Oh, Laban Ka?!: Coco M. tumalon sa tapunan ng ebs!
Bumaho nang bonggang-bonggang si Coco Martin sa shooting ng kanyang bagong serye na “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN 2 nang tumalon ito sa isang mabahong estero.
Hindi nagpa-dobol si Coco nang tumalon siya mula sa tulay pabagsak sa estero na tapunan nang mga kung anu-anong dumi ng tao at hayop.
Isa lang ito sa mga ginawang stunts ni Coco na hindi siya nagpa-doble dahil sa dedikasyon niya sa trabaho.
Pinigilan nga siya ng kanyang director na si Avel Sunpongco sa gagawin nito pero gusto ni Coco na huwag ma-delay ang taping kaya siya mismo ang tumalon sa nakakadiring tubig sa estero.
Sey pa nga ng director niyang si Avel, “sure ka ba tatalon?” Pero tumango si Coco at hindi nag-atubiling ginawa ang stunts.
Isa lang ito sa mga stunts na ginawa ni Coco sa nasabing serye nang hindi nagpadobol.
Sa isa pa ay dumugo naman ang ilong ng aktor nang tumama ang baril sa kanyang mukha pagkatapos tumalon.
Mali ang pagkakabagsak ni Coco sa eksena kaya humampas ang baril na hawak nito sa kanyang ilong.
Pero dahil sa dedikasyon nito, itinuloy pa rin ang eksena.
Sabi nga ni Coco, halos lahat ng mga stunts na mapapanood sa serye ay ginawa niya. Ginusto niyang gawin ang karamihan sa mga ito para maging makakatohan ang pag-atake niya sa karakter bilang pulis.
Walang dudang si Coco na ang numero-unong teleserye ng aktor sa Kapamilya network dahil sa laki ng
production value ng action-drama soap niya.
Mismong si Susan Roces na balo ng nagmamay-ari ng “Ang Probinsyano” na si Fernando Poe Jr. ay humanga sa laki ng production ng nasabing adaptation for TV na drama soap.
Mapapanood “Ang Probinsyano” ngayong Lunes na tatampukan din nina Ms. Susan Roces, Maja Salvador, Bela Padilla, Jaime Fabregas, Joey Marquez, Agot Isidro, Albert Martinez, Arjo Atayde at marami pang iba.
http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/oh-laban-ka/34984/oh-laban-ka-coco-m-tumalon-sa-tapunan-ng-ebs-.html