Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: JM de Guzman (OT)  (Read 6347 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
JM de Guzman (OT)
« on: December 12, 2012, 06:42:52 AM »
Talk all you want about JM here.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #1 on: December 12, 2012, 11:14:01 PM »

|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #2 on: December 20, 2012, 12:47:56 AM »
‘Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin’ JM mahirap makasundo ang ugali

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated December 19, 2012 - 12:00am
Noong isang linggo ay nagtapos na ang teleserye ni JM de Guzman na Angelito: Ang Bagong Yugto. May mga bulung-bulungan na sumama ang loob ng aktor dahil napaaga ang pagwawakas ng kanilang soap opera. Napabalita kasi noon na Peb­rero pa dapat ito magtatapos.

“Wala naman ako sa posisyon kasi aktor din lang po ako. Kinuha rin lang ako ng ABS-CBN pero mas maganda sana kung may trabaho pa rin kami. Umaasa pa rin ako na sana mabigyan pa kami ng pagkaka­taon,” paliwanag ni JM.

Hindi alam ng binata kung bakit mas napaaga ang pagtatapos ng nasabing serye.

“Sa tingin ko ’yung motibo naman po ng istorya natumbok po namin. Batang ama po so, ’yun ang dapat niyang gawin, ’yung gagabay sa kanya para gawin ang tama,” dagdag pa ni JM.

Samantala, may mga nagsasabing mahirap sakyan ang tunay na ugali ni JM. Kung minsan ay mabait at kung minsan naman daw ay mahirap makasundo. Pagdating sa trabaho ay malaki ang epekto kay JM ng sobrang pressure dahil madalas siyang nagkakamali dahil dito.

“Bago ako mag-start, sinabi ko na po na magri-risk ako. Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Ginagawa ko rin ito para sa kanila. Gusto ko as much as possible ’yung mga proyekto ko, ’yung outcome nun, gusto ko masasabi ko at sigurado ako sa sarili ko na buung-puso kong ibi­nigay and ’di ako natakot kung magkamali man. Alam kong mapapatawad ako kasi maganda ang intensiyon ko,” paliwanag pa ng aktor.

Jake hinay-hinay pa rin kay Lovi pero hindi na umaasa

Kahit matagal nang napapabalita na magkarelasyon na diumano sina Jake Cuenca at Lovi Poe ay patuloy pa rin ang pagsasabi ng dalawa na malapit na magkaibigan lamang sila. Hindi pa rin daw handa na muling­ pumasok sa isang relasyon si Jake.

“I’m taking it slow. She means a lot to me but I’m taking it slow. Isang pagkakamali ko noon pa man is to just really jump into something, eventually nagpe-fade rin. I’m not getting any younger. Kung may papasukan man akong love life, gusto ko sana ’yun na ’yun,” bungad ni Jake.

Bukas din ang aktor sa pagsasabing malaki ang paghanga niya kay Lovi at marami talagang lalaki ang nagkakagusto sa aktres.

“Lovi is an amazing woman. She’s such a beautiful girl. Kahit naman sinong lalaki masasabi ’yun about her. Sobrang bait at sobrang ganda niya. I’m just really amazed by her,” pagtatapat ni Jake.

Posible pa kayang maging girlfriend si Lovi ng binata?

“Mahirap mag-expect eh. I just let things fall into place. ’Yun na lang, tuloy ang pagkakaibigan,” giit pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #3 on: December 20, 2012, 01:05:09 AM »
JM de Guzman is not concerned about other people’s opinion of him.

Posted in Celebrity Gossips 19. Dec, 2012


Katatapos lang ng teleseryeng Angelito: Ang Bagong Yugto na pinagbibidahan ni JM de Guzman. Aniya, mami-miss niya sa mga kasamahan ang kulitan nila at marami raw siyang natutunan sa kanyang mga katrabaho pati na rin sa kanilang direktor.

Sa kabila nito, may mga usap-usapan na masama umano ang loob ng aktor dahil sa halip na tapusin ito ng February 2013 ay napaaga ang pagtapos dito. Ang tugon ni JM dito, “Ayoko na ring… wala naman ako sa posisyon kasi aktor din lang po ako. Kinuha din lang ako ng ABS-CBN pero mas maganda sana kung may trabaho pa rin kami pero umaasa pa rin ako na sana mabigyan pa kami [ng pagkakataon].” Sa ngayon daw ay wala pa siyang alam na susunod niyang proyekto pero hopeful ang binata na magkakaroon siya ng proyekto.

Hindi raw talaga niya alam ang dahilan sa maagang pagtapos ng kanilang teleserye pero paliwanag naman ni JM, “Di ko po alam [ang dahilan] pero sa tingin ko ‘yung motibo naman po ng istorya natumbok po namin. Batang ama po so ‘yun ang dapat niyang gawin, ‘yung gagabay sa kanya para gawin ang tama.”

Isang suhestyon na ibinigay kay JM ay ang posibilidad na kung noong una ay mataas ang ratings ng Angelito, marahil ang posibleng pagbaba ng ratings nito ang naging dahilan para tapusin na ang teleserye. “Kasi ako po ginagawa ko na lang po ‘yung trabaho na in-assign sa akin. Kung may problema po sa ratings, kami naman po ‘yon, eh. Kami pong grupo from the creative (team) to the director.”

Aminado rin si JM na malaki ang pressure na naramdaman niya sa teleserye since siya ang title role. Hindi ikinakaila ni JM na dahil sa pressure kung minsan ay hindi raw maiwasan ang magkamali sa taping subalit sinisikap niyang gawin ang best niya.

May mga nagsasabi rin na mabait si JM pero minsan ay hindi masakyan at mabasa ang ugali. Wala naman daw siyang control sa iisipin ng iba kaya ayaw nang mag-dwell doon ni JM.

“Bago ako mag-start sinabi ko na po na magri-risk ako. Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Ginagawa ko rin ito para sa kanila. Gusto ko as much as possible ‘yung magawa kong proyekto ‘yung outcome non gusto ko masasabi ko at sigurado ako sa sarili ko na buong puso kong ibinigay and di ako natakot kung magkamali man. Alam kong mapapatawad ako kasi maganda ang intensyon ko.”

Sa mga hindi naman daw nakauunawa sa kanya, ang tugon ni JM, “Di naman po ako titigil na patunayan na maganda po ang intensyon ko para din po sa kanila.”

Gagawin din ni JM ang pelikula tungkol sa buhay ni Pero Calungsod pero for the mean time ay gusto muna raw niyang i-enjoy ang Pasko.

Send me your Invites: TweetBiz is open for invitation from any of your events Interviews, Product Launch, Press cons, Music, Movies or Product Reviews kindly send me email at [email protected]
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #4 on: December 25, 2012, 12:09:24 AM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #5 on: December 30, 2012, 05:03:00 AM »
JM de Guzman denies that Jessy Mendiola is the reason why he is being unprofessional

12/28/2012 8:20 AM
by: Krissa Donida


Sa ginanap na premiere night ng The Strangers na isa sa walong official entry para sa 2012 Metro Manila Film Festival, very proud si JM de Guzman sa proyekto niyang ito. “Sobrang astig, sobrang ganda ng effects. Hindi ako makagalaw sa upuan ko, dapat talaga panoorin.”

At sa pagtatapos ng taon natanong ng Push.com.ph kung paano niya iiwan ang 2012. Aniya, “Masaya kasi marami akong natutunan, maraming blessings na natanggap. Yung opportunity na binigay sa akin ng ABS, projects, ayun.”

Positibo mang iiwan ni JM ang taong 2012, may mga isyu pa ring lumalabas na patungkol diumano sa pagiging unprofessional ng binata lalo na sa set ng kanyang katatapos lang na teleseryeng Angelito. “Ngiti na lang. Opinyon po nila yun kaya I respect them.”

May mga bulung-bulungan din na matindi ang personal na pinagdadaanan ng binata, at nang matanong siya ng Push tungkol dito, “Lahat naman ng tao may pinagdadaanan, minsan nami-misunderstand lang ako pag nagpre-prepare siguro sa role, natutulala.” At sa tanong na posible dahil kay Jessy Mendiola lumalabas ang mga isyung ganito, matipid ngunit diretso ang naging sagot ni JM, “Hindi.”

At dahil sa mga lumalabas na mga balitang ito, may mga ilan ding nagsasabi na maaring makaapekto ito sa mga posible pang proyektong niya.“Well, siyempre lahat naman tayo ayaw mawalan ng trabaho pero sigurado naman ako sa sarili ko na I will still be at my best, gagawin ko ang lahat para makagawa pa ng projects ng ABS-CBN.”

Hindi rin malaman ni JM kung bakit may mga negatibong isyung lumalabas ng tulad ng pagiging unprofessional sa trabaho. “Siguro nga po lahat may masasabi na negative, yan ang utak ng tao e pero mahal ko yung trabaho ko at binibigay ko yung best ko.”

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang excited na JM ang naglahad ng ilan pa sa kanyang inaabangan sa paparating na bagong taon. “More projects, more challenging roles na dumating sana. Hindi naman sa namimili pero nangigigil ako na magtrabaho at mas pagbutihin.” Dagdag pa niya, “Sa TV, sa movies marami pa akong hindi nagagawang roles, yun yung para sa sarili ko. May dream din ako para sa pamilya ko, may dream din ako para sa magulang ko. Gusto kong mabigyan sila ng mas magandang buhay.”
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #6 on: January 04, 2013, 05:41:34 PM »
JM De Guzman unaffected by negative rumors

KAPAMILYA actor JM de Guzman says “thank you” to detractors.

JM only had this message following reports of his alleged unprofessionalism in the recently concluded sequel of afternoon series "Angelito: Ang Batang Ama" and supposed romance with fellow Kapamilya Jessy Mendiola.

JM said he is no longer affected by intrigues and will just continue to give his best. The actor also reiterated that he is open to constructive criticisms, especially when it comes to his work.

"Lahat naman may karapatan (na magbigay ng) opinyon. Basta ako binibigay ko lang yung best ko. Yung criticisms naman kung wala yun, wala din ako paghuhugutan. Dun ka din natututo at nakakapulot ng ideas," he related.

JM's focus this year, he said, is to spend more time with family.

"Bago yung sarili ko, yung pamilya ko muna. Ngayon, everything that I do, para sa kapatid ko and sa parents ko," he said.

He also wanted to improve his showbiz career this year.

"Kapagod (2012). Pero thankful pa rin ako na ang daming pumasok na blessings. (This 2013) I'm fine and ready for acting. My heart? It's very big and healthy and full of love. My life? Very balance. Saka na (ang love life), trabaho na muna," he said.

written by Glaiza Jarloc | Sunnex
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #7 on: January 16, 2013, 05:30:14 AM »
Accusations vs JM hurt Jessy Mendiola

ABS-CBNnews.com
Posted at 01/15/2013 4:39 PM | Updated as of 01/15/2013 7:37 PM

MANILA, Philippines – Actress Jessy Mendiola came to the defense of actor JM de Guzman, who is rumored to be steeped in vices.


Actress Jessy Mendiola

In an interview with Push.com.ph, Mendiola said she gets hurt that a lot of things are being said against de Guzman, who was once special to her.

“Nahu-hurt lang ako na may mga ganong isyu sa kanya. Parang ang tingin sa kanya napakasamang tao. Para sa akin mabait din na tao [si JM]. Kung ano man ang pinagdaanan niya ngayon, sa akin mabait siya. So kung bisyo man or whatever, sa tingin ko naman kung bisyo man kaya niyang ma-surpass kung ano man,” she said.

While they don’t get to talk regularly because of their respective work schedules, Mendiola said she told de Guzman to just ignore the negative comments and start anew.

“Sabi ko, ‘Alam mo, let’s just forget everything sa 2012 and start a new 2013.’ So I think he’s starting anew. He’s doing parang recording a new album,” she said.

Meanwhile, Mendiola refused to believe reports claiming that what happened to her and de Guzman in the past is one of the reasons why the actor lost enthusiasm for work.

“Para sa akin kasi kailangan din niyang maging matatag sa sarili niya. Kung ‘yun lang ang rason parang it’s not even valid enough to do it to himself,” she said.

Mendiola said she is ready to listen to de Guzman anytime he needs someone to be there for him.
 
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

djbunny09

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1761
    • View Profile
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #8 on: March 11, 2013, 02:29:06 AM »
JM de Guzman: “Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad. Yun po.”
Rey Pumaloy


Isang mini-concert ang inihandog ni JM De Guzman sa kanyang mga fans para sa launching ng kanyang second at latest album under Ivory Music Videos na ginanap nitong nakaraang Biyernes, March 8, sa activity center ng Trinoma Mall.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahang media para sumaksi sa album launch na ito na pinamagatang “Tensionado” na siya ring carrier single ng album.

SUCCESSFUL ALBUM LAUNCH. Hindi maitatatwang may malaking following na si JM base sa dami ng mga fans na sumuporta at tumitili sa kanyang mga awitin.

Bumaba pa ito sa audience para maghanap nang kaperahang babae. Binuhat pa niya ang napili paakyat sa stage.

Hindi pa siya nakuntento; sa kanyang mga sumunod na awitin, lumapit pa ang actor-singer sa mga fans niya para kamayan at magpa-picture sa mga ito.

Tilian nang tilian ang mga babaeng tagahanga ni JM sa mga payakap-yakap niya sa mga ito.

Matapos ang mini-concert ay humarap na ang Kapamilya aktor sa grupo ng press para sa isang interview.

Ano ang feeling na finally lumabas na rin ang second album mo?

Nakangiting tumugon agad si JM, “Mas nai-excite ako kasi after nung performance na yun na first time kong na-experience talaga sa isang mall, parang gusto kong ulitin.”

Satisfied ka naman sa naging performance mo?

Mabilis na sagot ni JM, “Hindi, e. Medyo nangangapa pa po and first time kong mag-perform na kasama yung band at ganitong kalaki rin.”

Agad na nagpasalamat si JM sa mga pumupuri sa kanyang magandang singing voice.

“Thank you.”

“Maraming tumulong sa akin, maraming nag-guide sa akin,.”
dugtong niya.

SIGNIFICANCE OF SONGS. Bakit nga ba “Tensionado” ang title ng kanyang carrier single? Puwede kayang i-connect ito sa mga kaganapan sa personal life niya last year?

“Puwede bang i-connect na lang sa future?” hirit niyang biro.

Sa title pa lang ng mga kanta sa album ni JM gaya nang cover versions niya ng “Akin Ka Na Lang,” “Have I Told You Lately?,” “Lost In Space,” “Don’t Give Up On Us” at “Terrified” na duet with Suy, puwede nang mabigyan ng kahulugan na tumutukoy ang mga ito sa pagkabigo niya sa lovelife.

Maliban ito sa dalawa niyang self-composed cuts na “Warrior” at “Stupidest” na pawang tumatalakay sa sawing pag-ibig.

Napangiti si JM at agad na nagpaliwanag, “Yung album kasi, dini-dedicate ko sa family, sa fans at sa lahat po na may utang na loob ako.”

CONTROVERSIAL PAST. Naging controversial si JM noong last quarter ng 2012 dahil sa sunud-sunod na isyu sa kanya gaya ng diumano’y masamang bisyo niya at ang pagkakaroon niya ng depression matapos siyang mabasted ng nililigawan niyang Kapamilya actress na si Jesy Mendiola.

Aware ka ba sa isyung nagda-drugs ka raw?

“Naririnig ko po yun,” malumanay niyang sagot

“Opinyon po nila yun, e. Sa akin po, kung ganun po ang opinyon nila, then so be it po.”

Paano ka naapektuhan ng mga isyung ito?

“Hindi po yun nakaka-apekto sa akin,” sagot niya.

Pero marami ang nakapansin sa pagkawala niya umamo sa sarili niyang seryeng Angelito. Ano nga ba ang nangyari?

Nangyayari naman po talaga yun, e. May mga puwedeng ibato sa iyong negatibo pero nasa sa iyo na yun kung ano ang resultang ipapakita mo kung totoo man yung sinasabi nila o hindi.”

Pero sa gitna ng mga issues na ito ay napanatili pa rin niya ang husay niya sa serye.

“Salamat naman po,” maikling pahayag ni JM.

Sabi-sabing may mga naiinggit lang raw kay JM kaya kung anu-anong isyu ang pinalalabas para magkaroon siya nang masamang image.

Naniniwala ba siya dito?

“Hindi ko po alam, e... sa akin na lang po, God bless him or her, kung sinisiraan man nya ako, ginagawa ko lang po nang mabuti ang trabaho ko.

“Siguro sa pagta-trabaho ko po, hindi naman po lahat ng artista ay perpektong nagta-trabaho. So, para maibigay mo ang best mo kailangan mong magkamali.

“Kung meron pong galit sa akin, I love him,”
tugon niya.

Kumusta naman ang kanyang acting career sa ABS-CBN?

“Steady lang po, naghihintay po nang next project. Winu-work ko na maipakita sa kanila na karapat-dapat po akong bigyan ng challenging na role or mas maraming trabaho.”

WORK ISSUES. Paki-explain yung issue na naging pasaway ka raw kaya bigla ka nang nawalan ng project sa ABS-CBN.

“Wala naman po akong i-e-explain, e. Kasi ako rin po narinig ko rin lang po yun. So, tanggap na lang po, tanggap na lang po nang tanggap.”

Kaya lang siya ang nagiging kawawa sa kaliwa’t kanang negative publicity sa kanya.

“Pangit naman po yun kung kakaawaan mo ang sarili mo. Kung may ibinabato man, gamitin mo na lang para to improve and show them they're wrong.”

“Hayaan na lang po natin,”
malumanay niyang sabi. “Actually, yung mga kanta ko sa album...” pabirong singit ni JM para makaiwas sa pagsagot sa isyu.

Paano mo napapanatili yung pagiging cool-headed mo sa gitna ng mga isyung ito sa iyo?

“I consider myself blessed po talaga kasi, e. Sobrang... lahat-lahat po ng kung anuman meron ako ngayon at kung nauman yung nawala, blessing pa rin po sa akin.

“Kasi I started from zero before. Nagka-album ako, tapos naka-dalawang album na po ako, nagka-TV show...

“Dun pa lang, enough na yun para maging masaya, e.”


LOVE ISSUES. Na-diskaril ka ba dahil kay Jesy or somehow nawalan ka nang focus sa trabaho, na-depress?

“Hindi naman po na-depress... pero nakakahumaling naman po talaga yung kagandahan ni Jesy. Pero siyempre... saka na po yan, may pamilya po ako, may plano rin po ako.

“Kung tayo ay magpapadala dun? Saan tayo pupulutin?”


Tinanggap mo ba agad ang pagkabigo kay Jesy o naapektuhan ka rin nang husto?

“Ah, I care for her po…sobra! Pero hanggang doon lang po.”

Okey ka na ba?

“Oo, okey na.”

Ibig sabihin, hindi totoo na nag-drugs ka at na-depress ka dahil sa pag-ibig?

“Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad. Yun po... Medyo na-frustrate. Pero marami po akong natutunan,” pag-amin niya.

Kumusta na kayo ni Jesy? Nagkakausap pa rin ba kayo? Friends pa rin ba kayo?

“Magkasama po kami sa Bacolod. Nagpa-pirma po ako ng Metro Magazine [cover feature] niya, nagpa-autograph.

May out of town show po kami that time,”
dagdag niya.

Ano naman ang reaksyon mo sa nababalitang pagiging malapit sa isa’t-isa nina Jesy at Matteo Guidicelli?

“I’m happy for them po, trabaho po nila yun. Kung ako po yung nandun mas gugustuhin ko po na yung loveteam ko umangat din po kami.

“Kung kay Matteo po... sobra pong taas ng respeto ko sa kanya.”


Nanghihinayang ba siya na napunta si Jesy kay Matteo as a love team?

“Basta, I’m happy for her. Kahit ano pong gawin niya or success niya, I’m happy for her.”

Kumusta na ba ang lovelife niya? Meron na ba siyang ibang nililigawan? Inspirasyon?

Aniya, “Minamahal ko na lang yung music at saka habang may oras po susubukan ko pong i-improve yung craft ko. Kasi utang ko po ito doon sa mga taong sumusuporta sa akin. Hindi ko po sila puwedeng i-fail.”

Noong mga panahong na-depressed ka dahil pinilit mo ang sarili mong ma-excel, anong kanta sa album mo ang na-compose mo?

“Hindi mo po siya matatawag na depression, e…parang... siguro lahat naman tayo may mga parte ng edad mo na medyo nako-confuse ka. Alam mo yun?... Lahat tayo merong ganun.”

Nagulat ka ba sa success mo kaya naman na-confuse ka?

“Siguro isa po yun sa... everything happened so fast po. Hindi ko po yun nirereklamo pero habang dina-digest ko siya hindi ko masyadong na-control. Hindi ko siya masyadong na-control.”

Sinabi ni JM na maayos naman ang estado niya sa Kapamilya Network pero wala pa raw siyang nababalitaang bagong project na gagawin niya.

“I’m hoping po na sana magkaroon po,” sambit niya.

Nagkaroon ba kayo ng problema ng network kaya hindi agad nabigyan nang follow-up project?

“Wala naman po.”

MOVING ON. Nakakapagtaka lang kasi kung bakit ang daming naglalabasang isyu na tinanggal ka sa sarili mong show at ngayon ay wala raw plano ang istasyon na bigyan ka muna nang bagong tv show.

“Siguro po, hindi naman po ako perfect, e. Nagkakamali rin po ako sa mga taping. Pero, it’s how I work po.

“Siguro po kung meron po na hindi nagkagusto sa pamamaraan ko ng pagta-trabaho, humihingi po ako ng apology and mag-a-adjust po ako na hindi na po mauulit yun.

“Pero I only did that to give my best para sa magandang resulta lang po. So, I apologized po kung meron mang galit sa akin.”


Paano ka sinusuportahan ng recording company mo, ang Ivory Music and Videos at ng music mo nitong mga panahong down ka or confused ka?

“Sobra! As in doon po ako tumakbo. Siya po ang bumuhay sa akin uli. Doon ko na-express yung mga hindi ko ma-express,” pangwakas niyang pag-amin.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #9 on: March 14, 2013, 04:24:29 AM »
JM De Guzman speaks up about his rumored drug addiction and attitude problem

3/13/2013 10:53 AM
by: Rachelle Siazon


Angelito star JM De Guzman claimed that there’s no truth to the speculations that he suffered from drug addiction which is why his fast-rising career suddenly took a downturn. He added that he’d rather focus getting back on his feet rather than feel bad about such intrigues. “Nangyayari naman po talaga iyon eh. May mga puwedeng ibato sa iyong negatibo. Nasa 'yo na iyon kung ano ang resultang ipapakita mo kung totoo ang sinasabi nila or hindi. Hindi ko po alam [saan nanggaling]. Sa akin na lang po, God bless him or her kung sinisiraan man niya ako,” said JM who recently launched his second record album Tensionado.

There have been reports as well that his self-titled soap was suddenly cut short late last year because of his attitude problem at work. On his part, JM simply apologized if he didn’t meet other people’s expectations of him. “Hindi po ako perfect. Nagkakamali din ako sa mga taping pero that's how I work and kung may mga hindi nakagusto ng pamamaraan ko ng pagtatrabaho, humihingi po ako ng apology. Maga-adjust po ako. I only did that for the best. I apologize kung mayroon man galit sa akin. Siyempre para mabigay mo yung best mo kailangan ka magkamali.” 

At this point, JM remains optimistic about returning to acting again. “Kung meron po mang galit sa akin, ‘I love you.’ Kung may batuhin man, eh di gamitin niyo na lang to improve, to show them they’re wrong.”

--Report from ABS-CBNNews.com and TV Patrol
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

djbunny09

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1761
    • View Profile
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #10 on: May 12, 2013, 06:32:13 AM »

djbunny09

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1761
    • View Profile
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #11 on: May 12, 2013, 06:33:20 AM »

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #12 on: September 23, 2013, 09:17:31 AM »
PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon)

Updated September 22, 2013 - 12:00am

BOOM: Totoo kayang lalabas na raw ng rehab si JM de Guzman sa susunod na linggo? Hindi inamin ng kampo ni JM na ipinasok siya sa rehab kundi nasa ibang bansa lang daw. Pero marami ang nagsabing nasa rehab nga ang aktor at malapit na itong ilabas.           

Ang isa pang naririnig namin, interesado raw ang GMA 7 na kunin si JM pagkalabas nito ng rehab.

Hindi lang namin alam kung may kontrata pa ba si JM sa Star Magic at kung sino ang nakikipag-usap sa GMA 7 para sa aktor.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #13 on: October 31, 2013, 04:26:16 PM »
JM de GUZMAN magaling na, balak nang bumalik sa showbiz

By Alex Brosas Bandera   
3:00 am | Thursday, October 31st, 2013


JM de Guzman will be back soon sa showbiz. Saw his photos sa Facebook and we feel na he looks even better now. He looks slimmer at nawala na ang kanyang baby fats.

Marami ang nagwe-welcome kay JM sa kanyang pagbabalik sa showbiz. He is among the very few kasi na mahusay umarte, may lalim at may soul when it comes to portraying a role.

It’s good that he has a very supportive family na hindi siya iniwan at ginuide siya every step of the way para muli siyang makabalik sa mundong kanyang minahal.

Marami pa rin naman ang nagtitiwala kay JM. This time, siguro ay dapat nang maging seryoso ang actor. Kalimutan na ang pesteng love life. It will come naman at the right time.

Read more: http://bandera.inquirer.net/37519/jm-de-guzman-magaling-na-balak-nang-bumalik-sa-showbiz#ixzz2jHqS2W6J
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19325
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: JM de Guzman (OT)
« Reply #14 on: March 28, 2018, 07:59:19 PM »
Watch out for PHR: Araw Gabi!