PAISTARAN: Bela P., matagal nang ‘PANTASYA’ si Coco!
Dream come true para kay Bela Padilla, na si Coco Martin, ang agad-agad niyang makakatrabaho, sa first project niya bilang Kapamilya, matapos niyang lisanin ang GMA 7.
Sabi ni Bela, dati raw ay iniisip o pinapantasya lang niya, na sana ay si Coco ang makatrabaho niya, at ngayon nga, heto at naka-check na agad ‘yon sa mga wini-wish niya.
“I’m so overwhelmed, hindi ko na-imagine na ang role ko is ganito ka-big, na leading lady agad ni Coco,” sabi ni Bela, na gaganap nga bilang misis ni Coco sa teleserye na Ang Probinsiyano.
Teka, paano ba naganap ang paglipat niya sa ABS-CBN? Hindi nga katulad ng ibang galing sa Kapuso, na maingay na maingay ang paglipat, sa kaso ni Bela, bigla na lang siyang nakita sa presscon ng Kapamilya para sa Ang Probinsiyano.
“Ang manager ko naman ang kumausap sa kanila. Ang Viva ang kumausap sa ABS-CBN.
“At nagpaalam din naman ako ng maayos sa GMA. Alam naman nila na dito na rin talaga ang punta ko.”
Wala bang counter offer ang GMA nu’ng nagpaalam siya?
“Meron silang counter offer. Pero, as an actor, parang I was looking na of something else to do, eh. Not that I was bored, pero parang medyo nauulit na lang ‘yung mga ginagawa ko dati.
“And also, I’m 24 na rin, parang I’m getting old na, na I have to look out for myself na, kaya I’m thinking na rin kung gaano ba katagal ko gustong mag-stay sa showbiz at kailangan ko na rin i-protect ang career ko.
“Right now, I feel na this is the right thing for me. I’m not saying na this is the perfect path, pero for me, it is…
“Pero, ‘yun na nga, nagpaalam talaga ako ng maayos sa GMA. Actually nu’ng unang may offer sa akin ang ABS, hindi pa tapos ang contract ko sa GMA. So, I had one year left. I honoured my contract.
“Nag-stay ako sa kanila ng one more year. And alam nga nila na lilipat din talaga ako sa ABS.
“Alam ko rin na medyo hindi ako mabibigyan ng soap last year. So, I took that consequence. And they’re very gracious naman sa akin, I say goodbye properly to them.
“My managers too talked to them, na para lang masigurado na walang trouble. Hindi rin ako nag-ingay, na I noticed kasi ‘yung iba, parang ganu’n ang nangyari na medyo maingay.
“They did, a counter offer nga. Pero, right now, my offer here talaga is better. Parang mas okey ang magiging position ko dito.”
Paano niya nasabing mas better ang offer ng ABS kesa GMA?
“Ah, show with Coco talaga. Siyempre, nu’ng naisip ko na lilipat na ako ng ABS, nu’ng palipat na ako, lagi kong binibiro na paano kaya kung ang unang show ko ay kasama ko si Coco? Parang for an actor, that’s the highest you can get, especially for my age. So, for me to finally get it, parang wow, ang bilis nangyari.
“I didn’t know na magiging ganito kabilis. Parang they trust me right away, na hindi na nila hinintay na may kailangan akong gawin. Na may kailangan akong i-prove sa kanila,” sey pa ni Bela.
Sa sobrang pag-iidolo raw ni Bela kay Coco, napanood daw niya ang Ikaw Lamang, mula simula hanggang wakas. At napanood din daw niya ang movie nina Coco at Toni Gonzaga.
“Ang cute, nakakakilig sila. Pero, sa teleserye pa lang na Ikaw Lamang, pinapanood ko na siya. And noon pa, alam ko na agad na siya ang gusto kong makatrabaho sa ABS.
“Marami akong gustong makatrabaho rito pero big deal talaga na si Coco ang nakasama ko agad sa trabaho ko rito,” sey na lang ni Bela.
http://www.abante.com.ph/ent/paistaran/28340/paistaran-bela-p-matagal-nang-pantasya-si-coco.html