Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: Kampeon ng 'Pinoy Biggest Loser' nakakulong  (Read 4097 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23609
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Kampeon ng 'Pinoy Biggest Loser' nakakulong
« on: November 12, 2014, 10:21:57 PM »
Kampeon ng 'Pinoy Biggest Loser' nakakulong

By Rizza Mostar, ABS-CBN News
Posted at 11/12/2014 4:41 PM | Updated as of 11/12/2014 4:41 PM


Larry Martin. ABS-CBN

CAMARINES SUR -- Nakakulong na sa district jail ang unang kampeon ng "The Biggest Loser Pinoy Edition" matapos arestuhin ng pulis sa bahay nito sa Milaor kahapon.

Hinatulan si Martin ng tatlong buwan hanggang tatlong taon na pagkakakulong sa kasong accessory to homicide. Ayon sa records ng korte, hindi nakapagpyansa si Martin ng P120,000.

Aminado si Martin na labis niyang iniisip ang kinasangkutang krimen.

Inasunto si Martin sa pagkamatay ni Rommel Licmuan, sheriff ng regional trial court sa Naga noong Setyembre 7, 2013. Kasama sa asunto ang pinsan ni Martin na si Faustino Galvan.

Handa naman ang dating pulis na makulong habang hinhintay ang desisyon ng korte sa hinihingi niyang probation para tuluyan nang makapagbagong buhay.

Wala ang pamilya ni Martin sa tahanan nito sa Milaor nang sadyain ng ABS-CBN News.

Itinanghal na kampeon ng "The Biggest Loser Pinoy Edition" si Martin noong 2011.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||