sina Emma at Babet sa TV. Walang magawa si Vice dahil surprise ang naturang appearance ng kanyang mga kapatid who like him are also gays.

Kuwento nga ni Emma about Vice, “One time nahuli ko siya. UAAP dancer kasi ako before sa FEU, mayroon kaming UAAP number nahuli ko siya na sinusukat ang headress ko na tamarraw. Pero wala in-ignore ko lang, ‘di ko in-acknowledge.”

Magandang panoorin ang Magandang Buhay sa umaga. May values na ibinabahagi ang guests at mismong mga hosts mula sa kanilang real-life experiences.

Sa ngayon, kumbinsido kaming ito ang pinaka-enjoy na morning show sa TV. Iba’t ibang personalidad kasi ang tatlong hosts who are all mothers. Laughtrip si Melai, while Karla and Jolina are good sa motherhood.

Aabangan na lang namin ang mga paparating pang episodes ng Magandang Buhay. For now, congratulations sa ABS-CBN para isang exciting na morning show na ito.

http://bandera.inquirer.net/120723/2-beking-kapatid-ni-vice-napilit-ng-abs-cbn-na-magpainterbyu
« Last Edit: April 23, 2016, 03:38:21 AM by TFC Godfather »