Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: I Heart Kuryente Kid (OT)  (Read 1804 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23602
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
I Heart Kuryente Kid (OT)
« on: July 10, 2015, 09:48:39 AM »
Starring Alex Gonzaga and Ejay Falcon soon.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23602
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #1 on: July 10, 2015, 09:51:00 AM »
 
Alex, Ejay team up for 'Wansapanataym Special'

MANILA -- After the primetime series "Inday Bote," actress-host Alex Gonzaga is set to star in "Wansapantaym Presents: I Heart Kuryente Kid" with new leading man, Ejay Falcon.

This was announced by Dreamscape on Thursday.

"Ang Wansapanataym talaga ay institution na pagdating sa weekend, parang 'ASAP.' I'm very happy to be part of this project," Gonzaga said.

Gonzaga also believes that Falcon complements her since he is more of the quiet type.

"Ang maganda sa amin kasi di kami magko-compete sa kadaldalan so magiging maganda ang pagsasama namin. At the same time ka-village kami so text na lang kami," she said.

Falcon agreed. "Bilang tahimik na tao parang kailangan ko ng isang ganito sa buhay ko. Kailangan mabigyan man lang niya ako ng kahit katiting na energy kasi ang taas niya talaga," he said.

The "Pasion de Amor" actor also likes the idea of doing a project that kids can enjoy.

"Gusto kong makagawa ng pambata kasi may kapatid din akong maliliit. Sa probinsiya namin kapag Linggo ay nanonood talaga sila ng 'Wansapanataym.' Halos lahat doon ng mga bata ay nakatutok so ang sarap din ng feeling na 'yung pinaghirapan mo ay makikita nila at 'yung mga kapatid ko," he added.

"Wansapantaym Presents: I Heart Kuryente Kid" will be directed by Andoy Ranay.

 
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2399
    • View Profile
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #2 on: July 10, 2015, 01:00:37 PM »
Alex Gonzaga posibleng ma-in love kay Ejay Falcon
By Reggee Bonoan
Bandera
3:00 am | Friday, July 10th, 2015

MALAKING hamon sa Dreamscape Entertainment ang pagsamahin sina Alex Gonzaga at Ejay Falcon sa isang proyekto. Ang komento kasi ng ilan ay hindi nila nakikitaan ng chemistry o kilig man lang ang dalawa.

For obvious reasons ay seryoso at sexy actor si Ejay tulad ng umeere niyang seryeng Pasion de Amor bukod pa sa action star siya, samantalang si Alex ay komedyana at puwede ring maging seryosong aktres tulad ng ginawa niya sa Pure Love.

But knowing Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal, tiyak na magagawa niyang interesting ang kuwento ng Wansapanataym episode ng dalawa na ididirek ni Andoy Ranay.

I Heart Kuryente Kid ang titulo ng bagong season ng Wansapanataym nina Alex at Ejay na mapapanood na sa Agosto kapalit ng My Kung Fu Chinito nina Richard Yap at Enchong Dee.

Pero teka bossing Ervin, hindi ba’t type ni Alex ang dirty looking o bad boy image, kaya hindi kaya ma-develop siya kay Ejay habang sinu-shoot nila ang I Heart Kuryente Kid? Remember, hindi naman nagkakalayo ng itsura at imahe ni Ejay kay Kean Cipriano na naging espesyal din noon kay Alex.

http://bandera.inquirer.net/96565/alex-gonzaga-posibleng-ma-in-love-kay-ejay-falcon

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23602
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #3 on: August 17, 2015, 02:42:40 AM »
Teaser Trailer: https://www.youtube.com/watch?v=edFYRPIzs1w
Starts August 30th.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2399
    • View Profile
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #4 on: August 17, 2015, 11:14:34 AM »
so ano ang ipapalabas next week if MKFC is already over last night?

about Ninoy's death anniversary?

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23602
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #5 on: August 19, 2015, 12:27:57 AM »
so ano ang ipapalabas next week if MKFC is already over last night?

about Ninoy's death anniversary?
Maybe an old episode from the archives?
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

AnimeFan21

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1436
    • View Profile
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #6 on: August 19, 2015, 02:42:09 AM »
Naalala ko tuloy yung na-shelved na Pepeng Kuryente ni Ejay dati.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2399
    • View Profile
Re: I Heart Kuryente Kid (OT)
« Reply #7 on: August 28, 2015, 01:56:57 PM »
Alex Gonzaga: Di ko po talaga pinangarap maging superhero!
Ejay Falcon: Lahat ng artista gustong maging superhero, kaya sino ako para tumanggi pa?
By Ervin Santiago
Bandera
3:00 am | Friday, August 28th, 2015

NAKA-MOVE on na si Alex Gonzaga sa pag-alis ng kanyang ateng si Toni Gonzaga sa kanilang bahay matapos nga itong magpakasal kay direk Paul Soriano at bumukod na sa kanilang pamilya.

Ayon sa TV host-actress, tanggap na niyang may ibang buhay na si Toni at may sarili na itong pamilya at very soon ay magkakaroon na rin ito ng mga anak. Ang mahalaga raw ay maligayang-maligaya ang kanyang sisteraka sa kanyang pagiging misis.

Sa presscon kahapon ng bagong proyekto ni Alex sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid, kasama ang Kapamilya hunk actor na si Ejay Falcon, inamin ng dalaga na nami-miss niya yung mga dati nilang bonding momentsni Toni pero bumabawi naman daw ang ate niya.

“Lagi naman siyang tumatawag, lagi rin kaming nagkakausap kaya parang araw-araw din kaming magkasama. Pero yung adjustment, naka-move on na ako du’n sa separation anxiety na tinatawag nila,” chika ni Alex.

Natanong naman si Alex tungkol sa lumabas na chika kamakailan na nagkakaroon daw ng tampuhan ang mag-asawa dahil sa pera. Nauna nang nilinaw ni Toni ang tungkol dito at pinabulaanan ang tsismis.

Sey ni Alex, sa pagkakaalam niya, maayos ang relasyon nina Toni at Paul at wala naman daw naikukuwento sa kanya ang kapatid tungkol dito. May mga bagay-bagay lang daw na gusto nilang bilhin this year, “May target lang kasi sila (bilhin) within this year, yun lang yun. Actually, binigyan pa nga ako ng ticket ni direk Paul sa concert ni Ariana Grande, e. So, tingin ko naman walang isyu about money.”

Samantala, si Alex pala ang nagsisilbing “energy drink” ni Ejay Falcon sa set ng I Heart Kuryente Kid, lalo na kapag lumalagare ito sa taping ng Pasion de Amor at Wansapanataym.

May mga araw daw kasi na nagkakasabay ang taping schedule ng dalawang programa ng ABS-CBN kaya walang magawa si Ejay kundi ang tuhugin ang kanyang mga eksena sa mga nasabing palabas.

At dahil nga sa cute na kakulitan ni Alex at sa likas nitong pagiging masayahin, nahahawa na rin si Ejay, kaya kahit nga pagod na ito at wala pang pahinga ay nagagawa pa rin nito nang mahusay ang kanyang mga eksena sa Wansapanataym kung saan nga gaganap siya bilang isang superhero na si Kuryente Kid.

Nilinaw naman ng direktor ng I Heart Kuryente Kid na si Andoy Ranay, bilib siya sa professionalism ni Ejay dahil sa kabila nga ng mabibigat niyang eksena sa Pasion de Amor ay nakakapag-deliver pa rin ito sa kanilang taping.

Kaya naman naging maayos at tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagtatrabaho.

Excited na si Ejay sa pagsisimula ng Wansapanataym nila ni Alex dahil first time nga niyang gaganap na superhero. Kung medyo mature audience ang target nila sa seryeng Pasion de Amor, kung saan lagi siyang nakahubad, dito naman daw sa I Heart Kuryente Kid ay mga bata naman ang pasasayahin nila.

Nu’ng in-offer nga raw sa kanya ang role nasabi niyang dream come true ito para sa kanya dahil super fan din siya ng mga superhero sa TV at pelikula kahit noong bata pa siya. Aniya pa, “Lahat ng artista gustong gumanap bilang isang superhero. Kaya sino naman ako para tumanggi?

Tiyak din daw na matutuwa ang kanyang mga kapatid kapag napanood na siya sa TV bilang isang superhero.

Inamin naman ni Alex Gonzaga sa presscon ng Wansapanataym na hindi raw niya pinangarap ang maging superhero kahit noong bata pa siya, “Payat kasi ako, di ba kasi, sa atin kapag superhero ka dapat ano…so, ganu’n,” biting sagot ng dalaga.

Magsisimula na ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sa Aug. 30, Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit. Makakasama rin dito sina Miguel Vegara, Malou Crisologo, Fourth Solomon at Tirso Cruz III, sa panulat ni Philip King at sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Kaya tutukan ngayong darating na Linggo kung paanong naging “accidental superhero” si Ejay Falcon matapos siyang tamaan ng kidlat at kung paano sila magkakakilala ni Alex sa kuwento na gumaganap naman bilang isang journalist.

http://bandera.inquirer.net/101142/alex-gonzaga-di-ko-po-talaga-pinangarap-maging-superhero