Bela Padilla alagang-alaga ni Coco!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 14, 2015 - 12:00am
Si Bela Padilla ang bagong katambal ni Coco Martin para sa teleseryeng Ang Probinsyano. Natupad na raw ang pangarap ng bagong Kapamilya star na makasama si Coco sa isang proyekto.
“Gentleman siya at maalaga sa set. Dati noong wala pa ako sa ABS-CBN, lagi kong sinasabi na sana makatrabaho ko si Coco pero ngayon eto na. Kasama ko na siya sa isang serye na maipagmamalaki namin,” nakangiting bungad ni Bela.Katatapos pa lamang din ng dalaga sa shooting para sa epic movie na Ang Sugo. Base ito sa buhay at kasaysayan ng Iglesia ni Cristo sa bansa. Humaharap ngayon sa kontrobersya ang Iglesia ni Cristo pero ayon kay Bela ay hindi naman daw ito nakaapekto sa takbo ng kanilang bagong pelikula.
“Natapos na kami ng shooting. Wala namang aberya na nangyari at tuloy-tuloy kami and kung ano man ang mga issues, hindi naapektuhan noon ang pagbubuo namin ng pelikula,” pagbabahagi ng aktres.
Samantala, excited na raw si Bela sa pagkakaroon ng bagong pinsan dahil sa ipinagbubuntis ngayon ng tiyahing si Mariel Rodriguez. Posibleng triplets diumano ang magiging anak ng aktres at Robin Padilla.
http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/08/14/1487904/bela-padilla-alagang-alaga-ni-coco