Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN  (Read 5502 times)

lacsi08

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 13172
  • Melason
    • View Profile
Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« on: February 24, 2016, 09:28:15 PM »

Jonalyn Viray moves to ABS-CBN, changes name to Jona





Goodbye, Jonalyn Viray. And welcome to this world, Jona, enjoy your stay here!

It's not just the name that's changed for this 26-year-old singer. At a press conference today, it was revealed that she has left GMA-7 and is now a Kapamilya of ABS-CBN.

This was announced at the launch of a new TV show called We Will Survive, which stars Pokwang and Melai Cantiveros and starts airing on Feb 29. To spice up the afternoon, Jona sang the show's the song, Gloria Gaynor's "I Will Survive."





Why the name change? It's a celebration of a "fresh start" in her "new home," said Jona. We like that her new is more sophisticated and less jologs.

"I'm very happy and nervous. Nervous because it's a new environment, but happy because it's a new experience for me."

But why oh why did she switch network? "Mas nabigyan nila ako ng tiwala," she said.

In 2005, Jona won the GMA-7 singing competition "Pinoy Pop Superstar". She was known for a time as a member of the female singing group La Diva with Maricris Garcia and Aicelle Santos.

The group disbanded a few years ago and Jonalyn went solo. She's best known for singing "Help me Get Over," the theme song of the 2013 gay-theme drama My Husband's Lover.

Jonalyn follows fellow singers Kyla, JayR and Jolina Magdangal who recently moved from GMA-7 and ABS-CBN.

lacsi08

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 13172
  • Melason
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #1 on: February 24, 2016, 09:30:42 PM »





MANILA - Jonalyn Viray is now a Kapamilya, with the singer changing her screen name to Jona.

Her first project is to interpret the theme song of the upcoming ABS-CBN series "We Will Survive", which will debut on February 29 before "TV Patrol".

The soap stars Melai Cantiveros and Pokwang.

"Siyempre very happy at kinakabahan po ako. Siyempre sobrang bagong environment, bagong makakatrabaho, pero masaya po ako kasi bagong experience po ito para sa akin. Nae-excite po ako," she said after her live performance of "I Will Survive" during the press conference of "We Will Survive" on Wednesday.







When asked why she decided to move to ABS-CBN, the singer replied: "Siguro po kasi mas nabigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon. At kumbaga, mayroon po talagang naka-lineup na project for me."

She went on to explain the reason why she changed her screen name to Jona.

"Jona kasi nickname ko po talaga siya. So 'yun po ang ibinigay sa akin ngayon since it's a fresh start -- bagong home, bagong environment. Kaya po Jona," she said.

Meanwhile, Viray said she would be happy to be part of the Sunday musical variety show "ASAP" if given the opportunity.

"May possibility po. Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon, okay po sa akin," she said.

lacsi08

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 13172
  • Melason
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #2 on: February 24, 2016, 11:21:43 PM »

mychosdotcom
Pasabog! Jonalyn Viray, now JONA, sings the official theme song of #WeWillSurvive. She is our newest Kapamilya! #WeWillSurvivePresscon




dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #3 on: February 25, 2016, 04:26:37 PM »
Jonalyn Viray, isa nang certified Kapamilya
Thursday, February 25, 2016, 15:11
John's Point
68 views
2 comments

Nagulat ang mga kapatid sa panulat nang bumuluga sa lahat at umawit ng theme song ng newest Kapamilya serye na “We Will Survive” si Jonalyn Viray, na ngayon ay ipinakikilala ng ABS-CBN bilang Jona.

From Jonalyn Viray ay Jona na nga raw ang gagamiting pangalan nito na desisyon ng ABS-CBN dahil bagong bahay, fresh start, at ibang Jona na ang mapanonood ng Kapamilya viewers.

Happy nga raw ito dahil may bago na siyang tahanan, ang ABS-CBN. Bukod nga raw sa pagkanta nito sa nasabing teleserye, maraming projects ang naka-line up para kay Jona.

Thankful nga raw ito sa ABS-CBN dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya at sa pagbibigay ng mga proyekto.

http://www.pinoyparazzi.com/jonalyn-viray-isa-nang-certified-kapamilya/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #4 on: February 25, 2016, 04:32:46 PM »
Jonalyn Viray now a Kapamilya; changes screen name to Jona
by James Patrick Anarcon posted on February 25, 2016

 
From being a Kapuso, Jonalyn Viray is now a Kapamilya. She made her first outing as a Kapamilya earlier in the grand press conference of We Will Survive wherein she sang the theme song 'I Will Survive.' She now also holds the screen name Jona.

Isa nang Kapamilya ang dating Kapuso singer na si Jonalyn Viray.

Kanina, February 24, sa grand press conference ng bagong ABS-CBN teleseryeng We Will Survive, na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros, ginulat ni Jonalyn ang media nang bigla siyang lumabas para kantahin ang theme song ng teleserye na “I Will Survive.”

Pagkatapos ng kanyang performance ay ipinakilala siya ng presscon host na bagong Kapamilyang si “Jona.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng kanyang performance, kinumpirma ni Jonalyn na ay isa na siyang Kapamilya.

Pahayag niya, “Siyempre po, very happy at kinakabahan po ako.

“Kinakabahan, yes, kasi siyempre bagong environment, bagong makakatrabaho.

“Pero masaya po ako kasi bagong experiences po ito para sa akin, so nae-excite po ako.”

Bakit niya napagdesisyunang lumipat sa Kapamilya network?

Sagot ni Jonalyn, “Mas nabigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon at, kumbaga, meron pong naka-line up talaga na project for me.”


JONA. Bilang Kapamilya singer, makikilala na rin siya sa pangalang Jona.

Ano ang nag-udyok sa kanya para palitan ang screen name niya?

Sagot niya, “Actually, nickname ko po kasi siya, so yun po ang ibinigay sa akin na pangalan ngayon.

“Since it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment, so Jona.”

Ayon pa sa kanya, may posibilidad ding makasama siya sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

“May possibility po kung mabibigyan po ako ng pagkakataon.”

Regular na ring nagpe-perform sa ASAP ang mga dating kasamahan ni Jonalyn sa Sunday All Stars na sina Jay-R, Kyla, at Mark Bautista.

Unang sumabak si Jonalyn sa pag-awit nang manalo siya sa singing talent search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar noong 2004.

Pagkatapos nito ay nakasama siya sa musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All-Stars.

Siya rin ang kumanta ng ilan sa kilalang theme songs ng mga teleserye ng Kapuso network; tulad ng Darna, Mulawin, Bakekang, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Kailan Ba Tama Ang Mali, at My Husband’s Lover.

Naging miyembro rin siya ng grupong La Diva, kung saan nakasama niya ang kapwa Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Nakilala sila sa pag-awit ng theme song ng Gaano Kadalas Ang Minsan, Basahang Ginto, Rosalinda, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, Legacy, Adarna, at One True Love.


http://www.pep.ph/news/62283/jonalyn-viray-now-a-kapamilya-changes-screen-name-to-jona?ref=latest

credit to: docetrece

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #5 on: February 25, 2016, 04:55:35 PM »
Jonalyn Viray, Kapamilya na
February 25, 2016 Filed under Features, Showbiz atbp. Posted by Balita Online   RSS Feed

NAGULAT at nabulabog ang entertainment press nang tawagin si Jonalyn Viray sa simula ng grand press launch ng seryeng We Will Survive sa Restaurant 9501 kahapong tanghali.

Kinanta ni Jonalyn ang I Will Survive ni Gloria Gaynor na magiging theme song ng bagong primetime teleserye ng Dos na pinagbibidahan nina Pokwang, Melai Cantiveros kasama sina Regine Angeles at Bea Saw, atbp.

Matagal nang tapos ang kontrata ni Jonalyn sa GMA Network kaya tiyak na walang naging problema sa pag-oober da bakod niya sa Kapamilya Network.

Tiyak din na maraming mga tagahanga niya ang matutuwa sa bagong development na ito sa kanyang career.

Isa sa pinakamahuhusay pero underrated na singer/performers si Jonalyn. Ilang beses na namin siyang napanood nang live at kahit bulinggit, makapigil-hininga ang pagkanta niya. Walang eksaherasyon, kayang-kaya niyang lamunin nang buung-buo sa pagalingan sa pagkanta ang overrated na singer/performers sa kahusayan niya.

Huli namin siyang napanood last Christmas sa special show ni Dessa, isa pang maligno ang boses, nang mag-birthday ang kanilang publicist na si Chuck Gomez sa Historia Bar.

Kahapon, inihayag din sa presscon na may bago na siyang pangalan: Jona.

Kaabang-abang ang pagsali ni Jona sa ASAP. Hihintayin natin ang showdown niya kina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Jed Madela at napakarami pang iba. (DINDO BALARES)

http://balita.net.ph/2016/02/25/jonalyn-viray-kapamilya-na/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #6 on: February 26, 2016, 07:49:21 PM »
EXCLUSIVE: Jonalyn Viray talks about changing her name and switching networks
2/26/2016 10:12 AM
by: Leo Bukas
 

May pasabog sa ginanap na grand presscon ng bagong TV series ng ABS-CBN na We Will Survive na pinagbibidahan nina Melai Cantiveros at Pokwang na magsisimulang umere sa February 29 bago mag-TV Patrol. Ito ay ang presence ng dating GMA talent na si Jonalyn Viray na kinanta ang theme song ng teleserye na I Will Survive.

Ikinagulat ng entertainment press na si Jonalyn ang kumanta ng theme song pati na ang pag-i-introduce sa kanya as “Jona” bilang bagong Kapamilya.

Nakausap namin si Jona after ng kanyang performance at halatang medyo kabado pa siya.

“First time ko po, kinakabahan po ako kasi siyempre bagong environment, bagong mga makakatrabaho,” bulalas niya sa Push.com.ph.

“Pero siyempre po masaya ako, bagong experiences po ito para sa akin, so nae-excite po ako,” dagdag pa ng magaling na singer.

Ayon pa kay Jona, ang pagkanta niya ng theme song ng We Will Survive ang hudyat ng pagiging Kapamilya singer niya.

“Ito na po yon. Nandito na po ako!” excited niyang pahayag.

Eh, bakit nga ba kailangan niyang magpalit ng pangalan gayung may recall naman ang dati niyang ginagamit na name na Jonalyn Viray nu’ng panahong nasa GMA network pa siya?

“Ah, yung Jona po, actually nickname ko po kasi siya at yon po ang binigay na pangalan sa akin ngayon kasi nga it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment kaya po bagong name din—Jona,” masaya niyang pahayag.

Dahil ganap na siyang Kapamilya, may posibilidad din daw siyang mapanood sa ASAP ng ABS-CBN.


“Why not kung mabibigyan po ng pagkakataon, okey po sa akin,” she said.

Nagbigay naman ng dahilan si Jona kung bakit siya lumipat sa ABS-CBN.

“Siguro po kasi, mas binigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon at kumbaga meron pong naka-line-up talaga na project for me,” kuwento pa niya.

Samantala, last year pa nag-expire ang kontrata ni Jona sa GMA na tumagal din ng halos 10 taon.

http://push.abs-cbn.com/features/58335/exclusive-jonalyn-viray-talks-about-changing-her-name-and-switching-networks/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #7 on: February 27, 2016, 10:55:11 AM »
Jonalyn Viray certified kapamilya na: Kinakabahan na nga po ako, e!
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Saturday, February 27th, 2016

NATUPAD na ang pangarap ng dating Kapuso performer na si Jonalyn Viray – isa na siya ngayong certified Kapamilya.

Si Jonalyn ang kumanta ng theme song ng bagong Kapamilya teleserye na We Will Survive, ang “I Will Survive” starring Pokwang and Melai Cantiveros. In fairness, talagang nagulat ang entertainment press nang biglang pumagitna sa stage si Jonalyn at bumirit ng “I Will Survive.”

Ipinakilala siya sa presscon bilang Ms. Jona, ang bago niyang screen name. Ayon sa dalaga, “Siyempre po, very happy at kinakabahan po ako. Kinakabahan, yes, kasi siyempre bagong environment, bagong makakatrabaho.

Pero masaya po ako kasi bagong experiences po ito para sa akin, so nae-excite po ako.” Nagdesisyon siyang lumipat na sa ABS dahil, “Mas nabigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon at, kumbaga, meron pong naka-line up talaga na project for me.”

http://bandera.inquirer.net/117193/117193

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #8 on: February 28, 2016, 10:52:21 AM »
Simula nang lumabas sa presscon ng We Will Survive si Jona (dating Jonalyn Viray) at kantahin niya ang theme song ng bagong series nina Pokwang at Melai Cantiveros, dumami ang inquiries sa singer na unang nakilala sa GMA 7.

Isang taga-ABS-CBN ang nakatsikahan ko at very thankful ang kampo ni Jona sa mga gustong kumuha sa serbisyo ng singer.

Natutuwa rin si Jona sa desisyon ng Kapamilya network na siya ang pakantahin ng theme song ng We Will Survive dahil marami ang nagulat na nasa Dos na siya.

http://www.abante-tonite.com/issue/feb2816/showbiz_jl.htm#.VtJiM1OfdvA

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #9 on: February 29, 2016, 10:59:12 AM »
Jona, kabado sa unang pagtuntong sa ABS-CBN
February 29, 2016 Filed under Showbiz atbp. Posted by Balita Online   RSS Feed

MARAMI ang nasorpresa sa We Will Survive nang tawagin ang dating Kapuso diva na si Jonalyn Viray para kumanta ng theme song ng seryeng pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros.

Ang kanyang presence sa event at pagkanta ng I Will Survive ay pagpapatunay na Kapamilya contract star na siya.

Sa interview sa kanya after singing the theme song ng serye, inamin ni Jonalyn na kabado siya sa kanyang unang pagyapak sa ELJ building.

“First time ko po, kinakabahan po ako kasi siyempre bagong environment, bagong mga makakatrabaho. Pero siyempre po masaya ako, bagong experiences po ito para sa akin, so nai-excite po ako.”

Ipinaliwanag din niya kung bakit “Jona” na lang ang gagamitin niyang pangalan sa pagpapatuloy ng kanyang career sa ABS-CBN.

“Ah, ‘yung Jona po, actually nickname ko po kasi siya at ‘yon po ang ‘binigay na pangalan sa akin ngayon kasi nga it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment kaya po bagong name din—Jona.”

Inaasahan nang siya ang bagong karagdagang singer sa ASAP.

“Why not kung mabibigyan po ng pagkakataon, okey po sa akin,” mapagpakumbabang sagot niya.

Sa hiwalay na interview, sinabi ng kanyang manedyer na lumipat sila sa ABS-CBN 7 dahil walang  mailatag na plano for Jona ang GMA-7.

“We we’re asking for a platform (for Jona’s singing career), eh, wala,” kaya napag-isip-isip nilang lumipat lalo na’t expired na ang kontrata ng singer sa Kapuso Network.

“Hindi lang naman pera-pera ang hinahanap namin, plataporma,”  pahayag ng manager ng dalaga.

Sinegundahan naman ito ni Jona.

“Siguro po kasi, mas binigyan po nila (ABS-CBN) ako ng tiwala sa ngayon at kumbaga meron pong naka-line-up talaga na project for me,” pagtatapos ng singer. –Ador Saluta

http://balita.net.ph/2016/02/29/jona-kabado-sa-unang-pagtuntong-sa-abs-cbn/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: Jonalyn Viray moves to ABS-CBN
« Reply #10 on: February 29, 2016, 11:00:01 AM »
Pinakita na si Jona sa Rated K last night :)