Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 269859 times)

hanashima

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2444
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #150 on: August 22, 2015, 10:05:56 AM »
IMO parang mas maganda ang FPJ Ang Probinsyano sa slot ng PSY or OTWOL.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #151 on: August 22, 2015, 10:25:37 AM »
IMO parang mas maganda ang FPJ Ang Probinsyano sa slot ng PSY or OTWOL.
Pwede rin. ilagay ang OTWOL sa maiiwang slot ng Nathaniel if matatapos na. since nakakagoodvibes naman ang OTWOL eh. yung tipong ganito ang magiging arrangement. PDA, TVP, OTWOL, PSY FPJ's: AP, PBB A&AT

pero madalas yung mga teleserye ni coco eh nalalagay sa 1st or 2nd slot ng Primetime. kaya sure na after TVP ang posibleng bagsakan nito.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #152 on: August 22, 2015, 10:26:38 AM »
Coco wala nang interes ligawan si Maja?!

Will Coco Martin eventually make ligaw to Maja Salvador, one of his two leading ladies sa Ang Pro­binsyano? The other star na katambal niya ay si Bela Padilla.

Balita kasi na in 2011 nang gawin nilang dalawa ang series na Minsan Lang Kitang Iibigin, nagpaha­ging si Coco kay Maja. At the time, however, boyfriend ni Maja si Matteo Guidicelli.

This day though, pareho na silang walang commitment. Pero katwiran ng dalawa, higit silang committed ngayon sa kani-kanilang trabaho.

Bukod kina Maja, Coco, at Bela, Ang Probinsyano, ang adaptation of a movie ni Fernando Poe, Jr., also stars Susan Roces, Agot Isidro, Arjo Atayde, and Albert Martinez.

http://www.philstar.com/pang-movies/2015/08/22/1490721/paulo-walang-panahon-sa-babae

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #153 on: August 24, 2015, 11:03:37 AM »
Coco jackpot sa ‘Ang Probinsiyano’; nakarami ng halik kay Bela Padilla
By Reggee Bonoan
Bandera
2:00 am | Monday, August 24th, 2015

PERSONALLY, hindi namin napanood ang pelikulang “Ang Probinsiyano” ni Da King, Fernando Poe, Jr. kaya wala kaming mapagkumparahan sa TV remake nito starring Coco Martin.

Napananood namin ang pilot week nito sa advance screening kamakailan sa Trinoma Cinema 7.
As expected, galing na galing pa rin kami kay Coco, maging ang mga eksenang nagte-training sila para ma- ging isang ganap na pulis at kung paano sila pinahirapan ay totoong-totoo dahil ganu’n talaga ang training sa Philippine Military Academy o PMA kung saan marami kaming kakilalang nagtapos.

Matagal na naming gusto si Coco dahil hindi siya conscious sa itsura niya sa mga ginagampaman niyang papel, ‘yung iba kasing artista kaya hindi gaanong binibigyan ng projects dahil ang daming arte sa harap ng camera.

Kaya naman puro papuri ang ibinibigay kay Coco ng mga nakakatrabaho niyang artista, direktor, producer pati na ang pinakamababang ranggo sa produksyon, “Sobrang bait, walang ere, matulungin lalo na sa baguhan at kung anu-ano pa.”

Going back sa Ang Probinsiyano, maganda pala talaga ang kuwento nito. Dual role ang aktor dito bilang ang kambal na sina Ador na taga-Maynila at ang probinsiyanong pulis na si Kadyo.

Medyo nag-isip lang kami nang sabihin ng ilang katoto na maganda ang serye pero hinahanap pa rin daw nila ang tinatawag na FPJ touch.

Sa madaling salita, i- kinumpara pa rin si Coco kay Da King. Pero sa pagkakaalam namin ay talagang hindi pinagaya kay Coco ang akting ng Hari ng Aksiyon sa TV version ng pelikula.

Simula pa lang ng serye ay ilang beses nang naghalikan sina Coco at Bela Padilla ang gumaganap na asawa niya sa kuwento, kaya feeling namin ay tuwang-tuwa ang aktor dahil sa pagkakaalam namin, sa dami ng seryeng nagawa niya sa ABS-CBN ay dito sa Ang Probinsiyano lang yata siya nakaranas ng sandamakmak na halikan.

Ano kaya ang reaksyon dito ng boyfriend ni Bela na si Neil Arce?  Anyway, lahat ng artistang naka-eksena ni Coco sa unang linggong episode ng Ang Probinsiyano ay mahuhusay tulad nina Jao Mapa, Ramon Christopher, Ping Medina, Jaime Fabregas, Dennis Padilla, John Medina, Lester Llansang, Art Acuna, Arjo Atayde, si Bela at si Ms. Susan Roces.

Na-curious naman kami sa batang si Onyok na inampon ni Kadyo (Coco), ito ang bagong child star ng Dos na na-discover ng Dreamscape Entertainment.

Ang galing-galing umarte ng bagets, parang matagal nang nag-aartista, huh! Tinanong namin ang isa sa business unit head ng Dreamscape na si Rondell Lindayag kung paano siya napasama sa Ang Probinsiyano, “Ay nag-audition po siya, hindi ko alam kung taga-probinsiya, pero alam ko taga-Manila lang.”

Hindi guwapo si Onyok, (sira pa ang mga ngipin) tipikal na batang mahirap at probinsiyano, pero tiyak na mamahalin at kaaaliwan siya ng manonood.

Sa Setyembre na eere ang FPJ’s Ang Probinsiyano at gusto naming tutukan ito dahil gusto namin ang kuwento. Ito ang papalit sa Nathaniel sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

http://bandera.inquirer.net/100744/coco-jackpot-sa-ang-probinsiyano-nakarami-ng-halik-kay-bela-padilla

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #154 on: August 24, 2015, 11:52:56 AM »
Maja walang reklamo kahit tinambakan ng trabaho
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 24, 2015 - 12:00am

Nagpapasalamat si Maja Salvador dahil tuloy-tuloy ang kanyang mga ginagawang proyekto sa Kapamilya network. Kamakailan ay nagtapos ang teleseryeng Bridges of Love at ngayon naman ay muling makakatambal si Coco Martin para sa Ang Probinsyano. “Sobrang masaya po ako na simula nang nagsimula ako, parang sobrang blessed ‘yung pakiramdam ko. Parang taun-taon hindi ako pinapabayaan ng ABS-CBN,” nakangiting bungad ni Maja.

“Bawat teleseryeng ginagawa ko, sobrang proud ako dahil parang sobrang nasasakto ‘yung role ko, ‘yung character ko sa akin. Kaya kung susundan n’yo po ‘yung track ng mga teleseryeng ginawa ko, wala pong parehas, iba-iba,” dagdag ng aktres.

Masayang-masaya si Maja dahil sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng big bosses ng ABS-CBN. “Sobrang blessed lang po talaga ako at siguro nakikita rin ng management na grabe ko rin talaga mahalin ‘yung mga proyektong binibigay nila sa ‘kin at nakikita nila na importante talaga sa ‘kin ang mga projects na ginagawa ko,” pagtatapos ng aktres.

Labis-labis din ang pasasalamat ni Maja sa kanyang mga tagahanga dahil bukod sa kanyang mga teleserye ay sinuportahan din ng mga ito ang kanyang dance album na nagkamit na ng platinum award.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/08/24/1491612/maja-walang-reklamo-kahit-tinambakan-ng-trabaho

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #155 on: August 25, 2015, 04:54:34 PM »
Bela sinuwerte nang lumayas sa GMA; tinuhog sina Coco at Dennis
By Reggee Bonoan
Bandera
3:00 am | Tuesday, August 25th, 2015

ANG suwerte ni Bela Padilla dahil napasama siya sa napakalaking pelikulang “Felix Manalo” bilang leading lady ni Dennis Trillo. Gagampanan ng aktres ang papel ni Honorata, ang asawa ni Ka Felix.

Mukhang ngayon na tuluyang napansin si Bela ma- tapos siyang bumalik sa ABS-CBN dahil nu’ng nasa GMA pa siya ay hindi naman ganu’n kaingay ang pangalan niya pati na ang kanyang mga project.

“Ang daming blessings kaagad, parang ang lahat nga ay mabilis. Right now, ini-enjoy ko muna kung anuman ang nangyayari sa career ko ngayon,” ani Bela.

Dagdag pa ng dalaga, “Parang sinuwerte ako this year, maganda ang takbo ng career ko.

“Honestly, nu’ng nag-umpisa ang taong ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong idea kung saan ako pupunta, basta I just really want to try new things.

“Tapos, nagsimula dito sa movie na ito, ito ang buwena mano ko this year. Nag-start kami mag-shoot ng January, tapos nun, nagkasunud-sunod na. Habang nagsu-shoot kami, nagkaroon na ako ng iba pang projects,” sabi pa ng aktres.

Natanong din si Bela tungkol sa isa pang leading man niya na si Coco Martin sa seryeng Ang Probinsiyano, ano ba ang pagkakaiba nila ni Dennis as partner on screen, “Paano ko ba sasabihin, parang kinabahan ako dun. Si Dennis kasi, parang hindi kami masyadong nag-uusap sa tent, kasi parehas kaming mahababa ang lines.

“Tapos period (movie) nga, 1910, malalalim ang Tagalog. So, imbes na magtsikahan kami, nagme-memorize na lang kami ng lines. Pero pagdating sa set, nagku-connect kami.

“Ako, ibinibigay ko sa kanya ang credit, kasi sobrang galing nga niyang umarte. Thankful ako na nakasama ko siya at nakatrabaho. Meron siyang konek sa mata kaagad kaya nadadala niya ako sa eksena,” paliwanag ng aktres.

Para naman kay Coco, “He knows what he has and what he hasn’t. I don’t see Coco as a mababaw na person, na hindi naman grade school na mali-left out. He’s there as an actor, he’s very down-to-earth, lagi kong sinasabi ‘yan kapag may nagtatanong sa akin.

“Kapag tinatanong ako kung sino ang mga actor na gusto kong makatrabaho, siyempre sinasabi ko ay ‘yung mga top caliber. Siyempre ‘yan si Dennis, si Coco, you would really want to work with the top actors, di ba?

“Iba-iba sila ng ugali, kaya nagulat ako na ganun si Coco. He opens up, he tells you what he wants to achieve, kung saan siya nanggaling,” paglalarawan ni Bela kay Coco.

Sayang nga bossing Ervin at hindi pa namin napanood ang Ang Probinsiyano nu’ng makausap namin si Bela para hingan sana ng reaksyon ang boyfriend niyang si Neil Arce sa napakaraming kissing scene nila ni Coco.

Sa “Felix Manalo” kasi ay dampi lang ang halikan nila ni Dennis dahil nga period movie ito at nangyari ito nu’ng ikasal sila at higit sa lahat, hindi naman uso noon ang laplapan.

Samantala, natanong si Bela kung ano ang selling point ng pelikulang “Felix Manalo” na idinirek ni Joel Lamangan, “Nu’ng una, hindi ako aware sa life story nila (Ka Felix), parang initially isipin ng mga tao na this movie, ‘yung market niya is for INC members lang.

“For me, siguro dapat panoorin ng mga tao kasi hindi naman siya religion based movie, it’s an inspiring movie person who believe on something na ipinaglaban niya and feeling ko, ‘yun ‘yung kaila- ngan ng tao.

“Kailangan natin ng role model, personally hindi ako Iglesia Ni Cristo member, pero masasabi ko ngayon na na-inspire ako nina Ka Felix at Ka Ata (Honorata) kasi ang dami nilang pinagdaanan, parang isinakripisyo nila ‘yung comfortable life nila mga bagay na mayroon sila para mag risk to form a new religion, to tell people the good news, very ano inspiring,” pahayag ng aktres.

Mapapanood ang “Felix Manalo” sa Okt. 7 nationwide at meron din itong premiere night sa Okt. 4 na gaganapin sa Philippine Sports Arena sa Bulacan. Bukod pa ito sa nakatakdang international screening sa anim na kontinente sa buong mundo.

http://bandera.inquirer.net/100834/bela-sinuwerte-nang-lumayas-sa-gma-tinuhog-sina-coco-at-dennis

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #156 on: August 27, 2015, 09:53:05 PM »

Ang Probinsyano showpage: http://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/angprobinsyano/main
FPJ's: Ang Probinsyano Teaser: Soon on ABS-CBN! https://youtu.be/STTJznobUH4
Ang Probinsyano Teaser: Coco Martin is back! https://youtu.be/pYahllNHnFk

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #157 on: August 29, 2015, 10:35:22 AM »
Coco, ibang klaseng humugot ng emosyon
Posted by: Dominic Rea  on August 28, 2015

SUPORTADO ng naglalakihang celebrities ang katatapos lang na Celebrity Screening ng inaabangang pagbabalik serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsi yano na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma.

Isang pagtitipon na nataon naman sa mismong kaarawan ni Da King Fernando Poe Jr..

Present lahat ng cast at production involved sa serye ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal. So happy being invited dahil nakita ko na naman ang pinakamamahal naming si Coco.

Sa aming panonood para sa isang linggong episode ng serye, wala ka naman talagang masasabi sa acting ni Coco. Riyan kami bilib sa aktor na ito. Kahit anong ipagawa mong role sa kanya, maliit man ‘yan o malaki, papalakpakan mo talaga ang kanyang galing. Ibang klaseng humugot ng emosyon si Coco. Pakiramdam mo, siya na talaga ‘yung karakter na ginagampanan niya. ‘Yung pagkilos ng kanyang mukha, kilay, mata, bibig pati ang paggawa ng kanyang ilong kapag galit siya, wala kang maipintas sa aktor na ito.

Ang nakatutuwa pa kay Coco, siya ‘yung artistang kahit saan mo makita, siguro kahit magkasalubong kayo sa palengke, lalapit siya sa iyo at bebeso at may paggalang!

Simple lang naman ang dating ng acting ni Coco rito saAng Probinsiyano, pero ang bigat ng hugot at ipararamdam niya sa iyo ang bawat eksena!

Si Coco Martin naman talaga ang pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon ngayon. Sobra. No wonder why, marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Mahal niya ang kanyang pamilya. Mahal na mahal niya ang kanyang propesyon at marunong kumilala ng mga taong tumutulong sa kanya that’s why sobrang blessed siya!
 
REALITY BITES – Dominc Rea

http://www.hatawtabloid.com/2015/08/28/coco-ibang-klaseng-humugot-ng-emosyon/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #158 on: August 29, 2015, 10:43:12 AM »
Dismayado sa ilang politikong ikinampanya
Coco: Mas magiging mahigpit ako, kasi nakakapagod, nakakasawa na!
Ang Probinsiyano ni Coco walang konek sa pagtakbo ni Grace Poe
By Reggee Bonoan
Bandera
2:00 am | Saturday, August 29th, 2015

NILINAW ni Coco Martin na walang political agenda ang pagtanggap niya sa seryeng Ang Probinsiyano na unang ginawa noon ni a King Fernado Poe, Jr. na mapapanood na ngayong Setyembre.

Ayon kay Coco, nag-usap sila ng mga bossing ng ABS-CBN at ng maybahay ni FPJ na si Ms. Susan Roces na walang kinalaman sa pulitika ang project lalo na ngayong mainit na pinag-uusapan ang posibleng pagtakbo ni Sen. Grace Poe sa 2016.

Hindi naman kaila na maraming tinulungan ang aktor na pulitiko noong 2010 elections na nasa pwesto na ngayon. Ang tanda ng lahat ay sina Presidente Noynoy Aquino at Sen. Sonny Angara ang hayagang ikinampanya ng aktor.

Kaya natanong kung may mga lumalapit na sa kanya ngayon pa lang para iendorso niya – hindi naman ito itinanggi ni Coco.

“Honestly po, mayroon, pero para po sa akin kasi, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito. Sabi ko nga, napagod na rin ako, nagsawa na rin ako.

“Kumbaga, parang lahat naman tayo naghahanap na rin ng pagbabago, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na sa ating mga magi- ging anak, sa ating pamilya at sa lipunan,” ani Coco.

Nagulat nga ang entertainment press na dumalo sa solo presscon ni Coco para sa Ang Probinsiyano dahil naging prangka ang aktor sa mga nilalaman ng dibdib niya at kung ano ang gusto niyang mangyari sa 2016 elections, “Napakaimportante po ng pagkakataong ito, kung saka-sakali, sa election next year.

“Kasi ito lang yung pagkakataon na mahahawakan ko ang sarili kong pananaw, pagkakaintindi o pagkatao. Kasi, after that, kapag naboto ko na sila, wala na.

Kumbaga, sila na naman ang maghahari, gagawin na naman nila kung ano ang gusto nilang mangyari, di ba? “Ngayon mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko.

Kasi nakakapagod, nakakasawa. Parang may mga tao kang tinulungan, tapos magugulat ka na ganu’n pala yung nangyari. Ayaw ko nang maulit ‘yon,” mariing pahayag ng aktor.

Inamin din ng Teleserye King na may natulungan daw siyang hindi niya nagustuhan ang pamamalakad ngayon, “Oo, mayroong iba,” pag-amin niya. “Siguro sa pagkakataong ito, mas magi- ging mahigpit ka na.

Kasi, kapag alam kong nangangaila- ngan ng tulong, talagang sinusuportahan ko. “Pero may mga tinulu- ngan ako na talagang proud ako, like si Sen. Angara. Sobrang proud na proud ako,” say ni Coco.

At bago raw niya ikampanya o tulungan ang isang kandidato, “Unang-una, siyempre hindi naman sapat na pangako lang. Alam naman natin yung credibility ng bawat tao, alam mo naman ‘yung bawat hangarin.

Kumbaga, bilang tao, alam naman natin kung sino ang dapat. “Kung ako ang tatanu- ngin, isa lang ang sasabihin ko, gusto ko lang ng pagbabago. Kumbaga sa kanser, kahit maglagay ka ng bago, pero ganun pa rin ang sistema nila, kakainin lang ‘yan.

“Kung maaari, gusto ko nga lahat bago (walang trapo) para magkaroon tayo ng bagong lipunan. Kung dadagdagan lang din natin ‘yan, uulit lang tayo nang uulit sa mga taong ilalagay natin sa posi- syon, walang mangyayari, ganu’n pa rin. Sino ba ang mahihirapan? Tayo pa rin,” sabi pa ng aktor.

At dito na nga naipasok ng aktor ang isa sa ikinasasama ng loob niya sa gobyerno, “Honestly, may realization nga po ako, e. Parang bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon?

“Kung tutuusin, tayo ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila. Sana, kung magkaroon ng pagkakataon, sana baguhin lahat.

“Sana, kung maaari, sana baguhin lahat, sana bata lahat para magkaroon ng pagbabago,” diretsong sabi ng binata. Pero kinlaro ni Coco na wala siyang planong pasukin ang pulitika in case na alukin siya.

“Sa ngayon, wala po akong naiisip na ganu’n. Kasi, para sa akin, masaya po ako sa kung nasaan ako ngayon at kung anuman ang ginagalawan kong mundo, sa aking trabaho po.

“Sa akin pong pagkakaalam, marami ring tao ang nasira dahil diyan sa magulong mundo na ‘yan. Iba-iba siguro ang destiny ng mga tao.

“Siguro, may mga tao talagang inilaan para sa ganung aspeto ng buhay. Ako siguro, kung ano ako ngayon, ito ang ibinigay sa akin ng Diyos.

“At sa ganitong paraan ko, bilang artista, ginagamit ko rin ito para makatulong ako sa kapwa.
“Siguro sa pag-arte ko, kahit papaano, nagagawa ko ang part ko dahil napapasaya ko ang mga manonood. Nakakapagbigay ako ng encouragement.

“Sa bawat role na ginagampanan ko, alam niyo yung nakakapagbigay ako ng magandang ehemplo para gayahin nila ako sa bawat karakter na ginagawa ko,” sabi ni Coco.

Samantala, bukod kay Ms. Susan Roces na gaganap na lola ni Coco sa Ang Probinsiyano, makakasama rin sa napakalaking proyektong ito ng Dreamscape Entertainment sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at marami pang iba, sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

http://bandera.inquirer.net/101223/coco-mas-magiging-mahigpit-ako-kasi-nakakapagod-nakakasawa-na

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #159 on: August 29, 2015, 10:50:28 AM »
THE SOURCE: ‘Probinsyano’ ni Coco, ‘di gagamitin ni Grace!
By Jojo Gabinete

Pinabulaanan ni Coco Martin sa presscon ng Ang Probinsyano ang mga maling haka-haka na may kinalaman sa pagkandidato ni Senator Grace Poe sa susunod na taon ang television remake ng 1997 blockbuster movie ni Fernando Poe, Jr. na pinagbibidahan niya at mapapanood sa ABS-CBN sa susunod na buwan.

“Maaaring nagka­taon lang na nagkaroon kami ng proyekto sa nalalapit na halalan pero sabi ko nga, para iendorso na sinasabi ninyo po, hindi pa po kasi napakaaga pa po para magsalita ng mga bagay na ‘yan.

“Sabi ko nga po, kahit naman po si Ate Grace, hindi pa po siya nagde-declare o hindi pa siya nagsasabi kung tatakbo siya o hindi.

“Definitely, bago po namin gawin itong proyekto, nag-usap-usap din po kami nina Tita Susan and then, ng lahat ng mga boss sa ABS-CBN na kina­klaro namin na parang walang political agenda kung anuman ‘yung proyekto.

“Nagkataon lang po talaga na ngayon sisi­mulan ‘yung project and then, next year ‘yung campaign,” ang paliwanag ni Coco na nilinaw rin na hindi paraan ng endorsement niya sa kandidatura ni Senator Grace ang television version ng Ang Probinsyano.

Kamatayan ni FPJ, hinding-hindi malilimutan ni Coco!

Nanghihinayang si Coco dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala nang personal ang King of Philippine Movies noong nabubuhay pa ito.

Hinding-hindi malilimutan ni Coco na unang araw ng shooting niya para sa indie movie na Masahista nang pumanaw si FPJ noong December 14, 2004.

“Nu’ng namatay po si FPJ, ‘yun ‘yung kauna-unahan, first shooting day ko ng first movie ko na Masahista kasi natatandaan ko nu’ng in-announce siya.

“Siyempre `di ba, nagkagulo ang buong Pilipinas tapos first day (shooting) ko, nasa Pampanga ako, nagsu-shooting kaya sabi ko nga po, nanghihinayang ako sa buhay ko na hindi kami nag-abot.

“Si Tito Eddie Garcia, lagi kaming nagkukuwentuhan. Sabi ko sayang si FPJ, sana inabutan ko siya at nakapag-usap kami.

“Napakarami ko sigurong natutunan sa kanya, hindi lang sa trabaho kundi pati sa buhay.”

Hindi man niya nakilala nang personal si FPJ, memoryado ni Coco ang mga pamagat ng pelikula ng pumanaw na aktor dahil tagahanga nito ang kanyang lola.

“Bata pa lang po ako, lagi akong nanonood ng mga pelikulang Tagalog . Ang lola ko po, sobrang idol si FPJ. Halos lahat yata ng pelikula ni FPJ, napanood ko,” ang nakangiti na pagtatapat ni Coco.

Idea ni Charo…

Idea ni ABS-CBN President Charo Santos Concio na mag-produce ng isang teleserye na magbibigay ng tribute sa mga pulis at dito nabuo

ang plano na magkaroon ng television remake ang pelikula ni FPJ.

“Dumating ‘yung pagkakataon na nag-usap kami ni Ma’am Charo. Sabi niya, ‘Sana ‘yung susunod na soap opera, mag-tribute tayo para sa kapulisan.

“`Yun po talaga ang project na gusto niyang gawin tapos nu’ng pinag-uusapan po namin, ano ang magandang kuwento na maibabahagi natin sa manonood para makapagbigay ng tribute para sa mga pulis’, naisip ko po na bakit hindi natin gawin ‘yung isa sa mga pelikula ni FPJ na Ang Probinsyano?’

“Natatandaan ko noong bata ako, napanood ko siya. Hindi ko siya malimutan siguro dahil na-entertain ako d’un sa idea na kambal siya tapos medyo kakaiba nang konti sa mga pelikula na ginawa ni FPJ.

“Pinanood namin, pinag-usapan, nakita namin ‘yung potensyal na puwede siyang gawing soap opera,” ang kuwento ni Coco sa pagkakaroon ng katuparan ng television remake ng Ang Probinsyano.

Mahirap maging asawa si FPJ…

Hindi man niya nakilala nang personal si FPJ, bilib na bilib si Coco sa King of Philippine Movies dahil sa mga kuwento na narinig niya mula sa mga tao na bahagi ng buhay ng legendary actor.

“Para sa akin si FPJ, bilang isang manonood, hinahangaan ko siya sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya pero ako bilang isang tao at bilang sa pagkakakilala ko sa kanya, siguro naman po alam nating lahat kung paano siya sa kanyang mga katrabaho, sa kanyang kapwa, kung paano niya tinutulu­ngan ‘yung mga tao sa kanyang mga nasasakupan o sa kanyang mga nakikita.

“Siya po ‘yung klase ng tao na parang tumutulong siya pero hindi niya kailangan ipagsabi, ipagyabang o i-announce. Sa ganoong bahagi po ng pagkatao niya, sobra akong bumibilib.

“Nakikita ko ‘yung sinseridad ng tao. Kung may isang bagay ka na gagawin, hindi mo na kailangang ipangalandakan.

“Actually, may mga kuwento po ako na nari­nig lalo na kay Tita Anita Linda. Ikinukuwento niya sa akin, nagkatrabaho kami sa indie, sabi niya, ‘Alam mo dumating ‘yung time, hindi ako gaanong gumagawa ng pelikula noon.’

“Dahil gusto niyang (Anita) manood sa TV, isang araw, nagulat siya pinadalhan siya ng TV ni FPJ.

“Tapos may mga tao, hindi mo kailangan na lumapit sa kanya. May mga tao na katrabaho niya na alam niyang may sakit o kailangan ng tulong.

“Sabi ni Tita Susan, ang hirap maging asawa ni FPJ. Bakit? ‘Napakarami mong kahati sa kanya’ kasi sabi niya, siya open para sa lahat, eh.

“Naku dapat hindi ako nagsasabi nito, parang mali yata ako nagkukuwento pero sabi ni Tita Susan, ganoong tao si FPJ na parang gagawin ang lahat sa abot ng kanyang makakaya kung anuman ang maibibigay niya at maitutulong niya sa kanyang katrabaho o lipunan, gagawin at gagawin niya,” ang natatawa na pahayag ni Coco nang ma-realize nito na naging generous siya sa pagkukuwento sa entertainment press tungkol sa mga pag-uusap nila ni Susan na co-star niya sa Ang Probinsyano.

http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/33625/the-source-probinsyano-ni-coco-di-gagamitin-ni-grace-.html

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #160 on: August 29, 2015, 11:07:27 AM »
SEEN: Kinilig at napahalakhak si Coco Martin sa presscon ng Ang Probinsyano nang punahin ng mga reporter na kambal ang role niya sa kanyang bagong teleserye at kambal din ang papel ni Julia Montes sa Doble Kara.

SCENE: Si Fernando Poe, Jr. ang itinuturing ni Coco Martin na superhero ng buhay nito. Dream role ni Coco ang Panday character na pinasikat ni FPJ.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/08/29/1493482/nagpalipas-ng-sakit-robin-mariel-nasa-abroad-na-naman-matapos

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #161 on: August 30, 2015, 09:37:38 AM »
Coco kay Fpj: Sa akin para siyang si Jose Rizal, isang bayani at Superhero!
Sey ni Susan: Mahirap maging asawa ni FPJ!
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Sunday, August 30th, 2015

“PARA sa akin, para siyang si Jose Rizal!” Ito ang proud na proud na sabi ng Teleserye King na si Coco Martin patungkol sa King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

Bayani o superhero ang tingin n Coco kay FPJ dahil sa mga iniwan nitong magagandang alaala sa ating mga Pinoy hindi lamang bilang isang alagad ng sining kundi bilang isang mapagmahal at matulunging tao.

Sa solo presscon na ibinigay ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kay Coco para sa pagbibida niya sa TV remake ng classic film ni FPJ na Ang Probinsiyano, sinabi ng award-winning actor na nanghihinayang siya na hindi sila nagkakilala ni Da King.

Pero nagpapasalamat naman siya dahil naging close naman sila ng asawa nitong si Ms. Susan Roces na gumaganap na lola niya sa Ang Probinsiyano.

“Sa akin po kasi, si FPJ, bilang isang manonood, hinahangaan ko siya sa lahat ng mga character na ginampanan niya. Pero ako, bilang isang tao at bilang sa pagkakakilala ko sa kanya, siguro naman po alam nating lahat kung paano siya sa kanyang mga katrabaho, sa kanyang kapwa, kung paano niya tinutulungan ‘yung mga tao.

“Siya po kasi ‘yung klase ng tao na tumutulong siya pero hindi niya po kailangang pang ipagsabi, ipagyabang o i-announce. Sa ganu’ng bahagi po ng pagkatao niya, sobra po akong bumibilib bilang isang tao,” mahabang kuwento ng aktor.

May isang kuwentong hindi nakakalimutan ni Coco tungkol kay FPJ na ibinahagi naman sa kanya ng veteran actress na si Anita Linda, “Actually, may mga kuwento po ako noon, lalo na po kay Tita Anita.

“Kinukuwento niya sa akin noong nagkatrabaho kami sa indie, sabi niyang ganun, ‘Alam mo, dumating yung time na parang hindi ako gaanong gumagawa ng pelikula noon.’

“Tapos, parang inano ni FPJ noon na dahil gusto niyang (Anita) manood ng TV, isang araw, nagulat siya, biglang pinadalhan siya ng TV. Hindi mo kailangang lumapit sa kanya, e.

“May mga tao na nakatrabaho niya na alam niyang may sakit, na kailangan ng tulong. Sabi ni Tita Susan, ang hirap maging asawa ni FPJ… bakit, napakarami mong kahati sa kanya.

Kasi sabi nga, siya open para sa lahat, e. “Ganu’ng tao si FPJ na gagawin niyang lahat sa abot ng kanyang makakaya, kung anuman yung maitutulong niya o maibibigay sa kanyang kapwa o sa kanyang katrabaho, talagang gagawin at gagawin niya.

“Kaya sabi ko nga po, ako bilang isang tao, iyon ang isa sa mga hinangaan ko sa kanya. Hindi lang sa pagiging magaling na artista kundi sa pagiging totoong tao na nagmamahal sa kanyang kapwa,” aniya pa.

Tulad ni FPJ, marami ring natutulungan si Coco, paano kaya niya mahihikayat ang ibang tao, lalo na ang mga kapwa niya artista na tumulong din sa mga nangangailangan? “Kasi ako, honestly po, sinasabi ko nga kung anuman po ang mayroon ako ngayon, sa akin po sobra-sobrang blessing po ‘yung dumating sa buhay ko, sabi ko nga, hindi na ito ‘yung buhay na pinangarap ko, e.

“Gusto ko kasi ‘yung buhay na simple lang na magagampanan ko ‘yung bilang kuya o bilang padre de pamilya sa aking kapamilya.

“Pero sabi ko, sana‘ ’yung mga tao na kagaya ko, na kahit paano sinuwerte sa buhay, ‘yung makapag-share man lang doon sa mga taong nasa paligid niya.

“Una sa pamilya, pangalawa sa paligid niya, sa lipunang ginagalawan niya. Kasi ako, honestly, yung way ng pagtulong ko, hindi ako yung nagbibigay ng materyal na bagay para lang sabihin na nakatulong ako.
“Ang gusto ko kasi, kung maaari, yung mga taong nasa paligid ko, yung mga taong gusto kong tulungan, maging kagaya ko.

“Ang gusto kong ibigay sa kanila, oportunidad, opportunity para mabuhay din nang tama, opportunity para kumita, kumbaga para kumilos.

“Ang pagtulong kasi sa akin, hindi materyal na bagay, e, ‘yung oportunidad. Kagaya ng mga taong tumulong sa akin noong nagsisimula ako. Wala akong natatandaan na may taong tumulong sa akin para bigyan ako ng pera.

Pero may mga taong tumulong sa akin para magturo kung paano tumayo at matuto sa buhay,” tugon ng aktor. Kilala rin si FPJ na isang mapagmahal na asawa kay Ms. Susan, siya ba malapit na ring maging mapagmahal na mister? “Honestly, magti-34 na po ako.

Pero marami pa kasi akong gustong mangyari sa buhay ko, hindi dahil para gusto kong kumita pa nang mas malaki, kundi para gusto ko pa sanang mas maging settled ‘yung family ko. Gusto ko pa sanang mas maging maayos.

“Kasi lagi nilang sinasabi sa akin na parang, ‘Thirty-three ka na, o kailan ka mag-aasawa? Tapos pag medyo binata na ‘yung anak mo, lolo ka na, paano mo siya mae-enjoy?’ Ang katwiran ko naman, mas mae-enjoy ko nga siya kung ngayon nagtatrabaho akong mabuti, nagsusumikap ako, para balang-araw, puwede na akong mag-relax, mas marami na yung oras ko para sa pamilya ko.”

Samantala, gagampanan ni Coco sa Ang Probinsyano ang mga karakter na ginampanan ni FPJ sa movie version na sina Ador at Cardo, ang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis.

Mula sa Dreamscape Entertainment at FPJ Productions, ipakikita ng serye ang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas. Kasama rin dito sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at Susan Roces. Ito’y sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco at mapapanood na ngayong Setyembre sa ABS-CBN Primetime Bida.

http://bandera.inquirer.net/101352/coco-kay-fpj-sa-akin-para-siyang-si-jose-rizal-isang-bayani-at-superhero

chui122513

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #162 on: September 01, 2015, 09:19:54 AM »
UPDATE:
Tubig at Langis/And I Love You So will possibly replace Nasaan Ka Nang Kailangan Kita by November or January next year. (Walang Iwanan is on hold. There's also a chance that AILYS will be on pre-primetime)
Be My Lady of Danrich might replace Ningning.
You're My Home (Will Never Say Goodbye) has also two possible timeslots; Pasion de Amor or On The Wings Of Love. Kung mamadaliin ang ere this quarter, pre-primetime ito papasok. Kung hindi naman, opening salvo next year para sa 3rd slot on Primetime.
FPJ's Ang Probinsyano is set to replace Nathaniel this September. After its run, Written In Our Stars will take place the after-TV Patrol timeslot because of its light genre.
Pangako Sa'yo is still on its rising action when it comes to its dramatic structure. KimXi's The Story Of Us (shot in New York and Palawan) will replace PSY maybe around Feb or March. After TSOU, Lizquen serye will follow.
Someone to Watch Over Me of Judy Ann Santos will be on Primetime Bida first half of next year.
There's also a teleserye for Claudine Barretto, Iza Calzado, possible comeback project of Kristine Hermosa, Janella Salvador, reunion serye of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, a sequel of a well-loved series and three possible remakes for next year's line-up.

c/o:
ABS-CBN UPCOMING SHOW- Updated Account

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #163 on: September 01, 2015, 09:28:15 AM »
UPDATE:
Tubig at Langis/And I Love You So will possibly replace Nasaan Ka Nang Kailangan Kita by November or January next year. (Walang Iwanan is on hold. There's also a chance that AILYS will be on pre-primetime)
Be My Lady of Danrich might replace Ningning.
You're My Home (Will Never Say Goodbye) has also two possible timeslots; Pasion de Amor or On The Wings Of Love. Kung mamadaliin ang ere this quarter, pre-primetime ito papasok. Kung hindi naman, opening salvo next year para sa 3rd slot on Primetime.
FPJ's Ang Probinsyano is set to replace Nathaniel this September. After its run, Written In Our Stars will take place the after-TV Patrol timeslot because of its light genre.
Pangako Sa'yo is still on its rising action when it comes to its dramatic structure. KimXi's The Story Of Us (shot in New York and Palawan) will replace PSY maybe around Feb or March. After TSOU, Lizquen serye will follow.
Someone to Watch Over Me of Judy Ann Santos will be on Primetime Bida first half of next year.
There's also a teleserye for Claudine Barretto, Iza Calzado, possible comeback project of Kristine Hermosa, Janella Salvador, reunion serye of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, a sequel of a well-loved series and three possible remakes for next year's line-up.

c/o:
ABS-CBN UPCOMING SHOW- Updated Account
Written In Our Stars after TVP?. Eh di ba Ang Probinsyano is posibleng maging replacement ng Nathaniel/after TVP? Since yung mga Coco Martin Teleseryes eh napupunta sa either 1st or 2nd slot ng Primetime Bida?

hanashima

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2444
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #164 on: September 01, 2015, 09:52:35 AM »
UPDATE:
Tubig at Langis/And I Love You So will possibly replace Nasaan Ka Nang Kailangan Kita by November or January next year. (Walang Iwanan is on hold. There's also a chance that AILYS will be on pre-primetime)
Be My Lady of Danrich might replace Ningning.
You're My Home (Will Never Say Goodbye) has also two possible timeslots; Pasion de Amor or On The Wings Of Love. Kung mamadaliin ang ere this quarter, pre-primetime ito papasok. Kung hindi naman, opening salvo next year para sa 3rd slot on Primetime.
FPJ's Ang Probinsyano is set to replace Nathaniel this September. After its run, Written In Our Stars will take place the after-TV Patrol timeslot because of its light genre.
Pangako Sa'yo is still on its rising action when it comes to its dramatic structure. KimXi's The Story Of Us (shot in New York and Palawan) will replace PSY maybe around Feb or March. After TSOU, Lizquen serye will follow.
Someone to Watch Over Me of Judy Ann Santos will be on Primetime Bida first half of next year.
There's also a teleserye for Claudine Barretto, Iza Calzado, possible comeback project of Kristine Hermosa, Janella Salvador, reunion serye of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, a sequel of a well-loved series and three possible remakes for next year's line-up.

c/o:
ABS-CBN UPCOMING SHOW- Updated Account
Written In Our Stars after TVP?. Eh di ba Ang Probinsyano is posibleng maging replacement ng Nathaniel/after TVP? Since yung mga Coco Martin Teleseryes eh napupunta sa either 1st or 2nd slot ng Primetime Bida?

I think pag natapos ang FPJ is Written In The Stars naman.