Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Arjo Atayde (OT)  (Read 9162 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Arjo Atayde (OT)
« on: December 21, 2012, 04:53:56 PM »
Talk all you want about Arjo here.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #1 on: December 21, 2012, 04:54:34 PM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #2 on: December 25, 2012, 08:38:22 PM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19889
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #3 on: January 04, 2013, 06:07:41 PM »
Siguro Dugong Buhay ang ipapalit sa AGD???

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #4 on: February 24, 2013, 01:06:34 AM »
Arjo Atayde pinapahiran ng cream para paitimin

Nakakagulat ang mabilis na pagganda ng katawan ni Arjo Atayde. Marami ang nagugulat kapag nakikita sa personal ang anak na ito ni Sylvia Sanchez na agad ay kinakitaan ng magaling na pagganap sa mga unang pagsabak niya sa pag-arte sa E-Boy at Maalaala Mo Kaya na kung saan ay nabigyan agad siya ng pagkilala sa kanyang acting.

Bukod sa hindi rumerehistro ang kanyang kabataan sa kamera at pinagmu­mukha siyang mature, kinailangan ding itago sa kamera ang sobrang puti ng kanyang balat sa pamamagitan ng paglalagay ng cream sa buo niyang katawan.

Pero ang lubhang nakakagulat ay nagawa niyang mapaganda ang kanyang pangangatawan. Wala na siyang baby fats at nakapag-trim down na talaga habang hinihintay ang pagsisimula niya ng taping ng bago niyang seryeng Dugong Buhay sa ilalim ng direksiyon ni Toto Natividad. Makakasama niya sa serye si EJ Falcon, Yam Concepcion at marami pang iba.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19889
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #5 on: February 25, 2013, 09:21:57 PM »
sya nga yung Jepoy sa e-BOY.

djbunny09

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1761
    • View Profile
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #6 on: March 25, 2013, 01:40:19 AM »
Persistence Paid Off For Arjo Atayde
By WALDEN SADIRI M. BELEN


MANILA, Philippines – The 21-year-old young Kapamilya actor Arjo Atayde has all the makings of a matinee idol. As if being handsome, talented and a six-footer aren’t enough, he has Breakthrough Actor award from the PMPC Star Awards for TV for his performance in the “Bangka” episode of “Maalala Mo Kaya” last year.

Arjo could have easily become a successful businessman like his father and grandfather. They told him, “Get into business – any business – and we’ll support you all the way.” To please them, he enrolled in a business course.

But Arjo’s heart was hooked on show business even early on. So, when his family was strongly encouraging him to go into business, he reminded his mom (the multi-awarded Sylvia Sanchez) what he told her when he was still very young: “Mom, I want to be an actor.”

It was exactly what Sylvia told her own mother years ago. So, Sylvia dispensed the same advice that she got, telling Arjo: “Finish your schooling first then you can do whatever you want.”

But like Sylvia, Arjo was determined to find himself a place in show business. He got Sylvia’s attention when he started neglecting school, and getting more and more involved in barkada things and going home late.

“In fact, umaga na kung umuwi so I told my husband to let Arjo get what he wanted – to be an actor. Kasi I’d rather see him going home late or umaga na but he’s earning money,” Sylvia said.

Sylvia brought Arjo to ABS-CBN and he eventually was cast in “eBoy” and had guesting stints in other Kapamilya shows.

Arjo’s paternal grandparents, who were initially against his foray into showbiz, are now so proud of him. Seeing him on the boob tube, they now say, “Ito nga ang mundo niya.”

They’ll be even prouder once Arjo is seen in his first lead role in an upcoming series next month titled “Dugong Buhay.” Co-starring Ejay Falcon, it is based on the movie “Dugong Buhay” that starred Ramon Revilla and son Bong Revilla. The story of the series, however, will be about two brothers unlike the father-son tandem in the movie version.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #7 on: April 08, 2013, 05:30:15 AM »
***


Napanood namin sa gateway theatre ang upcoming teleseryeng Dugong Buhay na sina EJ Falcon at Arjo Atayde ang bida, courtesy of Arjo’s mother na si Sylvia Sanchez. Nagulat kami na may anak na palang binata si Sylvia na hubog na hubog sa amang si Art Atayde.


Boses mama na talaga ang guwapong bagets at may pinagmanahan sa galing nitong umarte. Kitang-kita namin ang tuwa ng proud mother after ng screening ng napakagandang teleserye mula sa komik story ni Direk Carlo J. Caparas.


Maski si EJ Falcon ay hinog na hinog na rin at happy kami for him na nabigyan ng ganitong challenging role. Kaya naman galak na galak ang manager nitong si Benji Alipio kasama ang mother ni EJ na nanood din last Friday night.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #8 on: April 09, 2013, 07:53:46 AM »
Arjo Atayde, nag-ala Bong Revilla
 

Hindi na talaga maawat-awat ang pagsikat ni Arjo Atayde, lalo na at bida na rin siya ngayon sa obra ng beteranong manunulat at direktor na si Carlo J. Caparas, ang Dugong Buhay, sa ABS CBN.

Sabi ni Arjo, first time raw niya na gaganap sa isang maaksyong telenovela.


Nakilala si Arjo dahil sa husay at galing niya sa pag-arte sa mga dramang ginawa niya sa ABS-CBN.

At tinitiyak niya ngayon na siguradong papatok sa panlasa ng mga panatiko ang aksyong hatid ng Dugong Buhay.


Matatandaan na naging unang pelikula ni Sen. Bong Revilla, Jr., kasama ang kanyang amang si ex-Sen. Ramon Revilla, Sr., maraming taon na ang nakakaraan ang Dugong Buhay, kung saan pumatok din ito sa takilya. Subalit mas inaabangan ngayon ang kakaibang version ng naturang pelikula sa anyong teleserye sa ABS-CBN.


Hindi man sinadya ngunit humahalintulad ang nakaraan sa pangkasulukuyan, ang bagitong aktor noon na si Sen. Bong Revilla na naging unang pelikula nito ang Dugong Buhay na ngayon naman ay maituturing na ‘baptism of fire’ para sa bagitong aktor na si Arjo Atayde.


Ang naturang teleserye na pinagbibidahan nina Arjo at Ejay Falcon sa direksyon ni action filmmaker Toto Natividad ay maituturing na ‘biggest’ break para sa bagitong aktor na tumpak na tumpak sa tikas at anyo nito.


May mga nagsasabi na mukhang hihigitan pa ni Arjo ang talent ng kanyang inang si Sylvia Sanchez pagdating sa pag-aksyon.


Sa teleseryeng Dugong Buhay ay parehong magpapalit anyo sina Arjo Atayde at Ejay Falcon bilang matinee idol na ngayon ay ganap na ‘action star.’

Kasama rin sa magpapakilig sa teleserye ang tambalang Arjo at Yam Concepcion na hindi naman kayang itanggi na bagay na bagay ang dalawa.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #9 on: April 11, 2013, 09:33:47 AM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #10 on: April 14, 2013, 09:29:17 AM »
Arjo Atayde, hinding-hindi ipapahiya ang inang si Sylvia Sanchez!

    Friday, April 12, 2013, 0:06
    Oh My G!


KAPANA-PANABIK NA rin ang huling linggo ng Kailangan Ko’y Ikaw. Malalaman nang buhay pala si Roxanne (played by Kris Aquino) at teka muna, naaksidente naman ‘tong anak nilang si Precious (played by Miles Ocampo), kaya tingnan natin kung ano pa ang mangyayari sa pagkakakamabutihan nina Bogs (Robin Padilla) at Ruth (Anne Curtis).

Nagtataka kayo kumba’t saglit lang, ‘no?

Actually, noon pa sinabi ni Kris Aquino na hindi matatapos ang April at tapos na itong serye nila. At siyempre, pahinga na muna (o baka hindi na gumawa) ng teleserye si Kris at ipu-fulfill na lang muna niya ang kanyang kontrata sa Kris TV at Pilipinas Got Talent.

Pero marami pa rin ang humihirit sa amin sa Twitter na ‘wag nang magbakasyon sa showbiz si Kris at ituloy na lamang ito. Knowing Kris, hindi niya matitiis ang kaligayahan niyang maging bahagi ng showbiz.

At feeling namin, baka manibago si Bimby na hindi nakikita ang ina sa small screen.

Kaya feeling uli namin, hihiritan ni Bimby si Kris na, “Mama, don’t leave showbiz.  Hindi ako sanay.”

Hahahah! Sasabihin kaya ‘yon ni Bimby eh, baklang-bakla ang dayalog? Hahaha!

 

NUMBER ONE fan pala ni John Lloyd Cruz si Arjo Atayde. “Hay, nako, Ogie, nu’ng nasa Butuan City kami, aba eh nagmamadali ba namang umuwi at manonood daw siya ng movie ni John Lloyd at Sarah (Geronimo),” pambubuko ng inang aktres na si Sylvia Sanchez.

“Nabuwisit ako. Juice ko, sabi ko sa kanya, ‘Puwede ba, pag-uwi na lang natin ikaw manood, ha? Hindi pa matatapos ‘yung showing ng movie, ‘wag kang OA!’

“Nakakalokah ‘yang batang ‘yan, diehard ni John Lloyd talaga. Lahat ng pelikula ni JLC, pinanonood niya, wala siyang pinalalampas. Me mga kabisado pa ngang lines ni John Lloyd ‘yan, eh! Ganyan siya, Ogs.”

Kaya nu’ng iparating namin ito kay Arjo nu’ng makita namin, nagulat ang bruho. Parang hiyang-hiya pa. “But that’s true, sobrang idol ko talaga si John Lloyd. Sobrang galing umarte.” At sabi namin sa kanya, pag tinititigan siya, kahawig pala niya si JLC.

“Sabi nga nila… I’m flattered!”

22 years old na ang panganay sa apat na anak ng mag-asawang Sylvia at Art Atayde. Pagkatapos nga ng E-Boy,” feeling ni Arjo ay wala na siyang puwang sa showbiz, kaya ito’y nabarkada na lamang at nahilig sa larong “breaker”.

“Ay, pero ngayon, tito, hindi na. When they got me for a kontrabida role in ‘Dugong Buhay’, sabi ko, ‘eto na ‘to, I have to give all my best, kasi, gusto ko ‘to. Sobrang dream ko talaga to be an artista, kaya pagbubutihin ko ‘to, dahil dream ko rin na makasama sa movie ni John Lloyd in the future.”

Anak ni Sunshine Cruz sa Dugong Buhay ang role ni Arjo. Sila lagi ni Ejay Falcon ang magkakaengkwentro sa mga eksena.

“Ejay is a nice guy. Actually, iisa ang gym namin at bago pa ‘tong teleserye na ‘to, bonding na kami niyan, kaya close kami niyan.”

Eh, ano’ng masasabi niya, me nakausap ako sa production office na ang laki ng in-improve ng akting niya rito sa Dugong Buhay at baka lamunin niya si Ejay?

“Nako, hindi mangyayari ‘yon. Si Ejay pa rin ang bida. I’m just doing my job as an actor. Thank you kung nagustuhan nila sa production!”

Kunsabagay, si Sylvia Sanchez, ang husay ring aktres. Lagare rin sa Apoy Sa Dagat at Be Careful With My Heart. “She told me nga, pinaglaban niya ‘ko sa dad’s side ko eh, na ayaw talaga akong pumasok sa showbiz at gusto nila magnegosyo.

“But my mom told them, kung ano ang gusto ko, susuportahan niya ‘ko, kaya pinagbubuti ko talaga. Dahil gusto ko, maging proud sa akin ang mga Atayde. Lalo na my mom, hindi ko siya puwedeng ipahiya.”
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #11 on: April 19, 2013, 06:51:57 AM »
Arjo Atayde, determinado sa kanyang showbiz career

    Friday, April 19, 2013, 0:03
    Danny's Law


PURSIGIDO AT determinado si Arjo Atayde na makilalang mahusay na aktor balang-araw, tulad ng kanyang inang si Sylvia Sanchez na itinuturing na isa sa magagaling na character actress sa bansa.

Pinatunayan ito ni Arjo nang halos i-pressure na siya ng mga kamag-anak sa father side na ituloy na lang ang college at dini-discourage siyang mag-showbiz. Pero nasa dugo nga ng binata ang showbiz, kahit pa ang gusto ng ama niyang businessman na si Art Atayde at ng mga in-laws ng kanyang mom na mag-business siya.

Kaya naman ‘di birong disiplina ang ginawa ni Arjo sa kanyang sarili bilang paghahanda sa palabas na ngayong teleserye sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Natatandaan namin last quarter of last year, nakatsikahan namin ang binata. Inamin niya noon na inakala niyang wala na siyang puwang sa showbiz, dahil ilang buwan na rin siyang nakatengga after ng E-Boy at ng award-wiining performance niya sa ‘Bangka’ episode ng Maalala Mo Kaya.

Pero si Arjo na rin ang nagbanggit na may malaki siyang proyektong pinaghahandaan, kasama si Ejay Falcon, na hindi nga raw puwedeng banggitin kung ano, maging ang title nito. Ito na nga ang umeere ngayong Dugong Buhay, kung saan gumaganap ang magaling na batang aktor bilang main nemesis ng character ni Ejay.

Nito ngang makaharap namin si Arjo kamakailan lang, ang laki ng pinagbago ng physical looks ng binata. Halos wala na ang kanyang baby fats sa katawan at nag-trim na rin ang noo’y chubby face niya, na mas bumagay naman sa kanyang pagiging mestiso.

Aniya, “Oo, medyo mataba ako dati. May natutuhan akong diet (regimen) sa isa kong kaibigan. One cup of rice lang sa tanghali, tapos sa gaibi wala nang rice… vegetables, fruits, beef, chicken basta no pork. ‘Yun lang tapos work-out sa gym. Basta low fats and low calories lang na food.”

Pagdating naman sa pag-arte, nasabi sa amin ni Arjo na hindi raw siya nagwo-workshop o uma-attend ng mga workshop na ginagawa ng ibang kabataang artista. Katuwiran niya, “Ayoko kasing parang de-numero ang acting o ‘yung parang ‘pag sinabing ganito ang character, ganito agad ang gagawin.”

Bagama’t aminado naman si Arjo na noong una, nag-acting workshop din siya at dapat daw ay graduate na siya roon. Basics na lang din naman daw ang matututuhan niya. “Parang balik-Grade I kasi,” dagdag niya.

Mas gusto raw kasi ng binata ng mag-explore sa kung anumang character ang ibibigay sa kanya sa pamamagitan ng character workshop na ipinagagawa na mismo ng kanilang director.

Ang nakakatuwa kay Arjo, lutang na lutang ang pagiging isa pa rin niyang fan, at hindi siya naiilang o nahihiyang ipangalandakan na sobra nga raw siyang fan ni John Lloyd Cruz. Na pinanood niya ang lahat ng movies ni Lloydie, at nasa-sabihan na siya ng inang si Sylvia na OA na nga sa pagka-fan kay Lloydie.

Hindi rin daw magiging maarte si Arjo sa mga proyekto. Kung kinakailangang magpa-sexy, o magkaroon ng love scene with actor of same sex, walang problema sa kanya. Katuwiran niya, aktor siya, at dapat lang gawin ang kanyang trabaho as professional actor, as long as it is done in good taste.

Sa katunayan, diretsong inamin sa amin ni Arjo na crush niya si Yam Concepcion, ang leading lady nila ni Ejay sa Dugong Buhay. Nang matanong nga kung okay lang sa kanya kahit ‘sexy star’ si Yam? “Art naman ‘yung ginawa niya, trabaho bilang professional actor. Wala namang masama du’n kung magka-crush ako sa kanya.”
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #12 on: April 20, 2013, 06:26:36 AM »
Arjo Atayde, buhay na buhay ang dugo kay Yam Concepcion

Posted by Online Balita on Apr 19th, 2013


Ni Mercy Lejarde

Yam ConcepcionSA pocket interview ni Arjo Aytade na ipinatawag ni Katotong Ogie Diaz namin nalaman na super fan pala ititch ni John Lloyd Cruz at lahat ng movies ni Lloydie ay pinapanood niya.

Heto na, nang malaman ng kanyang Mommy Sylvia (Sanchez) na atat na atat si Arjo na panoorin ang It Takes a Man and a Woman ay slight daw siyang tinalakan ni Sylvia sa ka OA-yan niya kay Lloydie.

Ayon kay Arjo, hindi naman daw nangangahulugan na porke humahanga siya kay Lloydie ay bading na siya or may pagnanasa siya sa siyota ni Angelica P.

Ang confession niya sa inyong yours truly, si Yam Concepcion daw na co-star niya sa Dugong Buhay ang crush niya. Kahit nag-bold si Yam sa pelikulang Rigodon, walang kaso sa kanya.

“Ginawa lang niya `yon for the sake of art at siguro talagang hinihingi sa eksena,“ depensa ni Arjo kay Yam na siguro nga ay siyang nagpapabuhay ng kanyang dugo tuwing nasa taping sila ng Dugong Buhay.

Si Arjo ang gumaganap na kontrabida ni Ejay Falcon sa Dugong Buhay kaya ang tawag sa kanya ngayon ay “the young and good-looking kontrabida“ ng Kapamilya Network.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #13 on: September 14, 2013, 08:31:44 AM »
Kiray Goes Drama in MMK (September 14); Paired with Arjo Atayde

Posted on September 13, 2013 | 9:15 AM

Young comedienne Kiray Celis will make TV viewers cry this Saturday (September 14) in “Maalaala Mo Kaya” as she portrays the role of Brenda, an insecure but talented lady who wants to prove to everyone that her short stature is not a hindrance to success.


Kiray Goes Drama in MMK (September 14); Paired with Arjo Atayde

In the upcoming episode, Kiray Celis will be paired with “Dugong Buhay” lead actor Arjo Atayde. How hard is it to earn other’s love and respect when you, yourself, are questioning your self-worth?


Kiray Celis MMK with Arjo Atayde

Together with Kiray and Arjo in the upcoming “MMK” episode are Tetchie Agbayani, Ronnie Lazaro, Aaliyah Belmoro, Gilleth Sandico, Marnie Lapuz, Raquel Villavicencio, Young JV, Bianca Casado, EJ Jallorina, Marie Joy Dalo and Alec Dungo. It was researched by Akeem Jordan Del Rosario, written by Mary Rose Colindres, and directed by Garry Fernando.


Don’t miss “Maalaala Mo Kaya” (MMK), Saturday nighs, after “Wansapanataym” on ABS-CBN. For more updates, log on to www.mmk.abs-cbn.com, follow MMKOfficial on Twitter, and “like” www.facebook.com/MMKOfficial.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19889
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Arjo Atayde (OT)
« Reply #14 on: April 28, 2018, 08:47:26 PM »
Hanggang Saan: Destiny found its way for Paco and Anna

https://www.youtube.com/watch?v=m-AXxDrz1IM