Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: IT'S SHOWTIME vs. Wowowillie/Wowowin (OT)  (Read 35568 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
IT'S SHOWTIME vs. Wowowillie/Wowowin (OT)
« on: November 24, 2012, 05:06:17 AM »
And it begins anew?
« Last Edit: July 30, 2015, 03:47:16 AM by TFC Godfather »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #1 on: November 24, 2012, 05:06:30 AM »
May update nanaman sa balitang pagkawala ng TV5 game show WILTIME BIGTIME. Hanggang January 5 nalang ang nasabing show. Inanunsyo ito ng host na si Willie Revillame. Ayon kay Willie ay lilipat daw siya. Ng TV station? Hindi. Ayon sa source, isang NOONTIME SHOW daw ang inihahanda ng TV5 at si Willie Revillame ang host.

Opo mga Kapamilya, magbabalik si Willie sa noontime. Muling mag tatapat ang dating magkaaway na sina Bobet Vidanes na dating director ng Wowowee at si Willie plus mabubuhay nanaman ang rivalry nina Willie at Joey De Leon.

Ano ang kalalabasan nito? Vice Ganda vs Vic Sotto/Joey De Leon vs Willie Revillame! Ngayonnaiintindihan ko na ang mga malaman na salita ni Direk Bobet Vidanes sa anniversary ng Its Showtime at mga makahulugan na kataga sa t-shirts niya sa show. Tila patama ito kay Willie. (Hindi niyo nagets ang sinasabi ko? Review videos of Its Showtime).

Malalaman natin lahat yan sa January 5. Magiging mabigat ang labanan sa noontime nito!

Credit: Kapamilya Tayo
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #2 on: November 24, 2012, 05:02:33 PM »
‘Wiltime Bigtime,’ tatapatan na ang ‘It’s Showtime’ at ‘Eat Bulaga'

Posted by Online Balita on Nov 24th, 2012

KALIWA’T KANAN ang nababasa namin tungkol sa pamamaalam daw ni Willie Revillame sa Wiltime Bigtime sa TV5 at kesyo sinabihan na raw ang staff at dancers na maghanap na ng ibang trabaho. Sa Enero raw ang announcement kung ano ang final decision niya.

May mga nagsabing kailangan na raw kasing magpahinga ni Willie dahil sa karamdaman na ayaw daw banggitin, may mga espekulasyon din na lilipat na siya ng network dahil expired na ang kontrata niya sa TV5.

Tinanong namin ang isang TV5 executive tungkol dito at ito ang sagot sa amin: “Naku, ‘wag mong pansinin ‘yan, nambibitin lang para mas malakas ang impact. Ililipat na kasi ng timeslot ang show niya, magiging noontime na kaya makakatapat na niya ang Showtime at Eat Bulaga.”

Kaya na bang tapatan ni Willie ang noontime shows ng ABS-CBN at GMA? Matatandaan na ayaw ng TV host ang oras ng tanghalian dahil ayaw daw niyang makatapat ang Eat Bulaga lalo’t bati na sila ni Joey de Leon.

“Kinausap kasi si Willie ng management,” kuwento ng TV5 exec, “kasi mas bagay ang show niya sa tanghali para naman ‘yung primetime, eh, magamit naman para sa mga programa naming iba kasi may mga soap dramang bago, eh. Sayang naman kung hatinggabi na mapapanood, like ‘yung Amazing Race, marami kaming naririnig na feedback na sayang kasi hindi nasusubaybayan nu’ng iba kasi masyadong late na.

“Same thing with our other programs, lalo na ngayon, number two na kami sa Visayas at Mindanao, that’s according to AGB Nielsen, ha? At alam ‘yan ng GMA. So, kailangan lang talagang may mag-give way sa primetime at ang Wil Time ang nakikita naming solusyon.

“At saka naniniwala naman kami na susundan si Willie ng televiewers niya dahil malakas talaga siya and admittedly, money-maker ang show niya at wala na siyang dapat patunayan pa, kailangan namang bigyan ng chance ‘yung ibang shows namin.

“Isa pang example, ‘yung Ang Latest, sa maniwala ka o hindi, nagre-rate, mas mataas pa nga sa katapat na programa kaya lang masyado na ring late, maraming nagrereklamo kaya may slight sigurong pagbabago ‘pag naayos na lahat.

“Punumpuno kasi primetime namin and good thing with Willie, madali siyang kausap at walang problema, go agad siya. Kaya starting January, noontime na mapapanood ang show ni Willie,” mahabang paliwanag sa amin.

Babaguhin na rin daw ang titulo ng Wiltime Bigtime.

“May suggestions na, pero hindi pa final kaya hindi ko pa masabi sa ‘yo. May mga pagbabago rin sa segments, siyempre kailangan mong tumapat sa dalawang programa ng kabila,” Sabi pa sa amin. –Reggee Bonoan
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #3 on: November 24, 2012, 05:05:16 PM »
 What’s Willie really up to?
FUNFARE UPDATE By Ricky Lo (The Philippine Star) | Updated November 23, 2012 - 12:00am


So what’s Willie Revillame really up to?  A few days ago on his TV5 show Wil Time Bigtime, he bade his followers goodbye and hinted that he would make “an important announcement” on Jan. 5 next year.

Questions: 1) Is he quitting TV5 and moving to another station?; 2) Is he, uhm, getting married (oh no, not again!)?; and 3) Will his show be reformatted (in which case heads will inevitably roll)?

Answers: 1) He can’t quit early next year because as far as Funfare Update knows, his contract with TV5 is good until October 2013 so, even if he plans to he cannot move just yet to another channel. Is he going back to ABS-CBN? (Asked if Willie has sent “feelers” and vice-versa, a Kapamilya executive said, “No such ‘feelers’ from him or from us.”); 2) Since he has been telling the world that he goes home to his mansion and sleeps alone (nga ba?), insinuating that he has no steady girlfriend, it may not be possible that he’s tying the knot; and 3) There are unconfirmed reports that the show’s dancers and staffers are scrambling for other “alternatives,” so does it mean that a reformat is pending?

Asked by Funfare Update what the real score is, Willie texted this message: “Wala pa; pinag-iisipan ko pa lahat. Basta, malalaman mo rin. Wala pa akong naiisip na mabuti kung ano ang tama at mabuti para sa lahat.”

(Side comment: What Funfare Update knows is that a TV5 executive has filed his resignation letter which was rejected by the management. Is it because of a rumored “power struggle” brewing among the decision-makers of one department? Interesting things are happening at the Kapatid Network, huh?)
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #4 on: November 24, 2012, 05:06:54 PM »
Wiltime Bigtime ililipat ng oras, magiging noontime program na!?

Posted by Kakulay Entertainment Blog ⋅ November 21, 2012


Sa mga hindi nakapanuod kagabi ng episode nang Wiltime Bigtime ay may isang rebelasyon na  sinabi si Willie na tila isang malaking tanong ang iniwan nya sa mga viewers sa kanyang pasabog.

Ang sabi nya kasi ay ipinaalam na nya ang desisyon nya ito sa TV5 Management at nagkasundo nga siguro ang mga ito ayon kay Willie sa January 5 malalaman ng ating mga kakulay ang big revalation sa Wiltime Bigtime.

Marami din ang haka-haka na lilipat na at magbabalik kapamilya na ito pero ayon sa insider walang katotohanan ito dahil masaya ang host sa tahanan na nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon ito yung nagsalba sa kanyang nalugmok na career nuon at pinapasok sya sa kapatid network na walang atubiling bigyan sya ng isa pang pagkakataon.

Ayon sa exclusive scoop na aming nakalap isang big revalation nga ito dahil magpapaalam na ito sa primetime at ililipat na raw ito sa noontime, sa makatuwid ililipat ng oras ang Wiltime Bigtime at ito na raw ang bagong noontime show ipapalasap sa atin tuwing pananghalian ng kapatid network.

Bagong-bago studio ang makikita natin at hi-tech parin ito kaya kapansin pansin na may inaayos na studio ang TV5 at ito nga ba ang bagong studio ng Wiltime Bigtime yan ang dapat natin abangan sa January 5. Kung totoo ngang magiging noontime program na ang Wiltime Bigtime siguradong mas palalakasin pa nito ang daytime slot ng TV5 at winner na winner sa ating mga kakulay na maging isang noontime ito.

For more Kakulay updates FOLLOW or LIKE Kakulay Entertainment Blog  on  Facebook  and  Twitter and ADVERTISE with us email at [email protected]

Original Article from Kakulay Entertainment Blog
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #5 on: November 24, 2012, 05:07:35 PM »
Willie Revillame Announces New Show

MANILA, Philippines – Ending what he says critics might term as “pagpapaimportante” on his part, Willie Revillame has announced that he will host a new show in 2013 after he leaves "Wil Time Bigtim
e."

“Okey. Mga January 5, that’s it for ‘Wil Time Bigtime.’

“Pero ilang linggo lang po at ilang araw lang, bubuksan na ang bago—mas malaki, mas makikinig sa inyo at mas magbibigay ng pagmamahal na todo-todo para sa inyo. Okey?” said Revillame on "Wil Time Bigtime" Friday.

The announcement was greeted by booming applause from the live audience.

The host continued: “Kaya i-enjoy natin yung ‘Wil Time Bigtime’ hanggang nandito at marami kaming ibibigay sa inyo na big time na papremyo. Okey?”

The two-year-old show, formerly known as “Willing Willie,” has been Revillame’s biggest project with the Kapatid network since transferring in 2010.

New show, new games

Revillame promised that the new show will have original segments and games, as well as bigger prizes.

“’Yun po, sa paglipat na ‘yun, bibigyan namin ng pagkakataon yung mga nangangarap na gustong sumikat…Meron diyan mahilig magiging star, meron tayong title diyan na ‘Born To Be A Star,’” shared the 51-year-old actor-host.

Willie will also go the extra mile in giving assistance to the needy.

"’Yung mga nangangarap, mga batang kapuspalad na walang pambili ng gamit, damit para sa pangkontes, ibibigay po ‘yan ng bagong programa.

“’Yung mga magulang na walang pangpaaral sa kanilang mga anak, na kaya naming tulungan, sa abot kaya po ng programang bago, ibibigay po namin ‘yan.”

Revillame did not give the date when the new show would air. He only said that by the time he turns 52 on Jan. 27, the new studio with new equipments for the new show will likely be in place.

He assured that “mas magiging kumportable po kayo. Hindi na kayo aantukin,” he said, which some say could be a hint at the timeslot the new show will occupy.

Recall that unlike his former shows on ABS-CBN that were aired noon, “Wil Time” on TV5 starts at 7 p.m.

SOURCE | mb.com.ph
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #6 on: November 24, 2012, 11:13:57 PM »
Willie Revillame confirms Wil Time Bigtime will go off-the-air on January 2013; announces the coming of a new show

Aalis na nga ba si Willie Revillame sa TV5 at babalik ng ABS-CBN 2?


Isa ito sa mga haka-hakang nabuo dulot ng pahayag na ginawa ni Willie Revillame nung Martes, November 20 sa kanyang TV5 show na Wil Time Bigtime.

Ani Willie, nagpaalam na raw siya sa management ng Kapatid Network tungkol sa kanyang plano na iaanunsiyo niya naman sa January 5, 2013.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang taong malapit kay Willie at tinanong ito kung may katotohanan o may posibilidad nga bang bumalik ang 51-year-old TV host sa dati nitong pinagtrabahuhang istasyon.

“Malaking kalokohan ‘yan. Pagkatapos nang naganap?” sabi ng taong ito na humiling na huwag banggitin ang kanyang pangalan.

Matatandaang may nakabinbin pang kaso sina Willie, ang TV5, at ABS-CBN na nag-ugat sa pag-alis ng TV host sa Kapamilya Station at pagkakaroon ng show sa TV5.

Matapos ang pahayag ni Willie nung Martes, hindi naman ito sumipot sa Wil Time Bigtime nung Miyerkules, November 21, at kahapon, Huwebes, November 23.


Ayon sa nakausap ng PEP, na insider sa show, nagpapahinga lang daw si Willie at medyo masama ang pakiramdam.

Kahapon din, November 22, sa Andar ng mga Balita sa Aksyon TV Channel 41, nagbigay ng maiksing pahayag ang Business Unit Head ng Wil Time Bigtime na si Jay Montelibano.

Ayon sa kanya, matagal na daw nabanggit ni Willie sa kanya ang balak nito at rerespetuhin nila ng kanyang staff ang magiging desisyon ng TV host.

Dagdag pa niya, “He has also been telling me about it na rin, e. The daily grind…Monday to Saturday is really taxing.”

Hindi pa rin maliwanag sa maiksing pahayag ni Jay kung ano nga ba ang iaanunsiyo ni Willie sa Enero.

WIL TIME BIGTIME WILL GO OFF-THE-AIR. Kanina, November 23, sa pagsisimula ng Wil Time Bigtime, masayang ipinakilala si Willie ng kanyang mga co-hosts na sina Lovely Abella, Camille Villar, Cindy Miranda, at Grace Lee. Absent sa show si Mariel Rodriguez.

Panimula ni Willie, “Okey naman kayo? Masaya naman kayo?”

Sumagot naman ng kanyang mga co-hosts ng, “Yes!”

Patuloy ni Willie, “Everybody, dapat maging happy lang dapat. Magandang gabi po, Luzon, Visayas, Mindanao, at sa buong mundo.”

“Okey, may mga lumalabas na na kung anu-ano, nagsalita lang ako nung Tuesday. Nagsalita ako ng Martes.

“Ang sabi ko, January 5. Para malaman niyo ang totoo, ako na ho, sa akin na manggagaling. Sabihin ko na
sa inyo ang totoo. Hanggang January na lang po ang Wil Time Bigtime.”

Sigawan naman ng pagkalungkot ang mga tao sa audience, pati na ang kanyang co-hosts.

Pero natatawa lang na sinabi ni Willie na, “Huwag nga kayong OA.”

Sumabat naman si Grace Lee na, “Ako kasi ang pinagbibintangan...”

Sabi naman ni Camille, “Oo nga, na malas daw si Grace...Kaka-welcome lang natin, e...”

Nagsalita muli si Willie, “Para malaman niyo, ako po ay lilipat na.”

Tila napaiyak naman ang ilang mga tao sa audience, pati na co-hosts ni Willie.

Tanong tuloy ni Grace, “Sa’n kayo pupunta?”

“Huwag na kayong umiyak, hindi pa ako mamamatay. Ako po ay lilipat na by January. Wala na pong Wil Time Bigtime,” ani Willie.

“Magsasama tayo kung saan ako pupunta?” tanong niya sa audience, na sumagot naman ng “Oo!”

“Walang iwanan, kahit sa umaga? Tanghali? Madaling-araw? Gabi?” sunud-sunod na tanong ni Willie.

Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa studio sa pagsagot ng “Oo.”

“Para wala nang mga tanungan, sagutin ko na, gusto ko hangga’t maaga.

“We only have two months to go. At ako po ay lilipat na, at sa paglipat na ‘yan, mas maganda, mas malawak, mas maraming papremyong ibibigay!” pahayag ni Willie.

Dito nagsisigawan ulit ang mga studio audience sa kasiyahan naman.

Dugtong pa ni Willie, “Kaya i-enjoy natin yung Wil Time Bigtime hanggang nandito at marami kaming ibibigay sa inyo na big time na papremyo. Okey?”

NEW SHOW, NEW SEGMENTS. Paliwanag pa ni Willie, “Yun po, sa paglipat na yun, bibigyan namin ng pagkakataon yung mga nangangarap na gustong sumikat.

“Marami kaming mga portions doon na bago. Para alam niyo na, tutal magmi-meeting tayo,” sabay harap ni Willie sa staff, “Okay?"

Pagpapatuloy niya, “So, maganda po itong gagawin naming programa para sa inyo, para alam niyo na.
“Meron diyan mahilig magiging star, meron tayong title diyan na ‘Born To Be A Star.’”

“Yung mga nangangarap, mga batang kapuspalad na walang pambili ng gamit, damit para sa pangkontes, ibibigay po ‘yan ng bagong programa.

“Okey. Yung mga magulang na walang pangpaaral sa kanilang mga anak, na kaya naming tulungan, sa abot kaya po ng programang bago, ibibigay po namin ‘yan.”

“Okey. Mga January 5, that’s it for Wil Time Bigtime.

“Pero ilang linggo lang po at ilang araw lang, bubuksan na ang bago—mas malaki, mas makikinig sa inyo at mas magbibigay ng pagmamahal na todo-todo para sa inyo. Okey?”

Pabiro pa niyang dugtong, “’Yan po ang good news. Ang bad news, magbabago na ako ngayon ng mga co-hosts.

“Magbabago na rin ng mga dancer. E, bago, e. Pero puwede pang iwanan yung Wil Time Bigtime, kayo na lang muna.”

Tanong naman ni Camille, “Uy, sabi mo walang iwanan?”

Pabiro pa ring tugon ni Willie, “Noong isang gabi, dalawang araw akong nagmumuni. Sabi ko, yung mga lolang ‘to kasama ko pa sa bago, siyempre mga bago naman, yung mga magaganda. Walang mga ugat sa katawan.

“Isa lang ang maiiwan, si Ana Feleciano lang. Dahil meron tayo dung portion na ‘Home for the Aged.’”

A NOONTIME SHOW FOR WILLIE? Seryoso namang pagpatuloy ni Willie, ‘O, yun. Sinabi ko na para yung mga ispekulasyon niyo na baka yung iba nagsasabing baka nagpapaimportante pa kami.
“Nagpapaimportante pa ako, nagpapa-cute pa ako…hindi po!

“Tandaan niyo po, yung bagong programa, mas magiging kumportable po kayo. Hindi na kayo aantukin.”
Ang tinutukoy ni Willie na aantukin ay yung mga lolo at lola at ilang mga audience sa Wil Time Bigtime na nakukuhanan ng kamera na natutulog.

Alas-siyete na ng gabi kasi nagsisimula ang kanyang programa at natatapos ito ng halos alas-diyes na.

Pagpatuloy pa ni Willie, “Dahil pakakainin namin kayo ng masarap, okey?

“Basta tandaan niyo po yan, ayan na matatapos na ang ispekulasyon, we only have two months.

“Yung dalawang buwan na yun, yung bagong programa, I think ilo-launch na ‘yan sa birthday ko na.
“Sa birthday ko na, bagong studio, bago lahat, bagong gamit.

“Iba na ‘to. Bagong mga games. Maaring may matirang ibang games, bago lahat. Bago, puro bago ang perang ibibigay namin sa inyo.

“Okay na?” tanong niya pa uli sa audience at sa kanyang co-hosts.

“Huwag na kayong sumama?” biro naman niya ulit kina Lovely, Camille, Cindy, at Grace.
Sabay-sabay namang sumagot ang apat na, “Sama kami!”

Dito ay nagsabi si Grace ng, “Ako, bago. Sabi nga nila, malas daw ako, nung sumali lang daw ako.”
Sabi naman ni Willie, “Hindi, bago ka, pero mukhang luma ka na.

“Loko lang, ikaw pa, ang ganda-ganda mo nga ngayon. Ang gaganda ng mga hosts natin. O, di ba?

“O, basta mag-enjoy kayo, pangako ‘yan, dalawang araw akong nag-isip at nagmuni-muni, pinag-aralan ko at pinanood ko yung mga dapat panoodin at iniisip ko kung anong wala sila.
“Yun ang ibibigay namin sa inyo.”

THANKFUL TO TV5 MANAGEMENT. Patuloy ni Willie, “O ayan na, para matapos na.
“Basta ho, lilipat kami ng bagong studio, mas madali niyong puntahan, mas malapit. Lumapit na kami sa mga istasyon, ang lapit-lapit na. Dikit dikit na kami.

“Yan po ay sa Quezon Avenue. Para pagbaba niyo sa bus stop, andun na. Hindi na kayo mahihirapan, maraming mga restaurants...

“Yun nga ang iniisip namin, lalo na ang mga lola, ayaw namin na kayo ay inaantok.

“Kasi dito pag-uwi nila, gabi na.

“Mag-e-enjoy kayo, iba ‘to. Bagong kamera, bagong ilaw, bagong sound system.

“’Yan, of course, si Atty. Ray Espinosa at 'yan po si MVP, at sa buong TV5.

"Puro bago, bagong lugar, bagong saya. Para po sa inyong lahat,” banggit pa ni Willie sa TV5 President and CEO na si Atty. Ray Espinosa at TV5 Chairman na si Manny V. Pangilinan.

“Malapit na, sasabihin namin sa inyo, inaayos pa lahat. May mga bago kaming co-host na magaganda. Mga bata,” pagbibiro muli ni Willie sa kanyang co-hosts.

BIGGER STUDIO, BIGGER PRIZES. Muli ay inulit ni Willie na hanggang January na lang ang Wil Time Bigtime.


Photo Credit: affordablecebu.com

Ngunit sinigurado naman niyang babalik din sila agad.

“Magpapahinga lang kami sandali, pagbalik namin iba na.

“Kung namigay tayo ng ilang bahay…27—uy, birthday ko, ha—27 na po yung naibibigay na bahay.

“Hindi pa po tayo namigay sa loob ng studio ng malalaking pera, e…yung 100 thousand.

"Mamigay tayo ng sampung 100 thousand sa birthday ko, sampung isandaang libo,” palakpakan ang mga tao sa pahayag na ito ni Willie.

Sa darating na January 27 ang ika-52nd birthday ni Willie.

“Sa loob ng studio ‘yan, sa bagong studio natin. Abangan niyo po yan, tuloy na tuloy na ‘yan.”
Nagpasalamat naman si Willie sa mga bosses niya sa TV5.

“Atty. Ray Espinosa, sir, thank you so much. Palakpakan niyo ang aming president at CEO sa sobrang suporta, and, of course, MVP, salamat sa tiwala at paniniwala.

“In my behalf and of course sa lahat ng staff, sa lahat ng mga performers namin, marami pong salamat MVP and Atty. Espinosa sa sobrang pagmamahal niyo sa publiko, kami po ay kasama niyo. Thank you so much, TV5.”

(c) An article written by Arniel Serato for Philippine Entertainment Portal (pep.ph) Friday, November 23, 2012
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #7 on: November 25, 2012, 10:04:55 PM »
WILLIE, babalik sa ABS-CBN?


By Jojo Gabinete

Tiniyak ng isang malapit kay Willie Revillame na magkakaroon ng big announcement sa January 5, 2013 ang host ng Wil Time Bigtime.

Nakasalalay raw sa announcement ni Willie ang magiging kapalaran ng mga co-host, dancer at production staff ng programa niya sa TV5.

Mula nang sabihin ni Willie na gagawa siya ng malaking desisyon sa January 5, maraming haka-haka ang kumalat tulad ng balak ng TV5 management na ilagay sa noontime slot ang Wil Time Bigtime at ang diumano'y pagbabalik niya sa ABS-CBN.

Marami ang ayaw maniwala na may posibilidad na bu­malik si Willie sa Kapamilya Network dahil sa court cases na pinagdaanan ng magkabilang panig noong lumipat siya sa TV5.

Why not? Walang imposible sa mundo, lalo na sa daigdig ng showbiz at pulitika na puwedeng maging posible ang mga bagay na imposible.

Wala nang titindi pa sa pagkawala ni former President Joseph Estrada sa puwesto noong 2001 dahil sa mga rebelasyon ng kanyang dating trusted friend, si Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson. Pero nagkabati rin ang dalawa sa burol ng ina ni Erap noong January 2009.

***
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #8 on: November 28, 2012, 02:40:50 PM »
Willie's noontime show is rather intriguing to me. I'll definitely tune into the pilot if someone posts it.

Still surprised he would do this while still under TV5 but whatever. It will be an interesting 3 way battle for noontime!
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dudejca

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1169
    • View Profile
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #9 on: November 29, 2012, 09:10:33 AM »
Willie's noontime show is rather intriguing to me. I'll definitely tune into the pilot if someone posts it.

Still surprised he would do this while still under TV5 but whatever. It will be an interesting 3 way battle for noontime!


I will tune in too but his show won't really surprise me. He might copy even more of Wowowee's old format/games now I'm guessing.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Willie's noontime show (OT)
« Reply #10 on: November 30, 2012, 06:31:35 AM »
Willie's noontime show is rather intriguing to me. I'll definitely tune into the pilot if someone posts it.

Still surprised he would do this while still under TV5 but whatever. It will be an interesting 3 way battle for noontime!


I will tune in too but his show won't really surprise me. He might copy even more of Wowowee's old format/games now I'm guessing.
The title of the said noontime show is apparently going to called 'Wow-Wow-Willie'... original right? ;)
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Wow-Wow-Willie(OT)
« Reply #11 on: November 30, 2012, 06:33:10 AM »
Yes, Willie is indeed 'transferring'

Philstar – Tue, Nov 27, 2012 1:12 AM PHT


The Willie Revillame “puzzle” is solved, thanks to Funfare’s VDPA (Very Deep Penetration Agent) in Novaliches.

The Wil Time Bigtime host kept everybody guessing what his next move would be after he practically bade goodbye to the followers of his TV5 show a week ago, hinting that he was making a big decision which he would announce on Jan. 5 next year.

It’s a big no to speculations that, 1) he would go back to ABS-CBN (“No way,” said an ABS-CBN source), 2) get married (no girlfriend, he said) or take a long rest (because of a bad heart and a bad throat), and 3) quit showbiz altogether and concentrate on his huge businesses (a mall-condotel, a resto, etc.).

There’s even a rumor that he’s buying a TV station (RPN 9 or which one?) and that, too, is just that — a wild rumor.

When Willie announced on his show that where he was standing would be good only until Jan. 5 next year when he would make his “important announcement,” he was really telling the truth.

According to the Funfare VDPA, it’s true that Willie is moving but not out of the Kapatid Network (because his contract with it is good until October next year) but to a new timeslot.

“Willie and his manager, Vic del Rosario Jr., had a closed-door meeting with the Kapatid bosses and they finalized the change in the timeslot of Willie’s show,” said the VDPA.

Wil Time Bigtime usually starts at 6:30 after the early-evening newscast and it goes on and on and on sometimes until way past 9:30 (so many prizes to give away in so many games, you know), pushing back the schedule of the network’s primetime shows (including Enchanted Garden), in the process confusing the televiewers.

So Willie is indeed “transferring”…to a new timeslot.

Added the VDPA, “It’s not clear yet what the new timeslot is.”

Hmmmm, will Wil Time Bigtime be placed at noontime and pitted against GMA 7’s long-running ratings-champ Eat, Bulaga!? Good or bad for Willie?

Meanwhile, let’s wait for Willie’s “important announcement” on Jan. 5, 2013. It better be worth it, ha, Willie!

(Postscript: Actually, Willie will do the farewell edition of Wil Time Bigtime on Jan. 5, a Saturday, and go on leave for three weeks and come back on Jan. 26 [or Jan. 28, Monday] to hold a big celebration of his 52nd birthday [which falls on Jan. 27]. The same event will serve as the launch of his new, reformatted show tentatively titled Wow-Wow Willie presumably at another, new studio, at noontime.)
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dudejca

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1169
    • View Profile
Re: IT'S SHOWTIME vs. Wow-Wow-Willie (OT)
« Reply #12 on: November 30, 2012, 02:47:40 PM »
Wow-Wow-Willie? Errrrr. Wasn't that the name of his first album for Wowowee back in '05?  ;D ;D ;D


One of the only things that I'm actually genuinely excited about is their studio, his show never fails to disappoint a massive hi-tech and eye pleasing set. It's Showtime's set is great as well, but it's about time they need a new layout change.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Wow-Wow-Willie (OT)
« Reply #13 on: November 30, 2012, 05:05:38 PM »
Wow-Wow-Willie? Errrrr. Wasn't that the name of his first album for Wowowee back in '05?  ;D ;D ;D


One of the only things that I'm actually genuinely excited about is their studio, his show never fails to disappoint a massive hi-tech and eye pleasing set. It's Showtime's set is great as well, but it's about time they need a new layout change.
Close enough.. it was actually Wowowillie. :P I bought that album when they came to Flushing here in NY. ;)


Yeah Willie goes all out, that is what I like about him. Yeah ITS SHOWTIME needs an overhaul.
« Last Edit: November 30, 2012, 05:08:22 PM by TFC Godfather »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: IT'S SHOWTIME vs. Wow-Wow-Willie (OT)
« Reply #14 on: December 03, 2012, 10:04:33 PM »
"Wow Wow Willie" ang title ng magiging bagong show ni Willie Revillame sa TV5 at gagawin nila ito LIVE sa Delta studios on QuezOn Ave, Quezon City sa January 26, 2013.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||