Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Home Sweetie Home (OT)  (Read 29573 times)

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #30 on: December 22, 2013, 01:31:14 AM »
Toni Gonzaga affirms John Lloyd Cruz is "definitely" a gentleman
By Bernie V. Franco
12/21/13 04:38 pm
Kinuha ang reaksiyon ni Toni Gonzaga sa Anne Curtis slapping incident na kinasangkutan ng kanyang leading
man na si John Lloyd Cruz.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Toni sa press conference ng
upcoming ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, sa ABS-CBN Compound, December 20, Biyernes ng gabi.
Iniulat ng PEP.ph noong December 1, 2013, ang tungkol sa slapping incident sa Privé Luxury Club, sa The Fort,
kung saan nalasing si Anne Curtis at nanampal ng tatlong taong naroon sa club.
Isa sa mga nasampal ni Anne ay si John Lloyd.
(Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven,
all on the same day)
Sinasabing na-provoke umano si Anne kaya siya umasal ng ganoon.
May mga bali-balitang habang nasa comfort room ang aktres ay may kumatok nang malakas sa pinto.
May blogger na nag-ulat na sina John Lloyd Cruz at Jake Cuenca ang gumawa ng prank kay Anne.
Galit na galit nang lumabas si Anne sa comfort room at kinumpronta niya ang ilang taong nasa lugar at
nanampal.
Itinanggi na ni Jake na hindi niya biniro si Anne habang nasa comfort room. Si John Lloyd naman ay hindi pa
rin nagsasalita.
(Read: Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks.)
TONI DEFENDS JL. "Tapos na ako diyan, kasi di na ako nagda- The Buzz ..." ang paiwas na sagot ng aktres
tungkol sa isyu.
Isa si Toni sa mga host noon ng Sunday showbiz-oriented talk-show, kasama sina Boy Abunda at Charlene
Gonzalez.
Patuloy ng aktres, "When something happens, like a controversy [like this one], it's none of my business, kasi
it's not my job anymore to talk about it.
"So there are some questions na tinatanong ako tungkol d'yan, pero I'd rather not talk about it, because I'm not
really involved. I've nothing to do [with it], so ayoko siya pag-usapan."
Tinanong na lang si Toni kung ano ang pagkakakilala niya kay John Lloyd.
Sa tingin ba niya ay isang gentleman si Lloydy (isa sa mga palayaw ni John Lloyd)?
"Definitely. [He] never showed any sign of untoward...," sagot ng aktres.
Aniya, hindi raw nila pinag-usapan ang nasabing isyu sa set ng sitcom.
"Actually, nung lumabas 'yan, the next day magkasama ata kami no'n.
"Hindi kasi siya gano'n," patungkol niya sa aktor.
Dahil daw alam niyang sensitibo ang isyu, ayaw raw ni Toni magbigay ng unsolicited advice kay John Lloyd.
Nakita ba niyang apektado si John Lloyd noong sumunod na araw matapos lumabas ang isyu?
"Wala, napaka-professional."
Nakapag-uusap naman daw sila ni John Lloyd, pero hindi ganun kapersonal.
"We talk about life in general," aniya.
Samantala, hindi na humarap si John Lloyd sa entertainment press pagkatapos ng question-and-answer
session sa buong cast ng presscon.
WORKING AGAIN WITH LLOYDY. Inamin ni Toni na nakaramdam uli siya ng pagkailang sa sweet scenes nila ni
John Lloyd.
Una silang nagkatrabaho sa blockbuster hit movie na My Amnesia Girl noong 2010.
"Iba yung level ng comfortability namin ni John Lloyd sa isat-isa. Hindi naman kami every day nagkakasama
sa work.
"Huli kaming nagkasama was three years ago, so nung nagkasama uli, nakakailang uli," paliwanag ng actress-
host.
"Gumawa kami ng mga eksena na sweet, pero di madali na maibalik yung dating pagsasama."
Gayunpaman, di raw naglaon ay nawala rin ang pagkailang niya, salamat na rin sa husay ni John Lloyd bilang
aktor.
"Mahusay naman kasi siya. Mapagbigay at magaling na aktor sa eksena.
"Hindi mawawala ang hiya nung una, pero eventually nagdire-diretso na, wala na."
Papuri pa ni Toni kay Lloydy, "Napakabait na tao, mapagbigay, at napaka-generous sa eksena.
"Suwerte ang mga nakakatrabaho niya talaga kasi he brings out the best."
NO REASON TO BE JEALOUS. Parehong may kani-kaniyang lovelife sina Toni at John Lloyd.
Boyfriend ni Toni si Direk Paul Soriano, samantalang girlfriend naman ni John Lloyd si Angelica Panganiban.
Sa kanilang pagtatambal, hindi kaya magselos ang kanilang mga karelasyon?
"Naku, hindi," mabilis na sagot ni Toni.
Kaibigan daw niya si Angelica at malapit ito sa kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.
Magkatrabaho sa Banana Split sina Angelica at Alex.
"Siguro sa sobrang dami ng trabaho ko noon, tapos naka-partner ko na rin [si John Lloyd], never naman
nagkaroon ng ganon.
"Siguro, for almost six years, nabuo na yung trust na iba ang trabaho at iba ang personal."
Sa katunayan nga raw, aminado si Direk Paul na isa sa mga pinakamagandang pelikulang nagawa ni Toni ay
ang My Amnesia Girl nila ni John Lloyd.
Ang Home Sweetie Home ay kinatatampukan din nina Rico Puno, Sandy Andolong, Jayson Gainza, Miles
Ocampo, Clarence Delgado, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Eda Nolan, Ryan Bang, Eric Nicolas, at Mitoy
Yonting.
Ang sitcom ay ipapalabas sa January 5, 2014, pagkatapos ng time slot ng Goin' Bulilit.

http://www.pep.ph/news/41706/toni-gonzaga-affirms-john-lloyd-cruz-is-definitely-a-gentleman

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #31 on: December 23, 2013, 12:06:21 PM »

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #32 on: December 23, 2013, 02:00:24 PM »
Tony ready to a married life
Published : Monday, December 23, 2013 00:00 Article Views : 358
Written by : Vinia Vivar

Sa bagong sitcom na Home Sweetie Home  ay mag-asawa ang role nina John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga kaya naman natanong ang actress/TV host kung preparation na ba ito para sa kanyang pag-aasawa since alam naman ng lahat na matagal na ang relasyon nila ni Direk Paul Soriano at talagang ang lahat ay humuhula na sa kasalan na ito mauuwi.

“Parang ano, this project came at a right age, kasi eversince I transferred sa ABS-CBN, laging part ng contract ko ang magkaka-sitcom. Tapos, because hindi nga ako nagteteleserye, laging nakaplano ang sitcom and since na-shelve nang konti ang mga sitcoms sa ABS-CBN, na-hold siya nang na-hold.

“Hanggang sa eventually, nagbukas ’to at a right age na puwede na talaga akong gumanap na may asawa. Kasi noon, 22, 23 (years old), parang alanganin kung ibibigay ito.

“But now that I’m 29, parang nasa tamang edad din ng babae na may asawa, sa tamang pahon din na gumawa kasi parang it’s about time to venture into something different aside from mga kilig-kilig. Siguro, medyo may transition na nang kaunti,” she said.

Sa totoong buhay naman, inamin ng aktres/TV host na ready na rin naman daw siya sa buhay may-asawa.

“Ako naman, ready na ako kahit anon’g ibigay sa akin ng life ko ngayon. Parang I’ve reached a point na whatever it is that life has to offer me, I’m going to take it wholeheartedly like this sitcom, this show.

“Maraming suprises na dumarating sa buhay ko and when that time finally happens and when that comes, siyempre, that’s something I’m going to embrace wholeheartedly.”

Nang minsang mainterbyu ang boyfriend niyang si Direk Paul about the proposal, sinabi nitong naka-standy by ang cameras niya and currently on a pre-production at reaksyon ni Toni, “luko-luko nga ’yun, eh, may mga ganu’n pa. Kasi nga, direktor siya so, nagbibiro ’yun.”

Seriously, say ni Toni, nasa kamay naman daw ng boyfriend ang bagay na ’yun (proposal) at wala naman daw sa kanya. At 29, masasabi naman daw ready na siya.

“Parang ang hirap namang sabihin kung hindi ka pa ready at 29,” natatawa pa niyang say.

So, ano ang pumipigil sa kanila?

“No one and nothing is stopping us. We are waiting for God’s perfect time and gaya ng sinabi ko, well, the ball is not really in my court, it’s in his court.

“Before ako talaga, ‘’wag, ‘wag ka magpu-propose,’ 2008, 2009, lagi ko siya pinipigil. Tapos dumating ako sa point na hindi na kita pipigigilin, kung saan mo ma-feel sa puso mo na sabihin, sige na,” say pa ni Toni.

Ang Home Sweetie Home ay opening salvo ng ABS-CBN for 2024. Magsisimula itong iere sa Jan. 5.

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/64072-tony-ready-to-a-married-life

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #33 on: December 29, 2013, 09:24:52 AM »
Joross Gamboa, ‘di uurong sa kasal sa dyowang modelo!
(ROSE GARCIA)
 
Dream come true para kay Joross Gamboa ang makasama sa sitcom na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

“Sobrang saya ko, blessed talaga nang malaman ko na gagawa ako ng sitcom. Tapos ang kasama ko pa, sina John Lloyd na hindi lang ka-shooting o ka-taping, kaibigan na rin talaga.

“Si Toni, first movie pa lang niya, ‘yung ‘D Anaders, kasama ko na, nagkasama pa kami sa U.S. kaya ang saya ng cast, masaya sa taping.”

Graduating na raw ngayon si Joross ng Mass Communication.

“Hindi na ko pumapasok, thesis na lang ang ginagawa ko so hopefully by March, makaka-graduate na rin.”

Ang model-girlfriend din niya na si Katz Saga ay graduating na rin daw sa Mass Comm.

Kaya naman, hindi ikinakaila ni Joross na nakaplano na silang pakasal sa 2014.

“Wala pang definite date, pero, nagpaplanu-plano na rin kasi, mas okay naman ‘yung naka-prepare na rin ng mas maaga. Target month naman daw nila ay end of the year pa.

So, wala na talagang urungan ang pagpapakasal niya?

“Huwag lang siyang mauntog! Ha! Ha! Ha! Wala na. Five years na kami at kahit naman noong umpisa pa lang, alam ko na siya na talaga ang gusto kong mapangasawa,” sey ni Joross.

http://www.abante.com.ph/issue/dec2913/ent_others01.htm#.Ur982PQW20o

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #34 on: January 01, 2014, 12:42:14 AM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #35 on: January 07, 2014, 05:29:19 PM »

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #36 on: January 07, 2014, 05:30:22 PM »
'Home Sweetie Home' topples 'Pepito' in ratings

ABS-CBNnews.com
Posted at 01/07/2014 4:55 PM | Updated as of 01/07/2014 4:55 PM

MANILA -- The new ABS-CBN sitcom starring John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga debuted strongly last Sunday, toppling its rival program on GMA-7 in nationwide ratings.

According to data from multi-national market research group Kantar Media, "Home Sweetie Home" registered 19.9% in national TV ratings, beating "Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento" by 2.2 percentage points.

The ABS-CBN series' debut rating made it the No. 1 most watched TV program across urban and rural areas on January 5, while "Pepito" was ranked third.

Kantar Media uses a nationwide panel size of 2,609 urban and rural homes, representing 100% of the total Philippine TV viewing population.

The pilot episode of "Home Sweetie Home" traced the love story of Romy (Cruz) and Julie (Gonzaga) before getting married and sharing a home with their respective families.

A medical representative, Romy is assigned on a medical mission at the school where Julie teaches. The two are immediately attracted to each other and agree to go on a date.

It doesn't take long before they get married, but honeymoon bliss eludes the couple as their families bicker when Julie's mom (Sandy Andolong) and two siblings (Miles Ocampo, Clarence Delgado) move in with Romy and his father (Rico J. Puno).

Also part of the cast of "Home Sweetie Home" are Jason Gainza as Julie's admirer, Joross Gamboa and Ketchup Eusebio as Romy's friends, and Eda Nolan as Julie's confidant.

"Home Sweetie Home," which marks the second team-up of Cruz and Gonzaga after the 2010 blockbuster movie "My Amnesia Girl," airs Sundays after the kiddie gag show "Goin' Bulilit."

ABS-CBNnews.com is the news website of ABS-CBN Corp.

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/07/14/home-sweetie-home-topples-pepito-ratings

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3473
    • View Profile
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #37 on: January 07, 2014, 07:37:32 PM »
Congrats! NO. 1 na naman ang ABS-CBN! <3

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #38 on: January 23, 2014, 03:23:24 PM »
Who do you think was 'Cynthia' in the letters that Romeo burnt? Wouldn't it be something if it was played by Angelica Panganiban, Bea Alonzo or even Kaye Abad? ;)
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #39 on: January 24, 2014, 11:11:50 AM »
Toni, kinilig kina John Lloyd at Ruffa

Noong Miyerkules ay nasa ABS-CBN ako at nang tanungin ako ng ilang mga nakakita sa akin kung bakit nandoon ako, ­sinabi kong dadalawin ko si ­Ruffa Gutierrez sa taping ng Home Sweetie Home.

Nag-react si Eric John Salut na isa sa mga kausap ko. Akala niya ay nagbi­biro ako dahil si John Lloyd Cruz ang bidang lalaki sa sitcom na ‘yon ng ABS-CBN.

“My gosh! Hindi n’yo alam, nagte-taping talaga si Ruffa for Home Sweetie Home, I’m not kidding!” paninigurado ko sa mga kausap ko.

Lahat sila ay nagulat na-excite.

“Maganda ‘yan,” sey ng isa sa mga kausap ko.

Nang i-offer nga kay Ruffa ang guesting na ‘yon, ako mismo ang nagsabi sa actress/TV host na gawin niya ‘yon dahil fan ako ng Home ­Sweetie Home.

Wala naman silang problema ni Lloydie at sa totoo lang, mag­kaibigan sila.

So, kahapon, natuloy na ang taping nina ­Ruffa at Lloydie ng Valentine episode ng Home ­Sweetie Home.

Kung ano ang role ni Ruffa? Siya ang childhood girlfriend ni Lloydie na muntik na nitong maka­tuluyan noon.

Kung paano “guguluhin” ni Ruffa ang pagsasama nina Lloydie at Toni Gonzaga sa Home ­Sweetie Home ay ­bawal i-reveal, sabi ng ­executive producer nilang si ­Marvie at big boss ng comedy department ng Dos na si Ma’am Linggit Tan-Marasigan.

Ang nakakaloka, habang nagte-taping, mara­ming kinikilig sa loob ng studio na makitang magkasama sina Ruffa at ­Lloydie.
Pati si Toni, kinilig sa muling pagsasama ng da­lawa!

http://m.abante-tonite.com/issue/jan2014/24ent_others01.htm#.UuHcohCwrIU

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #40 on: January 24, 2014, 02:22:53 PM »
^ The old flame of Romeo? *gasp*

I would have rather had Bea, Kaye or Angelica myself.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #41 on: February 13, 2014, 06:19:16 PM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23559
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #42 on: March 01, 2014, 09:05:45 PM »
JOHN LLOYD EXITS ON “HOME SWEETIE HOME”

    February 28, 2014 2:14 pm
    admin


John Lloyd Cruz makes an exit on Home Sweetie Home

Because of work, hit sitcom star John Lloyd Cruz has to make an exit as his character Romeo on this week’s episode of “Home Sweetie Home”.

This Sunday (March 2), Romeo leaves his wife Julie (Toni Gonzaga) behind to spend one day and one night out of town for a company presentation. Without him around, Julie finds herself constantly missing her husband. She ends up deciding that she needs to find ways to keep her mind off what could be happening to Romeo.

Romeo, on the other hand, starts to miss Julie—but will he be able to do the right thing if his friends and officemates Chris (Joross Gamboa) and Glenn (Ketchup Eusebio) drag him to pleasurable temptations?

Don’t miss out on “Home Sweetie Home” and the Kapamilya comedy shows, as “Banana Split: Extra Scoop” airs on Saturdays after “Maalaala Mo Kaya”, “Banana Nite” airs weekdays after “Bandila”, “LUV U” airs Sundays after “ASAP 19”, “Goin’ Bulilit” airs Sundays after “TV Patrol Weekend”, and “Home Sweetie Home” airs Sundays after “Goin’ Bulilit”.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #43 on: March 04, 2014, 12:43:19 PM »
Toni hindi kinayang makita ang nabalatang mukha ni John Lloyd!
SOME LIKE IT HOT Ni Vinia Vivar (Pang-Masa) | Updated March 4, 2014 - 12:00am

Hindi kinaya ni Toni Gonzaga ang nakitang picture ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng motorbike accident ng aktor kaya nang makatsikahan namin siya, say ng TV host/actress ay hindi pa raw niya binibisita ang kapareha sa Home Sweetie Home.

“Hindi ko pa siya nakikita. Ayoko eh. Nakita ko ‘yung picture eh. Sabi ko, ‘Naku, sandali.’ Grabe ’yung picture. Na-scrape ’yung ano eh,” she said.

May balita nga kasing nabalatan daw ang mukha ni Lloydie dahil sa nasabing aksidente.

Pinagpahinga raw muna si Lloydie sa Home Sweetie Home kaya hindi na muna ito magte-taping.

Last taping day ay hindi na nga nakapunta si Lloydie kaya si Piolo Pascual daw ang pumalit pero one episode lang daw.

Hindi pa alam ni Toni kung kailan magre-resume ang kapareha ng taping.

“Siguro hangga’t hindi pa siya magaling pero sabi pipilitin na raw next week,” kuwento niya.

Samantala, muli ay natanong si Toni tungkol sa hindi mamatay-matay na tsismis na engaged na sila last year pa ng boyfriend na si Paul Soriano.

Ayon kay Toni, parang hindi naman daw maganda para sa isang magkasintahan especially sa part ng girl na itago pa ang engagement.

“Kasi ’pag engaged talaga, engaged na. Hindi naman itinatago ’yun. ’Di ba dapat, ipinagsisigawan ’yun? Saka nakaka-turn off ’yun na malaman na engaged ka na pala, itinatago mo lang. Hindi naman ako ganun,” she said.

Pero ilang beses na rin naman niyang sinabi na ready na siya talaga for engagement at this point in time. Kaya lang hindi naman daw siya nagmamadali at lahat ng bagay naman daw ay in God’s will.

Pinuri rin si Toni na nakakaya nilang panindigan ni Paul ang “no sex before marriage” at tumatak talaga sa showbiz ang dialogue niya sa Aquino and Abunda Tonight na “love should be greater than lust.”

“Kasi sa panahon ngayon, ’di ba, alam mo na, na mayroong ‘taste test’? Tester nang tester, hindi naman binibili ang produkto. ’Di ba, sa department store, may tester, ayaw bilhin ang buong pabango? Kasi naamoy na. Naku, naamoy na, o!” natatawa niyang sabi.

“Ayaw kong magpa-tester, gusto ko, bilhin ang buong product,” dagdag na biro pa niya.

But seriously, say niya, lugi raw kasi ang babae sa premarital sex.

“’Yun ang paniniwala ko pero siyempre iba rin ‘yung paniniwala ng iba. Hindi ko naman kino-contest ’yun. Ito naman ay sa akin lang. Pero kung iba rin ang opinion ng iba, siyempre, nire­respeto ko naman ’yun. Kanya-kanya namang paniniwala ’yan,” sabi ng singer-actress-TV host.

http://www.philstar.com/pang-movies/2014/03/04/1296904/toni-hindi-kinayang-makita-ang-nabalatang-mukha-ni-john-lloyd

erzo01

  • Guest
Re: Home Sweetie Home (OT)
« Reply #44 on: March 10, 2014, 02:24:58 PM »
Speaking of Ruffa, dahil sa pelikula nila nina Coco Martin at Sarah Geronimo, nakapagbuo ang fans ng bagong “love team.”

May CocoRu Fan Club na ngayon na ang dala-dala ay silang dalawa ni Coco.

Maging si Raymond Gutierrez nang maka­tsikahan ko kahapon ay naaliw dahil may nag-post daw sa internet ng tungkol sa CocoRu love team.

Si Ruffa naman, amused na may fans na dumalaw sa shooting nila para pormal na sabihin sa kanila ni Coco na nagtayo sila ng CocoRu Fan Club.

Anyway, sa presscon ng It Take Gutz to be a Gutierrez ay natanong si Ruffa tungkol sa pagge-­guest niya sa Home Sweetie Home sitcom ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Nilinaw ni Ruffa na hanggang friends na lang sila ni Lloydie at nagagawa na nilang mag-work uli na magkasama.

‘Yung role niya sa sitcom ba ‘yon bilang ex-girlfriend ni Lloydie ay recurring (pabalik-balik basta kailangan sa script) at tinawagan ako ng talent coordinator na si Winnie Mariano kung puwedeng mag-taping uli si Ruffa para sa summer episodes ng sitcom sa Boracay.

Mukhang mauudlot ‘yon dahil ang taping dates na ibinibigay sa akin ay kasabay ng cruise shoot ng pamilya Gutierrez para sa kanilang reality TV show sa E! channel.

Sabi ko na lang kay Winnie, kung mamo-move ng ibang araw ang taping nila, willing si Ruffa na gawin ‘yon dahil marami ang nakyutan sa reunion nila ni Lloydie sa Home Sweetie Home.

http://www.abante-tonite.com/issue/mar1014/showbiz_jl.htm#.Ux1PLvmSw-U