Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Pinilit Kong Limutin Ka (Claudine Barretto, directed by Wenn Deramas)  (Read 4845 times)

erzo01

  • Guest
CLAUDINE BARRETTO TO MAKE A COMEBACK VIA WENN DERAMAS FILM
by Arniel C. Serato posted on March 6, 2015

Malapit na nga bang mapanood muli sa pelikula ang Optimum Star na si Claudine Barretto?

Matagal na ring hinihiling ng Claudinians, bansag sa fans club ni Claudine, na sana ay magkaroon na muli ng TV o movie project ang kanilang idolo.

Matagal-tagal na rin kasing namahinga sa pag-arte ang aktres dahil sa kasalukuyang kinahaharap nitong mga kasong personal at gusot sa pamilya.

Huling napanood si Claudine sa pelikulang In Your Eyes noong 2010, at sa telebisyon naman ay sa Untold Stories ng TV5 noong 2012.


“PINILIT KONG LIMUTIN KA.” Nitong Huwebes ng gabi, March 5, nag-post ang direktor na si Wenn Deramas sa kanyang Instagram account ng balita tungkol sa napipintong ididirek niyang pelikula, na pagbibidahan diumano ni Claudine.

Maraming taon na ang binilang ng propesyunal at personal na ugnayan nina Claudine at Direk Wenn.

Matatandaang ang unang directorial job ni Wenn sa telebisyon ay ang Mula sa Puso (1997), na pinagbidahan ng noo'y teleserye queen ng ABS-CBN na si Claudine.

Ang kanya ring pangalawang pelikula na Dahil Mahal Na Mahal Kita (1997) ay pinagbidahan ng dating Star Magic prime talent.


Huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng Walang Kapalit noong 2007.

Ngayon, sinabi ni Direk Wenn na ang gagawin niyang pelikula, na may pamagat na Pinilit Kong Limutin Ka, ang magiging reunion project nila ni Claudine.


Kasabay rin nito ang pag-post ni Claudine sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa ni Direk Wenn.

erzo01

  • Guest
Re: Pinilit Kong Limutin Ka (Claudine Barretto, directed by Wenn Deramas)
« Reply #1 on: March 12, 2015, 02:24:10 PM »
Piolo Pascual, nililigawan pa rin para sa reunion movie nila ni Claudine Barretto
Wednesday, March 11, 2015, 0:28
Ayaw Paawat

MAGANDA ANG pasok ng 2015 para kay Piolo Pascual, nagwaging Best Actor sa katatapos na Star Awards for Movies. Deserving naman ang actor sa acting performance na ipinakita niya sa pelikula nila ni Toni Gonzaga. May mga naka-line-up na movie na gagawin sa Star Cinema, ang una nga ‘yung comeback movie ni Claudine Barretto. Hindi pa nga lang malinaw kung tinanggap na nito ang project na ini-offer ni Madam Malou Santos. As of now, wala pa kaming feedback kay Direk Wenn V. Deramas na siyang magdi-direk ng pelikula ni Claudine.

Naniniwala si Direk Wenn na papayag si Piolo na makatrabaho uli niya si Claudine dahil naging box-office hit ang pelikula nilang Milan under Star Cinema. May chemistry, perfect tandem ang dalawa at napakaganda ng istoryang isinulat ng box-office director. Maging si Boss Vic del Rosario ay sobrang na excite nang simulang ikuwento ni Direk Wenn ang istorya. Nasabi tuloy ng big boss ng Viva na gawin na agad- agad ang pelikula nina Piolo at Claudine.

Sobrang natuwa sina Claudine at Wenn D. nang sabihin ni Boss Vic sa harap nila na simulan na ang pelikula na ididirek ng box-office director. Maganda ang naging resulta ng close door meeting nina Claudine, Direk Wenn, at Vic del Rosario. Maaliwalas ang mukha ng actress nang matapos ang meeting. Agad niya kaming nilapitan para ibalita ang good news.

Kahit malaki na ang binawas ng timbang ni Claudine, kailangan pa rin niyang mag-diet at exercise para maganda siyang tignan on the big screen. Nangako naman ang controversial actress kina Direk Wenn at Boss Vic na kakaririn niya ang pagpapapayat bago siya magsimulang mag-shooting. Mauuna munang simulan ni Direk Wenn ang Aswang ni Pokwang. “Halos magkasabay kong gagawin ang dalawang pelikula ng Viva at Star Cinema. Kailangan kong mag-adjust ng schedule dahil may “Flordeliza” pa ako,” sabi ni WD.

Hindi maipaliwanag ni Claudine kung gaano siya kasaya nang mga sandaling ‘yun. Para ngang nawala lahat ang problemang dinadala niya. Sobrang niyang na-miss ang pag-arte. This time, mapapasabak ang actress sa mga dramatic scene na ipagagawa sa kanya ni Direk Wenn. Lahat ay gagawin niya sa ikagaganda ng pelikula. Sa comebacking movie ni Claudine Baretto, buong ningning na ipinagmalaki ng award-winning director na ikagugulangtang daw ng publiko ang kakaibang acting performance ng controversial actress. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3501
    • View Profile
Re: Pinilit Kong Limutin Ka (Claudine Barretto, directed by Wenn Deramas)
« Reply #2 on: March 12, 2015, 06:55:10 PM »
Sana ibahin ang title. Haha! Masyadong senti.