Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN  (Read 5284 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2337
    • View Profile
Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« on: March 21, 2016, 02:09:07 PM »
Naganap na ang Presidential Debate 2016 sa GMA noong Pebrero at may nangyari ring Presidential Debate 2016 sa TV5 etong Marso. Ano ang suggestion niyo sa magaganap na Presidential Debate 2016 sa ABS-CBN?.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 16217
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #1 on: March 22, 2016, 04:39:24 PM »
Karen Davila as moderator please!

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 854
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #2 on: March 22, 2016, 04:57:21 PM »
Naganap na ang Presidential Debate 2016 sa GMA noong Pebrero at may nangyari ring Presidential Debate 2016 sa TV5 etong Marso. Ano ang suggestion niyo sa magaganap na Presidential Debate 2016 sa ABS-CBN?.
Town hall format daw ito at malamang hindi yung town hall format na ginagawa ng CNN ang gagawin (one candidate at a time). Ang gagawin siguro eh yung town hall debate format na ginagawa sa US general election. hehe.

Since 2 weeks before the elections itong huling PiliPinas debate at malamg almost half of the electorate ay naka-decide na by that time eh mas okay na yung wala nang masyadong bangayan at talagang ilalahad na lang ng presidentiables ang kanilang mga plataporma at vision para sa bayan sa mga botante. Pero duda ako na walanag bangayan na magaganap lalo mahigpit ang labanan ngayon. Ito na yung last chance ng mga presidentiables na makaungos sa mga kalaban nila.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 854
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #3 on: March 22, 2016, 05:00:34 PM »
Karen Davila as moderator please!
Pwede ring si Ted Failon pero mas gusto ko si Tina Monzon-Palma para neutral talaga. hehehe. 

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2337
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #4 on: March 23, 2016, 10:40:43 AM »
‘‘PILIpinas Debates’’ mas mabangis kung si Vice Ganda ang ‘‘referee’’’
NOEL FERRER

HAVEY: Pagkatapos ng kontrobersyal na Presidential debate noong nakaraang Linggo na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon, ang tanong… habang papainit nang papainit ang antas ng baliktakan at patut­sadahan ng mga nag-aambisyong maging pangulo ng ating bansa, ano kaya ang naghihintay sa kanila sa huling sultada ng PILIPINAS DEBATES na gaganapin sa Pangasinan sa April 24?

Maraming mga su­hes­tiyon ang pinalutang ng netizens at umpukang showbiz.

Since ABS-CBN ang in-charge, bakit ba hindi na lang daw ikulong ang presidentiables sa Bahay ni Kuya para magkaalaman na kung paano sila mamuhay at makipagkapwa-tao?

Merong nag-suggest na sana si Vice Ganda na lang ang moderator o refe­ree para mas masaya at mas mabangis ang pali­tan ng kuru-kuro.

Napansin ng mga kasama natin sa media na tila mababaw ang bangko ng ABS-CBN news anchors when it comes to personalities na puwedeng may authority at integrity para pamunua­n ang isang Presidential Debate.

‘Yung tipong susundin at hindi kakayan-kayanin ng mga astig na mga presidentiables tulad nina Jessica Soho, Mike Enriquez at Luchi Cruz-Valdez.

Kung hindi tuma­takb­o ang asawang si Mar Ro­xas, perfect sana si Korina Sanchez; pero ngayo’y wala na siya sa news at sa Rated K ang concentration niya.

Ang napili na raw na final choice sa ABS-CBN Debate ay si ­Karen ­Davila.

Ang tanong ng maraming netizens kasama na si Law Ang at pati na ng ibang taga-Kapamilya network… bakit siya?

Ang sagot ng iba, “Bakit hindi siya? Kung hindi si Karen, sino pa ba?”


***

WALEY:  Waley na bang ibang mapiling lead anchor o moderator sa roster ng mga ABS-CBN news personalities?

Bakit hindi sina Kabayan Noli de Castro at Ted Failon na broadcasters at media icons na nagsilbi rin bilang go­vernment officials?

Di ba’t sila sana ang puwedeng may mga insights sa paninilbihan sa gobyerno -- na sayang at hindi nila masyadong nagagamit sa TV Patrol.

Sabi ng mga ka-eskwela nilang taga-UP, sayang at out of the equation ang kanilang alumni na sina Bernadette Sembrano at Julius Babao na tila lightweights pa rin ang perception ng tao at newsreaders ang main strength hanggang ngayon­.

If at all, si Bernadette eh pam-Bantay Bata, si Julius eh pang- crime exposé o pang-arts dahil kayganda ng kanyang art collection.

Option din ang masigasig na si Ces Drilon o ang amableng si Cathy Yang o ang konyo kong kaibigan na pang-Exe­cutive Class na si David Celdran.

Syempre, waiting in the wings lang ang mahuhusay pero hindi nagi­ging frontliners na sina Anthony Taber­na, Lynda Jumilla, Tony Velasquez at Atom Araullo, at maging ang bagong lipat sa Dos pero experienced nang si Jove Francisco.

Bakit hindi ang The World Tonight anchor na si Tina Monzon-Palma­ na inikot na yata ang lahat ng networks at nananatiling mataas ang kredibilidad at hindi k­akayan-kayanin ng Presidentiables?

O kung hepe-to-hepe ang labanan, OK rin si Ging Reyes na head ng ABS-CBN News and Current Affairs na isa talagang mahusay na reporter at ABS-CBN North America bureau chief noon?

Bago ang susunod at huling Presidential debate na sana ay daluhan ng LAHAT ng mga kandidato (at sana’y hindi urungan ni Binay pagkatapos lumabas ang mga resulta ng surveys na damaging sa kanya ang performance niya sa huling debate), magkakaroon muna ng Vice Presidential debate na ang CNN Philippines ang in charge.

Dito lang ‘yun sa NCR on April 10 at mala­mang sa malamang na ang kanilang boss na si Pia Hontiveros ang ma­ging main anchor at moderator.

Ayan, kayang-kaya ‘yan ni Pia na hindi nagpadaig sa mga politiko noon pa man sa Strictly Politics.

Si Pia ay boss na ngayon ni Pinky Webb sa CNN Philippines. Kapw­a sila galing sa ABS-CBN.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2337
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #5 on: March 23, 2016, 11:14:28 AM »
much better kung ORIGINAL Kapamilya Newscaster/ News Head ang magiging moderator. Si Luchi Cruz-Valdes ng Tv5 eh di naman originally from tv5 yan eh. alam naman ng lahat na nagstart siya sa ABS.

Agree din ako na maging isa si Kabayan sa mga moderators or kahit maging isa sa mga newscaster na magtatanong sa mga presidentiables since naging VP naman siya before.

I HOPE PRESENT NA SI MIRIAM DITO!

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 854
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #6 on: March 23, 2016, 02:23:03 PM »
much better kung ORIGINAL Kapamilya Newscaster/ News Head ang magiging moderator. Si Luchi Cruz-Valdes ng Tv5 eh di naman originally from tv5 yan eh. alam naman ng lahat na nagstart siya sa ABS.

Agree din ako na maging isa si Kabayan sa mga moderators or kahit maging isa sa mga newscaster na magtatanong sa mga presidentiables since naging VP naman siya before.

I HOPE PRESENT NA SI MIRIAM DITO!
Town hall format kaya ang magtatanong naman ay ang audience. Sana talagang pigain ni Karen ang presidentiables dahil pressing matters (traffic/transportation sana isama yung communication, foreign policy, tax reforms, political/electoral reforms at national defense) talaga yung nakatakdang talakayin sa huling debate. Sana maisingit na rin ng mga magtatanong sa audience yung education at health care dahil hindi napagtuunan na talakayin yan sa 2nd debate dahil nawala sa focus ang topics. Corruption at climate change lang ang natalakay sa dapat na talakayin nila dahil nagbangayan na lang sila most of the time. lol

Sana nga kasama si MDS sa huling debate. Hopefully hindi naman siya mag-backout sa presidential race.

krissy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 163
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #7 on: March 23, 2016, 08:46:55 PM »
napaka bobo naman nung nag suggest na si vice ganda ang mag moderator.. jusko ano gagawin ni vice dun?? kaloka.. bet ko sana si anthony taberna at karen davilla or kung pwede si kris aquino na lang sana pranka at tackless pero i know conflict of interest ang magiging issue if si kris.. basta wag si boy abunda!!

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2337
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #8 on: March 24, 2016, 04:08:13 PM »
napaka bobo naman nung nag suggest na si vice ganda ang mag moderator.. jusko ano gagawin ni vice dun?? kaloka.. bet ko sana si anthony taberna at karen davilla or kung pwede si kris aquino na lang sana pranka at tackless pero i know conflict of interest ang magiging issue if si kris.. basta wag si boy abunda!!
relax ka lang krissy. it's just an suggestion lang naman. syempre kapag ABS na ang maghohost ng 3rd and final Presidential Debate eh i think yung head ng NCA rin ang gagawin nilang moderator like what other networks did nung sila ang naghost ngprevious presidential debates. malabong si krissy ang maging moderator dahil aside from merong "manok" yung kapatid niya sa mga presidentiables eh may sakit pa siya at kailangan niyang magleave for 2-3 months dahil sa karamdaman niya.

kaya, go ako for Tina Monzon-Palma or Ging Reyes or Karen Davila (for female moderator) and Noli De Castro or Anthony Taberna or Atom Araullo (for male moderator naman).

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 16217
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #9 on: March 24, 2016, 07:49:55 PM »
Tina Monzon-Palma or Karen Davila would do!

assassinator

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 413
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #10 on: March 24, 2016, 10:46:22 PM »
Tina Monzon-Palma or Karen Davila would do!

Karen Davila or Boy Abunda

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2337
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #11 on: March 25, 2016, 10:19:01 AM »
Abril 24, 3rd leg ng ‘PiliPinas Debates 2016′

CONGRATULATIONS sa TV5!

Tinutukan talaga noong Sunday ang second leg ng PiliPinas Debates 2016 na inihatid nila mula sa Cebu, kahit na nagkaroon ng konting aberya dahil may misunderstanding na naganap. Pero mukhang lalo pang nakapagpasigla iyon sa mga manonood.

Kaya nakakuha ng 11.8 percent sa nationwide household rating ang programa, naging trending at umani ng iba’t ibang comments mula sa televiewers at netizens.

Matatandaan na sa Cagayan de Oro sa Mindanao ginawa ang first leg ng PiliPinas Debates 2016 noong February, na binuo naman ng GMA Network. Tinutukan din iyon ng televiewers. Humihingi pa nga ng extension ng oras noon ang presidentiables, pero hindi na sila napagbigyan. Nakapagtala naman sila noon ng 24.9 percent sa nationwide household rating.

Inaabangan na ngayon pa lang ang third leg ng debate na bubuuin naman ng ABS-CBN katuwang ang Manila Bulletin sa April 24 na gaganapin naman sa University of Pangasinan.

Pero bago iyon, may debate rin ang mga kandidato for vice president sa April 10 na bubuuin naman ng CNN Philippines katuwang ang Rappler at Business Mirror at magaganap naman ito sa University of Sto. Tomas. (NORA CALDERON)

http://balita.net.ph/2016/03/25/abril-24-3rd-leg-ng-pilipinas-debates-2016/

krissy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 163
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #12 on: March 25, 2016, 02:23:36 PM »
It looks so weird lng bakit pa sa pangasinan ang venue ang far far kaya! Sa manila na lng!

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 16217
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #13 on: March 28, 2016, 04:03:01 PM »


Karen Davila and Tony Velasquez will be the moderators

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 854
    • View Profile
Re: Upcoming Presidential Debate 2016 on ABS-CBN
« Reply #14 on: March 28, 2016, 06:50:10 PM »


Karen Davila and Tony Velasquez will be the moderators
Good choices!