This may not be a "big deal" noh, pero sana ipagpatuloy ng mga network na gamitin ang ating sariling wika sa mga titles ng mga Filipino teleserye/shows/movies, as well as minimizing the use of the English language sa mga dialogue. I've had very few instances abroad na some foreigners when they find out that I'm Filipino, na.memention nila yung Pangako Sa'Yo. They'd go, "I watch Philippine show, Pangako", and then sabay proud mag-sample ng mga Filipino words na natutunan nila at naaalala pa nila hanggang ngayon si Angelo, Ynna at Amor. Hahaha diba ang saya??!! Sobrang sarap sa feeling. Kind of the same when looking at the influence of the Korean culture in our country, that's largely because of the import of their Korean shows and all kinds of Korean entertainment. Kaya mga Pinoy natututo na rin mag-salita ng Korean, na halos nagiging normal na nga yung mga basic Korean words or phrases sa mga conversations natin. The Koreans know what they're doing in this game of entertainment shows, kaya talaga namang walang humpay din paggawa nila ng mga good quality shows na ma-import nila abroad. Look at how they've gained influence across Asia, natatabunan talaga nila ang Chinese o Japanese when it comes to entertainment. I can only wish na ma.pareho tayo sa Korea, pero that's obviously wishful thinking at the moment. Ang sa akin lang, kahit within ASEAN countries man lang pumatok yung mga Filipino dramas, okay na ako dun. Kahit sa mga neighboring countries lang muna natin pwede tayong mag.top at maka.impluwensya through our shows. It's the best way to promote our country, our language and gain some influence internationally. It's good business, income, and image for our country.