Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 269065 times)

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20614
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #210 on: September 29, 2015, 01:44:45 PM »
Kantar Media Ratings:

Ang Probinsyano 41.6% vs Marimar 16.3%

Ang lakas talaga ni Coco sa televiewers. Nakuha na naman tiyak ang male viewers dahil tatak FPJ ang teleserye niya. hehe.
Naka-benefit pa si Bela

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #211 on: September 29, 2015, 01:59:44 PM »
Kantar Media Ratings:

Ang Probinsyano 41.6% vs Marimar 16.3%

Ang lakas talaga ni Coco sa televiewers. Nakuha na naman tiyak ang male viewers dahil tatak FPJ ang teleserye niya. hehe.
Naka-benefit pa si Bela
Baka maging big star na si Bela.

eva2014

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 689
  • Undercover Boss / The Hunger Games / Royal Pirates
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #212 on: September 30, 2015, 05:20:38 AM »
Pilot Episode

My first reaction: TRAIN!!!! *heart*heart*heart*

Hahahahahaha!!!  ;D

Seriously. Hearts Everywhere.

Ganda ng shots!!! Yung acting, yung story, yung cast. Ganda!!!

Medyo awkward lang na nanay ni Bela si Ana Roces, and yung computer effects sa fight scene sa ibabaw ng tren (but its really a complicated scene to execute naman e)

Second episode

Magkaklase ba itong si Carmen at Amor from PSY?
Hindi uso ang C-ondom sa mga date sa may damuhan.

Dinner time ang serye pero ang mga food cameo, nakakagutom.
#dietrestrictions #ohwell

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #213 on: October 01, 2015, 01:33:48 PM »
Ansabeeeh???: Arjo, ‘di nagpatalbog sa aktingan kay Coco!
By Rose Garcia

Dahil napanood namin ang naging special tribute kay Fernando Poe Jr. ng Ang Probinsyano nang ipalabas ito sa Trinoma noong gabi ng kaarawan ni FPJ kaya may ideya na kami kung paano ito ginawa ng Kapamilya network sa isang teleserye and who stand-out among the cast. Halos lahat naman, magagaling.
 
Pero, nagkaroon din kami ng pagkakataon na mapanood ang pilot episode noong Lunes ng gabi at mas naging malinaw ang backgrounder ng mga characters, particular na ang kay Arjo Atayde kung bakit siya ang magiging main kontrabida ni Coco Martin.

Magkasama sila sa military school at dun pa lang, makikita nang a­ngat ang karakter ni Coco bilang si Ador kay Arjo. Ito ay sa kabila nang mas mayaman ang pamilya ni Arjo.

Pero, ang nagustuhan namin, halos walang speaking lines pa si Arjo sa pilot, puro mga facial reactions at mga mata lang nito ang pinapagana sa pag-arte, pero, kung ikaw ang manonood, madadala ka agad at alam mong nagbabadya ng panganib.

No wonder, todo ang papuri nina Coco mismo at Albert Martinez kay Arjo na sinabihan pa itong best of his generation.

Ang mga past soaps ni Arjo ay kung hindi siya ang bida, romcom pa ang Pure Love, ngayon pa lang talaga sa Ang Probinsyano siya nabigyan ng pagkakataon na gumanap sa isang role na purely kontrabida and this time, may pagka-action pa.

Halata namang masayang-masaya rin si Arjo sa mga feedback na natanggap niya sa kanyang Instagram account during the time na ineere ang pilot episode nila.

Isa sa nag-post ng comment kay Arjo ay, “Ung tingin mo naiinis talaga ako pero pag lumalabas dimple mo nawawala inis ko, bagay na bagay sa u.”

‘Yung isang comment naman sa kanya, “’Di nagpadaig sa aktingan kay Coco pero nararamdaman kong kaiinisan kita sa mga susunod na araw.”

Mahabang-mahaba pa ang itatakbo ng Ang Probinsyano lalo na’t kasisimula pa lang nito.

Nang makausap namin si Arjo, sinabi niyang hindi raw niya alam kung magkakaroon siya ng love interest dahil sa ngayon, wala raw at hindi rin naman daw sinasabi sa kanila kung ano ang mga mangyayari.

Pero, kontrabida man, sinigurado niyang may dahilan at pinanggaga­lingan ang character niya.

http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/ansabeeeh/35396/ansabeeeh-arjo-di-nagpatalbog-sa-aktingan-kay-coco-.html

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #214 on: October 02, 2015, 09:00:57 AM »
No less than my 14-year old Apo na si John John (who else but my one and only Apo?) ang nag-text sa akin from Pampanga to remind me:

“Lolo, watch mo ‘yung Ang Probinsyano. Ang ganda umpisa pa lang!”

Na sa totoo lang ay inabangan ko nu’ng Lunes ang Coco Martin tele­serye na daig pa ang isang pelikula sa ganda ng pagkakagawa!

The serye smacks of some vignettes of Coco’s true life. Si Susan Roces ang gumaganap na lola ni Coco sa serye.

Sa Lola Susan niya lumaki si Coco at sa tunay na buhay, di ba, sa lola rin niya lumaki itong pride namin ng Pampanga?

Kaya sila lang ng lola niya ang nakatira sa naipagawang mansion ni Coco?

At sa compound niya pinatira ang tatay niya na may misis na iba at ang nanay niya na may iba na ring mister, sampu ng lahat ng mga ka­patid niya na binigyan niya ng mga bahay na matitirhan?

Nakaka-addict ang panonood ng Ang Probinsyano. My Apo watches it in between doing his heavy homeworks.

True-to-life ang kuwento nito, kasi, ang inilalarawan pa lang sa ngayon ay ang buhay ng mga mababait at mga kotongerong mga pulis.

This is not a remake of the original FPJ mo­vie. Inspired by its title lang ang istorya nito.

At hindi dapat ikum­para ang akting ni Coco dito kay FPJ.

Galit si FPJ sa kanyang role sa Probins­yano while Coco in his is loaded with smiles, the Coco trademark.

Magkaiba ng sarili nilang tatak ang dalawang idolo.     

Patuloy n’yong subaybayan at huwag bibitiw gabi-gabi dahil you will be missing a lot pag isang gabi ninyong di napanood ang Probinsyano ni Coco Martin!

http://www.abante-tonite.com/issue/oct0215/showbiz_al.htm#.Vg3XqFOfeRM

komitsu

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 396
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #215 on: October 02, 2015, 08:01:47 PM »

Hahaha...Kahit kailan talaga shunga ang mga nagsusulat sa tabloid, basta lang may maisulat lang eh....Napaghahalataan na di napanood nung nagsulat both the original movie and the tv series right now.

Speaking of....

Hanggang "Ang Probinsyano" lang ba ang sakop nitong TV Series adaptation? Or kasama na rin dito pati iyong sequel na "Probinsyano: Ang Pagbabalik" ?

komitsu

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 396
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #216 on: October 02, 2015, 08:19:24 PM »
Omg! Onyok is so cute and adorable! And I love the way he says "kuya Idol" with matching accent pa haha....

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #217 on: October 02, 2015, 10:42:32 PM »
Ang Probinsyano First Three Episodes

FPJ's Ang Probinsyano: Pilot Episode https://youtu.be/Eek3x1-iLvg
FPJ's Ang Probinsyano: Love and Principles https://youtu.be/2O6-o4eDBkQ
FPJ's Ang Probinsyano: A father's commitment https://youtu.be/uXHFK7MzMQc

(c) ABS-CBN Entertainment

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #218 on: October 03, 2015, 09:21:25 AM »
No less than my 14-year old Apo na si John John (who else but my one and only Apo?) ang nag-text sa akin from Pampanga to remind me:

“Lolo, watch mo ‘yung Ang Probinsyano. Ang ganda umpisa pa lang!”

Na sa totoo lang ay inabangan ko nu’ng Lunes ang Coco Martin tele­serye na daig pa ang isang pelikula sa ganda ng pagkakagawa!

The serye smacks of some vignettes of Coco’s true life. Si Susan Roces ang gumaganap na lola ni Coco sa serye.

Sa Lola Susan niya lumaki si Coco at sa tunay na buhay, di ba, sa lola rin niya lumaki itong pride namin ng Pampanga?

Kaya sila lang ng lola niya ang nakatira sa naipagawang mansion ni Coco?

At sa compound niya pinatira ang tatay niya na may misis na iba at ang nanay niya na may iba na ring mister, sampu ng lahat ng mga ka­patid niya na binigyan niya ng mga bahay na matitirhan?

Nakaka-addict ang panonood ng Ang Probinsyano. My Apo watches it in between doing his heavy homeworks.

True-to-life ang kuwento nito, kasi, ang inilalarawan pa lang sa ngayon ay ang buhay ng mga mababait at mga kotongerong mga pulis.

This is not a remake of the original FPJ mo­vie. Inspired by its title lang ang istorya nito.

At hindi dapat ikum­para ang akting ni Coco dito kay FPJ.

Galit si FPJ sa kanyang role sa Probins­yano while Coco in his is loaded with smiles, the Coco trademark.

Magkaiba ng sarili nilang tatak ang dalawang idolo.     

Patuloy n’yong subaybayan at huwag bibitiw gabi-gabi dahil you will be missing a lot pag isang gabi ninyong di napanood ang Probinsyano ni Coco Martin!

http://www.abante-tonite.com/issue/oct0215/showbiz_al.htm#.Vg3XqFOfeRM

Hahaha...Kahit kailan talaga shunga ang mga nagsusulat sa tabloid, basta lang may maisulat lang eh....Napaghahalataan na di napanood nung nagsulat both the original movie and the tv series right now.

Speaking of....

Hanggang "Ang Probinsyano" lang ba ang sakop nitong TV Series adaptation? Or kasama na rin dito pati iyong sequel na "Probinsyano: Ang Pagbabalik" ?
Honestly si Alfie Lorenzo ang nagsulat nitong article.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #219 on: October 03, 2015, 09:37:49 AM »
Bela, natulala sa sobrang galing ni Coco

MALAKI ang pasasalamat ni Bela Padilla kay Direk Joel Lamangan, direktor ng Tomodachi at Felix Manalo dahl sa pagkakasali niya sa mga pelikulang ito.

“Nag-work na po ‘yung mga dasal ko. Sobrang thankful dahil ito na ‘yung hinihintay ko. Parang it just goes to show na talagang ‘pag siguro maganda ‘yung work ethics mo, kapag matiyaga ka at pinagbubuti mo ‘yung trabaho mo, darating at darating ‘yung deserve mo.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natatanggap ko this year. Kasi nga sunod-sunod at magaganda iyong mga project. Gusto ko na lang isipin na siguro ay may nagawa akong tama, kaya nakukuha ko lahat ito ngayon,” deklara niya.

Nagsimula na rin noong Lunes ang serye niyang Ang Probinsyano na isa siya sa leading ladies ni Coco Martin. Ayon sa aktres, natulala siya sa galing ng actor.

“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya. So, ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready. You should always be alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan,” sey pa niya.

“’Yung galing ni Coco ay hindi niya sinasarili. Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin. Para siguro, makasabay o makapantay ka,” aniya.

Aminado siyang napi-pressure ‘pag kaeksena si Coco dahil gusto niya na okey ang performance niya.

Tsuk!

TALBOG – Roldan Castro

http://www.hatawtabloid.com/2015/10/02/bela-natulala-sa-sobrang-galing-ni-coco/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #220 on: October 03, 2015, 09:44:14 AM »
Coco ipagpapatuloy ang ‘Misyon’ ni Fpj sa PNP
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Saturday, October 3rd, 2015

ANG 1997 movie ng ama na “Ang Probinsyano” pala ang naging inspirasyon ni Sen. Grace Poe sa kaniyang adbokasiya na pabanguhin ang imahe ng mga pulis sa publiko.

Kaya nga tuwang-tuwa ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. sa muling pagbuhay ng ABS-CBN ng Ang Probinsyano sa telebisyon dahil na rin sa positibo nitong epekto sa pagtingin ng mga tao sa mga alagad ng batas sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang kawani sa mga iskandalo at krimen.

Noong Sept. 28 lang ito nagsimulang umere ngunit marami na raw ang natutuwang mga pulis dahil ipinapakita ng teleserye ang mga sakripisyo ng mga alagad ng batas sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.

Patok na patok sa mga kapulisan ang eksena kung saan iniligtas ni Ador (Coco Martin) ang mga pasahero sa planong pambobomba sa tren ng PNR na isang patunay sa mga panganib na sinusuong ng mga pulis upang mapangalagaan ang buhay ng mga tao.

Una nang sinabi ng biyuda ni Da King at ang ina ni Grace na si Susan Roces kung gaano kalapit sa puso ni FPJ ang mga pulis. Patunay rito ang dami ng pelikulang ginawa ni Da King na pelikula tungkol sa mga pulis ani Ms. Susan na siya mismong ang gumaganap na lola ni Coco sa TV adaptation ng Ang Probinsyano.

Bilang pinuno naman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, pinangunahan ni Grace ang imbestigasyon sa umanoy kinasasakungtang katiwalian ng dating PNP chief Alan Purisima, kaugnay na rin sa paglilinis sa hanay ng pulisya.

Isinusulong rin niya ang modernisasyon ng ahensiya upang mabigyan ng sapat na kagamitan at benepisyo ang mga pulis para sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Maraming taga-showbiz ang nagsabi, kabilang na si Ms. Susan na kung ano ang naumpisahan ni FPJ sa mga makabuluhang pelikulang nagawa niya noong nabubuhay pa ito ay siya namang ipinagpapatuloy ni Grace sa pamamagitan ng pagiging public servant.

http://bandera.inquirer.net/104329/coco-ipagpapatuloy-ang-misyon-ni-fpj-sa-pnp

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2745
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #221 on: October 04, 2015, 05:46:03 PM »
I don't see any chemistry with Coco and Bela, hindi sila bagay.
It's CocoJam time!

I was suprised si MiniMe Bamboo pala ang Onyok! Nice job! :)

Overall, Action Teleseryes can really PWN the Primetime with Ang Probinsyano!

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #222 on: October 05, 2015, 10:18:58 AM »
“FPJ’s Ang Probinsyano,” #1 sa bansa!

Humamig ng average national audience share na 44% ang ABS-CBN nitong September, o 8 points na lamang sa 36% ng kalaban, ayon sa Kantar Media.

Hindi rin natibag ang ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) na pumalo sa average national audience share na 50%, o mas mataas ng 19 puntos sa 31% ng kalaban.

Nanguna rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin, na nakakuha ng average national TV rating na 40.4% at agad na nanguna sa listahan ng mga pinakapinanood na programa sa bansa. Pumalo naman sa national TV rating na 41.6% ang pilot episode nito noong Set­yembre 28.

Sinundan ito ng katatapos lang na Nathaniel, na may ave­rage rating na 35.2%, o halos doble sa nakuha ng kalaban.

Mainit ding tinangkilik ang bagong talk-comedy-game show na Celebrity Playtime sa rating nitong 28.7%. Ang Your Face Sounds Familiar ay nakakuha ng national TV rating na 26.5%.

Pagdating naman sa news, TV Patrol pa rin ang mas pinanood sa national TV rating na 30.5% laban sa 18.3% ng kalaban.

Kabilang din sa listahan ng top 10 na pinakapinanood na mga programa noong Setyembre ay ang Pangako Sa ‘Yo (32.8%), Maalaala Mo Kaya (31.7%), Wansapanataym (30.2%), at Rated K (27.3%).

Samantala, patuloy ring pinainit ng Pasion de Amor ang primetime at nanati­ling wagi sa timeslot nito sa national TV rating na 24.4%, o higit doble sa 10.9% ng kalaban. Hindi rin nagpahuli sa umaga ang Ningning na may (16.8%) kontra sa 11.1% ng kalaban.

Bukod naman sa TV, sinundan ng mga Pilipino ang mga Kapamilya program sa kanilang computers, laptops, o smartphones gamit ang video-on-demand at livestreaming service ng iWanTV na nakakuha ng 89.4 milyong page views noong Setyembre mula sa 83.8 milyong views noong Agosto.

Pinaka­pinanood dito ang On The Wings of Love na nagtala ng 3.7 million views, kasunod ang Pangako Sa ‘Yo na may 2.7 million views at Pinoy Big Brother 737 na may 941,117 views.

Paborito ring panoorin sa iWanTV ang All Of Me (870,019 views), Pasion de Amor (775,511 views), at Doble Kara (751,405 views).

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/35587/-fpj-s-ang-probinsyano-1-sa-bansa-.html

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #223 on: October 05, 2015, 10:25:44 AM »
SCENE: Ang Thanksgiving dinner ng mga artista at production staff ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN noong Sabado dahil sa mataas na ratings ng kanilang primetime show.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/10/05/1507305/lea-enjoy-sa-bashers-fans-ni-nora-umaasang-hindi-lang-sa-simula-ng

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #224 on: October 06, 2015, 09:23:30 AM »
Nagsimula nung Lunes, September 28, ang pilot episode ng Kapamilya network at ng Dramscape, Inc. na “Ang Probinsyano”.

Sa unang gabi nito ay pumalo sa rating na 41.6. Ito ang bagong serye na pinagbibidahan ng king of primetime na si Coco Martin. Sa nasabing pilot episode napasabak agad sa matitinding action scene ang aktor, paano ba niya ito pinaghandaan?

Sagot niya, “Marami din akong pinagdaanang rehearsal, nagpaturo ako talaga kasi marami akong matitinding eksena rito. Tapos nagtutulungan naman kami nina Direk Avel at Direk Malu. Siyempre, as an actor, kapag nandun ka na sa eksena talaga, mas feel mo kapag ikaw na mismo ‘yong gumagawa.”

Nakilala natin ang actor pagdating sa husay niya sa drama. Ito ang pangalawang pagkakataon na gagawa ng action-drama ang actor na si Coco .

The first was the 2009 Kapamilya teleserye, “Tayong Dalawa”. Sa pagkakataong ito hindi siyempre maalis sa mga tao na ikumpara siya kay late FPJ dahil siya ang nag-remake ng pelikulang “Ang Probinsyano” na tumabo noon sa takilya.

Malaking pressure o hamon ba ito sa kanya bilang King of Primetime na si Coco Martin?

“Hindi naman po mawawla sa atin ‘yung pressure part ‘yan ng pagkatao natin, pero siyempre never natin mapapantayan ang mga nagawa ni FPJ. Pero sa henerasyon ngayon, gusto nating maipakita ang mga bago, mga updated na mga sitwasyon.”

http://www.remate.ph/2015/10/maraming-bumilib-kay-coco-martin/