Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Second (or nth) choice for a teleserye role  (Read 44639 times)

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Second (or nth) choice for a teleserye role
« Reply #150 on: January 16, 2018, 02:01:31 AM »
Pinky Amador had a look test for the role of Summer Sison in La Luna Sangre but unfortunately was replaced by Desiree Del Valle.

Link: https://www.instagram.com/p/BR3Pf8WAvmG/?taken-by=pinkyamador

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: Second (or nth) choice for a teleserye role
« Reply #151 on: January 16, 2018, 02:02:46 AM »
^Kasali parin pala si Pinky Amador sa bagong yugto ng La Luna Sangre pero ibang role na ang napunta sa kanya.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19977
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Second (or nth) choice for a teleserye role
« Reply #152 on: January 16, 2018, 08:01:34 AM »
good to know, andoon pa rin si Ms. Pinky Amador sa La Luna kahit ibang role naka-assign, after a guesting sa WildFlower.

speaking of WildFlower......

Si Ejay Falcon ang younger Julio Ardiente sa flashback, and in later flashbacks, si Patrick Garcia naman ang gumanap na younger Julio Ardiente. Both actors will co-star with Erich Gonzales in The Blood Sisters.

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 19977
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: Second (or nth) choice for a teleserye role
« Reply #153 on: July 31, 2018, 02:31:02 PM »
Michelle Vito almost bagged role of Barbie Imperial in teleserye with JM
by Rey Pumaloy posted on July 31, 2018



IMAGE Noel Orsal
Michelle Vito says she almost bagged the lead role in ABS-CBN's Araw Gabi.

Sa anim na taong nasa industriya si Michelle Vito, hindi ito nanghinayang kung naungusan na siya ng mga kasabayan niyang sina Liza Soberano at Julia Barretto.

Magkakasabay na inilunsad bilang Star Magic artists sina Michelle, Liza at Julia pero kinukunsiderang big stars na ang dalawang huling nabanggit samantalang nanatiling parang nagsisimula pa lang si Michelle.

Fourteen years lang si Michelle nang opisyal siyang ipinakilala sa showbiz.

Komento ni Michelle sa status ng kanyang karera, “Ito pong sina Liza, time nila ngayon na ibinigay sa kanila ng Diyos.

"Siguro naniniwala ako na yun sa akin ibibigay yun sa tamang timing sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle sa presscon ng upcoming movie niya ngayong August titled Dito Lang Ako.

Pinagpinagbibidahan rin ito nina Akihiro Blanco at Jon Lucas. Unang film project ito ng Blade Entertainment.

Wala raw nararamdamang pagkainip sa pagsikat niya si Michelle.

Paliwanag ng 20-year-old actress noong July 20 sa Peri-Peri Grill, Trinoma, “Hindi po, malaking bagay rin talaga yung pumapasok ako sa school. Kaya hindi yung isip ko naka-focus lang sa showbiz, kasi marami ang nasa isip lang nila ay showbiz.

“Ako kasi kahit may ginagawa akong movie gaya nito Dito Lang Ako tapos may Home Sweetie Home ako, then may dalawang movie pa kong ginagawa ngayon pumapasok pa rin po ako.

“Kasi po, ayoko yung isip ko, sa showbiz lang. Kasi once na may mangyaring hindi maganda sa akin mai-stress ako, madi-depress ako. So, gusto ko rin na yung buhay ko, hindi lang showbiz.

“Gusto ko na pumapasok ako paramaramdaman ko rin yung normal life.”

Nasa third year proper nasa St. Benilde si Michelle, sa kursong Human Resources.

Ayon kay Michelle Psychology ang nais niyang kuning kurso pero wala nito sa Benilde kaya sa Human Resources course siya napunta.

Masayang ibinalita ni Michelle na magtatapos na siya ng kanyang kurso sa susunod na taon.

Pinagiisipan ng ABS-CBN actress kung ano ang susunod niyang gagawin sa kanyang career kapag nakapag-graduate na siya.

Tiniyak lang niyang hindi siya tatanggap ng mga mature roles.

Pahayag niya, “Iniisip ko pong gusto ko po kasing ma-experience pa yung mga teenage roles bago ako mag-mature sa roles. Kasi parang hindi ko pa siya ganong nai-enjoy na yung mga teenagers or dalagang roles.

“E-enjoy ko pa muna sya ngayon bago ako tatanggap ng mga mature roles.”

Kahit nasa legal age nasi Michelle para mag-bathing suit o mag two piece at ipost niya sa social media hindi pa rin nya ito ginagawa.

Paliwanag niya, “Kaya ko yung crop top pero hindi ko kaya yung bikini na talaga na one piece. One piece kaya ko, pero may shorts pa rin.

“Siguro ngayon hindi pa, pag tumanda ako, mga 24 years old. Siguro iniisip ko din na ay, 20 pa lang ako, ayoko na munang magpanty. Ayoko munang ipakita sa lahat kung ano meron ako.”

Kahit conservative raw ang mga magulangni Michelle hindi siya pinagbabawalan sa kung ano ang gusto niyang gawin.

“Ako yung sa sarili ko na huwag talaga...ako po yung bunso. Tatlo kaming magkakapatid.”

Patuloy pa nya sa kanyang paninindigang huwag munang mag-sexy, “depende po kasi sa personality ng tao kung ano yung thinking nila sa gusto nilang mangyari.

“Akokasisiguromas conservative ako. Mas kaya kong mag-shorts crop top, pero siguro yung bikini, pakita talaga ng sobra, hindi pa ngayon.

“Iniisip ko yung age ko and yung thinking ko siguro iba e.”

Balitang isa si Michelle sa mga inalukan sa lead role ng teleseryeng Araw Gabi na pinagbibidahan ni JM de Guzman. Sa ngayon, si Barbie Imperial ang lead actress ng afternoon soap na ito.

Hindi pa ito gustong banggitin ni Michelle pero nasa facial expression niya na ang nasabing drama series ang inalok rin sa kanya bago pa ito napunta kay Barbie o isa sila sa mga young actresses nakinunsidera para dito.

Simula niyang kuwento, “Hindi ko siya tinanggap kasi parang sobrang…like kissing scene, bed scene, yung suot..feeling ko...kaya kong mag-bikini siguro kung kakailanganin talaga sa serye.”

Anong naramdaman mo na top-rated yung serye, sikat na si Barbie na dapat ay ikaw ang nasa puwesto niya?

Mabilis na tugon ni Michelle, “Okay lang namansa akin, kasi desisyon ko po na…

“Nag-audition po ako para sa Araw Gabi. Tapos yung in-audition ko yung team-player, hindi yung role ni Barbie ngayon.

“Sabi nila sa akin, i-try ko yung lead role. Sabi ko okay.

"Pinartner kami ni JM. Tinanong nila ako kung okay ba ako sa kissing scene, blah-blah. Sabi ko, hindi po talaga.

“So, hindi nila gi-no [go].

“Binalikan ako ni na Direk Ruel [Bayani, RSB business unit head].

"Sabi nila, may ipapasok silang bagong role baka puwede kang pumayag. Ano ba yung mga restrictions mo?

“So, sinabi ko yung blah-blah, na up to now, wala po talagang kiss, wala po talagang ganito, ganyan. Yung suot po, hindi po talaga.

“Siguro ngayon hindi pa po talaga yung gusto kong mangyari sa akin.”

Kahit raw ang magka-boyfriend ay hindi pa nararanasan ni Michelle.

“Sobra po kasing important sa akin ang education.

"Lumaki po ako na talagang kahit noong bata ako gusto na akong ipasok mag-artista, sabi ko, hindi po talaga, kasi nag-aaral po ako.

“Kahit ngayon, since regular school ako pag sumobra ako sa absences sinasabi ko sa handler ko, ang dami ko na pong absences hindi na po talaga puwede.

“Mahirap po talagang pinagsasabay, e.”

Isang pulis ang ama ni Michelle at sa isang airline company naman nagta-trabaho ang kanyang ate kaya hindi siya obligadong maging breadwinner.

“Ang  naga-aral na lang po, ako at ang kuya ko. E, patapos na rin po siya at ako rin po patapos na rin.

“Ayaw rin po talaga nila [akongmagpasexy] pero ang desisyon nasa akin din po, e. Ako kasi personally ayoko. Like si Mommy kinakausap siya para sa Araw Gabi, sinasabi niya sa handler ko na ‘kausapin niyo yung bata, pakinggan natin ang desisyon niya, kung ano yung gusto niya.

“So, ako po talaga hindi ako kinakausap nina Mommy na huwag mong kunin 'yan, huwag mong gawinyan...ako po talaga.

"Ayoko po talaga.”



Kung nag-audition sina Chienna Filomeno, Mica Javier, Dawn Chang, Kelley Day and even Phoebe Walker na gumaganap namang Tanya sa Araw Gabi, tinanggihan naman ni Michelle Vito ang role na Mich/Anna Vida sa show dahil ayaw niya muna mag-sensual scenes.