Puspusan ang paghahanda ngayon ng ABS-CBN sa Honesto, ang bagong teleserye na prodyus ng Dreamscape Entertainment.
Pinagbibidahan ito ng isang bagong tuklas na batang aktor na gaganap bilang Honesto.
Ang Honesto ay mula sa creators ng May Bukas Pa at 100 Days To Heaven. Ang balita namin, bukod sa very promising new child discovery, kasama sa cast nito ang mga dekalibreng aktor.
Sa nakikita naming teaser, may aspiration ang Honesto. And this is all about honesty.
Very timely naman ang Honesto dahil sa mga nangyayari ngayon sa ating society.
Aabangan namin ang announcement ng ABS-CBN sa proyektong ito na ngayon pa lang ay nakaka-excite na. Tiyak na winner na naman ito.