Lexi Fernandez, bagong kaagaw ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla?
Bali-balitang mapapabilang si Lexi sa cast ng modern retelling ng teleseryeng Pangako Sa'yo na pagbibidahan ng KathNiel at gagampanan niya ang papel ni Bea Bianca o Electika Powers na nauna nang ginampanan ni Vanessa del Bianco.
Noong March 2014 pa nag-expire ang kontrata ni Lexi sa Kapuso Network at sa Genesis pa siya huling napanood. Sa ngayon ay wala siyang pinagkaka-abalahan maliban sa pag-aaral niya.
Maliban kay Lexi ay umusbong din ang pangalan ni Yassi Pressman na napabalita ring gagampanan ang nasabing role. Nagsimula ang espikulasyon nang mamataan siya sa bakuran ng Kapamilya Network at naging isang hurado sa It's Showtime.
Mapapanood na ang Pangako Sa'yo sa Primetime Bida sa first quarter ng 2015 na pagbibidahan din nina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria.