Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2  (Read 6902 times)

erzo01

  • Guest
Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2
« on: June 20, 2013, 07:25:33 PM »
Viva to make seven movies
 
Published : Thursday, June 20, 2013 00:00 Article Views : 1,046

PITONG movies daw ang sunud-sunod na gagawin ng Viva Films ayon sa exec nitong si June Torrejon.

Ongoing na ang Mama Mia nina Maricel Soriano at Eugene Domingo at ang bagong bersyon ng Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi nina Andi Eigenmann at Gabby Concepcion.

Sa pitong movies, tatlo ang nakatoka kay Direk Wenn Deramas, huh! Isa na rito ang joint venture ng Viva at Star Cinema sa festival na Boy, Girl, Bakla, Tomboy nina Maricel at Vice Ganda.

Gagawan din niya ng launching movie ang stage actor-comedian na si Joey Paras, ang Beki Kang.         Umani ng papuri si Joey sa latest movie niyang Dance of the Steel Bars.

Meron ding part 2 ang Moron 5 & The Crying Lady.

No comment si June kung nasa cast pa rin si DJ Durano na kasama sa lead actors dati. For sure, ’yung bagong alaga na ni Direk Wenn ang kapalit niya.


Siyempre, may sex drama films ding naka-line-up at dalawa rito ang pagbibidahan ni Anne Curtis, ang The Gifted at Trophy Wife.

Sa huli, si Dingdong ang pag-aagawan nina Anne at Bea Alonzo, huh!

Meron ding project sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Ratsada ngayon ang Viva Films, huh!

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/52591-viva-to-make-seven-movies

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3501
    • View Profile
Re: Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2
« Reply #1 on: May 28, 2014, 08:58:21 PM »
John "Sweet" Lapus confirmed that Matteo Guidicelli will join the cast of the sequel of "Moron 5 and the Crying Lady."

The sequel will be under the direction of Wenn Deramas. They retained the original cast such as Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano and Billy Crawford. Matteo replaced Mart Escudero.

http://www.pinoystop.com/news/entertainment/3813/matteo-guidicelli-joins-cast-of-moron-5-and-the-crying-lady-sequel

erzo01

  • Guest
Re: Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2
« Reply #2 on: June 27, 2014, 08:45:16 PM »
Wenn Deramas on Praybeyt Benjamin 2: "Wag silang makasabi na basura kami..."
By Melba Llanera
06/27/14 04:59 pm
Pasok sa walong entries sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival ang Praybeyt Benjamin 2. Pinagbibidahan
ni Vice Ganda ang naturang comedy film na nasa ilalim ng panulat at direksyon ni Direk Wenn Deramas.
(To view list of other MMFF entries, CLICK HERE )
Ang Praybeyt Benjamin 1 ang nagluklok kay Vice Ganda bilang Phenomenal Box Office Star at  kay Direk Wenn
Deramas bilang Box Office Director sa 2012 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards Night.
Ito rin ang tinuturing na highest grossing Filipino film of all time hangga’t sa nadaig ito ng Sisterakas sa 2012
Metro Manila Film Festival.
Sa interview ng PEP.ph kay Direk Wenn, nagbigay pahayag ang Box Office Director na inasahan naman niya na
papasok talaga ang Praybeyt Benjamin 2 sa 40th edition ng MMFF sa kabila ng pambabatikos ng ilang tao na
"basura" daw ang mga nasaling pelikula sa taon na ito.
“Ako siyempre di sa ano pa man nage-expect talaga ako kasi base naman sa naging pamantayan ng MMFF, lagi
na ang film fest ang mga pelikula dito ay may espiritu ng Kapaskuhan.
"Ibig sabihin Pasko manonood ka, kasama mo ang buong pamilya mo, tatawa tayo, masaya tayo. Hindi ko
sinasabing hindi pang-MMFF yung ibang pelikula na hindi napasama. Ibabagay natin talaga sa okasyon yung
sasalihan natin. Hindi natin sinasabi na hindi tama yung pelikula nila kaya lang sinasabi ko, mas masarap
manood sa Araw ng Kapaskuhan ng mga pelikulang pampamilya.
“Mas mahirap ngang i-judge yun kasi yung merito ng pelikula ay hindi nawawala at alam ko rin ‘yan na nasa
criteria ng judging ng mga pelikulang ito na hindi nawawala yung form of entertainment. Kung yung papanoorin
mo pala ay parang yung nangyayari sa labas ng bahay mo, e, di lumabas ka na lang, libre ka pa, nakatipid ka pa
ng 250 pesos.
“Kaya nga 'wag silang makasabi na basura kami kasi ang basura tinatapon, yung mga ginagawa namin
tinatangkilik, sino ba ang pumasok? Kasi nakakabasa tayo, puro Part 2 na lang, sobra naman sila, milyones ang
ginagastos namin dito. Hindi naman namin ito, especially sa trabaho naming ito, hindi rin kami magpabaya kasi
may mga nauna na kaming ginawa na alam namin na pinapasok ng tao at hindi namin puwedeng pabayaan yun
dahil alam namin kung ano ang gusto ng tao.”
Ang hinuhulaan na maaring mahigpit na makalaban ng Praybeyt Benjamin sa takilya ay ang Feng Shui 2 ni Kris
Aquino at ang My Bossing’s Adventures na pagbibidahan naman ni Vic Sotto. Para kay Direk Wenn ay welcome sa
kanya ang kumpetisyon lalo’t alam niya na ang intention nilang lahat na sumali ay para makapagbigay saya sa
mga manonood.
“Siyempre i-welcome natin kasi pare-pareho naman ang adhikain naman namin nila Vic Sotto, Kris Aquino na
magbigay ng isang masayang pelikula sa araw ng Kapaskuhan. Nagkakasundo kami pare-pareho kaya sinasabi
nila hayan na naman, simply because naiintindihan namin yung sinasalihan namin. Alam namin kung ano ang
hinahanap ng filmfest na ito.
“Hindi namin sinasabi na hindi welcome yung mga hindi nakapasok, welcome sila pero again, alam natin kung
ano ang damit na susuotin natin sa isang party na pupuntahan natin, nasa okasyon.”
Kasama sa Praybeyt Benjamin 2 sina Bimby (ang bunsong anak ni Kris Aquino) at Richard Yap. Noon pa man ay
kinakikitaan na talaga ni Direk Wenn ng husay sa pagpapatawa si Bimby.
“Si Bimby, si Richard Yap and yung original cast. Alam mo natutuwa ako kasi Sisterakas pa lang, laging
pumupunta si  Bimby sa set namin tapos nakakapagkuwentuhan kami, niloloko ko pa nga ‘yan na magpalit kami
ng tubig na iniinom namin kasi mamahalin yung tubig niya. Mabait na bata, very polite, magkakasundo kami saka
innate sa kanya, saka may ano talaga siya sa comedy, nakakatuwa siya. Saka yung charm, namana niya sa lahat
ng Aquino ang charm na ‘yan.”
Sabay na tinatapos ngayon ni Direk Wenn ang mga pelikulang Moron 5.2 at Maria Leonora Teresa na isa namang
horror movie. Sa Moron 5.2 napalitan lamang si Martin Escudero pero nanatili pa rin sa cast si DJ Durano sa
kabila ng nauwi sa break up ang isang dekada rin nilang relasyon ng aktor.
“It’s still the original cast except for Martin Escudero na pinalitan ni Matteo [Guidicelli]. Yun ang buhay natin, may
natatapos, may nag-uumpisa. Binati  mo nga ako ng seven months anniversary. Saka trabaho namin yun, e, di ko
puwedeng alisin kay DJ yung nandun siya sa Part 1, wala na nga si Martin, masayado ng malaki ang mawawala
kung mawawala din siya dun sa pelikula. Walang kaso sa akin, magkaibigan pa rin naman kami.”
Tinanong din namin ang Box Office Director kung bakit di natuloy sa Maria Leonora Teresa si Judy Ann Santos at
napalitan ito ni Iza Calzado.
“Originally dapat kay Dawn Zulueta yun ang alam ko kasi akin ang istorya. Ang original cast talaga niyan is Dawn
Zulueta, Eugene Domingo and Jodi Sta. Maria. Si Eugene ay hindi pa nga ready mag-shoot so ako pina-revise ko
yung script na gawing bakla na lang yung character instead of Uge kasi not for anything else, ginawa ko talaga
yung character na yun for Uge. Pina-revise ko and napaka-okay ng Star Cinema para pumayag na gay yung
character ng isang magulang.
“Tapos nun inoffer din kay Kris Aquino pero si Kris kailangang gawin ang Feng Shui 2 so parehong horror sa
isang taon so imposible din kaya napunta kay Judy Ann.
“Di rin puwede si Juday so pinalitan siya ni Iza. Schedule ang unang sinabi sa akin, di match ang schedule namin
ni Judy Ann.”
Consistent din ang taas ng ratings ng mga seryeng ginawa ni Direk Wenn sa Kapamilya network. Binalita niya sa
amin na sa darating na Hulyo ay magsisimula na rin ang taping ng Inday, Inday sa Balitaw na pagbibidahan nila
Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.
“Heto na magsisimula na kami sa Inday, Inday sa Balitaw. I think third or last week of July. Ang bida rito ay sila
Sharlene San Pedro and Jairus Aquino. Sila Nash and Alexa dun sa Inday Bote, iba yun. Nilipat lang yata ako sa
Inday, Inday sa Balitaw dahil pinamili ako. In terms kasi in kuwento, malaman na malaman ang Inday, Inday sa
Balitaw. Mother and daughter love.”
Na-hospital si Direk Wenn dahil sa pneumonia, sa dami ng ginagawang proyekto sa ngayon ng direktor ay
siniguro naman nito na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan niya.
“Sobra, para naman lumagare ako ng dalawang pelikula at pumi-pre prod na rin ng Praybeyt Benjamin, talaga
namang grabe. Kung kailan nga ako nagpahinga dun ako nagkalagnat, sumakit ang ulo at nilagnat. The next day
shooting na uli, okay na okay na ako ngayon. Parang ang katawan ko ay dinesign ng Diyos para magtrabaho.”

http://www.pep.ph/guide/movies/14021/wenn-deramas-on-praybeyt-benjamin-2-wag-silang-makasabi-na-basura-kami

erzo01

  • Guest
Re: Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2
« Reply #3 on: July 31, 2014, 08:01:51 PM »


yam_concepcion
2 days ago
What a happy set! #moron5andthecryinglady2 #WennVDeramas

Ang pairing dito would be:
Marvin Agustin - Nikki Valdez
Luis Manzano - Yam Concepcion
Billy Crawford - Danita Paner
DJ Durano - Mylene Dizon

Wala si Matteo sa photo. Di kaya mag-cameo si Sarah G dito?

erzo01

  • Guest
Re: Viva Films' Moron 5 & The Crying Lady Part 2
« Reply #4 on: August 13, 2014, 10:08:47 AM »
September 24th na raw 'to showing. Ang aggressive ng Viva, 3 films in 1 month kasi August 20th ang TBYD tapos September 3rd ang The Gifted.

Pero kung sakali, magkasunod na week ang premiere ng mga pelikula ni Wenn Deramas kasi September 17th ang Maria Leonora Teresa.